Maagang nagising si Samantha para humingi ng pasinseya kay Gabriel. Alam niyang masama ang loob nito. Dahil sa ginawa niyang pag-alis kahapon na hindi nagpaalam dito. At magpasalamat na rin dito sa pagligtas sa kaniya kahapon. Malamig ang simoy ng hangin ng lumabas siya nanginig siya sa lamig. Dumaan sa harapan niya si Maria may dala itong bagahi. Nagtaka tinawag niya ito pero hindi siya pinansin. "Maria?" Tawag niya. Pero nagtuloy-tuloy lang ito sa labas. "Maria? Sandali" sinundan niya ito. Gusto niya lang tanungin saan ito pupunta bakit ito nagmamadali umalis. Nahawakan niya ito sa kamay. "Maria... Sandali! Saan ka pupunta, ha?" Wala itong nagawa ang harapin siya. Nagmaga ang mga mata nito. Galing sa pag-iyak. "Aalis na ako..." Kalmadong sabi sa kaniya. "Pero bakit biglaan nama