Chapter 15 Masakit na nakikitang unt-unting nalalagutan ng hininga ang dalawang mahal mo sa buhay at wala akong ibang magawa kundi ang humagulgol at magdasal. Kung sana may magawa lang ako. Kung sana kayo kong patigilin ang pagdurugo ng kanilang mga sugat ngunit sa pagkakataong iyon ay mas nagdurugo ang damdamin namin ng kapatid ko. Alam kong sa akin humuhugot si Claire ng lakas para makayanan niya ang nakikita niyang nangyayari kina Daddy at Mommy ngunit ako din mismo ay pinanghihinaan ng loob. Wala akong ibang magawa kundi ang yakapin siya. Wala akong maapuhap na sasabihin. Hindi ko kayang magsinungaling sa kaniya at ipangakong magiging maayos din ang lahat dahil nakikita niyang wala ng malay ang dalawang mahal namin sa buhay. Pagdating namin sa hospital ay mabilis nilang ipinasok sa e