Hindi alam ni Neil kung mapapatawad niya pa ang sarili kung may mangyari sa amain. Dahil sa nagwawala na siya nang sobra ay biglang inihampas sa kanya ng isang pulis ang baril hanggang sa mawalan siya ng malay.
Pagkadilat ng kanyang mga mata, he was wearing an orange shirt and pants with bandaid on his head. Naka-posas pa rin sa higaan ang kanyang kamay. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang kasalanan.
"'Asan si Papa! 'Asan! Mga hayop kayo! 'Pag may nangyari kay Papa, lagot kayong lahat!" sigaw niya. Gusto niyang malaman kung okay pa si Bong.
"Hoy! Tumigil ka! Magpagaling ka na para maikulong ka na namin. Ang ingay-ingay mo! Nagigising tuloy 'yong katabi mong tulog," saway ng nakabantay sa kanyang pulis.
"Ano'ng ginawa ko? Bakit n'yo ako hinuli!" usisa ni Neil nang nakasimangot.
"Ginahasa mo nang paulit-ulit si Ms. Elise Cordovo. Ang iyong kinakapatid. May picture na nakunan ang uncle mo na si Lanto bilang ebidensya," sagot ng pulis.
"Kahit tanungin mo pa si Elise, hinding-hindi ko sa kanya magagawa 'yon dahil mahal ko siya. Pakawalan n'yo ako! Putang ina ninyo!" sigaw niya kaya medyo humapdi ang sugat niya sa ulo.
"'Pag malakas ka na, doon na magkakaalaman sa korte kaya tumahimik ka riyan!"
Naiyak na lang siya sa galit.
Hayop talaga si Lanto. Hayop! Pero magsasalita rin si Elise sa lahat ng nalalaman niya dahil alam kong hindi ito totoo. Nagmamahalan kami at alam 'yon ni Elise. Panahon na rin para malaman ni Mama at ni Papa ang relasyon naming dalawa.
Makalipas ang ilang oras. Dinalaw siya ng mga kaibigan niyang sina Marcus, Neon at Patrick.
"What's up, bro?" Matipid na ngumiti sa kanya sabay nakipag-bro fist.
"Bro, tumestigo kayo sa akin na hindi ko ginahasa si Elise. Dahil sina Marky ang gumahasa," pakiusap niya sa kanila.
"Don't worry, bro. Gagawin namin 'yan. Alam naman namin kung gaano mo kamahal si Elise, eh! Basta pagaling ka na lang para harapin mo na sila. Gago 'yang uncle mo! Animal ding gumawa ng istorya," hirit ni Patrick.
"Gusto mo bugbugin namin siya?" tanong ni Marcus.
"'Wag, baka mas dumami pa ang kaso ko! 'Asan si Elise?" tanong niya nang biglang may lumapit sa kanila.
Agad pumatak ang kanyang mga luha nang makita niya kung sino ang mga ito. Walang iba kundi ang papa at mama niya. Naka-wheelchair ang ama habang inaalalayan itong itulak ng ina. Naka-brace ang leeg nito at tila paralyzed dahil hindi magalaw masyado ang kalahati ng katawan.
"Ma, Pa..." 'Di niya mapigilang humagulgol na parang bata dahil inaakala niya ay yayakapin nila siya dahil dumiretso patungo sa direksyon niya.
Ngunit pagkalapit na pagkalapit nila sa binata ay isang malutong na sampal galing kay Patricia ang natanggap niya. "Hayop ka! Tinuring ka pa naman naming parang tunay na anak tapos ito pala isusukli mo?" galit na anang Patricia.
Napatungo ang ulo ng tatlo niyang kaibigan sa mga nangyayari.
"Bro, sa labas muna kami dahil mukhang private na ang usapan n'yo." Sabay nilisan muna nila.
"Ma, hindi ko ginahasa si Elise. I'll be honest with you, Ma, Pa. Mahal namin ni Elise ang isa't isa. Patawarin n'yo ako kung hindi ko agad nasabi sa inyo. Si Elise na mismo ang makakapagsabi ng lahat, Ma. Mahal ko ang anak n'yo. Handa ko siyang pakasalan dahil may nangyari sa amin at gano'n din siya sa akin. 'Yong tatlo kong mga kaibigan ang makakapagsabi ng lahat. Sila ang saksi sa pagmamahalan namin habang wala kayo at nasa bakasyon!" paliwanag niya na pilit silang paniwalain.
Biglang nagsalita si Bong ngunit putol-putol ito. Siguro dala rin ito ng pagka-paralyze niya. "Sinungaling, galing mismo kay Elise na ginahasa mo siya!"
Nagulat siya sa sinabi ni Bong. Paano mangyayari 'yon? Kaya natawa siya na mas ikinagalit nila.
"Na-paralyze si Bong pagkatapos atakihin ng high blood niya at na-stroke. Alam mo, anak, mahal na mahal na mahal ka niya kaya nabigla siya nang malaman niya ang lahat. Kahit hindi ka namin tunay na kadugo, pinilit pa rin namin ikaw bihisan at palakihin nang tama at bigyang edukasyon. Hindi ganito. Lahat binigay namin para sa 'yo. Halos ipinagkatiwala namin sa 'yo lahat, lalo na si Elise mula bata hanggang sa pagtanda kaya bakit mo sa amin nagawa ito? Pati rin sa kanya! Kung sino pang inaakala namin na magpoprotekta sa kanya ay siya pa itong maglalapastangan sa kanya!" Umiiyak na sabi ni Patricia nang pasigaw.
"Limang taon ang pagkakatanda mo sa edad ni Elise. Kung hindi mo siya ginahasa at manalo pa rin sa kasong haharapin natin, hindi pa rin kita mapapatawad. Dahil sinamantala mo ang pag-iisip niya. She just turned eighteen pero ano ang ginawa mo, Ednel? Kaya didiretsuhin na rin kita. Ayaw kita sa anak ko!" putol-putol na sigaw ni Bong.
"Ednel?" pagtataka niyang tanong.
"Iyan ang tunay mong pangalan no'ng napulot ka namin. 'Di na namin 'to patatagalin pa! Magkita na lang tayo sa korte! Sana ay mali ang paratang sa 'yo at sabihin na ni Elise ang pinakatotoong nangyari. Kinuwento sa amin lahat ni Lanto. Nagsisisi kami na inampon ka pa namin. Nagsisisi kami na nag-alaga kami ng ahas sa sarili naming pamamahay!" sigaw na iyak ni Patricia.
Nilisan nila si Neil habang umiiyak silang dalawa. Alam niyang nasasaktan sila sa pangyayari kaya naiintindihan niya kung bakit nakapagbitiw sila ng masasakit na salita.
Parang nagunaw ang mundo niya sa inasta nila. Lalo na roon sa sinabi nilang galing mismo kay Elise na ginahasa niya ito. Hindi siya naniniwala. Parang gusto na niyang mamatay kung totoo man ang sinabi nila. Alam niyang hindi iyon magagawa sa kanya ng babaeng mahal na mahal niya. At alam din nito iyon.
Gusto na niyang makita mismo o kaya marinig sa mga labi ng dalaga ang mga paratang nina Patricia at Bong.
~~~
Nang gumaling na si Neil ay diniretso na siya ng mga pulis sa selda.
Medyo nanghina siya dahil ibang-iba ang lugar na ito sa kinalakihan niya. Hindi niya lubos maisip na hahayaan siya nina Bong at Patricia na roon matutulog. Naging stage parents niya sila at ni madapuan ng langaw ay ayaw nilang mangyari sa kanya noong bata pa siya.
Pinagmamasdan niya ang mga katabi niya. Marumi at mga de-tattoo mga tao, malalaking mama, malamantika ang mga balat dahil sa tila 'di nakakaligo ng ilang araw, masangsang ang amoy at higit sa lahat ay siksikan silang lahat kung matulog at isama mo pa ang mainit at humihilik nang sabay-sabay. Ang pagtulog ay sobra na niyang pinanghinaan ng loob.
Gabi nang natutulog na ang lahat maliban sa kanya. Naiiyak siya tuwing naaalala si Elise. Na-mi-miss na niya ito, iyong pagsasama nila sa tatlong linggo na iyon. Iyong mission niya na makalimutan nito ang sinapit noon sa tatlong nanggahasa rito. Iyong ginawa niyang sakripisyo at lahat.
Wala naman siyang ibang ginawang masama kundi maglihim ng pagmamahalan nila mula kina Bong at Patricia. Wala siyang ginawa kundi mahalin si Elise nang tapat at ingatan, alagaan sa sarili niyang kamay.
Muling tumulo ang mga luha niya. Dinaig niya pa ang mga binabae sa pag-iyak. Mahal na mahal niya talaga si Elise at dalangin niyang sana mali sina Patricia at Bong. Malamang may pumilit sa dalaga o 'di kaya ay hindi ito 'yong nagsabi.
Ang daming tumatakbo sa isip niya. Malakas ang kumpiyansa niya na si Elise ang magpapalaya sa kanya sa seldang ito at aaminin na nitong kina Patricia at Bong na may relasyon sila at sa lahat ng mga taong makikinig sa trial sa korte dahil alam nito kung gaano niya ito inalagaan at tinuring na parang prinsesa niya.
Kinuha niya ang kanyang pitaka at tiningnan ang litrato ni Elise doon.
Ang ganda ganda niya.
Tumulong muli ang mga luha niya.
'Tang inang luha ito. Wala akong pake kung mas bata siya sa akin ng limang taon. All I have in my head is to love her 'til eternity. Walang makakapaghiwalay sa amin gaya ng ni-wish niya sa mga bulalakaw noong kami pa.
Biglang may sumiko sa kanya at pagkaharap niya ay isang matanda, walang buhok ang gitnang ulo o kaya ay panot.
"Bakit ho?" tanong niya.
"Sino 'yan? Ganda naman niyan."
"Kasintahan ko ho!" sabi niya.
"Gano'n? Ako nga pala si Tata Enchong," pakilala nito sabay nakipagkamayan ngunit 'di na niya pinansin. "Bakit ka nandito? At bakit ka pa 'di natutulog, hijo?" tanong nito.
"Napagbintangan ako na ni-rape ko siya. Kahit hindi naman dahil nagmamahalan lang kami," tugon niya.
"Ibig sabihin mahal mo siya?"
"Oho at hindi lang mahal. Mahal na mahal at alam ko na makakalaya ako dahil sa kanya, dahil sasabihin niya ang buong katotohanan."
"Paano kung hindi?" tanong niya na ikinadismaya niya kaya tinalikuran nito ito sa pagkakahiga.
"Imposible 'yon. Kasi hindi ko naman siya ginahasa. Pero nagpapaubaya siya sanhi din ng pagmamahalan namin," paliwanag niya ulit.
"'Wag ka pakasiguro. Maraming bagay na nangyayari sa mundo na hindi natin gusto. Gaya ko, napagbintangan ako kaya nandito ako ngayon."
Pinikit na lang niya ang mata para huwag nang kausapin itong si Tandang Panot dahil mas lalo nagpapabigat sa dibdib niya. Agad niyang pinunasan ang mga luha.
Buong gabi ay hindi siya nakatulog. Buong buhay niya ay ngayon lang siya nalungkot at naiyak nang ganito. Karma siguro ito sa lahat ng mga babaeng pinaglaruan niya. Lalaki siya pero bakit ang sakit-sakit at hindi niya mapigilang lumuha? Nagpapasalamat siya kina Bong at Patricia na pinalaki siya sa maginhawang buhay pero napapatanong siya sa sarili kung bakit ganoon-ganoon na lang sila maniwala sa iba at maniwala na tinraydor niya sila, na sa buong buhay niya naman ay wala siyang ibang ginawa kundi pagsilbihan at sundan ano man ang gusto nila.
Buong buhay niya ay inalay niya sa kanila. Pati akademya niya ay ginalingan niya para lang sa kanila.
I am doing all of this for their future. Kay Mama, kay Papa at lalo na sa mahal kong si Elise.
Ni hindi niya hinanap kung sino ang mga tunay niyang magulang dahil sa masaya na siya sa piling ng mga ito pero bakit ayaw nilang maniwala sa sinasabi niya? Tinawag pa siyang ahas.