Best in Me

4490 Words

CHAPTER 13 Napakalakas ng kabog sa aking dibdib. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Hindi ako makapaniwala na sa akin mangyayari ang dati ay napapanood ko lang sa pelikula na pangingidnap. Nanginginig ako sa takot. Gustuhin ko mang pakalmahin ang aking sarili ay hindi ko magawa. Ang tanging naiisip ko noon ay maaring sa akin ibubunton ng mga rebelde ang galit nila kay daddy. Kung mga kasamahan ni Zanjo ang mga kumidnap sa akin, sana mapakiusapan niyang palayain ako. Kung hindi man niya mga kasamahan, sana malaman man lang nina Daddy at Mommy ang nangyari sa akin. Gusto kong kausapin ang mga dumukot sa akin, magbabakasakali na sa aking pakikipag-usap ay palayain ako. Kanina, napansin kong halos magkakasingtangkad lang kami ng mga kumidnap sa akin, yung isa nga mas maliit pa sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD