CHAPTER 2

2318 Words
CHAPTER 2   Lalong namuo ang inis ni Avery dahil sa taong pumigil sa kanya. Sinulyapan niya ito gamit ang matalim niyang tingin. Alam niyang gwapo ang lalaki pero wala siyang pake kung ano pa man ang itsura nito.    Padabog niyang hinila pababa ang buhok ni Elisa kaya napasigaw ito at napaluhod, bumalik ulit ang pansin niya sa lalaking mariin pa rin ang pagkakahawak sa kanyang kamay habang nag-aalala nitong tiningnan si Elisa na umiiyak na ngayon sa sahig.    Nakaawang ang mga labi ni Avery habang tinitingnan ng mabuti ang lalaki, hindi siya kinikilig sa kagwapuhan nito sa halip ay mas gusto niyang basagin ang pagmumukha nito.    “What do you think you’re doing?” Mariin ang pagkakatanong ni Avery sa lalaki, walang emosyon ang kanyang mga mata. Hindi pa rin binibitawan ng lalaki ang kanyang kamay kaya napatingin siya rito habang pinaglalaruan niya ang dila niya sa kanyang labi.    “You should stop.” Pinantayan ng lalaki ang kanyang tingin na hindi ikinatuwa ni Avery, maging ang mga lalaki ay natatakot din sa pwede niyang gawin.    Kaya bago sa kanya ang may pumipigil sa kanyang plano. Wala siyang inaatrasan mapa-babae man o lalaki, para sa kanya wang basehan ang lakas ng isang tao sa kanyang kasarian. Kaya noong high school pa lang siya ay pinilit niya ang kanyang lolo na i-enroll siya upang mag-aral ng martial arts at iba pang pampalakas ng katawa. Noong una ay ayaw pumayag ng kanyang lolo dahil natatakot siya sa pwedeng gawin ng kanyang apo sa kalagayan nito, pero wala rin siyang nagawa dahil nagsimulang magalit si Avery at pinagbabasag ang kanilang gamit sa sala.    “Sino ka para utusan ako?” Bakas ang inis sa boses ni Avery dahil hindi niya gusto ang naririnig niyang pang-uutos sa lalaki. Isa sa mga paniniwala niya na walang pwedeng mag-control sa kanya kung hindi siya mismo at kung sino man ang nagsusubok na utusan siya ay sasaktan niy o di kaya ay taliwas ang gagawin niya sa pinag-uutos sa kanya.    “It’s not because you are the granddaughter of the chairman, you can hurt other students.” Gusto niyang sumabog sa harapan ng lalaki ngayon pero pinigilan niya ang kanyang sarili dahil ayaw niyang magmukhang katawa-tawa sa harapan ng dalawang babaeng sinaktan niya kaya mas pinili niyang ngumiti.    “And so? What is your title here to order me like that? You’re just nothing but a piece of s**t student.” Alam niyang mga matatalinong estudyante lang ang nakakapasok sa La Medicina pero alam niya rin na kahit matatalino sila ay mas matalino siya sa lahat. Hindi lang dahil apo siya ng chairman kung hindi dahil gifted din siya na estudyante.   “Bakit? Kailangan ba may kapangyarihan bago mo i-respeto? Kailangan ba ka-level ng yaman niyo?” Mukhang napikon ang lalaki kaya lalong napangisi si Avery.   “Even if we're on the same level. I won’t respect you.” Napaawang ang bibig ng lalaki dahil sa sinabi ni Avery, nakangisi lang naman ang dalaga na mukhang nagustuhan ang pinakitang reaksyon sa kanya ng lalaki. “Everyone doesn’t deserve my respect, asshole!” Mabilis ang pagkilos ni Avery tiyaka niya binawi ang kanang kamay niya, mabilis at malakas niyang sinapak ang lalaki kaya napatagilid ang kanyang ulo dahil don.    “Whoah!” Huminga ng malalim si Avery habang pinapagpagan ang kamay niyang pinag-sapak sa lalaki. “Not bad, you’re quite strong.” Ngumisi si Avery pero ang lalaking nasa harapan niya ay nakatiim ang bagang na mukhang nagpipigil.    Kailangan niyang magpigil dahil pinapaalala niyang babae ang nasa harapan niya, hindi-hindi siya nanakit ng babae dahil ayaw niya na mayroong manakit sa kanyang ina o maging sa kanyang kasintahan na ngayon ay umiiyak habang nakaupo sa sahig.    Napaawang ang labi ni Oliver dahil sa biglaang paglapit ni Avery sa kanya para bumulong sa kanyang tenga. “A man with principle, I like that.” Mapang-akit na bulong ni Avery kaya kinuyom ni Oliver ang kanyang kamao para pigilan ang sarili niya. Pagkatapos ay iniwan siya na siya ni Avery, agad na sumunod si Lindsey kay Avery na may ngiti sa labi.    Hindi maipagkakaila ni Oliver nang mga oras na bumubulong sa kanya si Avery ay may kung anong estrangherong pakiramdam siyang nararamdaman pero kaagad niyang pinilig ang kanyang ulo dahil mayroon siyang kasintahan.    Agad na lumapit si Oliver kay Elisa para tulungan niya itong tumayo, tiningnan niya ang kaibigan ni Elisa na si Marina na ngayon ay nakatayo na habang hawak-hawak ang kanyang sikmura dahil ganon kalakas ang pagkakasipa sa kanya ni Avery.    “Are you okay?” Nag-aalalang tanong ni Oliver sa kasintahan niya. Pinunasan niya rin ang luha pati na rin ang mga natuyong luha sa pisngi ng kanyang nobya.    “Baliw talaga ang babaeng iyon.” Bulong ni Marina nang makalapit siya sa dalawa. Huminga ng malalim si Oliver dahil madalas ay hindi niya maintindihan ang mga babae, lalo na ang babae na nangangalang Avery kanina.   “Dapat ay hindi niyo na lang siya pinatulan.” Wika ni Oliver sa kanyang pinsan na si Marina.    Dahil kay Marina ay nakilala niya si Elisa. Nang malaman ni Marina na may gusto ang kaibigan niya sa kanyang pinsan ay agad niya itong nireto sa pinsan. Nung una ay umaayaw si Oliver dahil para lamang niyang kapatid si Elisa, ang kaso nga lang ay gusto rin ng ina niya si Elisa kaya wala na siyang nagawa.    Mahal niya si Elisa pero hindi bilang kasintahan kung hindi bilang isang kapatid at kaibigan. Iyon lang ang pagmamahal na kaya niyang ibigay sa babae pero ngayon ay sinusubukan niya itong mahalin bilang isang babae dahil ang unfair sa part ni Elisa.   “Anong hindi?! Akala mo naman pag-aari niya ang buong Pilipinas!” Inis na sabi ni Marina habang nakatingin sa puti niyang uniform na ngayon ay nadumihan dahil sa sipa kanina ni Avery. “Tingnan mo nga kung anong ginawa niya! Unang araw ng pasukan ah!” Tuloy-tuloy na reklamo ni Marina.    “Hindi ba siya napapagalitan sa lolo niya?” Pagtatanong ni Elisa. Kabaligtaran ni Marina si Elisa, mabait ito at mahinhin kumpara sa kaibigan. Si Marina kasi ang tipong hindi nagpapatalo rin.   “Ano ka ba? Parang hindi naman natin iyan naging schoolmate, spoiled brat ang devil na iyon.” Pagpapaalala ni Marina sa kaibiga, hindi pa siya makapaniwala na tinanong pa talaga ni Elisa iyon.    “Sa susunod ay huwag na lang kayong makiaway sa kanya.” Sambit ni Oliver na bagong transfer, sa ibang university kasi siya nag senior high at dahil magaling ang La Medicina sa pre-med at med ay dito niya na napiling mag enroll.    Alam niya na hindi makikinig sa kanya ang kanyang pinsan kaya kakausapin niya na lang si Elisa mamaya para tulungan siyang huwag ng mag-krus ang landas nilang dalawa.    Samantala, nakangisi lang umalis si Avery sa eksenang ginawa niya. Lalo pa siyang napangiti nang makita ang reaksyon ng mga estudyante sa kanya na tila natatakot at ang ilan naman sa kanila ay may halong pagkamangha lalo na ang mga lalaki.    Ito ang isang bagay na gustong-gusto niya: Atensiyon.    “Avery.” Pagtawag sa kanya ni Lindsey kaya sandali siyang huminto at nang napantayan na ni Lindsey ang paglalakad niya ay nagpatuloy na ito sa paglalakad papunta sa classroom nila.   “That was hella fun, right?” Pagtatanong ni Avery kay Lindsey, bakas sa boses niya ang kasiyahan na nararamdaman niya dahil nakuha niya ang atensiyon ng lahat at isa pa ay may nakaaway ulit siya na lalaki.    Napangisi siya dahil ayaw niya talaga sa mga lalaki, masyado kasi itong mayayabang at masyadong bilib sa kanilang sarili na kaya nilang saktan ang mga babae. Pwes ibahin nila si Avery, dahil siya ang babae na magiging bangungot nila.    “Ye-yes.” Nakangiting sabi ni Lindsay dahil ayaw niya lang na matrigger ulit si Avery kagaya ng kanina. Muling natawa si Avery dahil sa sinagot ng kanyang kaibigan.    “Hmmm. That’s a welcome scene for some freshies who don't know me.” Iyon ang babala ni Avery sa mga transferee sa kanilang school na nagsusubok kalabanin siya.    “They will never forget that.” Panggatong naman ni Lindsey sa kaibigan.    Habang naglalakad sila ay hindi maiwasan mag-isip ni Avery kung tama ba ang sinasabi ng dalawang magkaibigan kanina na nag-stay lang si Lindsey sa kanyang tabi dahil wala itong choice kung hindi pakisamahan siya para makapag-aral at para manatili ang magulang niya sa pagtatrabaho nila sa mansyon.    Pinilig niya ang ulo niya sa pag-iisip, kung totoo man ang sinasabi ng dalawa ay wala siyang pakialam dahil wala naman din itong tiwala kahit kanino. Kagaya na lang ng mga pinagkatiwalaan ng mga magulang niya pero sa huli ay sila lang pala ang papatay sa mga ito.    Kung totoo man ang sinasabi ng dalawang magkaibigan tungkol kay Lindsey ay hindi siya magdadalawang isip na saktan na rin ang dalaga. Mayroon lang pwersa sa kanya na dahilan kug bakit hindi niya magawang saktan ang kasa-kasama niya palagi dahil ayaw niyang magmukhang kawawa.    Gusto niyang ipakita sa lahat na kahit ganito siya ay mayroon pa rin isang tao na nasa tabi niya. Iyon ang gusto niyang paniwalaan kahit iba ang tingin ng mga tao rito.    “By the way, ngayon ko pa lang nakita ang lalaking iyon. Kilala mo ba iyon?” Pagtatanong ni Avery kay Lindsey. Pareho silang natigil sa tapat ng kanilang classroom, maaga pa sila para sa first period kaya wala pa ang kanilang professor at iilan pa lang ang mga estudyante na naroon.    “Hindi ko rin siya kilala. Mukhang bago siya rito.” Sagot ni Lindsey tila nag-iisip kung nakita niya na ba ito noon pero hindi talaga siya pamilyar sa lalaki.    “Are you sure?” Pagtatanong ni Avery na may pagdududa. Muling inalala ni Lindsey ang mga nakakasalamuha o di kaya ay nakikita niya sa campus noon pero hindi niya talaga matandaan na nakita na niya ang lalaki.    “Hindi ko talaga siya nakikita eh,” Sagot ni Lindsey sa kanya. Halos mawasak na nga ang utak ni Lindsey, pinipiga kung saan niya nakita ang lalaking iyon pero wala talagang eksena na nakikita niya sa kanyang utak na may mukha ng lalaking nakasagutan kanina ni Avery.    “Gusto mo itanong ko mamaya sa lolo mo?’ Lindsey suggested. Umiling si Avery dahil hindi naman siya ganon ka-interesado sa lalaki.    “Weird, it’s like I’ve seen her eyes before.” Nagtatakang bulong ni Avery sa kanyang sarili. Nakahawak pa ang daliri niya sa kanyang baba habang inaalala kung saan niya na nakita ang lalaking kaaway niya kanina. Hindi masyadong narinig ni Lindsey iyon kaya kinakabahan siyang nagtanong kay Avery.    “Ha? Ano yon?” Mula sa malalim na pag-iisip ay nag-angat ng tingin si Avery kay Lindsey, ngumsisi siya tiyaka nagkibit-balikat.    Pero hanggang sa pagpasok nila sa classroom ay iniisip niya pa rin kung saan niya nakita ang dalawang pares ng mata na iyon. Alam niya na nakita na niya iyon kung saan habang pinagmamasdan niya kanina ang lalaki. Hindi siya naakit sa kagwapuhan nito sa halip ay na-curious siya kung saan niya ba nakita noon ang mga matang iyon.    Anyway, men are not worth it. Kaya tinigil ni Avery ang pag-iisip sa lalaki, gugulo lang ito sa isip niya e wala namang kuwenta ang mga lalaki.    Pero aaminin niya na sandali ay umasa siya katulad ng mga nababasa niya sa mga libro na magiging kaklase niya ang nakaaway niya kanina pero nawala ang pag-asa niya nang matapos ang unang schedule nila ay hindi man pumasok ang lalaki sa classroom nila.   “Do you know his name?” Hindi mapigilan ni Avery ang magtanong kay Lindsey habang papasok sila sa canteen.   Kumunot ang noo niya dahil sanay siya noon na pag pasok palang niya sa canteen ay titingin na sa kanya ang mga estudyante, sa halip ay sa ibang direksyon sila nakatingin at nagbubulong-bulungan. Napahinto rin si Lindsey dahil sa paghinto ni Avery.   Sinundan ng tingin ni Avery kung saan sila nakatingin, hindi iyon mahirap sundin dahil iisang direksiyon lang naman ang tinitingnan ng lahat.    “Ang gwapo niya no!” Rinig niyang bulong ng isang estudyante na para pang binudburan ng asin kung kiligin.    “Oo nga e! Balita ko valedictorian din siya noong senior high sa school na pinasukan niya.” Sagot nang isa na parang naiipit pa ang kanilang boses habang sinasabi nila iyon.    Nagtangis ang bagang ni Avery dahil hindi niya gusto ang naririnig niya. Bakit parang nawala ng ganon-ganon lang ang atensiyon sa kanya ng lahat?   “Nakita mo ba siya kanina? Kung paano niya labanan si Avery? He’s so hot!” Bulong ng ibang estudyante na may kasama pang pag-ungol.    “Pero hindi niya kinaya si Avery!” Boses naman ng lalaki iyon kaya napangisi siya, iyon ang gusto niyang marinig.    Pero natambunan ulit ng pagpuri sa kanya dahil tuloy-tuloy ang pagpuri ng lahat sa lalaki kaya bigla siyang sumigaw.    “HEY!!!!!” Natahimik ang buong canteen na kanina lang ay punong-puno ng bulungan sa lalaki. Ngayon ay nakuha na niya ang atensiyon ng lahat ay lihim siyang napangiti. Maging ang atensiyon ng lalaki kasama ang mga kaibigan niya ay nakuha na niya rin. “Can you all shut up your shitty mouth?!” Dagdag na sigaw pa nito kaya tinikom ng lahat ang kanilang bibig.    Parang nagkaroon ng kapayapaan ang pag-iisip niya nang tumahimik ang canteen. Kumuha na siya ng pagkain niya pagkatapos ay naupo siya sa paborito niyang spot-ang pinaka gitnang lamesa sa buong canteen. Kung puro square ang shape ng mga table ang kanya lang ang natatangi na hugis bilog.    “Oliver.” Ngumisi si Avery pagkatapos niyang bigkasin ang pangalan ng lalaki na narinig niya lang din sa mga nagbubulungan kanina.    “What a nice name for a tombstone.” Bahagyang nangilabot si Lindsey sa boses at ekspresyon ng kaibigan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD