CHAPTER 46
Hindi maipaliwanag ni Oliver ang kanyang nararamdaman ng bumungad sa kanya ang mukha ni Avery na may ngiti sa labi pagkabukas na pagkabukas niya pa lang ng pintuan. Ang kaso lang ay kaagad na kumunot ang kanyang noo dahil sa pagtataka kung bakit nasa labas ng bahay nila ang dalaga. Sandali niya pang pinasadahan ang likod nito para makita niya kung meron bang kasama si Avery. Lubos din ang kanyang pagtataka nang hindi niya makita ang kaibigan nito na si Lindsey na palagi niyang kasa-kasama.
“Hi!” Masiglang bati ni Avery kahit na hindi man lang niya sinagot ang tanong nito kung ano ang ginagawa niya sa tapat ng bahay nila at sa ganitong oras pa na malapit ng mag gabi. Napatingin siya sa wrist watch niya, maga-alasiyete na ng gabi.
“What are you doing here?” pag-uulit na tanong ni Oliver kay Avery pero nakangisi pa rin si Avery na tila ba hindi niya nakikita ang pagkunot ng noo ni Oliver.
Nakikita iyon ni Avery dahil may mga mata siya. Alam naman niyang facade lang iyon para hindi masyadong halata si Oliver na nasisiyahan siya pagkatapos niya itong makita. Magka-iba ang pinapakita ng kanyang kilay pati ang kanyang mga mata. Magkasalubong man ang kanyang kilay ay kita pa rin ni Avery ang pagkislap ng kanyang mata kaya naman hindi mawala ang ngisi niya dahil alam niya na hindi siya maloloko ni Oliver.
“I’m just visiting?” matamis na tanong ni Avery pagkatapos ay sumilip-silip pa siya sa loob ng bahay nina Oliver kaya naman akaagd na hinarangan ni Oliver ang kanyang tingin gamit ang kanyang katawan. Napanguso si Avery dahil sa ginawa ng binata. “You won’t let me in?” pagtatanong niya dahil mukhang ayaw siyang papasukin ni Oliver pero alam naman niya kung bakit ayaw ni Oliver, dahil natatakot siya presensya niya.
“Gabi na,” tipid na sambit ni Oliver dahil baka walang sumundo sa kanya sa street nila lalo na’t maraming mga tambay ang pakalat-kalat, wala pa naman siyang kasama ngayon.
“Grabe? Can you not let me in?” pagtatanong ni Avery dahil konti na lang ay mauubusan na siya ng pasensya pero kailangan niyang habaan ang pasensya nito dahil ginusto niya naman iyon.
“Umuwi ka na,” utos ni Oliver sa kanya. Kaagad na umuling si Avery habang may nang-aasar na ngisi kay Oliver. Pumikit ng mariin si Oliver dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya sa kakulitan ni Avery.
“Baka hinahanap ka na ng lolo mo,” sambit pa ni Oliver dahil nagbabakasakali siya na kapag narinig na ni Avery ang kanyang lolo ay magbabago ang kanyang isipan at uuwi na siya ang kaso lang ay mukhang nagkamali siya.
“He knows,” tamad na sambit ni Avery kahit na wala man alam ang kanyang lolo maging si Lindsey kung nasaan man siya ngayon at kung ano ang ginagawa niya. Alam niya na kapag nalaman ng kanyang lolo ang ginagawa niya kay Oliver ay kakausapin niya ito na para bang boyfriend niya.
Sandali siyang natawa dahil sa naisip niya. Boyfriend. Huh. Kadiri. Bakit naman niya nasabi iyon? Bakit niya naisip ang nakakadiring salitang iyon?
“Kuya!” halos mapapikit si Oliver nang marinig niya ang boses ng kanyang kapatid. Umayos naman kaagad ng tayo si Avery nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Para bang narinig na niya iyon kung saan.
“Kuya! Nakita mo ba iyong color pencil ko? Kailangan ko sa arts namin!” Sigaw pang muli ni Lianna. Halos mapailing si Oliver nang maramdaman na niyang papalapit na sa kanya ang kanyang kapatid.
Alam niya na grabe ang pag-idolo ng kanyang kapatid kay Avery. Masyado siyang vocal para sa paghanga niya kay Avery kaya mukhang wala na siyang magagawa kung hindi kausapin niya ng matino si Avery.
“Kuya! Ano ba? Kanina ka pa nakatayo diyan? May sinusulyapan ka ba?” nagtataka na si Lianna sa kanyang kuya kaya sunod-sunod na ang kanyang pagtanong at hindi na niya mapigilan na lapitan ang kanyang kuya.
“OMG!” Matinis ang kanyang pagkakasigaw at dahil malapit si Oliver sa kanya ay halos mabasag na ang kanyang tenga dahil sa boses ng kanyang kapatid. Matamis siyang nginitian ni Avery dahil parang alam na niya kung paano siya makakapasok sa bahay nila ng hindi man lang nahihirapan, natatandaan niya ang itsura nito at kung hindi siya nagkakamali ito ang babaeng naghintay sa kanya sa labas ng university at si Oliver pala ang kuya na binabanggit niya. Ang liit nga lang naman ng mundo.
“Hello,” malambing na bati ni Avery pagkatapos ay kinawayan niya pa si Lianna. Kaagad na napakapit si Lianna sa braso ng kanyang kuya pagkatapos ay hinampas-hampas niya ito dahil sa kilig niya kay Avery.
“Lianna!” pambabawal ni Oliver sa kanyang kapatid tiyaka niya inalis ang kamay nito dahil masyadong masakit ang hampas nito na may kasama pang kurot.
“Kuya! Kuya!” sambit ni Lianna habang nagtatalon-talon pa siya at binalik muli ang pagkakahawak niya sa braso ng kanyang kuya para mapisil niya ito. Napailing na lang si Oliver dahil mukhang kahit na anong iwas niya sa pananakit ng kanyang kapatid ay wala na siyang magagawa.
Bahagyang natawa si Avery dahil madali lang naman palang bilugin ang kapatid nito at mapapalapit na siya kay Oliver kagaya ng plano niya simula pa lang noong una.
“Hello po,” bati ni Lianna tiyaka nahihiyang kumaway kay Avery. Halos umimpit ang kanyang tili dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin o magiging reaksyon niya ngayon na nasa harapan niya na ang matagal niyang iniidolo.
“You’re Lianna, right?” sunod-sunod ang pagtango ni Lianna sa tanong ni Avery. Hindi matago ang ngiti sa kanyang mukha dahil hindi niya inaasahan na maalala pa pala siya ni Avery. Gusto niya sanang ipagmalaki iyon sa kanyang kuya ang kaso nga lang ay nahihiya na siya kay Avery.
“Kaibigan ka ng kuya ko?” pagtatanong ni Lianna, gusto na niya sanang hawakan ang kamay ni Avery at hatakin ito papasok sa loob ang kaso nga lang ay baka magalit ito kaya pinigilan niya ang kanyang sarili.
“Ah, medyo?” hindi siguradong sagot ni Avery. “Ayaw niya nga akong papasukin eh,” malungkot na sambit ni Avery.
“Kuya?!” hindi makapaniwalang tanong ni Lianna na para bang pinagtaksilan siya ni Oliver. Napabuntong hininga si Oliver at mukhang wala na siyang magawa.
“Pasok ka,”