Kabanata 4

1700 Words
Pinapanood niyang nakipagsuntukan ang Binata sa apat na mga lalaki. Alam niyang ligaw ang mga bituka ng mga ito pero wala siyang lakas loob, para pigilan ito. Boung akala niya masasama siya sa mga listahan ng mga nabibiktima sa lugar na ito at kinabukasan ay isa ng malamig na bangkay. Mabuti na lamang dumating si Gab. Hindi na kaaway ang tingin niya dito kundi hero. Kung wala ito paano na siya. Nagpapasalamat siya ng malaki na dumating si Gab at malaki ang utang na loob niya sa binata. Bawat suntok ng mga lalaki kay Gab naiiwasan naman nito pero may pagkakataong hindi nito naiwasan ang isa pang pagsugod lalo na apat ang mga ito at magaling din sa suntukan pero magaling rin si Gab kaya lang bumagsak ito ng isang beses sa isang suntok lang sa pag-aakalang matatalo ito. Pero sa huli napabagsak din nito ang apat, at ng lumapit sa kaniya ay putok ang labi ni Gabriel at namaga ang kanang pisngi nito, pero gwapo pa rin naman ito. "Are you okay?" Ito na nga ang nasaktan siya pa itong kinamusta. "O-oO... Ikaw?" Sa nahihiyang tanong niya dito. "I'm find... Buhay pa naman ako." Nakangising sagot nito sa kaniya. "Salamat ha? Kung wala ka siguro---?" "Your welcome. What are you doing in this place? Paano pala kung hindi ako napadaan dito? May nangyari ng masama sayo..." Galit nitong sabi sa kaniya. "Eh?" "Masakit ang buong katawan ko hindi ako makapag drive. Ikaw muna mag drive... Marunong kaba?" "Oo naman." "Good. Let's go. Baka mamaya mayroon pang darating dito." "Saan ba sasakyan mo?" Tanong niya habang tinulongan itong lumakad parang may masakit dito eh. "Here?" "Okay ka lang ba? Bakit may iniinda kang masakit sa kaliwa bahagi mo." May nakapa siyang dugo sa tagiliran nito at shock siya ng makita ito. Nang tingnan niya ito nasaksak ito. "May sugat ka?" "Yeah. Hindi ko alam na may dala palang kutsilyo iyong isa at nasaksak nga ako... Pero don't worry... Ayos lang ako." Sa maputlang mukhang sabi sa kaniya. "Jusko! kailangan dalhin kita sa hospital..." "Huwag kang mamatay ha? Dalhin na kita sa hospital. Okay?" "Ikaw bahala... Pwide mo naman akong pabayaan na dito at umalis na lang." "Hindi! Hindi... Dadalhin kita sa hospital Mr Ricci.. hindi ko kayang iwan ka dito habang nag-aagaw buhay. Utang ko ang buhay sayo. Hindi kita iiwan." Sabi niya. Pagkapasok sa loob ng kotse nito. Nagmadali siyang umikot sa driver seat at mabilis pinatakbo ang sasakyan papunta ng hospital. "Pilitin mong maging gising hanggang sa makarating tayo sa hospital huwag kang mamatay!" Sabi niya dito. Nag-aalala siya para sa kaligtasan nito. Ayaw niyang dalhin sa kunsensiya kung sakaling mamatay ito ng dahil sa kaniya. "Hayaan muna ako mamatay para wala ng gumugulo sayo..." "Mas gustuhin kang makitang buhay ka kaysa mamatay. Huwag mo ng ipilit ha? Sikapin mong maging gising! Malapit na tayo Mr. Ricci?" "Parang hindi ko na kaya..." "Ano?" "Dumidilim ang paningin ko..." "Malapit na tayo heto na tayo sa hospital!" Hininto niya kaagad ang sasakyan ni Gab sa tapat mismo ng emergency room at mabuti na lang mabilis din kumilos ang mga na assign dun. "Pambihira ka naman Dude oh! Akala ko mamatay kana ng malamang nandito ka sa hospital!" Bungad sa kaniya ni Jerico. Pinilit niyang kumilos pero sobrang sakit ng tagiliran niya. Buwiset na mga lalaking iyon sinaksak ba naman siyang hindi niya nailagan. Muntikan pa siyang mamatay. "How did you know?" Tanong niya dito. "Tumawag ako tapos nalaman ko na lang nandito ka sa hospital kaya pala hindi ka nakarating sa usapan natin. Ang tindi mo din talaga noh? Binuwis mo talaga ang buhay mo para sa kaniya at muntikan ka pang mamatay!" "Huwag ka ngang maingay diyan lakas ng bunganga mo!" Inis niyang sabi dito. Sino ba naman mag-aakalang si Sam ang babaeng iligtas niya mula sa mga hinayopak na iyon may araw rin ang mga iyon sa akin. "Okay. Sorry... I'm just worried." "Instead na mag-alala ka sa akin. Kamusta hindi ako nakarating!" "Naayos ko na Dude... Don't worry. Nakaya naman pero mayroon pa rin matigas hindi magpapatinag mukhang ikaw ang kailangan ng gongong na iyon ang tigas eh?" "Ako na bahala... Gusto ko hanapin mo ang gumawa sa akin nito. Gaganti ako! Hindi ko sila mapapatawad at ang gaya nila walang karapatang mabuhay sa mundong ito, salot lang sila sa lipunan." "Okay. Ako na bahala. Anyway, I told Doc to take care of you because you are an orphan and alone." Pabulong na sabi sa kaniya ni Jerico. "Lol! Pinapatay mo mga magulang ko." Naiiling na sabi niya dito. Nasa ibang bansa ang mga magulang niya siguro parang ganon na siguro iyon dahil ang tagal na nila dun nakatira at hindi pa naisipang umuwi. Wala rin naman siyang balak sabihin sa mga ito ang nangyari sa kaniya. "Sorry. Dude... Kung ginawa ko iyon pagkakataon muna para maging malapit kayo sa isa't isa. Kapag nangyari iyon iiwan na niya ang boyfriend niya para sayo. Haha? Gandang naisip ko nun?" Maraming alam na kalukuhan ang taong ito. "Sinasabi ko sayo hindi ako namimilit ng isang babae, kung ayaw. Saka trip lang iyon. Walang bahid na kaseryosohan ang akin lang, kung bibigay siya di mabuti, kung hindi okay lang atleast alam ko hindi siya ganong babae." Nagkibit-balikat ito. Kumuha muna ito ng ubas saka sinubo agad sa bibig nito. "Masarap itong ubas mo ah!" "Hindi ba ikaw bumili niyan?" "Hindi. Kararating ko lang ng magising ka." "Pero tama ka Dude! Pahingi ulit ng ubas mo masarap! Eh?" "Tama na nga iyan." "Hahaha!" "Ano nakakatawa?" "Wala..." Nang matapos ang round ni Samantha sa mga pasyente. Bago siya umuwi dumaan muna siya sa room ni Gabriel. Hindi niya pa ito nasisilip mula pa kahapon. Sobrang busy niya ang daming pasyente nagkakasakit ngayon. "Off kana ba?" "Oo. Bakit?" "Kamusta kana?" "Okay naman ako!" "Hindi pa rin ako maka move-on sa nangyari sayo kahapon. Alam na ba ni Miguel nangyari sayo?" Humugot siya ng malalim na hininga saka umiling. "Hindi pa..." "Bakit? Mabuting alam niya sa ganoon hindi niya na ulitin ang ginawa niyang hindi pagsipot sayo!" "Hayaan muna lang. Ako na bahala magsabi." "Bahala ka nga!" "Eh iyong hero mo kamusta siya? Binuwis niya talaga ang buhay niya para sayo... Ganiyan ang lalaki ang piliin mo." "Parang iyon lang ginawa niya piliin ko na agad ano kaba? Gena?" "Oo. Kasi sila iyong tapat magmahal." "Ganon?" "Oo. Nababasa ko iyan." "Sige na. May duty kapa yata. Baka kung saan pa mapunta ang usapan alam ko na iyang sasabihin mo mala w*****d naman.." "Yes. Hahaha! Slight lang naman." "Kung ganon balik kana. Papahinga lang ako saglit saka ako umuwi." "Okay. Ingat ka ha? Saka nagbago na isip ko ayaw ko na rin kay Mr. Ricci wala naman akong mapapala dun nasayo ang puso niya." Kilig na kilig ito sa mga sinasabi sa kaniya. "Shh.. baka may makarinig sayo. Nakakahiya. Besides, hindi pa rin nagbago ang tingin ko sa kaniya bilang pasyente lang, iyon lang Gena? Wala ng iba pa..." "Ouch! Ganon pa rin. Oh, sige. Hindi na ako mamimilit." Nang pumasok si Samantha sa room ni Gab. Nakatalikod ito sa kaniya ng pahiga. Maingat siyang lumakad palapit dito. Baka natulog ito at magising niya pa chene-check niya muna ito. Mukhang okay na ito. Ang hindi okay ang malaking sugat nito sa kanang bahagi na ngayon nakabenda pa rin. Nagulat pa siya ng makitang gising pa ito. "Hi! Kamusta ang pakiramdam mo?" Nakangiting tanong niya sa binata. "Miracle... Hindi mo na ako sinusungitan ngayon Dok?" "Uhm, sa laki ba naman ng utang na loob ko sayo. Magsusungit paba ako? Salamat ha? Dahil sayo naligtas ako..." Sincere niyang sabi dito. "Wala iyon Dok? Nagkataon lang talaga napadaan ako. At kahit sino gawin rin nila ang ginawa ko." "Salamat pa din. Sorry, sa first met natin masungit ako sayo. Pero ngayon promise hindi na pipilitin kung maging mabait na sayo at kahit anong gusto mong hilingin gagawin ko para makabawi man lang sayo." "It's okay. Wala naman akong hilingin kapalit. Kung mayroon man hindi mo naman kayang ibigay iyon. At sapat na sa akin na dinalaw mo ako. Akala ko tutuhanin mo ng ayaw makita ako." "Sorry. Sorry... Hindi ko sinasadya nangyari sayo. Mr. Ricci...?" "Stop calling me that! Just saying my first name. It's fine for me..." "Okay. Gabriel... Sorry ulit." "Okay. Don't worry about me. Kaya ko naman mag-isa kahit hindi mo na ako alalahanin." "Nabanggit sa akin ng kaibigan mo mag-isa ka lang sa bahay mo. Paano ka kikilos niyan sa kalagayan mo. Gusto mo ba ikuha kita ng katulong?" "No need... Lumaki akong mag- isa kaya kahit ganito ang kalagayan ko ngayon kakayanin ko pa rin mabuhay na walang tulong ng ibang tao." Lalabas ng hospital si Gab makalipas ng ilang araw pananatili sa hospital. Nababagot na ito sa loob ng hospital. Gustong gusto na nito umuwi. Medyo masakit pa ang sugat niya sa tagiliran pero kinakaya niyang tumayo at kumilos. Ayaw niyang maging mahina. " Nabayaran ko na lahat ng bills mo iligpit ko na ang mga gamit mo Bro... Makakauwi kana sa wakas!" "Thanks! Naiinip na ako dito sa hospital." "Makakalanghab ka na ng sariwang hangin sa labas." "Sinabi mo pa.. dalian mo diyan gusto ko ng makauwi na." "Heto na nga nailagay ko na sa bag mo lahat. Let's go!" Ito na rin nagdala sa bag niya. "Hindi kaba magpapaalam kay Doktora bago umalis?" Tanong sa kaniya magkahulugan. "No! Gusto ko ng umuwi Jerico. Ayaw ko ng abalahin siya..." "Balita ko friends na kayo ni doktora siya daw personal nag-aalaga sayo habang wala ako." "Tsismoso mo talaga! Semprey, bumawi lang iyon tao. Dahil dito sa nangyari sa akin. Kung hindi ba naman ito mangyari hanggang ngayon mainit pa rin ang dugo niya sa akin eh? Iyong titigan ko lang siya galit na..." "Pero ngayon Dude?" "No. Talagang pinapatunayan niyang mabait na siya sa akin." "That's Good! Kung sakaling may problema siya na ang tatawagin ko!" "Lol!" "Hindi magtatagal makukuha mo rin ang puso niya Bro!" Pinindot na nito ang elevator pababa. Sigurado siyang maging mahirap ang mga araw niya dahil sa sugat sa tagiliran niya. Iyong lumakad nga ang hirap dahil kumikirot ito. Lalo pa kaya sa pag simpleng na paggalaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD