CHAPTER 46 (Part 2)

1085 Words
CHAPTER 46 (Part 2) Nakangiti si Avery habang pinagmamasdan niya ang kabuuang bahay nina Oliver. Nakaupo na siya sa kawayan na may konting foam nilang upuan sa sala habang si Lianna ang nagtitimpla ng juice. Si Oliver ay nakatayo lang sa gilid niya habang pinagmamasdan niyang mabuti si Avery na tila hindi makapaniwala.  Mahinhin ang ngiti ni Avery habang nililibot niya ang kanyang paningin sa bahay nina Oliver, hindi naman ganon kalaki ang bahay nila at hindi siya ganon ka kumplikado ang design kaya kitang-kita na niya ang kabuuan. May tatlong kwarto at sa tingin niya ay banyo naman ang isang pintuan pagkatapos ay may maliit na kusina lang sila kung saan nandoon na ang lutuan at hapag. Maliit lang ang bahay nila pero malinis ito, siguro ay malinis talaga sila sa bahay. Maaliwalas ang pakiramdam niya habang pinagmamasdan niya ang bahay, hindi katulad ng ibang mga maliliit na bahay.  “Ayos lang ba ang orange juice sa iyo?” pagtatanong ni Lianna kay Avery habang nasa kusina pa siya kaya naman tiningnan siya ni Avery na may ngiti sa labi bago siya tumango at sumagot.  “Yes, that’s my favorite,” sambit ni Avery. Hindi siya nagsinungaling dahil totoo namang paborito niya ang orange juice kung flavor ng juice ang usapan. But if drinks, she prefer frappe at mukhang wala naman malapit na coffee shop kina Oliver kaya hindi na lang niya sinabi iyon.  Ayaw din naman niyang isipin ni Lianna na maarte siya lalo na’t ramdam niyang fan niya ang dalaga. Gusto niya lang kung anong attitude ang pinapakita niya sa kanila ay iyon ang tumatak sa kanila kahit na hindi naman talaga ganon ang ugali niya. Ang tawag niya roon ay publicity, kailangan niya iyon dahil nag-enjoy siya kapag nasa kanya ang atensyon ng mga tao at ramdam niya ang pagmamahal ng mga ito sa kanya.  “Oh!” Kinikilig na sambit ni Lianna dahil alam niyang wala pang nakakaalam sa fansclub na sinalihan niya sa impormasyon na iyon kaya naman excited na siyang ibalita iyon sa mga kasama niyang fan ni Avery. “Can I tweet that you like orange juice?” pagtatanong ni Lianna dahil tinuruan siya ng kanyang mga magulang kung paano rumespeto ng isang tao at lagi siyang pinapahalalahanan ng kanyang kuya na respetuhin pa rin ang privacy ng mga idol niya kaya naman nanghingi siya ng permiso ngayon kay Avery, ayos lang naman sa kanya kung hindi kumportable si Avery sa ganoon.  “Yes, that’s okay,” agap ni Avery kaya naman agad na lumawak ang ngiti ni Lianna sa sinagot ng kanyang iniidolo. “I would love that my fans will know me more,” dagdag pa niya kaya naman lalo iyong nagpalawak ng ngiti ni Lianna.  Hindi nga siya nagkamali ng piniling iidolohin dahil sa kabaitan na taglay ni Avery. Mahal na mahal niya talaga ang kanyang mga fans na kahit pwede naman niyang sabihin na huwag ipagkalat ang impormasyon na iyon dahil baka may lumason sa kanya ay pinili niya pa ring um-oo. Hindi mapigilan ni Lianna ang kanyang kilig dahil hindi lang niya nakakausap si Avery kung hindi kasama niya ngayon sa bahay nila. Feeling niya tuloy ay sobrang close na sila dahil dumadalaw pa ito sa bahay nila.  Gusto man niyang i-share ang impormasyon na iyon pero alam niya kung hanggang saan ang linya na pwede niyang lagpasan. Ayaw rin naman niyang i-risk ang privacy ng kanyang kuya at kung iisipin niyang mabuti ay baka pag-isipan pa silang dalawa ng kakaiba, kahit na gustong-gusto man niya si Avery ay alam niya pa rin naman na may kasintahan na ang kanyang kuya at nirerespeto niya si Elisa bilang babae. Mabait din naman si Elisa kaya wala siyang dahilan para huwag respetuhin ang dalaga.  “What are you doing?” mahinang bulong ni Oliver habang tinitignan niya ang kanyang kapatid na naghahanda na ngayon ng tinapay dahil tapos na siyang magtimpla ng juice.  “What?” kunwari ay nalilito na tanong ni Avey kay Oliver kahit na alam niya kung bakit iritado ang binata sa kanya. “She let me in, she invited me,” pasimple pang tinuro ni Avery ang kanyang kapatid pero bago pa iyon makita ni Lianna ay humarang si Oliver para kaagad na matakpan iyon.  “Can’t you behave?” stress na tanong ni Oliver dahil hindi na niya alam kung anong gagawin niya sa dalaga. Masyadong magulo ang isipan niya at hindi pa makakalma ang sistema niya sa t’wing nasa harapan niya ang dalaga. In short, hindi na talaga maganda ang epekto ni Avery sa kanya.  “I’m not noisy?” pagtatanong ni Avery, hindi na nga siya halos gumalaw sa kinauupuan niya tapos papakiusapan pa siyang ganon ni Oliver? Tiyaka, hindi naman siya aso para utus-utusan nito. Isa pa talagang utos ni Oliver ay baka mawalan na sa katinuan si Avery at makagawa na siya ng mga bagay na alam niyang magpapabigla sa binata,  “But you’re invading our privacy!” Oliver insisted. Nag-pout si Avery bilang pang-aasar sa binata kaya naman napahilot si Oliver sa kanyang sentido.  “I am not,” pa-cute na wika pa ni Avery sa kanya. “Your sister let me in, I am her visitor.” Pagpapaliwanag ni Avery at kahit na hindi maipunto ng kanyang kamay si Lianna dahil hinaharangan na siya ni Oliver.  “Avery, we both know that you’re lying. Now that you know that my sister is a fan of yours, you’re using her for convenience, aren’t you?” pagbibintang ni Oliver kay Avery. Pasimpleng inikutan ng mata ni Avery si Oliver dahil sa sinabi niya.  “Oh come one, you’re only the one thinking that I am using her for my own convenience. I’m just really kind when it comes to my readers or fans or whatever you call them,” pagpapaliwanag ni Avery. Nasanay na rin ang kanyang katawan at ugali na kapag kasama niya ang kanyang mga readers, supporters, o fans ay nagbabago bigla iyon. Iyong tipong mamahalin siya ng lahat dahil sa ugali niya.  “Avery, we’re not kids anymore,” stress na sambit ni Oliver. Alam naman niya na kung ano ang binabalak ni Avery. Ramdam niya.  “Wala akong sinabing bata pa tayo,” sarkastikong sambit ni Avery.  “Ano ba talaga ang gusto mo?” nawawalan ng pasensya tanong ni Oliver.  “Ikaw,” napahinto si Oliver dahil sa sinagot ni Avery kaya lalong ngumisi si Avery sa nakuha niyang reaksyon.  “Ikaw ang gusto ko, kaya mo bang ibigay?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD