CHAPTER 1
“I'm excited for tomorrow.” Sambit ni Avery habang naglalagay ng earings sa kanyang tenga habang nakaharap sa kanyang vanity mirror.
Si Lindsey ay tahimik na nakaupo lamang sa maliit na sofa na nasa kwarto ni Avery. Kahit na ilang beses na niyanh nakitang pumapatay ng hayop si Avery ay hindi niya pa rin maiwasan na kabahan o di kaya ay magulat.
“Aren't you excited?” Pagtatanong sa kanya ni Avery. Agad na umayos ng upo si Lindsey, kita ang pagpapanic sa sistema niya.
Natatakot kasi siya na bigla na lang mainis sa kanya si Avery at kung ano pang gawin nito sa harapan niya. Noong ayaw ni Avery ang kanyang sinagot ay bigla nitong binasag ang mamahaling vase sa kanilang mansyon sa kanyang harapan—muntik ng tumama sa kanya ang mga bubog pero hindi siya makagalaw sa gulat.
“I am.” Ngumiti si Lindsey pero bakas sa ngiti niya ang pagiging kabado.
“Hmmm. Aren they all excited to see me?” Pagtatanong ni Avery habang nakangiti sa kanyang repleksyon sa salamin.
Gustong-gusto ni Avery ang atensyon. Gusto niya na lahat ng atensyon ay nasa kanya. Hindi siya mahihirapan na kunin ang mata ng mga estudyante dahil sa angkin niyang ganda at kayamanan. Liban pa dito, siya ang pinakamatalino sa mga estudyante.
She graduated batch valedictorian; Elementary, Junior High School and Senior High School.
Pero kahit na hanga sa kanya ang ibang estudyante ay mayroong naiinis sa kanya dahil sa pagiging mataray o di kaya ay mayabang niya. Marami din siyang nakaaway dahil sa pasensya na meron siya.
Nasaksihan ng lahat kung paano niya nilubog sa timba na ginagamit sa pag map sa sahig na may lamang tubig noong nainis siya sa sinabi ng babae. Simula noon, natakot na ang lahat na kalabanan siya.
Wala rin magawa ang mga guro dahil isa ang lolo niya sa may-ari ng paaralan na pinapasukan niya.
Hindi lamang sa paaralan sikat si Avery kung hindi pati na rin sa social media o labas ng paaralan hindi lamang sa angkin niyang kagandahan kung hindi na rin sa talento niya bilang manunulat.
“O-of course they must be excited to see you.” Sagot ni Lindsey, kahit na lagi silang magkasama ni Avery—dahil pinapaaral na rin siya ng lolo ni Avery ay simula sa bahay at paaralan ay sila ang palaging magkasama. Ngunit sa kabila ng kanilang pagsasama ay hindi pa rin maiwasan ng dalaga na kabahan sa t'wing kausap niya si Avery.
“Right?” Ngiting sabi ni Avery na tila ba nagustuhan ang sagot sa kanya ni Lindsey. Para namang nabunutan ng tinik si Lindsey dahil akala niya ay hindi magugustuhan ni Avery ang kanyang sagot.
Bukas ang unang araw nila bilang isang freshmen o college student. Sa school pa rin nila noong senior high nag-aaral sa La Medicina, ang sikat na med school sa bansa.
Parehong nursing ang kanilang kurso. Himala nga para kay Lindsey na mayroong isang bagay silang napagkasunduan.
Kagaya ng inaasahan ay si Avery ang pinag tinginan unang araw pa lamang ng pasukan. Hindi naman ganon kalaki ang kanilang paaralan at may hospital dun ito. Pahirapan din makapasok sa paaralan na ito dahil puro matatalino ang mga pinapasok kaya hindi na nakakapagtaka kung kilala si Avery.
Lalo na at halos ng mga kaklase nila noong senior high ay dito pa rin nag-aral. Kilala rin siya ng mga college students dahil sa kabilang building ang mga senior high at lagi nila itong naririnig lalo na kapag may mga kaaway siya.
“Look at those stares, Lindsey.” Nakangiting bulong ni Avery sa kanyang katabi. Masayang-masaya siya ngayon dahil lahat ng ulo ng mga estudyanteng nadadaanan nila ay napapatingin sa kanya.
Isa rin sa dahilan kung bakit siya pinagtitinginan ay hindi siya nakasuot ng white uniform. She's wearing a black dress.
Hindi siya nasita ng guard dahil kilala siya bilang apo ng chairman ng school. Wala rin magawa ang mga professor sa kanyang suot kung hindi mapasinghap nalang.
“Yeah, I-i can see their amusement!” Pagpuri ni Lindsey. Masungit na napahinto si Avery sa kanilang paglalakad kaya nagpanic ang sistema ni Lindsey.
Kapag ganon na ang itsura ni Avery ay mayroon siyang hindi nagustuhan sa sinabi nito kaya abot-abot langit ang kaba niya na huminto rin sa paglalakad tiyaka humarap sa kanya.
Avery is wearing all black. Pati ang kanyang bag ay kulay black, ang high knee boots niya ay kulay black.
“You're fooling me, aren't you?” Kalmado lang ang pagtatanong ni Avery pero halos maihi na sa kaba si Lindsey.
Kapag ganon ang tono ng pananalita niya ay para kang nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa paninigas at panginginig ng iyong katawan. Kalmado ang kanyang itsura, wala kang makikitang emosyon pero kita sa mga mata niya ang inis.
Kapag ang mata na niya ang nagpapakita ng emosyon ay dapat mo ng iligtas ang buhay mo.
“Hu-huh? Why would I fool you?” Ngumiti si Lindsey kaya napatingin si Avery sa labi niyang nanginginig na pinipilit niya lang itong ikurba.
“Stop smiling.” Agad na tinikom ni Lindsey ang kanyang bibig dahil sa sinabi ni Avery. “I know some of them are talking bad while looking at me, admiration my ass.” Ngumisi si Avery na para bang nahuli niyang nagsisinungaling si Lindsey.
“O-oh. I didn't notice that.” Kabang-kaba ni Lindsey dahil baka saktan siya ni Avery sa harapan ng maraming tao at mapahiya siya.
Though, hindi pa siya nasasaktan ni Avery pero lagi niya itong sinasaktan emotionally. Kung saan palagi niya itong pinapakita ang pananakit niya sa mga hayop o bigla na lang siyang papatay ng hayop sa kanyang harapan. Minsan ay nagbabato siya ng babasaging bagay na malapit sa kanya.
Malakas na tumawa si Avery kaya naman nagtatakang tumingin sa kanya si Lindsey, pinagtitinginan din sila ng mga estudyante at may ilang mga bulungan. May kung ano rin sa tawa niya ang nakakatakot.
“You're funny!” Tumatawa pa rin na sabi ni Avery tiyaka tinuro si Lindsey. Nagtatakang napaturo si Lindsey sa kanyang sarili.
“A-am I?” Pagtatanong nito na bakas ang kalituhan sa kanyang boses habang turo-turo pa rin ang kanyang sarili.
“Yes, you are!” Malakas na sabi ni Avery tiyaka natawa. “You looked nervous that you will pee in your pants!” Tumawa pa ito habang hawak-hawak ang kanyang tiyan tiyan at tinuturo ang mukha ni Lindsey na para bang iyon ang nakakatawang bagay na nakita niya sa mundo..
“Ah- I'm funny.” Nginig pa rin ang boses nu Lindsey pagkatapos ay nagsimula rin siyang tumawa ng pilit pero ramdam pa rin ang panginginig ng boses sa kanyang tawa.
Ang malakas na tawa ni Avery at ang naiilang na tawa ni Lindsey ang rinig sa buong hallway, wala si Avery sa mga estudyanteng nakatingin sa kanila habang nahihiyang at naiilang na tumitingin si Lindsey sa mga nakatingin sa kanila pero humalakhak pa rin siya dahil hindi pa tapos tumawa si Avery.
“Baliw.” Bulong ng isang estudyante habang naiiling na nakatingin sa dalawang magkaibigan na tumatawa sa gitna ng hallway.
“Kawawa nga si Lindsey.” Bulong ng kasama niya. “Pinagtitiyagaan niya ang baliw na apo ng chairman simula noong grade seven.” Dagdag pa nito dahil magsimula noong high school ay magka-schoolmate sila.
“Siguro wala lang siyang magawa dahil pinag-aaral siya ng lolo niya diba?” Pagtatanong ng babae, humihingi ng kumpirmasyon sa kaibigan.
“Siguro.” Kibit-balikat naman na bulong nito. “O kaya ay nahawa na rin siya pagiging baliw ng kaibigan niya. Hindi ba't nakakahawa rin ang pagiging baliw? Panigurado nahawa siya dahil palagi niyang kasama sa school man o di kaya ay sa bahay.”
“Tsk. Tsk. Kawawa, mga baliw.”
Parang napintig ang tenga ni Avery nang marinig niya ang bulungan ng dalawang babae. Malakas ang pandinig niya kaya kahit na may kalayuan at normal na bulong lamang iyon ay hindi pinalampas ng kanyang tenga.
Dahan-dahan siyang tumigil sa pagtawa tiyaka binaling ang kanyang tingin sa dalawang babae. Tumigil na rin sa pagtawa si Lindsey at sinubukan sundan ng tingin si Avery habang nagtatangis ang bagang nito.
Hindi na naawat pa ni Lindsey si Avery. Tanging ang tunog ng high knee, high heels na boots niya ang maririnig sa hallway habang papalapit sa dalawang babae. Napapikit na lang si Lindsey, hindi makagalaw sa kinatatayuan niya dahil hindi niya alam kung anong gagawin ni Avery sa dalawa.
“What did you say?” Kalmado pero nakakatakot na tanong ni Avery sa dalawang babae na ngayon ay nangingig sa takot ang isa pero hinarap siya ng isa habang nakataas ang kilay ng isa para pagtakpan ang kabang nararamdaman.
“Didn't you hear it?” The other girl asked calmly but for Avery she could hear that this girl in front of her was mocking her.
“I would never ask if I heard it.” Pagsisinungaling niya kahit ang totoo ay klarong-klaro sa pandinig niya ang pinag-uusapan ng dalawang babae kanina.
“And you're not part of our conversation, why are you putting yourself in?” Humalukipkip niya pa ang kanyang braso na para bang nag-enjoy siyang asarin si Avery.
Habang ang mag estudyanteng nanonood sa kanila ay kinakabahan sa gagawin ni Avery sa babae.
“If I am not part then why did I hear my name?” Lumapit si Avery sa babae para matingnan niyang mabuti ang kanyang mukha at halos mapangiti siya na abot sa tenga nang maramdaman niya ang kaba sa babae pati na rin ang pag-urong nito dahil sa paghakbang ni Avery.
“I-i though you didn't hear it?” Hindi mapigilan ni Avery na matawa dahil bakas sa boses ng babae ang kaba pagkatapos ay pinili niya pa talagang labanan siya?
Agad na lumapit si Lindsey, sinubukan niyang hawakan si Avery pero malakas na iniwas ni Avery ang kanyang braso habang tumatawa pa rin na nakatingin sa babaeng sumagot-sagot sa kanya.
“Why won't you repeat it?”Avery mocked her. “Bakit mukhang takot na takot ka ngayon? Scary cat.” Pang-iinis pa niya sa babae kaya namula ang pisngi ng babae dahil sa inis at pagkapahiya.
“Wh-why would you want to hear it when you know it yourself?” Kahit na kinakabahan siya ay pinilit niya pa rin huwag matalo kay Avery. Nag-alalang tumingin si Lindsey sa babae.
“Miss, please stop.” Lindsay voice was almost begging. Baka kung ano pang magawa ni Avery sa kanya kung hindi pa ito titigil.
“Marina Lopez.” Dahan-dahan na pagbasa ni Avery sa pangalan ng babaeng kausap niya. “You want to die right now?” Ngumisi pa ito habang tinatanong niya iyon.
“Hey! Pwede ka naming kasuhan sa pagbabanta mo!” Sigaw ng babaeng katabi ni Marina na mukhang kaibigan nito. Siya ngayon ang tiningnan ni Avery kaya sunod-sunod na napalunod ang dalaga.
“So, pwede ko rin kayong kasuhan ng false accusation at paninira sa akin. Diba?” Nakangising tanong ni Avery sa kanilang dalawa. “You're spreading lie without a f*****g evidence.” Napapikit si Lindsey tiyaka napahawak sa sentido niya dahil alam na niya kung saan hahantong ito.
“Okay, let us say, I'm crazy. Do you have any proof to claim your accusation? Are you a psychiatrist?” Avery asked them and when they remained silent. She laughed.
Napasigaw sa gulat ang kaibigan ni Marina dahil sa biglaang paghatak ni Avery sa kanyang buhok, mukhang hindi rin inaasahan ni Marina na biglang gagawin ni Avery iyon kaya hindi man siya nakapaghanda.
Sabay-sabay na napasinghap ang mga estudyante kasama si Lindsey dahil sa gulat. Mukhang walang sino man sa kanila ang inaasahan na mangyayari iyon.
“Elisa Gomez.” Pagbanggit ni Avery habang hatak-hatak niya pababa ang buhok nito.
“What are you doing?!” Hindi maiwasan na isigaw iyon ni Elisa dahil sa sakit na nararamdaman niya. Ayaw pa siyang bitawan ni Avery at lalo lang niya itong hinatak pababa.
“You b***h!” Susugod pa sana si Marina ang kaso nga lang ay agad din siyang sinabunutan ni Avery tiyaka malakas niya itong sinikmuraan dahilan ng pagbasak ni Marina sa sahig habang hawak-hawak ang kanyang sikmura dahil sa lakas ng pagkakasipa ni Avery sa kanyang sikmura dagdag pa ang matalim niyang heels.
Ginawa iyon ni Avery na hindi man lang binibitawan sa kaliwang kamay niya ang pagkaka sabunot kay Elisa.
Nanggigil niya pa itong hinila pababa na halos mapaluhod na si Elisa habang hawak-hawak ang kamay ni Avery na nakasabunot sa kanyang buhok.
“Crazy? Then, I'll show you what a crazy b***h is.” Nag-ipon ng lakas si Avery para sampalin ng malakas si Elisa sa pisngi.
Pero bago pa dumapo ang kanyang kamay sa pisngi ni Elisa ay may isang malakas na puwersa ang humawak sa kanyang kamay para pigilan ito.
“That's enough.”