Chapter 17 Buong akala ko, pinsan ang turing sa akin ni Love dahil iyon din naman ang turing ko sa kaniya. Ngunit nang nagtapos siya ng High School at dahil sa isang halikan "daw" namin nang isang gabing tulog ako at nang madalas kong pagsama-sama sa kaniyang nang magkaaway kami ni Zanjo ay binigyan niya ng malaking kahulugan. Kahulugan na umabot sa matindi niyang damdamin para sa akin. "Sige, inaamin ko, naging kami ni Zanjo. Alam mo naman na pala ang buo kong pagkatao at ang tungkol sa amin ni Zanjo, kaya wala na akong puwedeng itago pa sa'yo. Kaya lang, kung iniisip mo na puwede na kitang mahalin at magiging tayo ngayong na wala siya ay sinasabi ko sa'yo na mukhang hindi mangyayari iyon." "Bakit?" tanong niya. Sa tingin niya sa akin ay parang hindi pa din siya makapaniwala. "Alam mo