Chapter 14 Hindi dumating ang kuya ni Zanjo bago kami magmartiya. Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Nilingon niya ako. Nakita ko ang pangingilid ng kaniyang luha. Ngumiti ako. Mapait na ngiti ang kaniyang isinukli sa akin. Tinawag ang pangalan niya para sa kaniyang valedictory address. Tinapik ko ang balikat niya bago tumayo. Huminga siya ng malalim. Nagngitian kami bago tumayo. Palakpakan ang lahat nang umaakyat na siya sa entablado. May ginawa ang adviser namin na speech niya ngunit tinanggihan niya iyon. Gusto daw niyang magsalita sa kung ano ang nasa puso niya at isip sa araw ng aming pagtatapos. Hindi niya gusto ang isinasaulong mensahe. Lahat kami nakikinig sa kaniyang speech. May mga ilang sinabi niyang tumama sa aming lahat. "Like me, I am certain that most of us are f