CHAPTER 3

2298 Words
CHAPTER 3 Padabog na sinara ni Marina ang kanyang locker dahil naiinis pa rin siya kay Avery, mag-lunch na lang ay bakas pa rin ang inis sa kanyang sistema. Halos masira ang kanyang araw lalo na’t kapag nakikita niya ang kanyang puting blusa na may dumi ng sapatos galing kay Avery. At isa pa ay hindi niya matanggap na natalo siya. “Oh Marina, mukhang nagkapalit kayo ng ugali kanina ni Elisa ah?” Natatawang pang-aasar ni Alice sa kanya. Si Alice ang kinaiinisan niyang babae simula noong senior high school sila dahil inagaw nito ang kanyang boyfriend. “Kay Avery ka lang pala tataob? Akala mo kung sinong matapang.” Dagdag pa ng dalaga dahil naaliw siya ngayon sa nakabusangot na mukha ni Marina. “Alice, tumahimik ka na lang.” Sambit ni Elisa dahil kanina pa niya ramdam na wala sa mood ang kaibigan. “Bakit? Sinasabi ko lang naman kung paano siya nanginig at na estatwa noong nilapitan kayo ni Avery.” Padabog na sinara ni Marina ang locker ni Alice, muntik pang maipit si Alice dahil sa biglaang ginawa ni Marina habang mariin niyang tinitignan ito. Hindi nagpatinag si Alice tiyaka pinantayan ang tingin sa kanya ni Marina. “Bakit hindi mo tantanan ang buhay ko?” Naiinis na tanong ni Marina. “Inggit na inggit ka ba sa akin? Kaya gusto mong sirain palagi ang araw ko? Nakasira ka nga ng relasyon tapos ganyan ka pa umasta?” Nagpakawala ng tawa si Marina. “Sabagay, a typical kabit.” Nandidiring sambit niya tiyaka niya ito nilagpasan para makapunta na sila sa canteen. Agad na hinabol ni Elisa ang kaibigan para makasabay sila sa paglalakad. Ang mabuti nga ay naging magkaklase sila ngayon dahil nagsha-shuffle lang naman ng pangalan ang paaralan. Hindi na nila kailangan pang i-rank ang kanilang average para hati-hatiin sa magkakaibang section dahil lahat naman ng estudyante na nag-aaral sa paaralan nila ay matatalino at wala ng duda roon. Nakabusangot ang mukha ni Elisa habang pinapagpagan ang kanyang kulay puting blusa, magsimula kanina ay iyon na ang ginagawa niya. Nagbabakasakali na mawala ang marka ni Avery dahil naiinis lamang siya kung paano siya na estatwa kanina. Lahat naman ay kaya niyang kalabanin at iyon ang unang pagkakataon na mapahiya siya. “I have spare blouse pa naman, do you like to borrow it?” Pagtatanong ni Elisa sa kaibigan habang naglalakad sila. Napansin niya kasi ang palaging pag pagpag ng kaibigan sa kanyang blouse habang naiinis. “Nasa locker mo?” Tanong ni Marina kaya tumango si Elisa. “Huwag na, baka nandoon pa sina Alice at matawag na talaga ako sa student’s affair kapag gumawa pa ako ng gulo.” Sambit nito. Alam niya na kaya hindi sila tinawag sa gulo nila kanina dahil dawit ang pangalan ni Avery at dahil apo siya ng chairman ay hindi siya pwedeng ma-detain at unfair naman sa kanila kung sila lang kaya siguro hindi na sila pinatawag. “Buti na lang dumating si Oliver no?” Kinikilig na sambit ni Elisa. Matagal na silang magkakilala ni Oliver pero tatlong buwan palang sila bilang magkasintahan, nakakahiya man sabihin pero siya ang nagtanong sa lalaki kung pwede niya ba itong maging boyfriend. “Tsk.” Napailing si Marina dahil minsan ay naco-corny-han siya o di kaya naman ay nacringe siya dahil sanay naman siya sa pagmumukha ng pinsan niya. “Pangit lang ng pinsan ko, patay na patay ka ron.” Pang-aasar niya sa kaibigan kaya sumimangot si Elisa sa kanya dahilan ng pagtawa niya. “Excuse me? Ang gwapo kaya ng boyfriend ko no! Nakuha nga niya ang spotlight kay Avery ngayon, diba?” Proud na sambit ni Elisa sa kanyang kaibigan. “Dinig mo ba ang mga estudyante? Siya halos ang bukambibig nila hindi lang dahil matalino siya kung hindi dahil gwapo siya!” Samantala, nakaupo naman si Oliver sa canteen kasama ang kanyang mga kaibigan sa canteen. Kakatapos lang gumawa ng eksena ni Avery at parang mga alipin ay sumunod sa kanya ang lahat ng estudyante mapa-senior student man o hindi. Pinagmamasdan niya lang ang mga estudyante na maingat na kumakain para hindi makalikha ng maingay na tunog gamit ang kanilang mga kubyertos, kung paanong halos bumulong na rin sila kapag nagsasalita na animo’y nasa loob sila ng library. Hindi niya maintindihan kung bakit parang kailangan na ituring nila na parang reyna ang apo ng chairman ng university, alam niyang mataas na posisyon ang lolo niya pero mananatili ba silang nakapikit katulad na lang ng nangyari kanina? “Lalim ng iniisip mo, dude.” Siko sa kanya ni Samuel, kahit unang araw pa lang niya sa university na ito ay nagkaroon na siya ng kaibigan dahil magkakatabi silang tatlo nina Henry. Simula naman noong senior high school ay magkaibigan na sina Samuel at Henry. “Hindi ko lang alam kung bakit itinuturing na reyna ang apo ng chairman.” Bahagyang nabulunan si Henry pero natawa si Samuel tiyaka niya inabot ang balikat ni Oliver para tapikin ito. “Apo kasi siya ng chairman ng university na ito.” Sagot ni Samuel sa kanya. “Mens respect her because of her beauty and intelligence.” Sagot ni Henry sa kanya pagkatapos niyang uminom ng tubig. “She’s quite famous online because she’s a great writer.” Dagdag pa nito. “Respect her beauty and intelligence?” Hindi mapigilan na maging tunog sarkastiko si Oliver tiyaka niya marahan na sinulyapan si Avery. Pero nakatingin sa kanya ang dalaga habang nakalagay ang isang kamay nito sa ilalim ng kanyang baba. Ang pagkakatingin sa kanya ni Avery ay para bang binabasa niya ang kanyang pagkatao, hindi nagulat si Avery sa pagtingin ni Oliver dahil inaasahan niya naman iyon. Matamis na ngumiti si Avery sa binata tiyaka pa niya malanding kinaway ang isa niyang kamay. Napaayos bigla ng upo si Oliver tiyaka sunod-sunod ang kanyang paglunok at mabilis na iniwas ang kanyang tingin sa babae. Napatawa nang mahina si Avery dahil sa naging reaksyon ng lalaki. “Men always be men.” Marahan na wika niya kaya agad na tumingin si Lindsey sa kanya kahit na kumakain pa ito para lang maging atentibo kung ano man ang sasabihin ni Avery. “Hmm?” Pagtatanong niya pa dahil hindi niya maintindihan kung ano ang pinapahiwatig ni Avery. “Do you think it’s a good idea?” Biglang kinabahan si Lindsey dahil hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ni Avery at baka magalit ito bigla kapag may nasabi siyang hindi niya nagustuhan. “Nevermind, continue your meals.” Dagdag na sabi ni Avery. “Oo. Hindi ba maganda naman si Avery?” Pagtatanong ni Samuel. “To be honest, almost male students were drooling with her body or admiring her beauty but we all don’t have the guts to approach her since she’s intimidating.” Kumunot ang noo ni Oliver sa sinabi ng kaibigan. “Do you know how it feels being a champion in the hardest competition in the world? That's probably what you feel when she's gonna be your girl.” Si Henry naman ngayon ang nagsalita. Mukhang may paghanga sa babae ang dalawang kaibigan niya. “Even if her attitude was like that?” Hindi niya maiwasan na magtaka dahil para sa kanya ay malaking red flag ang ugali ni Avey kahit gaano pa siya kaganda o katalino. “Dude, she’s kind!” Pagpuri ni Samuel. “Just don’t pissed her off.” Dagdag ni Henry. “Maybe she has anger issues but that’s okay as long as she’s my girl.” Punong-puno ang admiration si Samuel habang sinasabi niya iyon. “At kung tatanungin mo naman kung bakit siya nirerespeto ng mga babae? Ay dahil natatakot silang ma-expel sa university sa ito. You know how great La Medicina’s credentials are.” Pagmamalaki ni Henry. “Once you graduate here, you’ll surely get hired with different big hospitals in the country or even outside the country.” Dagdag pa nito. “But the chairman shouldn’t tolerate her granddaughter.” Pagkomento ni Oliver bago siya kumain ulit ng kanyang pagkain kahit na bahagya siyang na-distract dahil sa ginawa ni Avery sa kanya kanina. “Dude, if she’s my girlfriend? I’m gonna spoil her.” Samuel proudly said while imagining spoiling Avery as her girlfriend in his mind. “You shouldn’t tolerate toxic things.” Umiiling na sabi ni Oliver. Natawa ang dalawa sa sinabi niya. “As long as she’s happy, I’m happy with it.” Samuel said. “How could you even resist that kind of beauty?” Pagtatanong ni Henry. “You suddenly turn from nursing to psychologist.” Samuel chuckled. “Aren’t you attracted to her beauty?” Biglang natigilan si Oliver sa tanong ni Henry. Naalala niya bigla ang unang pagkikita nilang dalawa kanina. Noong pinigilan niya ang kamay ni Avery para sampalin si Elisa. Parang biglang nag-slow mo ang kanyang paningin ng biglang lumipat ang tingin ni Avery sa kanya. Kaya siguro hindi rin siya nakapaghanda ng biglaan siyang sinapak ng dalaga. “What kind of question is that? Of course, he wouldn’t.” Samuel said. “He already had a girlfriend, si Elisa!” Dagdag pa nito. Pero napatingin ang dalawa sa tapat nilang si Oliver na natahimik habang tulala sa kanyang pagkain. “Whoah. Whoah. What’s with the silence?” Bakas ang excitement sa boses ni Henry dahil sa pananahimik ni Oliver para bang hinihintay niya itong sumagot. “Unless…” Agad na ngumisi si Samuel at dahil doon ay biglang natauhan si Oliver tiyaka napailing. “I already have a girlfriend.” Sambit niya hindi para sabihin sa dalawa kung hindi para ipaalala sa sarili niya na may kasintahan na siya at kung ano man ang estranghero na nararamdaman niya kanina ay wala lang iyon. “Sinasabi mo ba sa amin iyan o sinasabi mo sa sarili mo?” Pang-aasar ni Samuel pero pinabayaan niya lang ang dalawa. Habang kumakain sila ay hindi niya maiwasan na isipin kung saan niya na ba nakita ang mga ngisi na iyon. Parang nakita na niya ang ngisi ni Avery, parang nakita na niya ang dalaga noon pero hindi niya lang matandaan kung saan. Marahil iyong estranghero na nararamdaman niya ay baka pakiramdam ng isang pamilyar na mukha. Isa pa, ayaw niyang biguin si Elisa kahit na mahal niya lang ito bilang kaibigan ay alam din niyang malalim ang nararamdaman ng dalaga para sa kanya. Ayaw niyang gawin ang bagay na ayaw niyang mangyari sa nakakabata niyang kapatid na babae at sa kanyang ina. Kahit na hindi niya ito mahal kagaya ng pagmamahal ni Elisa sa kanya ay nirerespeto niya pa rin ito. At panigurado, kakalbuhin siya ng pinsan niyang si Marina kapag ginawa niya iyon. Lalo na at galit na galit si Marina sa mga ‘cheaters’ dahil hindi maganda ang naging huling relasyon niya. Pero teka nga… bakit ba siya kinakabahan na maging gago siya ngayon kung alam naman niya sa sarili niya na hindi siya manloloko? “Kakagigil talaga ang babaeng iyon, akala mo kung sinong mabait!” Sinisipa pa ni Marina ang mga batong nadadaanan nila habang papunta sa parking lot kung saan ang sasakyan niya. Naglalakad sila ngayon sa parking lot, kasama niya ang magkasintahan na sina Elisa at si Oliver na ngayon ay magkahawak kamay. May sundo si Elisa, samantalang sabay sina Marina at Oliver, hindi marunong mag drive si Marina kaya siya ang nagmamaneho sa sasakyan ng kanyang pinsan. Makakatipid din siya ng pamasahe dahil malapit lang naman sa subdivision nina Marina ang bahay nina Oliver. Hindi ganon kayaman ang ama ni Oliver kaya hindi nila afford ang ganong sasakyan o di kaya naman ay manirahan sa loob ng subdivision. Ang ama ni Marina at ang ina ni Oliver ang magkapatid, pero tinalikuran ng ina ni Oliver ang pamilya niya dahil hindi tanggap ng mga Lopez na mahirap ang mahal ng ina ni Oliver na ngayon ay ama niya. “Hindi niyo naman kasi dapat pa sinabi na baliw siya.” Habang naglalakad kasi sila ay ikinuwento ni Elisa ang nangyari at kung anong pinagmulan ng lahat. “Eh bakit ba? That’s true naman! Kita mo ba yung ginawa niya?” Inis na tanong ni Marina sa kanya. “Kahit sino naman ay magagalit kapag pinagbubulungan lalo na kapag masama pa ang sinasabi niyo tungkol sa kanya.” Mahinahon na wika ni Oliver sa pinsan pero nagtataka siyang tinignan ni Elisa. “Oh bakit mo pinagtatanggol ang isang iyon?” Huminto sa paglalakad si Marina na nasa harapan nila kaya napahinto rin ang magkasintahan sa paglalakad. Napasinghap so Oliver dahil sa matigas na katwiran ng pinsan. “Hindi ko siya pinagtatanggol, you should be careful next time.” Advise niya sa pinsan niya. “Kung pag-insulto ang sasabihin niyo sa isang tao, huwag niyo ng iparinig.” Dagdag pa niya. Ayaw niya na nag-iinsulto ng kapwa pero para tumahimik na lang si Marina ay ganoon ang kanyang sinabi. “Alam mo! Ang labo mo! Kami na nga ang nasaktan tapos kami pa ang sisihin mo?” Hindi makapaniwala na sabi ni Marina. “Ako iyong pinsan mo, siya ang girlfriend mo! Kami ang sinaktan ng babaeng hindi mo kaano-ano.” Inis na sambit pa sa kanya ni Marina. Bago talikuran ni Marina ang dalawa at bago pa siya magsimulang maglakad ulit ay binalaan niya muna ang kanyang kaibigan dahil sa sinasta ng pinsan niya. “Nako, Elisa, pagsabihan mo iyang boyfriend mo dahil mukhang tinamaan din sa gayuma ng baliw na babaeng iyon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD