CHAPTER 22
Kahit na tinalikuran siya ni Oliver pagkatapos niyang sabihin iyon ay nakangiti pa rin siya dahil una ay nagaaw niya ang atensyon ng mga estudyante sa canteen, pangalawa ay alam niyang apektado ang lalaki sa sinabi niya at pang huli, sa dami ng nakakita, nakarinig o nakapanood ng ginawa niyang eksena ay hindi malabong makarating iyon sa kanyang girlfriend.
Marina will surely freaked out if she'll heard the news. Alam niyang ayaw na ayaw ni Marina na marinig ang kanyang pangalan, paano pa kaya kapag narinig niyang magkasama ang pangalan niya pati na rin ang kanyang pinsan?
“Time's up!” Sambit niya ng mag-alarm ang digital clock niya sa kanyang kamay kaya tinouch niya na ito para patayin. “Lindsey, let's go.” Kaagad na uminom si Lindsey, mabuti na lang at naubos tiyaka siya nabusog sa pagkain.
“I'm sorry boys, we'll still have a meeting to attend.” Pagpapaalam ni Avery sa dalawang tulalang lalaki na walang magawa kung hindi tumango at itaas ang dalawa nilang kamay bilang pagpapaalam.
“Take care.” Tulalang paalam ni Samuel habang nakasenyas pa ang kanyang kamay na nagpapaalam siya.
“Bye.” Si Henry naman iyon na halos hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan.
Muli ay nagpaalam si Avery habang ang iilan pang estudyante ay nakatingin sa kanya. Para tuloy siyang modelo na naglalakad palabas ng canteen, wala siyang pake kung anong isipin nila sa kanya dahil kilala niya ang sarili niya tiyaka isa pa ang mahalaga ay unti-unti na niyang nababawi ang atensyon na binibigay kah Oliver na dapat ay para sa kanya.
“That was real, right?” Hindi pa rin mapigilan na mamangha ni Samuel sa nangyari. Bahagya niyang siniko si Henry dahil silang dalawa na lang ngayon ang natira sa lamesa.
“Yeah, I guess so.” Si Henry na hindi maiwasan ang kaunting selos dahil kay Oliver pero sa kabila noon ay masaya siya para sa kaibigan. Kung hindi lang sana ito taken ay baka i-ship niya ng maayos ang dalawa.
“Damn. Oliver is such a lucky guy, don't you think?” Pagtatanong ni Samuel na ngayon ay unti-unti nang nakabawi sa pagkagulat.
“Too bad, he already has a girlfriend.” Nasasayangan na sambit ni Henry dahil kung sa kanya aamin ng ganon si Avery ay baka binalikan niya ito imbis na mag walk out sa canteen.
“Elisa is good.” Sambit ni Samuel. “But it would be great if my girlfriend was Avery. I mean, look at her.” Paliwanag ni Samuel sa kanyang kaibigan na si Henry. “She's perfect. She has everything you're looking for.” Dagdag pa na papuri nito sa dalaga.
“It's like an opportunity.” Komento ni Henry tiyaka niya kinuha ang ulam ni Oliver dahil hindi niya ito naubos.
“And Oliver just loses an opportunity.” Dagdag naman ni Samuel. “Let's get party tonight, game?” Pag-anyaya ni Samuel sa kanyang kaibigan dahil kailangan niya na ulit ng girlfriend. Hindi niya rin maiwasan na magselos kay Oliver dahil hindi man siya nag-effort kay Avery.
Samantala, halos lahat ng lalaki sa La Medicina ay halos magpakamatay na sa kanyang harapan para lang mapansin o di kaya ay mapagbigyan ni Avery na manligaw pero ni isa man ay walang nagwagi.
May isang eksena pa nga noong grade twelve sila ang umakyat sa rooftop at gumawa ng eksena para lang mapagbigyan ni Avery. Tinaya niya ang kanyang buhay doon na kapag hindi pumayag si Avery na bigyan siya ng tiyansa ay magpapakamatay siya sa pamamagitan ng pagtalon. At tandang-tanda pa nila kung ano ang sinagot ni Avery sa lalaki. She even got a microphone so she wouldn't shout and hurt her throat.
“Then jump, manipulative asshole.” apat na salita lang ang sinabi niya bago siya umalis sa eksena habang naiwan silang lahat na tulala maging ang lalaking sumubok na magpakamatay.
Kailanman ay wala nang sumubok na gawin ang stunt na iyon dahil hindi rin pala effective kay Avery. At ang pagkakaalam nila ay natanggal sa university ang lalaking iyon dahil hindi rin nagustuhan ng lolo ni Avery na siyang chairman ng paaralan ang ganoong stunt.
Pero para kina Samuel ay lalo silang humanga sa pinakita ni Avery na kalakasan na hinding-hindi siya mamanipula ng nino man. Ang akala nila kasi nila noon ay papayag si Avery at matatapos na ang pila sa mga papansin sa kanya.
“Oliver just sitting there and doing nothing but then Avery said those three words that we are all dying to hear.” Nanlulumong sambit ni Henry habang tamad siyang kumakain.
“And I couldn't get angry with him because he is our friend.” Dagdag pa nito. “And we all know that he didn't do anything wrong.” Wika pa ni Henry.
“Dapat pala naging hard to get tayo?” Pagtatanong ni Samuel dahil iyon ang napansin niya. “Maybe, Avery also love the chase?” Katulad ng ibang lalaki, iyon ang gusto nila kung bakit nila hinaharot ang ibang babae lalo na iyong mga mahihirap talagang abutin.
“Dude, you're flirty that is why it won't suits you to act like one.” Sinamaan ni Samuel ng tingin si Henry kaya bahagya siyang natawa. “Just stating facts.” Sambit niya tiyaka na niya inubos ang kanyang pagkain.
“Why don't you just court Lindsey, then? So, we'll surely hangout with Avery.” Biglang natigilan si Henry kaya si Samuel naman ang natawa dahil apektado ang kanyang kaibigan sa pang-aasar niya.
“Dude, I'm not into her.” Seryosong sambit ni Henry. “She's not my type.” Dagdag pa nito. “Look what I am looking for a woman is, a woman who is exactly like Avery. And Lindsey?” Bahagya siyang napailing habang naiisip niya ang kaibahan ng dalawang babae. “They are completely different! Alam mo ba ang pagkakapareho lang nila? Pareho lang silang babae.” Pagpapaliwanag pa ni Henry pero nagulat siya nang bigla ipasubo sa kanya ni Samuel ang isang buong meatballs.
“Oo na! Ang dami mo pang sinabi, why don't you just say. You don't like her. Period.” Tamad na sambit ni Samuel sa kaibigan. “Unless you're being in denial.” Tiyaka ito humalakhak.
“Dude,” Seryosong pagtawag sa kanya ni Henry pagkatapos ay unti-unti niyang tinaas ang isa niyang kamay. “f**k you.” Malutong na mura niya habang tinaas pa ang middle finger niya.
Nasa mood si Avery habang nakasakay sa kanilang kotse katabi si Lindsey dahil pupunta sila sa publishing company. Ang alam niya ay mag-uusap sila tungkol sa bagong libro na i-publish nila. Iyon ang libro na kakatapos niya lang isulat noong bakasyon na nagtrending lalo dahil marami ang nagbasa, nag vote tiyaka mga good feedbacks about the story. Sinakto niya rin ito sa bakasyon dahil alam niyang walang ginagawa ang mga estudyante at bagot na bagot sila sa bahay kaya talagang pumatok ito.
Kahit na maraming katanungan si Lindsey sa ginawang eksena kanina ni Avery ay mas pinili na lang niyang tumahimik dahil baka may kakaiba pang gawin si Avery sa kanya tiyaka kita niya kung gaano nakakurba ang labi nito dahil satisfied siya sa ginawa niyang eksena.
Pagdating nila sa publishing company ay kaagad silang pumunta sa meeting hall. Naroon na rin ang kanyang manager kaya nag-usap na sila tungkol sa magiging kalagayan ng libro. Kasama rin doon ang kanyang editor na titignan lang ang mga typo niya dahil ayaw niyang may mabago sa kanyang istorya. Pati na rin ang digital artist na gagawa ng kanyang book cover, approve sa kanya ang digital artist dahil nagugustuham niya ang mga ginagawa nitong book cover na tugma talaga sa kanyang kwento.
Pagkatapos ay napag-usapan din nila ang price ng kanyang libro. Ayos lang na konti ang part niya para hindi rin mabigatan ang kanyang mga readers sa presyo. Isa pa kaya gusto niyang mas mura ang libro niya pero maganda ang quality ay dahil alam niyang mas marami ang bibili at isa lang ang ibig sabihin non. Ilang buwan ulit na magiging top selling ang kanyang libro.
“Congratulations!” Bati ng head editor sa kanya kaya nakipag-kamay siya. “You can now post it on your social media account so your readers will save their money to buy your books.” Ngiting sahi nito kaya tumango siya.
Kahit na may manager siya ay hindi niya pinayagan na pakialaman nito ang kanyang mga social media account. She can surely handle it by herself. Ayaw niyang pinapakiaman ang kanyang mga gamit lalo na ang kanyang mga social media account. Kaya gumawa na lang din siya ng official fan page niya kung saan nilagay niyang admin ang kanyang manager para iyon ang i-handle niya.
Kaagad na binalita iyon ni Avery sa kanyang mga readers lalo na't good mood talaga siya ngayon at kaya niyang makipag-interact na alam niyang magiging trending sa twitter ang simpleng pakikipag-interact niya sa kanyang mga fans o di kaya ay reader.
Umiiling na lang si Oliver dahil sa nangyari kanina sa canteen tiyaka siya pumunta sa library para maka pagbasa ng libro at makagawa ng iilan nilang requirements. Malakas ang wifi sa kanilang university keysa sa bahay nila na ang hina makasagap ng data kahit may load naman siya. Kung minsan ay kahit gabing-gabi ay pupunta ito sa pinsan niyang si Marina para lang makasagap ng signal at matapos ang kanyang requirements.
“Focus.” Bulong niya sa kanyang sarili dahil paulit-ulit niyang pinipilig ang kanyang ulo kasi naalala niya ang nangyari kanina sa canteen at nawawala ang atensyon niya sa paggawa ng requirements.
Lalo pang nawawala ang atensyon niya kapag may mga estudyanteng tumitingin sa kanya pagkatapos ay nagbubulungan na alam niya kung ano ang pinag-uusapan nila.
Habang nagreresearch siya gamit ang kanyang cellphone ay nag pop bigla ang message ni Elisa na kung pwede silang magkita sa garden. Napahawak siya sa kanyang ulo dahil alam niya kung ano ang pag-uusapan nila ng dalaga.
Hindi na natapos-tapos ang misunderstanding nila dahil lang kay Avery. Alam niyang umabot na iyon kay Elisa dahil hindi naman ganun kalaki ang kanilang unibersidad.
Bumuntong hininga siya bago niya inayos ang kanyang mga gamit para makapunta na sa garden. Kahit na pagod siya sa araw na iyon dahil una, nag-usap sila kanina ni Elisa. Pangalawa, nag-usap naman sila ng ama ni Elisa at panghuli, gumawa pa ng eksena si Avery sa canteen. Wala siyang magawa kung hindi puntahan ang kanyang girlfriend para hindi na rin siya mag-isip ng kung ano-ano.
Habang naglalakad siya ay hindi lang atensyon ng mga babae ang kanyang nakuha kung hindi pati na rin ang mga lalaki. Sa paraan ng pagtitig nila kay Oliver ay para na nila itong pinapatay at minunura sa kanilang isipan. Ang tanging magagawa lang niya ay ang ipagkibit-balikat lahat ng mga matang nakatingin sa kanya.
Hindi niya alam kung anong trip ni Avery para gawin iyon? Pero hindi niya maiwasan na itanong sa sarili niya kung totoo kaya iyon? At ano naman ngayon kung totoo? May girlfriend na siya kaya wala na siyang pakialam kung totoo man o hindi ang sinabi ni Avery.
Pero kung hindi totoo, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya kung bakit nakaramdam siya ng konting kirot sa bandang dibdib niya o di kaya ay pagkadismaya.
Bakit naman siya madidismaya? Iyon ang katanungan na tinatanong niya sa kanyang sarili habang naglalakad siya. Siguro ay dahil sa pagkakakilala niya sa babae na may isa itong salita kaya madidismaya siya kung sakali man na hindi totoo kung ano man ang sinigaw niya kanina.
Tiyaka bakit parang gustong-gusto naman niya yata na magkaroon ng paghanga o gusto sa kanya si Avery? Hindi ba't mas tatahimik ang kanyang buhay kapag wala nga talagang gusto ang dalaga sa kanya.
Suminghap siya tiyaka tumingin sa garden kung saan niya nakita ang kanyang pinsan pati na rin ang kanyang kasintahan. Tama, halos lahat ng nakapaligid sa kanya ay babae. Ang kanyang pinsan, kapatid niya at ang kanyang ina kaya bakit niya sasaktan ang kanyang kasintahan sa pakiramdam na hindi niya matukoy-tukoy?
“Anong nangyari kanina?” Salubong sa kanya ni Marina. Napatayo pa ito mula sa pagkakaupo kaya marahan siyang hinawakan ni Elisa sa pulso niya para pauupin muli ang kaibigan.
“Avery just made a scene.” Napahilot pa sa sentido si Oliver bago siya umupo sa isang bakanteng bench na katabi ng bench na inuupuan ng dalawa.
“Eh bakit in the first place magkasama kayo?” Pagtatanong ni Marina. Napabuntong hininga na lang si Elisa dahil alam niyang hindi na niya mababawalan ang kanyang kaibigan kaya hinayaan na lang niya itong maglabas ng sama ng loob kay Oliver.
“Marina, that's canteen. It is open for every student here, what do you expect?” Pagod na sagot sa kanya ni Oliver.
Ang daming mga salita na naglalaro sa isipan niya simula noong nakausap niya si Elisa, ang ama ni Elisa, si Avery na gumugulo pa sa isip niya tapos ay ang talak ng kanyang pinsan.
“Oh eh bakit nagkausap kayo? Imposibleng bigla nalang sisigaw nang ganoon si Avery kung hindi kayo nagkausap bago nangyari ang pagpapansin ng bruhang babaeng iyon!” Inis na wika ni Marina.
“I didn't know, okay? Kasama siya nina Samuel kanina. Pagkarating ko sa canteen nasa lamesa na namin siya. The two were fond of her.” Pagpapaliwanag ni Oliver kaya lalong nainis naman si Marina sa sinabi ng kanyang pinsan.
“I told you! Those guys…. especially that asshole named Samuel were not good for you! Bad influence friends, you should avoid them too and make friend with other people.” Halata ang inis sa boses ni Marina lalo na't kinukuyom niya ang kanyang kamao habang nagsasalita.
Hindi na lang niya pinansin ang kanyang pinsan kaya tumayo ulit si Marina tiyaka siya nakapamewang na lumapit at pumunta sa harapan ni Oliver para sermunin siya na parang isang ina.
“Seriously?!” Pagtatanong niya. “Dahil sa pag totolerate ng mga kaibigan mo ay hindi malayong magustuhan mo iyang si Avery!” Hindi maiwasan na malungkot ni Elisa dahil sa sinabi ng kanyang pinsan.
Pareho nilang ramdam na hindi ganun katibay o di kaya ay hindi siya ganun kamahal ni Oliver para pagdudahan siya ngayon na may nakilala siyang bagong babae. At sa pinsan niya mismo nanggaling na may posibilidad na magustuhan ni Oliver si Avery kaya umiwas siya ng tingin sa dalawa.
“Stop with that nonsense, Marina.” Wala na sa mood para makipagtalo pa si Oliver sa kanyang pinsan pero suminghal si Marina sa sinabi niya.
“Kapag gago ang mga nakapaligid sa iyo hindi posible na maging gago ka rin katulad nila!” Panenermon ni Marina pero nilabas lang ni Oliver iyon sa kabilang tenga niya. “Kaya hanggat maaga pa, hangga't hindi ka pa nila na-impluwensiyahan ay mas mabuti pa na lumayo ka na sa kanila.” Dagdag pa nito.
Alam naman ni Oliver na may pagka-gago minsan sina Henry tiyaka Samuel pero alam niyang totoong kaibigan naman sila na maasahan niya kahit anong oras—kahit na halos dalawang linggo pa lang silang magkakakilala.
“Marina, nasa lalaki na iyong kung magpapakagago siya katulad ng mga nakapaligid sa kanya. Kung nagpaka-gago siya e baka naman talagang gago siya.” Paliwanag ni Oliver sa kanyang pinsan dahil kung matino talaga siya kahit na anong kagaguhan pa ang gawin ng mga nasa paligid niya ay hindi siya magiging apektado.
“Kapag may isang bulok na ngipin at hinayayaan lang, hindi tinanggal. Sa tingin mo ba hindi mahahawa ang mga nasa paligid niya?” Wala siyang oras ngayon para magbato ng logic kay Marina.
“Marina, pwede ba kumalma ka muna? Kung nakikita mo si Hanzo kay Samuel, hindi ko na problema iyon.” Lalong nainis si Marina sa tinuran ng kanyang pinsan. “Hindi ko naman kayo pinagbabawalan na magkaroon ng kaibigan.” Dagdag pa niya. “Hindi ba nga't sinasamahan ko pa kayo kapag pumupunta kayo sa club dahil niyaya kayo ng kaibigan niyo? Sa tingin mo ba, mabuting impluwensya ang ganon?” Dagdag pa ni Oliver.
“Ha!” Singhal ni Marina. “At ngayon pa talaga tayo magsusumba-” Hindi na pinatapos ni Oliver ang sasabihin ni Marina dahil malapit na ang kanyang susunod na klase.
“Hindi kita sinusumbatan, pinapaalala ko lang na may kanya-kanya tayong mga kaibigan.” Wika niya tiyaka siya tumayo kaya bahagyang napaatras si Marina.
“Kung ikinatatakot mo na baka magustuhan ko si Avery, huwag mo akong itulad sa ex mo na manloloko.” Nagtiim ang bagang nito tiyaka tumingin kay Elisa na nakayuko. “Sa tingin mo ba ganon kababaw ang pagkagusto ko sa kaibigan mo?” Kinuyom niya ang kanyang kamao dahil kahit hindi niya pinag-iisipan na mabuti ang kanyang sasabihin ay nasabi niya pa rin ito.
“I won't fall for Avery.” He said.