CHAPTER 45 (Part 2)

1086 Words
CHAPTER 45 (PART 2)  “I really can’t believe that you literally agreed to this,” sambit ni Marina habang naglalagay siya ng pulang lipstick sa kanyang labi. Nasa kuwarto na siya ni Elisa ngayon, ang sinabi niya lang sa magulang niya ay mag-sleep over siya kina Elisa at dahil kakatapos lang naman ng finals nila ay pumayag na rin naman ang kanyang mga magulang habang ang mga magulang ni Elisa ay nasa probinsiya nila dahil nagbubukas na rin sila ng business doon.  Kaya hindi sila mahuhuli na galing silang club, hindi naman din kasi nagsusumbong ang mga kasambahay nina Elisa. Tiwala naman sila sa dalaga na hindi siya gagawa ng ikakapahamak niya. Pero magulo ang utak ngayon ni Elisa, siguro ay marahil napagod na siya sa kaka-aral sa finals nila at nagkanda halo-halo na ang mga impormasyon sa kanyang utak. Isa pa, hindi talaga mawala sa isipan niya ang kanyang kasintahan. Alam naman niya na dati pa lang na parang kaibigan o di kaya ay kapatid lang ang turing sa kanya ni Oliver. Tanggap naman niya iyon noon dahil wala naman siyang nakikitang nagugustuhan ng binata pero hindi na niya kayang tanggapin ngayon dahil alam niya na baka isang araw, pwedeng mamaya o pwede rin naman bukas ay hiwalayan na siya ni Oliver. Kahit na hindi sabihin sa kanya ni Oliver ay ramdam niya kung kanino ito humahanga.  Ang hindi lang maintindihan ni Elisa ay kung bakit humahanga siya sa babaeng iyon? Ayaw niyang magpaka-bitter kaya aaminin niyang maganda, mayaman at matalino si Avery ang kaso nga lang ay hindo pasok ang ugali ni Avery sa standard ni Oliver. Ang palaging sinasabi ni Oliver sa kanya noon ay hindi siya bumabase sa itsura o ‘di kaya ay estado sa buhay, ang tanging pinagbabasehan niya ang ay busilak na puso ng isang babae. Sigurado si Elisa na hindi busilak ang kalooban ni Avery.  “Hmm? You only live once,” pagpapaliwanag ni Elisa habang sinusuklay-suklay naman niya ang kanyang buhok. Pareho silangn naka spaghetti strap na dress ang kaibahan nga lang ay ang kulay. Kulay maroon ang kay Marina at kulay itim naman ang kay Elisa.  “Hindi mo talaga sinabi kay Oliver?” pagtatanong ni Marina. Gusto lang din niyang makasigurado. At hindi rin siya makapaniwala na hindi sinabi ng kanyang kaibigan ang lakad nila ngayon sa kanyang pinsan. May nararamdaman siyang kakaiba ang kaso nga lang ay hindi niya iyon masigurado dahil sa ngiti na pinapakita ng kanyang kaibigan.  Baka gusto lang din maranasan ni Elisa ang ginagawa ng ibangn mge estudyante pagkatapos ng exam at katulad nga ng sabi niya, isang beses lang naman mabubuhay sa mundo kaya kung ano ang gusto niyang gawin at hindi naman niya ikapapahamak ay gawin na niya. Alam naman din ni Marina na igagala lang panigurado ni Elisa ang kanyang mata sa club at hindi siya iinom, siya lang naman ang balak na maglasing dahil nastress talaga siya sa finals nila. Pakiramdam niya ay wala siyang naisagot na tama kaya kailangan niyang malasing para makatulog ngayong gabi. Hangga’t wala pang grades at wala pang score ang kanilang finale exam ay hindi niya alam kung hanggang kailan siya mag-overthink sa kanyang grades.  “Hindi no, syempre girl’s code,” tawa ni Elisa. Kahit na hindi naman talaga iyon ang totoong dahilan. Tiyaka, pwede na rin naman niyang gawing dahilan iyon dahil halos lahat nasasabi na niya kay Oliver na kahit ayaw pasabi ni Marina ay nakuwento na niya dahil wala silang pag-uusapan kung hindi mag-open ng topic o magkukwento si Elisa.  “Oo nnga pala, hahatid ba tayo ng driver niyo o taxi?” pagtatanong ni Marina pagkatapos ay sinara na niya ang kanyang lipstic at nilagay niya ito sa kanyang purse para makapag-retouch siya mamaya kung kinakailangan.  “Hahatid tayo pero taxi na lang tayo pauwi,” sambit ni Elisa. Hindi mapigilan na magtaka muli ni Marina dahil bang planado na ni Elisa. “Nasa akin na rin ang susi kaya hindi na tayo kailangan manggising mamaya,” sambit pa niya. Tumango si Marina na tila naintindihan niya si Elisa.  Pagdating nila sa club ay halos matawa si Marina dahil sinisiksik ni Elisa ang kanyang sarili sa kanyang kaibigan. Mahigpit pa ang pagkakahawak niya sa braso nito kaya naman hindi mapigilan ni Marina ang matawa dahil mukhang bata ang kanyang kaibigan na nakarating ngayon dito sa club. Sabagay, unang beses palang naman tumapak ni Elisa sa ganitong lugar kaya understable naman.  “Chill,” natatawang sambit ni Marina pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ng kanyang kaibigan na na nasa kanyang braso at dahan-dahan silang pumasok sa club. “Huwag mo masyadong ipahalata na first time mo sa club baka may nakatingin sa atin at ikaw ang targetin,” nilapit ni Marina ang kanyang bibig sa tenga ng kanyang kaibigan para marinig siya nito dahil sa lakas ng tugtugan sa club paniguradong hindi siya maririnig ng kanyang kaibigan na si Elisa na mukhang inosenteng nakakapit sa kanya.  “Huwag mo akong tinatakot, Marina,” ganting bulong ni Elisa tiyaka siya napasulyap sa mga tao. Naghahanap siya ng taong nakatingin sa kanila para malayuan niya na mamaya iyon. Alam niyang may punto si Marina sa sinabi niya ang kaso nga lang ay natatakot siya na baka may nagmamasid nga sa kanila at kung ano ang gawin na masama sa kanila.  “Hindi kita tinatakot, sinasabi ko lang ang totoo. And for you to be ready,” sambit ni Marina sa kanyang kaibigan dahil nahalata na niya ang takot sa boses nito dahil sa panginginig niya. “Loosen up, act like you’re used with this kind of place,” payo pa niya tiyaka niya inalis ang pagkakahawak ni Elisa sa kanyang braso.  Samantala, nakangiti naman si Avery habang naglalakad siya sa street nina Oliver. Dito talaga siya nagpahatid sa taxi pero dahil hindi kasya sa way nila ang taxi ay naglakad nalang ito. Hindi naman masyadong malayo, kaya naman niyang lakaran at kaya niyang gawin lahat para lang maging masaya siya. Para lang may mapaglaruan siya ngayong araw lalo na’t nawala siya sa mood kanina.  Dahil wala namang door bell sina Oliver ay binuksan na niya ang maliit nilang gate pagkatapos ay marahan na kumatok sa pintuan. Mukhang tahimik ang bahay nila Oliver, hindi niya tuloy maiwasan na mainis sa isipan niyang baka wala sila. Pero bago pa man siya makatalikod ay narinig na niya ang pagbukas ng pintuan. “Hi!” masiglang bati niya habang malawak pa ang kanyang ngiti.  “What are you doing here?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD