Chapter 20

1705 Words
Pagkalipas ng isang araw, habang nakahiga pa rin si Elise sa kanyang silid na tila takot pa rin lumabas dahil sa trauma ay kumatok sa kanyang pinto ang binata saka pumasok na may dala-dalang tray na may nakalagay na pagkain. Inilagay niya ito sa kama. "Tikman mo niluto ko, Elise. Adobo." Sinubuan niya ang dalaga ngunit tila malungkot pa rin ito. Kaya't 'di na nakapagpigil at nagsalita na si Neil. "Elise, kinausap ko ngayon-ngayon lang sina Mama at Papa. Alam ko na nakakaistorbo ako sa kanila but you have to know why." "Bakit, Kuya?" Dahan-dahang napatingin si Elise kay Neil na matamlay pa rin. "Kasi dahil dito." Sabay inangat ni Neil ang dalawang tickets papuntang Hong Kong. "Gusto kong kalimutan mo ang bangungot na nangyari sa 'yo. Gusto kong maging masaya ka ulit sa piling ko at maka-move on sa masalimuot na nangyari sa 'yo kaya bumili ako ng roundtrip ticket for two para dalhin kita sa Hong Kong. Ipasyal kita sa Disneyland. Mas malaki at maganda ang amusement park doon. Sumakay tayo sa paborito mong carousel at marami pa, Elise. Hinding-hindi ako titigil hanggang sa gumaling ka at makita ko ang siglang ngiti sa 'yong mga labi." Tuloy-tuloy ang pagkukuwento ni Neil kaya napangiti at nalibang si Elise. Ginawa talaga ni Neil ang lahat para lang makalimot si Elise. Kaya't nag-travel sila sa Hong Kong ng apat na araw at pumunta sa wax musem, sumunod ay sa Disneyland. Habang nasa pinakatuktok sila ng ferris wheel ng Disney, naiiyak sabay sandal ni Elise sa balikat ng binata. "Neil, salamat ha! Sa lahat-lahat. Medyo nakakalimutan ko na rin ang masamang alaala." "Ayoko ng medyo. I want you to delete it permanently. Dahil habang hindi mo pa 'yon nakakalimutan ay parang pinaparusahan mo ako. Hindi kita nabantayan, mahal. 'Yon ang pinakamalaking pinagsisisihan ko sa buong buhay ko." Hindi napigilan ni Neil maiyak. "Please 'wag kang umiyak. Ang importante ay buhay ako. At hindi mo ako pinabayaan. Never kang nagkulang sa akin." Pinunasan ni Elise ang luha nito. "I love you, Elise." Hindi napigilan ni Neil at dahan-dahan dumikit ang kanyang labi sa bibig ng dalaga. Ninamnam nila ang kanilang halikan sa loob ng ferris wheel sa pinakatuktok na tila sila lang dalawa at walang makakapigil pang iba sa kanilang pagmamahalan. Pagkatapos niyon ay hindi roon nagtatapos dahil pagkarating na pagkarating nila sa Pilipinas ay binigla ni Neil si Elise nang dumiretso sila papuntang Baguio kung saan naroon ang kanilang isa pang residential resort na may swimming pool pa. Hindi maikaila ni Elise kung gaano siya kasaya sa piling ni Neil. Naiiyak siya sa tuwa dahil sa kasintahan na gagawin ang lahat para lang sa kanya. Doon niya naramdam ang tunay na pag-aalaga ng isang nagmamahal. Simula kabataan hanggang sa pagtanda ay laging nariyan si Neil kapag kailangan niya. ~~~ Ika-labing dalawa na araw na nang dumating sila sa bahay at naka-move on na si Elise sa lahat. Kaya't nakipagpalitan na naman ng init ng katawan ang una nilang ginawa pagdiretso nila sa kuwarto dahil sa sobrang pagmamahal nila sa isa't isa. They are becoming more sensual than before. Nilubos-lubos na nila ang kanilang pagtatalik. Ang 'di nila alam ay nakasilip sa kanila si Lanto at pini-picturan sila sabay ngisi ng matanda. A day afterwards... Ang tagal-tagal ni Elise sa banyo kaya kumatok na si Neil dahil nag-alala. "Mahal, bakit ang tagal mo riyan? Ano'ng nangyari?" Saka bumukas ang pinto. "Ano'ng problema, Elise?" "Ahh... Wala, wala 'to. Punta na tayo sa amusement park, Kuya?" "Sabi ko sa 'yo 'wag mo kong tawaging Kuya. Mahal na lang tutal wala naman dito sina Mama at Papa, 'di ba?" Sabay binuhat siya ng binata at sininghot-singhot ang kanyang leeg kaya natawa si Elise dahil sa nakikiliti siya nang may narinig silang kumatok sa pinto. Agad naman ibinaba ni Neil si Elise sa pagkabuhat at binuksan ito. Walang iba kundi si Lanto. "Tuloy ho kayo, Uncle. Ano'ng kailangan n'yo?" bungad ni Neil. "Ahh. Kailangan ko kasi ng pera," sabi ni Lanto. "Sige po, walang problema, basta lang hindi n'yo gagamitin sa sugal at alak dahil 'yan ang kabilin-bilinan sa akin ni Papa." Parang nainis si Lanto. "Gano'n ba?" Plastik niyang patuloy. "Opo, magkano ba kailangan n'yo?" tanong ni Neil. "One hundred thousand sana. 'Wag mong sabihin sa kuya ko, ha? Maawa ka naman sa uncle mo. Kasi baon na baon na ako sa utang sa casino, eh. Kailangan ko na ng pera. Kung 'di mo ako mabigyan, kahit utangin ko na lang sa bangko ni Kuya. Please! Hindi ko ipagsasabi. Kailangan na kailangan kasi, eh." "Pag-iisipan ko ho!" tugon ni Neil. "Sige. Salamat, hijo, ha!" Pagkasarado na pagkasarado ni Neil ng pinto ay tinawag siya ni Elise kaya lumapit ito sabay tinabihan sa pag-upo sa kama ang dalaga. "Please don't. I don't trust him. Mamamatay-tao siya, Kuya. 'Wag, ikaw ang papagalitan ni Papa niyan 'pag binigyan mo siya ng pera. Kahit utang, ayaw pa rin 'yon ni Papa. Kaya nga pinagbigyan 'yan, eh. Pero mukhang wala pa rin siyang pinagbago, Kuya," pakiusap ni Elise. "I know, hindi ko siya papautangin. Magdamit ka na para pumunta na tayo sa amusement park ni Papa." Lumabas muna saglit si Neil para kausapin si Lanto patungkol doon na hindi ito bibigyan ng pera saka bumalik at nagulat siyang nakapag-ayos na si Elise at bagay na bagay sa kanya ang kanyang suot. Ito iyong bigay sa kanya ni Neil na kulay red na Versace na abot hanggang binti. "You look so gorgeous," namumulang compliment ni Neil. "Thank you, mahal. Tara na," aya ni Elise. Pagpunta muli nila sa amusement park ng kanilang ama na kung tawagin ay Cordovo Amusement Park. Masaya silang sumakay-sakay muli sa iba't ibang rides. Maliban lang sa mga extreme gaya ng roller coaster at iba pa. Sa ferris wheel lang at rides na pambata. Mahinhin na maglakad si Elise sa kanyang mala-jacket na Versace na red nang gulatin siya ni Neil sa paglalakad. "Uy!" "Ay, butiki! Ano ba? Nanggugulat ka naman, Neil, eh!" Natatawa si Elise sabay tapik sa binata. "Ito, para sa 'yo." Iniabot ni Neil ang isang cotton candy at ice cream sa dalaga. "Salamat." "O nga pala. Bakit 'di ka na sumasakay sa lahat ng rides? Naninibago lang ako sa 'yo, mahal," marahang tanong ni Neil. "Siguro dala na rin ng nangyari sa akin na 'di maganda. 'Tsaka masakit ang ulo ko ngayon kaya siguro wala akong ganang sumakay sa mga rides na 'yan." "Gano'n ba? Sayang naman. Gusto ko kasi na kasama ka. Kasi baka malungkot ka na mag-isa ka riyan habang ako naman na masayang sumasakay sa mga rides," dugtong ni Neil. Wala namang imik si Elise na tila may tinatago sa kasintahan. "Okay lang, promise. 'Di ako malungkot. Makita lang kitang nakasakay sa rides, masaya na ako. Tara, last ride na natin 'to. Siguro ito lang ang rides na masasakyan ko ngayon. Hulaan mo." Ngumiti si Elise sa kasintahan. "Carousel?" natatawang hula ni Neil. "Yes, tama!" Natuwa naman si Neil at natawa silang sabay kaya't binuhat muli bigla ni Neil si Elise kaya nasigaw ito sabay takbo siya sa carousel. Habang nasa carousel sila at kinain pa nila ang ice cream at sabay nilang pinanood ang sunset muli na lumulubog at nagpapaalam na sa kanila. Sobrang natuwa si Elise dahil kahit hindi siya nasakay sa lahat ng rides ay nandoon si Neil na hindi nagsasawang pasiglahin pa rin at patawanin siya at libangin. He is like a savior of her agony and sadness. He never fails to amuse her. Elise is blessed to meet the guy who makes her life complete. Grabe iyong sayang nadarama niya tuwing nandiyan palagi si Neil. ~~~ Makaraan pa ang isang araw ay uuwi na galing sa bakasyon ang mag-asawang sina Bong at Patricia dahil saktong three weeks na. Ngunit tila may pinaplanong 'di maganda si Lanto dahil sa naiinis pa rin ito sa 'di pagpapautang sa kanya ni Neil ng perang pambayad sa utang niya sa casino. Nasa iisang kuwarto sina Neil at Elise at nagdadamit si Neil dahil sa kakatapos lang nilang magtalik at si Elise ay nakahiga lang sa kama na tanging pantakip ay ang makapal na kumot ng binata. "Neil..." mahinang sabi ni Elise. "Bakit, mahal? Nasarapan ka? Biro lang." Banayad na ngumiti si Neil habang sinasara niya ang butones ng suot-suot niyang polo. "Neil naman, seryoso ako. May sasabihin ako sa 'yo na mahalaga," saway ni Elise. Biglang napaharap si Neil sa dalaga pagkatapos isunod na isuot ang kanyang medyas. "Ano 'yon?" seryoso rin niyang tanong sa dalaga. "Ito ang dahilan bakit hindi ako sumakay sa mga extreme rides. 'Wag ka sanang mabibigla," ani Elise na tila namuti ito sa kaba at napatungo ng ulo. Nang sasabihin na niya itong kakaibang lihim sa binata ay biglang nabuksan ang pinto na muntikan pa nitong ikasira dahil sa paglusob ng mga pulis. "Ikaw ba si Neil Cordovo?" sigaw ng isang pulis. Lumuwa naman sa pinto si Lanto at hinila bigla ang kamay ng dalaga pagkatapos niyang lapitan ito. "Wait lang ho! Hindi pa ako nakakapagdamit! Ano ginagawa n'yo? Tresspassing kayo!" sigaw ni Elise. "May warrant of arrest para kay Mr. Neil Cordovo dahil may ebidensya si Mr. Lanto Cordovo na ginagalaw ka niya. In short, kakasuhan siya ng rape." Walang magawa si Neil dahil bigla siyang sinuntok ng mga pulis at pinosasan at isinama habang naiwan naman si Elise na todo sigaw na tinatanggi ang mga paratang kay Neil. Tinabihan naman siya ni Lanto at tinakpan ang bibig nito sa pagwawala. Nang bumaba na ang mga pulis, posas-posas si Neil ay nagbukas din nang biglaan ang pinto sa labas at tamang sa akto kararating din ng mag-asawang sina Bong at Patricia galing bakasyon. "Ano'ng nangyayari rito?" nagtatakang tanong ni Bong. "Paulit-ulit niya pong nire-rape ang anak ninyong si Elise at may witness pati ebidensya kaming mga natanggap," wika ng isang pulis. 'Di makapaniwala si Bong at dahil sa sama ng loob ay bigla siyang inatake ng kanyang high blood kaya napasigaw si Neil sa awa. Gugustuhin man niyang iligtas at tulungan ang ama at nang madala sa hospital, nakaposas na siya. Kaya wala siyang ibang nagawa kundi sumigaw at umiyak at kumawala sa bakal sa kamay. Tiniis muna niya ang pambibintang sa kanya na hindi naman talaga niya nagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD