CHAPTER 23

2721 Words
CHAPTER 23 Nang makapasok si Avery sa kanyang sasakyan ay lalo siyang natuwa nang makita niya ilang libong reacts, comments at shares ang isa niyang post sa f*******:. Maging ang kanyang tweet ay libo-libong comments, retweets, at love iyon na nagpabuhay sa sistema niya. Malugod din siya nagre-react ng heart sa iilang mga comment at kapag may nagustuhan siya na comment ay magrereply pa ito kaya halos sumabog ang kanyang notification niya dahil sa kanyang mga readers at fans na umaasang mapapansin din niya. At kagaya nga nang inaasahan niya ay trending ang kanyang pangalan sa twitter dahil mas pinili niyang sa twitter mag-reply at mag hearts. Mas marami kasi ang mga tao sa f*******: kaya baka mapagod siya tiyaka isa pa, may ilan na basher sa f*******: e mga naka free data lang naman. Natatandaan niya pa ang iilan na pangalan o kaya ay username kapag nagugustuhan niya ang papuri sa kanya o di kaya ay ang mga comment nila. Ang tagal niyang hindi masyadong nagparamdam sa social media pagkatapos ay nagbalik siya na may announcement kaya naman nayanig ang kanyang mga readers at ang mga sumusuporta sa kanya. Sinubukan niyang tumingin sa post niya sa f*******: hanggang may nakaagaw ng pansin niya na bash ng isang babae at malakas ang loob niyang gamitin ang real account niya para mambash kaya tinignan niya ito. Halos matawa si Avery sa picture ng mambash sa kanya. “Look at this stupid woman.” Sambit niya habang pinapakita niya kay Lindsey ang iPad para makita niya ang picture nang nambash sa kanya. “Well, bashers are always the ugly ones.” Sambit niya tiyaka tumango si Lindsey. “Ang galing manlait ng iba pero hindi man lang matignan ang sarili nila.” Hindi labas sa ilong ang sinabi ni Lindsey dahil minsan ay napipikon din siya sa mga basher ni Avery kapag may nababsa siya sa social media, alam niyang masama ang ugali ng kanyang kaibigan pero at the end of the day siya pa rin ang kaibigan niya at alam niya ang istorya ng buhay ni Avery. Kaya kung minsan ay inaaway ni Lindsey ang mga basher ni Avery gamit ang kanyang dummy account. Binalikan ni Avery ang comment ng babae, dinagsa ito ng ilang reacts at comments kaya hindi ito mahirap hanapin. Nagcomment kasi ito na ‘she’s literally a psychopath, why are you praising her?’ nakataas ang kanyang kilay habang binabasa ang mga reply sa comment na iyon. May iilan na nagtanggol at may iilan na naniniwala tiyaka tinatanong kung saan nalaman noong babaeng nag-comment. Bahagya munang in-exercise ni Avery ang kanyang mga daliri tiyaka niya bahagyang ginalaw ang kanyang leeg bago siya nagreply sa babae. ‘How could you say that I am? Are you a psychiatrist? Ija, before diagnosing someone’s mental illness you should learn how to be hygienic first, just looking at your picture—I can even smell you from here... that made me want to puke.’ Kaagad na nakaani ng reaction ang kanyang comment kaya bahagya siyang natawa dahil ang kaninang nambash ay siya na ngayon ang nababash. Maraming mga nag screenshot non at pinost pa nila sa sss, her being a savage. And that was what she expected, thousands of reactions, comments, and shares. Binitawan na niya ang kanyang iPad dahil tapos na siya sa interaksyon ngayon. Alam niyang aani ng debate ang pagsagot niya sa kanyang basher pero hindi na lang niya ito pinansin, ang mahalaga ngayon sa kanya ay napahiya niya ito. Hindi siya nakonsensya na dinumog siya ng kanyang mga fans dahil anong karapatan niyang magpakalat ng fake news? After she burned her basher on social media, she knew that—that woman will use her statements and play the victim instead. Sometimes, she doesn't get it on why they need to put blame on her even if she was the one who got bashed first? Lahat ng tao ay may limitasyon and that’s her limitation. Kapag sinagot mo nang masama ang nagsasabi ng masama tungkol sayo at the end of the day ikaw lang ang sisihin ng ibang galit di sayo. Muli niyang kinuha ang iPad niya para mag post sa f*******: dahil nagsisimula na ngang magdebate ang lahat dahil sa pagsagot niya sa basher. Ang mga taong naghihintay na magkamali siya ay nagdiriwang habang pinagtatanggol naman siya ng kanyang mga supporter. Avery Danna Nieva: I don’t know what your problem is. I just followed the kasabihan ‘kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng bulaklak’. That’s what I did, I threw flowers but I forgot to say that my flowers were inside the pot. Instead of removing it(such a hassle!) just throw the pot of flowers. ;) Nag-exit na siya ng f*******: dahil halos sumabog na ang notification niya, kaagad siyang pumunta sa messenger para padalhan ng mensahe ang isang tao pero mukhang sasabog ang messenger niya hindi lang sa dami ng message request kung hindi dahil sa message ng kanyang manager na panigurado ay pinapatigil na siya sa pagpopost o pag-comment nang kung ano-ano. Naka fifty message in total and ten missed calls na ang kanyang manager pero nagreply lang siya ng like. Hindi man lang niya binasa ang mga messages ng kanyang manager dahil mahahaba ang iilan doon kaya mas pinili niya lang mag like at i-exit ang coversation nila. Samantala, halos atakihin ang kanyang manager sa sagot ng kanyang alaga. Hindi niya alam kung bakit gusto ng manager niya na magpanggap siya bilang ibang tao kahit na sa social media lang. Ayaw niya nang ganon, ayaw niyang maglarong biktima sa social media dahil alam niyang kaya niyang pataubin lahat kung marami lang siyang oras at kayang-kaya niyang kasuhan ang ibang comment na naninira ng kanyang puri o di kaya ay nagpapakalap ng fake news sa kanya kahit na nagtatago pa sila sa dummy account ay kaya niyang ipa-trace, ang kaso nga lang ay masyadong hassle para sa kanya iyon tiyaka wala siyang trip sa ganon. Mas trip pa niyang katayin ang mga ito na parang hayop keysa ipakulong niya lang sila. Tiyaka pa, aanhin niya ang pera na ibabayad sa kanya para makipagbati sila? Baka isampal niya lang sa magbabayad ang pera na iyon. Anyway, kaagad niyang binuksan ang conversation nila ni Oliver at dahil kanina pa lang naman sila naging friend sa f*******: ay wala pa silang conversation at siya ang magsisimula noon. Alam niyang hindi magrereply si Oliver sa kanyang message peor gusto niya lang asarin ang binata dahil mukhang stress siya ngayong araw kaya dadagdagan pa niya ang pagiging stress nito. Avery Danna Nieva: order na you!!! I know that you’re my fan. I’ll give you discount or give this book for free with my signature Kumunot ang noo ni Oliver dahil nasa classroom na siya nang mabasa niya ang message ni Avery. May sinent pa itong picture ng announcement tungkol sa kanyang bagong libro na nagsisimula ng i-release next month. Hindi niya maiwasan na maging interesado doon lalo na’t paborito ni Lianna na manunulat si Avery. Avery Danna Nieva: guess who’s trending on twitter? It’s me! Hindi niya alam kung bakit siya napangiti sa pangalawang message ng dalaga, may screenshot din ito ng trending list in the Philippines sa twitter kung saan nandoon ang kanyang pangalan pagkatapos ay nasa baba ng kanyang pangalan ang pen name niya bilang manunulat. bloodvery. Sinubukan niyang pindutin ang pen name ng dalaga, nagbabakasakali siya na mayroong tweet kung bakit ganoon ang kanyang username o pen name pero wala siyang masyadong nakitang sagot dahil puro congratulations at proud of you ng iba’t-ibang fan account na may picture at kung minsan ay ginagaya pa ang kanyang username. Huminga siya ng malalim bago niya naisipan na magtipa ng mensahe, this won’t hurt. Ver Laureta: congrats. Iyon lang ang sinabi niya at alam niyang wala naman masama kung mag-congrats siya para sa achievement ng isang tao. Hindi naman siguro magagalit sina Marina doon diba? Tiyaka isa pa, baka totohanin ni Avery na bibigyan niya siya ng libreng libro na may signature niya. Kapag nangyari iyon ay paniguradong matutuwa ang kanyang kapatid na si Lian. Sumilay ang ngiti ni Avery nang mabasa niya ang reply ni Oliver. Alam niyang in denial lang ang lalaki pero ramdam niya na may gusto ito sa kanya. Malakas ang pakiramdam niya at halos lahat ng pinakiramdaman niya ay totoo. Basta ang alam niya ay hindi lang alam ni Oliver kung paano bitawan ang relasyon niya kay Elisa dahil sa pinsan nitong si Marina. Pero ayos lang iyon dahil ganito ang mga bagay na gusto niya, alam niyang walang thrill kapag walang girlfriend si Oliver. Avery Danna Nieva: yay! You’re my number one fan now. Nang makauwi sa bahay si Oliver ay bigla siyang sinalubong ng kanyang kapatid habang hawak-hawak nito ang kanyang cellphone. Nasa may pintuan pa lang siya at isang sapatos pa lang niya ang natatanggal niya nang makita niya si Lianna na tumakbo papalapit sa kanya. Mukhang nagluluto pa siya ng hapunan dahil may hawak na sandok sa kabilang kamay niya habang sa kabila ay ang kanyang cellphone. “Kuya!!” Sigaw ni Lianna na may halong kilig pa ang kanyang boses. Kaagad na kumunot ang noo ni Oliver sa reaksyon na pinapakita ng kanyang kapatid. “Napano ka? May boyfriend ka na ba?” Kunot noong tanong ni Oliver kay Lianna. “Ha! As if meron.” Singhal ng kapatid niya kaya natawa siya pagkatapos ay ipinagpatuloy na niya ang pag-alis niya ng sapatos. “Napano ka ba?” Muling pagtatanong niya bago siya pumasok sa kanyang kwarto tiyaka na siya makakuha ng damit at makaligo na sa kanilang banyo. “Si Avery! Iyong sinasabi ko sa iyo noon? Na favorite writer ko? Ipublish na niya iyong isa kong paboritong libro na sinulat niya!” Masayang balita ni Lianna sa kanyang kuya. Kaagad na sumilay ang ngiti ni Oliver na para bang nawala lahat ng pagod niya kanina dahil don. “Hmm? Anong gagawin ko?” Pinadyak ni Lianna ang isa niyang paa kaya natawa si Oliver. “Makakapag-ipon pa naman ako sa libro niya dahil next month pa naman ang release date!” Kita niya na desidido ang kanyang kapatid sa sinasabi niyang pag-iipon. “Hmm?” Pagtatanong ni Oliver dahil alam niyang may kailangan sa kanya ang kanyang kapatid kaya niya ito sinasabi dahil kung wala siyang kailangan ay mag sisigaw lang ito sa kusina sa kilig at hindi sa harapan niya. Tiyaka isa pa, hindi siya nito sasalubungin sa pintuan para lang sabihin niya iyon. “Eh, may book signing siya niyan. Bandang December dahil iyon ata ang holiday break nila.” Tuamango si Oliver dahil sa December eighteen ang holiday break nila. “Tapos? Sa December eighteen ang holiday break namin kung gusto mong malaman.” Akala niya kasi iyon ang itatanong ng kanyang kapatid pero mukhang nagkakamali siya. “Hindi kasi ako papayagan nina inay kahit na may kasama ako na iilan kong kaibigan. Alam mo naman sina nanay. Baka busy siya non at hindi niya ako masamahan.” Sambit niya at mukhang alam na ni Oliver kung saan mapupunta ang usapan na ito. “Samahan mo ako, kuya? Please? Please? Please?” Pagpapacute ni Lianna na mukhang tuta na nagmamakaawa sa kanyang amo. “Lianna, ang tagal pa niyan.” Sambit ni Oliver dahil hindi pa nga sila nag prelims tapos ang usapan nilang dalawang magkapatid ay sa holiday break. “Alam ko! Pero mas okay na pumayag ka na ngayon.” Ngiti ni Lianna sa kanyang kapatid. “Hindi ba may sign na iyong isa mong libro kay Avery?” Pagtatanong ni Oliver sa kanyang kapatid. “Tiyaka may litrato ka na sa kanya? Nakausap mo naman na siya?” Takang tanong niya dahil hindi niya maintindihan madalas ang mga babae. “Oo! Pero ihh!” Medyo nagmamaktol na sambit ni Lianna. “Iba pa in kasi kapag nasa book signing! Tiyaka isa pa, iyong isa kong libro ang may sign. Gusto ko na ang bibilhin ko rin next month ay may sign!” “Bigay mo na lang sa akin ang libro mo para ako na lang ang magpa-sign kay Avery.” Hindi maintindihan ni Oliver ang kanyang sarili kung bakit niya sinabi iyon pero hindi ba ay iiwasan na niya ulit na magkrus pa ang landas nilang dalawa pero bakit parang humahanap siya ng excuse para makita at makausap ang dalaga? “Ih! Hindi ka naman niya fan tiyaka isa pa, iba nga kasi feeling kapag nasa book signing ka! Hindi mo ba magets iyon, kuya? Iba rin ang pakiramdam kapag nagkaroon ka ng kaibigan habang naka linya sa book signing.” Paliwanag pa nito. “Iba sa pakiramdam kapag may nakilala kang ibang tao na pareho kayo ng interes.” Dagdag pa ni Lianna. Natahimik si Oliver dahil kahit papaano ay gets niya ang pinapahiwatig ng kanyang kapatid. Natahimik muna siya ng kaunti para makapag isip-isip pero kung sabagay kagaya nga ng sabi niya ay paniguradong phase lang ito sa buhay ni Lianna kaya wala naman masama kung susuportahan niya ang kanyang kapatid sa kasiyahan nito. At the end of the day, worth it naman lalo na kapag makikita niya ang kislap sa mata ni Lianna pati na rin ang tuwa sa kanyang mga labi. “Payag ka na ngayon kuya para alam ko kung aasa ba ako o hindi.” Sambit ni Lianna na punong-puno ng pag-asa ang kanyang mga mata. Suminghap si Oliver dahil ano pa nga ba ang magagawa niya? Sa kapatid niya at sa kanyang ina lang nila ito marupok na para bang wala siyang ibang magawa kung hindi mapa-oo na lang para na rin sa kasiyahan nila. “Oo na, sasamahan na kita.” Sambit ni Oliver kaya napalundag sa tuwa si Lianna tiyaka mabilis niyang niyakap ang kanyang kuya, “Okay! Sure na iyan, kuya ah? Wala ng bawian. Aasa na ako! Iiyak ako kapag hindi nangyari iyon!” Pagbabanta ni Lianna sa kanyang kuya kaya natawa na lang si Oliver tiyaka niya hinawakan ang magkabilang balikat ng kanyang kapatid tiyaka niya ito tinalikod sa kanya para itulak-tulak niya pabalik sa kusina dahil baka masunog ang piniprito nitong bangus dahil naamoy niya ang amoy nito. Mukhang wala na siyang kawala dahil ayaw niyang mabigo ang kanyang kapatid at kagaya nga ng sinabi nito malamang ay iiyak panigurado siya kapag hindi siya nakapunta sa book signing. Mas gusto pa niya na siya ang mahirapan sa magiging dada ni Marina kapag nalaman ng kanyang pinsan kaysa makita niyang malungkot ang kanyang kapatid. Iyong tuwa at excitement pa lang nito kanina ay hindi mabibili kahit ilang libo pa. Samantalang kakatapos lang mag-shower ni Avery tiyaka siya bumaba sa kanilang bahay para makakain na ng dinner. Medyo napagod siya dahil sa traffic kanina kaya mas kailangan na niyang makakain para makatulog na rin siya. Pagpasok niya sa kusina ay nasa kabisera na ang kanyang lolo habang inaayos ng kanilang kasambahay ang mga pagkain nila para sa hapunan, tumutulong din si Lindsey sa pag-aayos. Umangat ang tingin ng lolo niya sa kanya na may ngiti sa labi dahil mahal na mahal niya ang kaisa-isa niyang apo. “Let’s eat dinner.” Sambit ng matanda at sakto naman na tapos na ang mga kasambahay na ayusin ang lamesa kasama ang kakainin nila. Kahit na silang dalawa lang ng kanyang lolo o di kaya ay kasama nila si Lindsey minsan, kagaya ngayon, ay marami ang mga ulam nila. May tatlong putaheng nakahanda, rice, at syempre hindi mawawala ang panghimagas. Tahimik na naglalagay si Avery ng pagkain niya sa kanyang plato, ganon din si Lindsey hanggang sa binasag ng lolo ni Avery ang katahimikan. “I’ve heard what happened earlier in the canteen.” Napahinto sa pagkuha ng pagkain si Avery dahil sa sinabi ng kanyang lolo. Expect naman niya na makakarating ito sa kanya ang hindi niya lang inaasahan ay sa hapag niya pa talaga napiling pag-usapan iyon. Bakas naman ang kasiyahan sa mga ngiti ng matanda dahil sa wakas ay masaya siya para sa kanyang apo, ang buong akala niya ay hindi niya mararamdaman ang pagmamahal. “So, you like this boy?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD