Hindi niya kilala ang mga lalaking kumuha sa kaniya. Kinakabahan siya. Gusto niyang tumakbo palayo pero malakas ang mga ito nakahawak sa balikat niya at nakaposas pa mga kamay niya. Parang gusto niyang pagsisihan ang pagtakas sa mansion na hindi nagpapaalam. Pero isa lang pinaghahawakan niya ngayon ang pangako sa kaniya ni Miguel na hindi siya nito pababayaan. Pero hindi pa rin mawala ang takot sa dibdib niya. "Hawak na namin siya Boss!" Rinig niyang sabi ng isang lalaki. "Saan niyo ako dadalhin ha? Sino iyang Boss niyo?" Ngumisi ito sa kaniya. "Si kamatayan!" Napahinto siya sa takot. "Hindi kayo police?" "Sinong may sabi sayo police kami, ha? Tanga ka pala eh? Akala mo ba mga police kami. Haha?" "Nagkakamali ka Miss... Alam mo ba sino tumawag ngayon. Iyon ang Boss namin malaking