Chapter 2

1513 Words
Makalipas ang labing tatlong taon ay napagsabay nilang ipinalaki ng tama at puno ng pagaalaga at pagmamahal ang dalawa, ang anak nilang si Elise at ang ampon naman nilang si Ednel. Mas umusbong at tumibay pa lalo ang samahan ng binuo nilang pamilya, lalo na’t naging magkalapit na parang totoong magkapatid sina Neil at Elise. Lumaki din ang dalawa sa marangyang buhay matapos maging ganap na business man at semi-millionaire si Bong dahil sa kanyang Furniture Business. Pinapanood ni Neil sa malayo si Elise. Nakatutuwa dahil ang bilis ng panahon. Dati-rati, siya ang nagpapaligo sa kapatid. Siya rin ang nagsusuot sa kaniya ng damit, sinusubuan kumain at nagpupulbo't pinupunasan ang likod, nagsusuot ng medyas at nag-aayos ng liston sa sapatos. Naalala niya pa noong ibinalita ni Mama Patricia niya na magkakaroon na siya ng kapatid na babae. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa tuwa. "Uy, Kuya!" panggugulat sa kanya ni Elise at pilit dinidikit sa kanya ang tinidor. Hindi niya alam bakit may phobia siya sa tinidor. Tuwing makakikita siya ng tinidor ay naaalala niya ang pangalang Roxas na tila may nag-fa-flashback sa kanyang isipan na ginagawan ng masama ang isang babae. Hindi naman siya nanonood ng ganoong eksena. Eighteen na siya ngayon at thirteen naman si Elise. Kaso parang little sister pa rin ang turing niya sa kapatid—tipong sarap kurutin ang pisngi nito na pinanggigilan niya. "Uy! Tama na 'yan at kain na kayo! Ma-le-late na kayo! Tingnan n'yo na ang oras, o! Seven na! Baka 'di n'yo abutan ang flag ceremony!" sigaw ng ina nila. Lahat naman sila ay umupo sa hapag-kainan. Nang isusubo na niya ang pagkain ay nagsalita ang kapatid. "Oops! 'Wag muna! Dasal muna tayo!" suhestiyon ni Elise. Natawa na lang si Neil at ginulo ang buhok nito. "Sige na nga, bunso!" sabi niya at dahan-dahan silang pumikit at nagdasal. Pagkatapos nilang magpasalamat sa Diyos ay bigla na naman silang nag-unahan ni Elise na kunin ang hita ng manok. "Ano ba, Kuya? Akin 'yan!" "Hindi! Ako nauna d'yan!" "Ako nga sabi nauna. 'Di pa tapos magdasal tinitingnan ko na 'yan, eh!" sigaw ni Elise sabay bumelat. "Kaya nga bawal sa 'yo dahil hindi ka focused sa pagdadasal mo, bunso, kaya akin na ang hita ng manok!" sigaw niya. "Ano ba mga anak?" singit ni Patricia habang natatawa na lang ang ama nila. "Ako naman talaga ang nauna d'yan sa hita ng manok, Mama, eh! Grr!" gigil na pangumbinse ni Elise. "Dahil pareho namin kayong mahal at wala kaming kinakampihan sa inyo, may magpaparaya ba?" Hindi na lang siya umimik. Nagmatigas din si Elise sabay tinitingnan siya nang masama. "Isa... dalawa..." sunod na sabi ni Bong. Tumingin sa kanya si Elise nang matalim. "Tatlo! Okay! Dahil walang nagpaubaya, akin na lang itong hita ng manok!" sigaw na pang-iinis ni Bong habang nakangisi. Sabay naman silang nanghinayang ni Elise at ibinigay sa kanila ng ina ang isang itlog na sunny sideup. "Alam n'yo, dapat ang magkakapatid nagpapaubaya. Tinuturuan na namin kayo nang mas maaga para mas lalo kayo maging handa. 'Wag 'yong maging makasarili. Paano na lang kung dumating ang araw na hahatiin na namin sa inyo ang mana?" paliwanag ng ina. 'Di niya naman maikakaila. Gusto niya lang kasi inisin si Elise kaya hindi siya bumigay at akala niya ay bibigay rin ito at ibibigay ang hita ng manok pero malaki na talaga ang kapatid. Hindi na yata ito 'yong Elise na madaling uto-utuin na batang pabebeng babaeng kapatid niya. Habang kumakain sila, biglang inilagay ni Elise sa plato niya ang puting parte ng itlog. "Kuya! Akin na ang pulang itlog ng sa 'yo!" sabi ng babae. Napangiti na lang si Neil dahil may pagkaisip bata pa rin ang kapatid. 'Yon kasi gawain nila. Sabay silang lumaki na may palatandaan sa isa't isa. Si Neil, hindi niya kinakain ang pulang itlog at 'yong puti lang ang trip niya sa sunny sideup na kakainin niya. Kabaliktaran naman kay Elise kaya lagi silang nag-te-trade ng mga ayaw nila sa itlog. "Neil! 'Kaw na bahala maghugas ng plato! Punta na ako sa trabaho. Tulungan mo Mama maglinis ng bahay." "Opo, Papa!" Agad siyang sumunod. Pagkatapos niyang maghugas ng plato at magwalis ay umakyat na siya sa hagdanan para pasukin na ang kuwarto ni Elise dahil plano niya ay susuklayin ang buhok nito gaya ng lagi niyang ginagawa sa kapatid noong bata pa. Kinatok niya ang pintuan nito. "Bunso! And'yan ka?" "Wait lang! 'Wag mo muna buksan, Kuya!" sagot nito. "Bakit? May tinatago ka, 'noh? Ano 'yon?" "Basta 'wag mo buksan!" sigaw ulit ni Elise na parang umiiyak. Natawa siya at nang bigla niyang binuksan at sinugod ay napasigaw ang kapatid nang sobra at napatakip ng hawak-hawak na tuwalya! Sa sobrang lakas ng pagtili nito ay inabutan sila ni Patricia na nag-aalangan. Naratnan niya si Elise na sigaw nang sigaw na nagdugo ang binti sa sobrang pagsigaw habang napasigaw rin siya sa nakitang dugo. Agad pinatahan ni Patricia ang umiiyak na bunso sabay sinabihan ang binata, "Neil, doon ka muna sa kuwarto mo. May pag-uusapan kami ng kapatid mo na pang-babae lang!" "Okay! Pasensiya na, Mama. Pumunta lang ako rito para suklayan sana siya at ayusin ang buhok niya. Na-mi-miss ko kasi bunso ko. Gusto ko rin ihanda ang susuotin niyang uniporme!" "Ano ka ba, Neil? Bakla ka ba? Sumunod ka na lang sa utos ko, Neil! Umalis ka muna at iwanan mo muna kami!" Agad siyang nalungkot at napatayo saka lumabas at isinara ang pinto nang dahan-dahan. Hindi naman siya binabae. Na-mi-miss lang niyang gawin iyon sa kapatid. Nasanay na kasi siya. Sa sobrang close nila ay kahit maikling panahon na 'di sila magkasama ay tila may namumuong pagkaka-miss na sa kapatid. ***** Nang ma-solo ni Patricia ang anak sa kwarto ay saka niya ito kinausap ng masinsinan. "Ma, why is there blood between my legs?" tanong ni Elise sa kanya. "It's a good sign 'yan, anak. It just means that you hit puberty! Dalaga ka na!" "Gano'n ba?" "Yes, you don't have to worry. It's normal dahil thirteen years old ka na. Wear this. Ilagay mo 'yan d'yan. Tawag d'yan is sanitary napkin to prevent the blood from running down your legs. I am sure tinuturo 'yan sa school n'yo, right?" "But, Ma, bakit pinaalis n'yo si Kuya Neil? He must know this para siya na lang maglagay nito sa akin," ani ni Elise na ikinangiti ng ginang. "Anak, hope you understand. From now on, your Kuya Neil must avoid visiting your room everyday. Now that you're thirteen. Learn to wear your clothes or uniform, learn to comb your hair and take a bath on your own without Kuya Neil mo. Because you're now an adult, sweetie. Siya rin. Binata na and anytime, he can marry someone he wants kaya hindi laging iasa lahat sa kuya mo, anak." "But, Ma! I don't want Kuya to get married!" "Sa ngayon ay 'di mo pa masyado naiintindihan pero maiintindihan mo rin nang dahan-dahan lalo na ngayong dalaga ka na. Alam ko na pagdating ng panahon, you will realize everything I told you. Ganito na lang, sweetie. Kung gusto mo na 'di siya makasal sa iba, learn to prepare your uniform or clothes to wear, learn to clean your room and learn to comb your hair and more! 'Pag nagawa mo 'yon, 'di na magpapakasal ang Kuya Neil mo! Learn how to be independent without Kuya's guide!" paliwanag ni Patricia sa anak. "Okay! I will do that. Basta lang 'wag magpakasal si Kuya!" "Just promise me not to tell him about what I told you!" "Okay, Ma! Bale susuotin ko na ito for my first class?" Ngiti ni Elise sabay inabot ang sanitary napkin. Tumango naman ang ina. Pagkatapos sa kuwarto ni Elise, pumunta ang ina sa kuwarto naman ni Neil. Kumatok muna ito bago pumasok. "Anak, puwede ba pumasok?" "Sure, Mama!" pagpayag ni Neil. Umupo naman ang ginang katabi nito sa kama at napabangon saka umupo si Neil katabi niya. "Anak, may mens na si Elise." Nagulat si Neil. "Kaya pala may dugo!" "Oo, puwede ba kitang pakiusapan?" "Ano 'yon, Mama?" sagot-tanong ni Neil. "'Wag ka na pumasok sa kuwarto ni Elise dahil bawal na kayo magsama sa iisang kuwarto na dalawa lang kayo." Nagulat si Neil. "Huh? Bakit naman?" "Kasi mga adults na kayo. Hindi magandang tingnan." "Eh, 'yong closeness namin, Ma? Gaya ng nag-uusap, nag-aasaran at naglalaro?" gulat sabay na tanong ni Neil. "Puwede pa rin iyon. 'Wag lang kayo magbabad sa isang kuwarto na wala kaming alam ng Papa n'yo. Medyo iwasan mo rin ang hawakan. Eighteen ka na, anak. Alam ko na alam mo mga limitasyon." "Pero, Ma! Magkapatid naman kami. Para bang may masama kaming gagawin." Ngumiti si Neil. Biglang nakonsensiya si Patricia at napatayo nang 'di makapagsalita. "Ma? Is there something wrong with what I said?" tanong na pagtataka ni Neil. "Ah! Wala! Basta tandaan mo lang sinabi ko. Maghanda ka na para maihatid na kayo sa school!" alibi ng ina. "Okay. Love you, Ma! Don't worry, susundin ko sinabi n'yo. Ma-mi-miss ko lang si bunso na 'di mahawakan hehe," napangising anang Neil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD