CHAPTER 21

2692 Words
CHAPTER 21 “Gaga ka talaga!” Agad na sermon ni Marina sa kanyang kaibigan pagkatapos na pagkatapos ng kanulang lesson. “The things you would do for the sake of love no?” Hindi niya naitago ang inis sa boses niya. “Marina, alam kong naintindihan mo naman ako.” Sambit ni Elisa kaya kaagad siyang sinamaan ng tingin ni Marina. “There are things that we couldn't expect that we'll do in the name of love.” Marahan na sambit ni Elisa habang nakakilingkis ang kanyang kamay sa kanyang kaibigan. “Hay nako, Elisa! Alam kong maganda ako at bagay akong maging influencer, pero huwag mo naman ulitin ang katangahan na ginawa ko noon!” Panenermon ni Marina sa kanyang kaibigan. “Hey, Elisa.” Kaagad silang hinarangan ni Alice. Handa nang mapaaway si Marina dahil naramdaman ni Elisa na kumakawala si Marina sa kanilang pagkakilingkis na braso pero hinawakan lang ito ng mahigpit ni Elisa. “Alice.” Pagtawag ni Elisa sa pangalan nito habang sinusubukan pa rin makawala ni Marina. Napasulyap tuloy si Alice sa kanilang braso at hindi niya maiwasan na ngumiti para lalong asarin si Marina. “Chill, Marina. Hindi naman para sayo ito.” Natatawang sambit pa niya. “Lalo mong pinapahalata na hindi ka pa nakaka-move on sa boyfriend ko.” Dagdag pa nito kaya lalong uminit ang ulo ni Marina sa kanya. “Sayo na iyan! I don't need a cheater man plus the fact that you're so proud because he cheated with you made you a loser.” Umirap si Alice sa sinabi ni Marina habang halos bumaon na ang kuko ni Marina sa kanyang mga palad dahil sa pagtitimpi. “Whatever you say it doesn't change the fact that he is my boyfriend now and like a trash, he dump you.” Pang-aasar pa ni Alice dahil hindi siya kailanman nagsisi na nilandi niya si Hanzo. It's like hitting two birds in one stone, parehong mainit ang dugo nilang dalawa ni Marina sa isa't-isa at may gusto rin siya kay Hanzo kaya iyon ang ginawa niya. Hindi lang napasakanya ang taong gusto niya kung hindi napaiyak niya rin ang babaeng kinaiinisan niya. At anong klaseng saya sa pakiramdam ang nararamdaman niya ngayon habang nakikita niyang apektado pa rin si Marina sa kanilang dalawa. She just hated Marina because of her brother. Her brother was a jerk for hurting her sister that is why when she knew that Marina was his sister, nag-init na kaagad ang dugo niya rito kaya palagi niyang iniinis dahil mukhang pikunin si Marina. “I couldn't expect that there were a people like you: A cheater and still proud. Ang kakapal ng mukha niyo ano? Wala man lang kayong character development! Kadiri! Pwe!” Natawa si Alice keysa maapektuhan sa sinasabi ni Marina. “Alam mo Marina, I believe in Karma.” Nakangising sabi sa kanya ni Alice. “At alam kong lahat ng ginagawa ng kapatid mong panloloko sa mga babae ay babalik sayo. Kagaya ng paggamit niya sa kapatid ko kaya ayan! Ang ending? Naloko ang kapatid niya.” Natatawang sambit ni Alice. “Kaya lahat ng sakit at lahat ng iluluha mo rito sa mundo, deserve mo.” Seryosong sambit nito kay Marina. Gustong-gusto na talagang sugurin ni Marina ang babaeng nakahalukipkip sa kanyang harapan kung hindi lang mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Elisa. “At anong sabi mo? Cheater? Ha!” Singhal niya. “You know? You really deserve to be cheated on, why? Because you're tolerating your brother's cheating issue.” Biglang natigilan si Marina sa sinabi ni Alice kaya lalong lumawak ang ngiti nito. “See? You can't even defend yourself because it's true.” Hamon pa sa kanya ni Alice. Kaagad na umayos ng tayo si Marina para ipakita na hindi ito apektado sa ano mang sinabi ni Alice. “How could you say that it was true? Kasama ka ba namin sa bahay? No! You're just accusing me that I'm tolerating my brother even if you don't have enough evidence!” Pagsagot sa kanya ni Marina dahil ayaw niyang matalo kay Alice. Para sa kanya, kahit na hindi siya ang nagloko ay parang natalo na siya noong nagloko ang kanyang boyfriend. Kung sanang pinansin niya ang mga senyales noon, siya na sana ang nakipaghiwalay at hindi ganito kataas ang tingin ni Alice sa sarili niya kahit na kabit lang naman siya noong una ay confident pa rin siya humarap sa ibang tao at maging sa kanya na para bang walang ginawang masama. “Why? Can you prove that it's not true? Ano bang nagawa mo para pagbawalan ang kapatid mo? Hindi ba't wala naman?” Kaagad na sagot sa kanya ni Alice. Hindi niya alam kung anong isasagot miya dahil para bang na-check mate siya sa tanong na iyon ni Alice. Kung iisipin niyang mabuti ay wala man nga siyang nagawa para pagbawalan ang kanyang kuya. Ang tanging nagagawa lang niya ay ang mapailing sa t'wing may bagong binabanggit na pangalan ang kuya niya o di kaya ay kapag bago na ang in-IG story niya. “See? I know you love your brother that you can tolerate all of his shits.” Alice rolled her eyes but at the same time she felt happiness since Marina was stunned because of her. “Anyway, as I was saying, I'm not here because of you but because of your best friend.” Maarteng wika nito tiyaka niya tiningnan si Elisa. “What do you need?” Natawa si Alice sa tanong ni Elisa dahil para sa kanya ay mali ang kanyang pagtatanong. “I don't need something for you but you need something for me.” Kumunot ang noo ni Elisa dahil hindi niya maintindihan kung ano ang pinupunto ni Alice. “What do you mean?” Takang tanong ni Elisa kaya humalakhak ng mahina si Alice. “Don't listen to her, let's go.” Anyaya ni Marina sa kanyang kaibigan dahil ayaw na niyang makita ang ngisi ni Alice o di kaya ay ang halakhak nito dahil sa pangalawang pagkakataon ay natalo siya ng babae. At hindi niya matanggap iyon kaya baka masugod niyang wala sa oras kahit na hawak siya ng kanyang kaibigan. Hinila na ni Marina si Elisa para maiwanan na nila si Alice doon at hindi na marinig kung ano man ang sasabihin nito na walang kwenta. Humalakhak ulit si Alice nang lagpasan siya ng dalawang magkaibigan kaya kaagad siyang umikot para matingnan niya ang likod nila habang naglalakad sila palayo sa kanya. “And you're now tolerating your cousin's cheating?” Napahinto si Elisa dahil isang tao lang ang pumasok sa isipan niya nang sinabi ni Alice iyon. Ganon din si Marina, kahit na ayaw niyang pakinggan ay napahinto siya hindi lang dahil napahinto si Elisa kung hindi dahil huminto siya ng kusa. “What are you saying?” Kunot noong tanong ni Marina tiyaka muling nilingon si Alice. Hindi makapagsalita si Elisa dahil kakausap pa lang nila kanina ni Oliver kaya imposible kung ano man ang sasabihin ni Alice ngayon. “What? Didn't you heard the news?” Natatawang tanong ni Alice dahil mukhang walang alam ang dalawa. Dahil kaninang nangyari ang eksena sa canteen ay may lecture sila kay Miss Salazar. “Why don't you tell us instead?” Kanina pa napipikon si Marina sa kanya at isang kalibit na lang sa mainit niyang ulo ay masasapak na niya ang babaeng ito. “Well, Avery just publicly confessed with Oliver.” Halos mapasinghap si Elisa sa sibabi ni Alice. “But don't worry, your man looks loyal since he walk away.” Dagdag ni Alice bago niya tinalikuran ang dalawang magkaibigan tiyaka siya naglakad papalayo sa kanila. Ayaw niyang silang dalawa ulit ang mag-iwan sa kanya kagaya noong unang araw nila bilang freshmen, nang iniwan siya sa locker. Kaya ngayon, siya ang gusto niyang mag walk-out dahil pakiramdam niya, she has the power to make them stunned just like that. Kaya naman niya sinabi kay Elisa iyon dahil sa tingin niya ay masyadong inosente ang dalaga para maloko. Nakikita niya ang kapatid niya noong niloko siya ng kuya ni Marina dahil sobrang inosente at sobrang bait niya. Alam niyang inagaw niya lang si Hanzo kay Marina pero para sa kanya ay deserve ni Marina iyon dahil kung hindi man siya makaganti sa kuya ni Marina para sa kanyang kapatid, gagantihan na lang niya ang kapatid nito. “f**k, Oliver!” Inis na sambit ni Marina. Dahil natulala pa si Elisa ay nakawala si Marina sa kanyang pagkakahawak at mabilis siyang naglakad para hanapin sa campus si Oliver. “Marina!” Pagtawag ni Elisa sa kanyang kaibigan nang matauhan siya kaya kaagad siyang tumakbo para masundan ito. “Elisa! Bitawan mo ako!” Inis na sambit ni Marina nang mahawakan ulit ni Elisa ang kanyang kamay dahil handa na siyang sampalin si Oliver. “Marina, ano ba?! Kumalma ka nga muna!” Sambit ni Elisa sa kanyang kaibigan dahil mukhang lahat ng pag-iinit ng kanyang ulo kay Alice ay mabubuntong lahat sa kanyang pinsan. “Hindi mo ba narinig ang sinabi ng babaeng iyon, Elisa?!” Halos hindi makapaniwala si Marina sa pagpigil sa kanya ng kaibigan. Dahil kung siya ang nasa pwesto ni Elisa ay baka sinugod na niya si Oliver. “Narinig ko, okay?” Kalmadong sabi nito. Kaya rin siya natigilan ay para i-process niya ang sinabi kanina ni Alice at makapag-isip siya ng maayos kung anong dapat niyang gawin. Ayaw niyang magpadalos-dalos lalo na't kakagaling lang nila sa away. Kapag kasi sunod-sunod na ang kanilang away ay papunta na iyon sa shaky pagkatapos ay magiging toxic na, magkakasakitan na sila hanggang sa wala na silang choice kung hindi maghiwalay. At iyon ang pinaka-ayaw na mangyari ni Elisa. Kaya kung may magagawa man siya para maayos ang relasyon nila ay gagawin niya. Kung kailangan na siya ang mag-adjust ay gagawin niya. Kasi mahal na mahal niya si Oliver. Kaya niyang gawin ang mga bagay na hindi niya inaakalang magagawa niya para lang sa lalaki. “Oh?! Narinig mo naman pala!” Inis na sambit ni Marina dahil mukha pa siyang kalmado ngayong siya ang girlfriend. “Alam kong mabait ka pero please naman! Don't be so kind that you look like a stupid!” Napabuntong hininga si Elisa dahil sa sinabi ni Marina. “Kumalma ka muna.” Pakiusap ni Elisa sa kanyang kaibigan tiyaka siya napatingin sa iilang mga estudyante na nakatingin sa kanila. Ang iba ay hindi maiwasan mag bulungan lalo na't ang iba sa kanila ay nasaksihan ang eksena na ginawa ni Avery kanina sa canteen. “Paano ako kakalma ngayong nakikita ko ang sarili ko sayo noon?” Halos manghina si Marina habang sinasabi niya iyon sa kanyang kaibigan. “Ayoko lang na maramdaman mo iyong sakit! Ilang beses ko ng inuulit-ulit sayo iyon? Ayaw ko na maramdaman mo na halos mabaliw na ako sa kakaisip kapag hindi ko kasama si Hanzo noon!” Huminga ng malalim si Elisa dahil hindi niya alam kung paano pakalmahin ang kanyang kaibigan. “Punta muna tayo sa garden then we'll message your cousin, okay?” Anyaya ni Elisa sa kanyang kaibigan dahil walang masyadong estudyante sa garden, ang punuan palagi ay ang library dahil halos lahat ng estudyante sa La Medicina ay mga grade conscious. “Paano kung hindi siya pupunta? Ha? Mas mabuti pang hanapin na natin!” Giit ni Marina kahit na hila-hila na siya ni Elisa palabas ng kanilang building para makapunta na sa garden. Alam niyang hindi malabo na gumawa ng eksena si Marina dahil sa galit nito lalo na't nakulong siya ni Alice kanina sa mga salita nito. “Pupunta siya.” Kalmado ang pagkakasabi ni Elisa kahit na hindi siya sigurado rito. Pagkarating nila sa garden ay padabog na naupo si Marina sa isang bench dahil labag na labag sa loob niya ang desisyon ng kanyang kaibigan. Minsan ay naiinis siya kapag ganitong sobrang bait ni Elisa dahil alam niyang tine-take granted lang ang kabaitan niya ng ibang tao. At lalo siyang naiinis dahil mukhang wala man lang kamalay-malay si Elisa na ginagamit na ang kanyang kabaitan. “Oh? Bilis! Message mo na siya!” Utos ni Marina pagkatapos ay pinag-krus niya ang kanyang legs. Mahinhin na umupo si Elisa sa tabi nito. “Marina, nag usap na kami kanina ni Oliver kaya ayos na kami.” Paliwanag ni Elisa sa kaibigan. “Huwag na lang natin sanang palakihin pa ang gulo.” Pakiusap niya sa kaibigan. “Anong huwag palakihin? Hindi natin pinapalaki. Kakausapin natin siya!” Pagpapaintindi naman ni Marina sa kanyang kaibigan dahil mukhang nabulag na ito sa pagmamahal. “Lalaki lang ang gulo kapag nagkataon.” Kalmado pa rin si Elisa kahit na mukhang pikon na pikon ang kanyang kaibigan. Kung totoo nga lang na may lumalabas na usok sa tenga at sa ilong kapag galit ang isang tao ay panigurado kanina pa umuusok ang magkabilang tenga tiyaka ang ilong ng kaibigan. “Sinabi ko na sa kanya ang hinanakit ko.” Pagkwento ni Elisa sa napag-usapan nila kanina ni Oliver. “Tiyaka isa pa, sinabihan ko na siya na kung maari ay iwasan na niya si Avery.” “Oo! Dapat lang niyang iwasan, alam mo kung bakit? Dahil hindi natin alam kung anong pinaplano niyang babaeng iyan at mukhang pinaglalaruan niya tayo gamit si Oliver!” Inis ma sambit ni Marina dahil nakikita kung paano nasisiyahan si Avery kapag napipikon sila. Kilala naman niya ang dalaga dahil noong senior high ay nakikita at nababalitaan nila kung ano ang mga pinagagawa niya sa campus. Hindi niya lang inaasahan na sila ang magiging target niya ngayong academic year. Minsan nga ay nanalangin na lang si Marina na sana matapos na ang academic year na ito hindi dahil sa school works kung hindi para mawala na rin ang atensyon sa kanila ni Avery. Hindi naman siya ganoong natatakot sa dalaga dahil sa susunod man na magkapisikalan sila ay lalabanan na niya ito. Mas okay nang masaktan siya na may ginagawa kesa masaktan siyang nakatulala kagaya nalang noong ginawa niya noong unang araw ng pasukan. Isa pa, ang ayaw lang niya ay baka kampihan ng chairman si Avery dahil siya ang nag-iisang apo nito kaya hindi malabong matanggal si Marina sa La Medicina sa oras na nagkapisikalan sila ni Avery. At ayaw niyang mangyari iyon dahil ang unibersidad na ito ang matagal na niyang inaasam dahil sa ganda ng reputasyon na maging sa ibang bansa ay hindi siya mahihirapan maghanap ng trabaho. Kahit na marami silang business sa Pilipinas ay mas gusto niya pa rin manirahan sa ibang bansa at doon magtrabaho dahil para sa kanya ay mas refreshing ang buhay doon tiyaka isa pa, ayaw niyang magkrus pa ulit ang landas nila nina Alice. Tama na ang palagi niya itong nakikita sa campus. “Oh? Umiwas ba si Oliver? Mukhang hindi naman siya umiwas sa kwento ni Alice ah?” Bumuntong hininga ulit si Elisa dahil mukhang hindi talaga nakinig ng maiigi ang kanyang kaibigan at pinagana kaagad ang init ng dugo nito. “Hindi mo ba narinig kanina si Alice? Iyong huling sinabi niya?” Tanong ni Elisa sa kaibigan kaya para bang kumalma si Marina dahil kumunot din ang kanyang noo na mukhang iniisip niya kung ano nga ba ang huling sinabi ng ahas na iyon? “What?” Kalmado na ngayon siyang nagtanong dahil hindi niya narinig iyon. Ang tanging nasa isip niya ng mga oras na iyon ay ang puntahan si Oliver hindi para makausap kung hindi para sampalin ng malakas ang pisngi niya. “Na hindi naman siya pinansin ni Oliver instead he walked out.” Halos gumaan din ang pakiramdam ni Elisa nang sinabi kanina ni Alice iyon. “But if I were you… don't be a blind for love.” Payo ni Marina. “Kung saan ka masaya susuportahan kita pero ayaw kong nakikita kitang tanga!” Sambit ni Marina kaya bahagyang natawa si Elisa. “Yeah sure” Sagot nito tiyaka niya pinatong ang kanyang ulo sa kaibigan. “Avery won't get my man. He's mine and will always be mine.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD