Chapter 16 Pagbukas ko ng gate ay ibang Love na ang nakita ko. Kasama niya si Tita na mama niya. Lumaki ang katawan, pumogi at hindi sa lahat ay tumangkad. Naroon pa din ang boyish niyang ngiti. "Kuya Pat! Dito na ho ako!" Niyakap niya ako. "Uyy!" nagulat ako sa ginawa niya. "Mas magandang lalaki ka na sa akin ah!" tinapik ko siya sa likod. "Kumusta po tita?" Nagmano ako sa pinsan ng Daddy ko. "Mabuti naman iho. Hetong pinsan mo, excited nang lumuwas at makita ka." "Dito ako mag-aaral kuya. Di ba sabi ninyo ni tita dati na puwede ako dito tumira kapag magcollege na ako?" "Hayun! Taman-tama ang dating mo, aalis na din ako papuntang Baguio. Mag-pi-PMA ako. Ikaw na muna ang makakasama nina Mommy dito." "Bawal ba pumasok kuya?" nakangiti niyang puna. "Oo nga pala. Pasensiya na ho tita