CHAPTER 10

2279 Words
CHAPTER 10 Isang linggo ang lumipas at isang linggo na rin simula noong iniwasan ni Oliver si Avery na makasalubong sa campus. Nagtagumpay siya roon kahit na magkatabi lang ang room nilang dalawa sa isang subject na lang din ay pumapayag ang mga kaibigan niya na kumain na lang sa labas ng university keysa makasama niya sa canteen si Avery. Samantala sa linggong iyon ay hindi maiwasan mapangisi ni Avery dahil ramdam niya ang pag-iwas sa kanya ng lalaki. Hindi lang siguro siya napapansin ni Oliver pero kaagad niyang napapansin ang lalaki lalo na at siya ang pinagkakaguluhan ng mga batchmate niya. Hindi naman din ganon kahirap na kumuha ng impormasyon tungkol sa kanya dahil hindi niya alam kung anong klaseng source meron ang mga kaklase niya lalo na sina Nikka at Bea na pati ang iilang personal ay nalaman pa nila. “Miss Nieva.” Napatigil siya mula sa paglalakad nang makasalubong niya ang lalaking nakasalubong niya last week sa may hallway malapit sa likuran ng university. Natatandaan niya ang mukha nito pero dahil hindi niya pinakinggan kung ano ang sinigaw nito ay hindi niya matandaan ang kanyang pangalan. “Who are you?” Masungit na tanong ni Avery dahil bigla na lang siyang umeksena sa dinadaanan niya. Hindi nagustuhan ni Avery iyon, ito pa lang ang kauna-unahang lalaking nangahas na humarang habang naglalakad siya. “Ouch.” Madrama pa siyang humawak sa bandang dibdib niya na tila nasaktan dahil nakalimutan ni Avery ang kanyang pangalan. Inasahan naman ni Manolo na makakalimutan ni Avery ang kanyang pangalan kaya kahit na kabado ay hinarangan niya ang dalaga sa paglalakad lalo na’t ngayon lang sila nagkapareho ng break time. Alam niyang nakaka-intimdate ang dalaga pero nilakasan niya ang loob niyang makausap ito at hindi na rin lingid sa kanyang kaalaman na maraming na-reject si Avery sa mga naglakas loob na umakyat ng ligaw sa kanya. Pero para kay Manolo ay hindi na siya bumabata pa para matakot sa ganoon. Kung hindi niya susubukan ngayon ay magsisi siya sa mga susunod na bukas. Matagal na siyang nabibighani sa angking kagandahan ng dalaga, simula pa noong grade eleven ito ay hindi niya maiwasan na mapalingon palagi kapag nakikita niya. Pero alam niyang bawal dahil minor de edad pa lang ito kaya tinigil niya iyon. Pero ngayong college na palagi niyang nakikita ay parang bumalik ang admirasyon niya na matagal na niyang binaon. “If you’re one of the sad boys, get out of my way.” Hindi maiwasan na mainis ni Avery dahil nagugutom na siya pero hindi siya makalakad dahil pilit na hinharangan ni Manolo ang dinadaanan niya. “Sungit naman.” Ngumisi si Manolo habang pinagmamasdan niya ang masungit na mukha ni Avery na kahit naka busangot ay hindi pa rin nababawasan ang ganda nito. “My name is Manolo, we met last week.” Pagpapaalala ni Manolo sa dalaga. “Manolo whatsoever, I don’t care.” Maarteng sambit ni Avery at hindi na siya nasisiyahan. “Lindsey!” Parang biglang natauhan si Lindsey dahil sa pagtawag ni Avery, napatigil kasi siya habang nakatingin kay Manolo na may ngiti sa labi at kung kagwapuhan lang naman ang usapan ay hindi matatalo si Manolo. Matalino, Gwapo at Mayaman. Halos perpekto na sana siya kung hindi lang sa ugali niya na kumakalat sa campus. Sikat siya dahil marami na siyang napaiyak na babae, hindi siya nagseseryoso dahil sa paniniwala niyang hindi pa niya nakikita ang babaeng magpa-pabago sa kanya. “Mi-mister, can you move, please?” Pakiusap ni Lindsey dahil baka siya ang pagdiskitahan ni Avery sa inis nito sa lalaki. Hindi na bago na ipasa sa kanya ni Avery ang inis nito sa ibang bagay. Nasanay na rin siya at wala naman siyang choice kung hindi mag-stay kay Avery. Tiyaka isa pa, kahit na hindi siya tinatrato ni Avery bilang isang kaibigan ay tinatrato niya pa rin ito bilang isang kaibigan niya. Sa t’wing naaalala niya ang pinagdaanan ni Avery noong bata pa lamang siya ay hindi niya maiwasan na maawa sa dalaga kaya naintindihan niya pa rin kung bakit naging ganito si Avery. Kahit minsan ay hindi na niya maintindihan ay pilit niya pa ring iniintindi dahil wala siya sa pwesto ni Avery noong nakita niya gamit ang dalawang mata niya kung paano pinatay ang mga magulang niya habang wala siyang magawa at nanonood lamang sa isang sulok. Hindi kinuwento ni Avery sa kanya iyon, sa halip ay ang lolo nito para kahit papaano ay may makaintindi sa apo niya. Napangisi lalo si Manolo dahil sa reaksyon na binigay ni Lindsey, hindi na bago sa kanya ang reaksyon na iyon dahil madalas niyang makita iyon sa mga babaeng nakakasalubong niya o di kaya ay nakikilala. Si Avery lang nga ang kakaiba sa kanilang lahat kaya siguro lalo niya itong nagustuhan. Dahil kakaiba siya sa lahat ng mga babaeng nakilala niya. “Are you free tomorrow?” Hindi pinansin ni Manolo si Lindsey sa halip ay ngumiti itong tumingin kay Avery habang tinatanong niya kung wala bang lakad bukas si Avery dahil weekend at iilan lang ang subject t’wing Sabado. “I don’t have free time for you.” Imbis na masaktan ay lalong natawa si Manolo dahil sa sinagot ni Avery. Ibang-iba talaga siya sa mga babaeng nakilala niya. Hindi naman natutuwa si Avery sa nangyayari, alam niya kung bakit nakangisi ngayon ang lalaki sa harapan niya dahil ganitong ‘thrill’ ang hinahanap ng mga lalaki. Iyong tipong kakaiba sa lahat ng nakilala nila. Hindi siya tanga para hindi niya malaman na itong lalaki sa harapan niya ay ‘thrill’ lang ang habol sa kanya. Dahil nawalan na siya ng pasensya at nainis pa siya sa paraan ng pag-ngisi ng lalaki idagdag mo pa na gutom na siya dahil napagod na siya sa ilang oras na lecture tapos ay makakakita pa siya nang nakangising gagong lalaki sa harapan niya ay talaga namang sinusubukan siya araw-araw ni Satanas kaya nagpa-akit na siya. Malakas niyang sinipa ang isang tuhod ni Manolo, hindi iyon inasahan ng lalaki kaya napatalon-talon siya sa sakit. Nakuha na nila ang atensyon ng mga estudyante lalo na noong napalakas ang pagsabi ni Manolo ng “Aww!” “When I said, get out of my way, get out, Asshole.” Mariin ang bawat salitang binitawan ni Avery. “You should thank me that I didn’t hit the part you’ll hurt the most.” Ngisi niya bago niya nilagpasan ang kawawang binata habang hawak-hawak ang tuhod na sinipa niya at napapatalon gamit ang isa niyang paa. Kagaya ng palaging eksena ay humingi ng patawad si Lindsey sa mga nasasaktan o di kaya ay napapahiya ni Avery. Pwera sa pagiging alalay niya ay para bang isa na iyon sa naging role niya sa buhay ng kanyang kaibigan. Alam niyang hindi kailanman hihingi ng tawad si Avery dahil sa taas ng pride nito, kung gaano kataas ang pride niya ay ganon naman kaliit ang pasensya nito at hindi na siya aasa pang magpapakumbaba ito. “Thank you, Miss Nieva!” Nakangising sigaw ni Manolo habang papalayo na sa tingin niya si Avery pero narinig iyon ni Avery, hindi na lang niya ito pinansin dahil lalo lang pinapatanuyan ni Manolo na kulang sa pansin ang mga lalaki. Hindi iyon sinigaw ni Manolo para asarin ang dalaga pero sa halip ay sundin niya ito, nagpapasalamat na lang din siya na hindi sa parteng iyon siya sinipa ng dalaga kung hindi ay baka hindi na siya makatayo ngayon. Hindi niya rin maipagkakaila na malakas ang sipa niyang iyon kumpara sa ibang mga babae, para bang sanay itong makipag-pisikalan. Napailing na lang si Manolo sa naisip tiyaka nagsimulang maglakad pabalik sa department nila ng paika-ika. Alam niyang hanggang bukas pa ang sakit na binigay ni Avery pero para sa kanya ay sulit ang sakit na iyon dahil panigurado maalala na siya ngayon ni Avery. “We've been eating outside the university for a week now.” Reklamo ni Samuel habang kumakain sila. Natahimik si Oliver dahil hindi niya sinabi kahit kanino ang pag-iwas niya kay Avery at isa pa hindi naman niya dapat pang pagsabi iyon. Ang weird lang kung iiwasan niya si Avery nang walang dahilan. Oo, siguro para hindi na sila magkatampuhan pa ni Elisa o di kaya naman ay makipag-away kay Marina ang dahilan kung bakit niya iniiwasan ang dalaga. Pero alam niya sa sarili niya na hindi lamang iyon ang dahilan. Lalo na ngayong umiiwas siya ay parang tangang hinahanap ng mata niya ang dalaga. Ang labo lang din dahil kung kailan umiiwas siya ay doon nagiging klaro ang pag-usbong ng munting paghanga. “Oliver always requested to eat outside the university.” Henry hissed. “Ang hassle kaya, buti pa sa canteen na lang ng university.” Reklamo ni Samuel. Dahil nakakapagod na lakarin ang malawak na unibersidad. “Tiyaka bakit parang iwas ka sa mga estudyante sa campus?” Takang tanong ni Henry dahil palagi niyang napapansin ang pag-ilag ni Oliver sa t’wing naglalakad sila sa campus. “Nag-away ba kayo ng girlfriend mo?’ Interesado naman makinig si Samuel sa ganon. Akala ng iba ang mga babae lang ang mahilig sa chismis, ang hindi nila alam ay mahilig din ang mga lalaki. Ang kaibahan nga lang ang mga babae ay bulgaran kung mag chismisan habang ang mga lalaki ay lowkey lang. “We’re good.” Sagot ni Oliver dahil baka magawan pa ng issue ng dalawa iyon. Alam niya naman na binebenta ng dalawa ang impormasyon niya sa ibang mga estudyante lalo na sa mga senior high school. Aware naman siya doon dahil nagpapaalam ang dalawa kung pwede nilang ipagsabi iyon. “Aww! Sayang! Ang dami kayang naghihintay sa balita para mag-break kayo.” Wika pa ni Samuel dahil maraming mga babae ang nagsabi sa kanya na hindi na sila makapaghintay na maghiwalay sina Oliver tiyaka Elisa para magkaroon sila ng pag-asa. “Most girls are clowns.” Henry chucked. “Women empowerment my ass but they are wishing for a woman's heartbreak just so they could have the man.” Tumatango si Samuel bilang pag-agree sa sinabi ni Henry habang pinopoint niya pa ang tinidor na hawak niya kay Henry at nginunguya niya ang kanyang pagkain. “May tama ka sa part na iyan.” Nilunok muna ni Samuel ang kanyang pagkain bago siya magsalita ulit. “I hate all men daw pero kapag nakita ang mga kalahi kong gwapo nakakalimutan na nila ang sinasabi nila.” Tumawa ang dalawa pwera lang kay Oliver. “You shouldn't laugh at them. Surely, they have valid reasons why they say they hate all men.” Kaagad na sumimangot ang dalawa nang magsalita si Oliver. “Killjoy ng taon!” Henry said. “Pinagtatanggol mga babae ni koya! Pero kung sabagay, babae ang kapatid mo at may girlfriend ka kaya naintindihan mo siguro sila.” Komento ni Samuel. “I don’t understand girls especially their decision.” Napangiwi si Henry lalo na kapag pinipilit siya ng mama niya na magshift ng course dahil may gusto ng mama niya na mag-law school siya keysa pumasok sa med school. “Oh even if they are just picking on what they will wear… such a hassle.” Umiiling na sambit ni Samuel dahil sa naging ex niyang babae na halos makasuot muna ng sampung damit bago siya pumilmi sa susuotin niya buong maghapon. Napahinto si Avery nang nasa pintuan na siya ng canteen nang may naalala siya. Napatingin siya sa lamesang inupuaan noon ni Oliver noong first day of school at hindi na pamilyar ang mga mukhang nakaupo roon. Tanging ang lamesa niya lang ang walang estudyanteng nakaupo habang halos mapuno na ang canteen. “Change of plan.” Nagtatakang napatingin si Lindsey kay Avery nang sinabi niya iyon. May iilan estudyante sa cafeteria ang napatingin sa kanya. “Huh?” Tanong ni Lindsey at hindi niya mapigilan tignan si Avery na ngayon ay seryoso lang nakatingin sa loob ng canteen. “Let’s eat outside the university.” Pag-aya ni Avery kay Lindsey. “I thought you’re hungry?” Hindi mapigilan na magtanong ni Lindsey dahil iyon ang sinabi ni Avery sa kanya kanina five minutes bago mag-dismiss ang kanilang prof. Tiningnan siya ni Avery gamit ang malamig niyang mata kaya biglang napaayos ng tayo si Lindsey. “I’ve changed my mind.” Tanging sambit ni Avery tiyaka nagsimulang maglakad palayo, walang magawa si Lindsey kung hindi sundan ang kaibigan. Naglalakad sila malapit sa mga fast food chain na malapit sa university at iilang mga restaurant na nakapalibot doon. May dalawa rin kasing university na malapit sa university nila kaya maraming mga pagpipilian na kainan dahil marami ang mga estudyante na katulad nila. Hindi alam ni Lindsey kung anong trip kainin ni Avery ngayon. Habang nagtitingin lang si Avery sa mga restaurant at may hinahanap na mukha. Napatigil siya nang nakita niya ang isang pamilyar na mukha, kaya napatigil din si Lindsey. Napatingin silang pareho sa pangalan ng restaurant. Sisig Kapampangan “I’m craving for sisig.” Sambit ni Avery tiyaka niya tinulak ang pintuan para makapasok na sila sa restaurant. Hindi nagdalawang isip na lapitan ni Avery ang lamesang iyon na may ngiti sa labi. Pagdating niya sa lamesa nina Oliver ay napatigil sa pag-inom si Henry habang halos mapanganga na si Samuel nang mapatingin kay Avery samantala umigting ang panga ni Oliver. Gamit ang malambing niyang boses at ngiti ay tinanong niya ang tatlong lalaking nakaupo sa pang-anim na taong lamesa. “Can we join you guys?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD