CHAPTER 9
“Fix yourself.” Walang emosyon na sambit ni Avery tiyaka niya iniwan sa likuran ng university si Lindsey.
Magkaibang hallway sila dumaan dahil kailangan pang pumunta ni Lindsey sa kanyang locker at kailangan niya pang itapon sa may likuran ang kawawang tuta. Hindi niya mapigilan ang pag-iyak niya dahil naawa siya sa tuta pero kahit na gusto niya itong ilibing ng maayos ay hindi niya magawa dahil kailangan niya pang pumunta sa locker para makapag palit ng damit.
Samantala, hindi pa masyadong nakakalayo si Avery sa likuran ng university ay may nakasalubong na siyang med student base sa ID nito at mukhang papunta sa likuran ng university dahil may hawak siyang sigarilyo at lighter.
Bakas ang gulat sa mukha ng lalaki nang nakasalubong niya si Avery, sandali siyang tinignan ni Avery gamit ang walang emosyon niyang mata pagkatapos ay lalagpasan na sana niya ito ang kaso lang ay biglang humawak ang lalaki sa braso niya.
“Avery, right?” Manghang pagtatanong niya pa pero tinaasan lang siya ng kilay ni Avery tiyaka marahas niyan inalis ang pagkakahawak ng lalaki sa kanyang braso. “Oh sorry, I was just surprised when I saw you h-” Hindi pinatapos ni Avery ang sasabihin ng lalaki tiyaka siya muling naglakad na para bang modelo.
Napaawang ang labi sa gulat ng lalaki dahil sa ginawa ng dalaga, imbis na mawalan siya ng pag-asa ay parang lalo pa siyang namangha sa ipinakitang ugali ng babae. “Manolo! You can call me Manolo. Remember my name, first year med student!”
Ngumiti pa si Manolo ng malawak pagkatapos niyang sabihin iyon, hindi mawala ang admirasyon sa kanyang mukha pati na rin ang mga ngiti niya sa labi. Sino ba naman kasing hindi mabibighani sa ganda ni Avery? Sino ang hindi mapapahinto sa kanyang presensya? Napailing-iling na lang si Manolo tiyaka na niya nilagay ang isang stick ng sigarilyo sa kanyang bibig tiyaka niya ito sinindihan.
Habang wala pa ring emosyon na naglalakad si Avery. Hindi siya nainis o nagulat man lang sa ginawa sa kanya ni Manolo dahil normal na sa kanya na makatanggap ng ganoong reaksyon sa mga lalaki. Pare-pareho lang naman ang mga lalaki na kapag maganda at balingkinitan ang katawan ay kaagad silang magiging interesado kahit na ipakita mo pa sa kanila na ka interesado sa kanila.
Katulad niya, karamihan sa mga lalaki ay ‘thrill’ lang ang gusto sa isang relasyon. Kapag wala na iyon ay magsasawa na sila. Kung hindi sila makikipaghiwalay ay lolokohin naman nila ang kasintahan nilang babae. Isa rin siguro ang ‘thrill’ sa dahilan kung bakit maraming lalaki ang pumipila para mapansin niya dahil ni isa sa mga lalaking nagpapansin sa kanya ay wala siyang pinatulan.
And boys being boys, they always love to chase someone who couldn't be chased because if a miracle happens that the unchaseable became his, they would flex it like a trophy but a month after they use her, they will dump her like trash.
At mamatay muna si Avery bago siya mabaliw dahil lang sa isang lalaki. She swear since then that she wouldn’t fall with stupid men.
“What happened?” Malambing na tanong ni Elisa sa kanyang kaibigan na ngayon ay nakabusangot pa rin ang mukha kahit na nagsisimula ng mag drive si Oliver para ihatid si Elisa sa kanilang bahay.
“That Avery b***h!” Biglang napatingin sa rear mirror si Oliver at nagsalubong ang tingin nila ng kanyang pinsan, masama ang iginawad na tingin sa kanya ni Marina dahil bigla siyang nag-react pagkarinig pa lang ng pangalan ng babaitang iyon.
Mariin na lumunok si Oliver pagkatapos ay tinuon na lang niya ang pansin sa dinadaanan nila. Ayaw na niyang sumabat sa usapan ng dalawang magkaibigan dahil baka biglang mapunta sa kanya ulit ang usapan. Kakatapos lang nilang mag-away ni Elisa dahil kay Avery at baka masamain ulit ng pinsan niya kapag nakisali pa siya sa usapan tapos ay magkakaroon na naman sila ng misunderstanding ni Elisa.
“She just told me useless things.” Mariin na sabi ni Marina. Kahit na nasa daan na ang atensyon ni Oliver ay ramdam niya ang matatalim na titig sa kanya ng kanyang pinsan.
Hindi siya nagkakamali dahil mariin nga ang tingin sa kanya ni Marina, hindi na siya makapaghintay na ibaba nila si Elisa sa kanilang bahay para makapag-usap na sila ng kanyang pinsan.
Iniba ni Marina ang usapan dahil ayaw na niyang dagdagan pa ang iniisip ni Elisa. Alam niya na walang peace of mind simula ang kaibigan niya dahil sa kakaisip sa bruhang iyon tapos lalo niya pang dadagdagan dahil sa binulong ni Avery sa kanya kanina.
Hindi alam ni Marina kung bakit hindi siya mapakali kahit na dalawang araw pa lang naman nakita ng kanyang pinsan si Avery. Posible ba talaga na ma-inlove ka sa unang kita mo pa lang sa tao? Para sa kanya ay imposible ito pero unti-unting natatakpan ang paniniwala niya dahil sa kanyang pinsan.
Sa paraan pa lang ng pagbanggit niya sa pangalan ni Avery ay alam niyang may kakaiba. Sa paraan pa lang ng pag kislap ng mga mata niya noong kinu kuwento sa kotse kahapon ni Lianna si Avery ay kakaiba. Hindi niya mapaliwanag kung anong kaibahan non sa normal na boses at pagtingin niya.
Na kahit sa kaibigan niya—na girlfriend niya ay hindi man lang niya nakita sa mga mata ni Oliver iyon kapag si Elisa ang kausap niya.
Alam niya rin kung bakit naging sila ni Elisa dahil gustong-gusto lang ng mama ni Oliver si Elisa para sa kanya at hindi matanggian ni Oliver ang kanyang ina kaya sinagot na niya si Elisa. Hindi niya maiwasan na maawa sa kanyang kaibigan dahil kita niya kung paano kamahal ni Elisa si Oliver pero ang tanging maisusukli lang ni Oliver sa kanya ay pagmamahal na para bang isang kapatid.
Hindi deserve ni Elisa iyon pero masaya ang kaibigan niya sa pinsan niya. Kaya noong mga nakaraang buwan ay payapa siyang itatak sa isipan niya na hindi pa naman huli ang lahat para mahalin ni Oliver ang kanyang kaibigan bilang isang babae. Pero sa ilang buwan niyang pag-asa na mangyayari iyon—isang araw lang pala ang kapalit para maglaho lahat ng pag-asang binuo niya at dahil pa sa taong kinaiinisan niya ngayon.
“Hindi ka ba nakikipag-usap kay Avery?” Agad na tanong ni Marina nang makalabas na sila sa subdivision nina Elisa at lumipat na si Marina sa front seat dahil naihatid na nila si Elisa.
Biglang nagtaka si Oliver sa kinikilos ng pinsan niya at bigla rin siyang kinabahan dahil baka sinabi ni Avery ang nangyari kanina pagkatapos siyang iwanan ng dalawang magkaibigan sa hallway.
“What are you talking about?” Lalong nainis si Marina dahil hindi sinagot ni Oliver ang kanyang tanong pero huminga muna siya ng malalim para hindi sila mag-away.
“Tinatanong ko kung nag-usap ba kayo ni Avery?” Pag-uulit na tanong ni Marina sa kanyang pinsan.
“Ano namang pag-uusapan namin?” Pagtatanong ni Oliver. Mukhang hindi alam ng pinsan niya ang nangyari kanina at wala na siyang balak pang ipaalam iyon dahil iyon na rin ang huling beses na malalapitan siya ni Avery, sisiguraduhin niya na sa susunod na pagkakataon ay iiwasan na niyang makasalubong ito sa hallway.
“Siguraduhin mo lang na hindi mo lolokohin si Elisa.” Pagbabanta sa kanya ni Marina. “I understand you now why you wouldn’t like to tell Lianna about Avery’s true color.” Dahil mas naintindihan niya ngayon kung bakit ayaw sirain ni Oliver ang kasiyahan ng nakakabata niyang kaibigan.
Dahil nararamdaman niya ngayon iyon. Ayaw niyang sabihin kay Elisa ang bumabagabag ngayon sa kanya tungkol kay Oliver at Avery dahil alam niyang masaya ang kaibigan niya sa kanyang pinsan at hindi niya kayang sirain ang kasiyahan ni Elisa.
“You know how much I cried that day.” Pagpapaalala ni Avery sa pinsan niya dahil nasubaybayan din ni Oliver ang gabi-gabing pag-iyak niya noong niloko siya ng boyfriend niya kasama si Elisa. “You know that I almost lost my sanity… you know that.” Dagdag pa niya.
Humigpit ang hawak ni Oliver sa kanyang manibela sa sinabi ng pinsan. Alam niya iyon, nasaksihan niya sa dalawang mata niya kung paano naging miserable ang pinsan niya dahil sa gagong lalaki na nagloko sa kanya. Ilang linggo, hindi, ilang buwan niyang iniyakan ang walang kwentang lalaking iyon. Pinagpasalamat niya lang na hindi niya nakita ang lalaking iyon sa mga araw na iniiyakan pa siya ng kanyang pinsan dahil baka mawala siya sa katinuan at masuntok niya ang gagong iyon.
“You know how karma works.” Seryosong sambit ni Marina. She knows that she’s emotionally manipulating her cousin a bit but this is the only way so his cousin will think well. “If you’ll choose to cheat with that stupid women, do not ever show up when Lianna experience her first heartbreak because it will always be your fault.” Kailangan niyang maging masama dahil ayaw niyang maranasan ng kaibigan niya kung anong naranasan niya noon dahil napaka bigat sa pakiramdam ng buwan na iyon para sa kanya.
“Why would I cheat? Make it make sense, Marina.” Malalim ang boses ng kanyang pinsan habang sinasabi niya iyon pero nagkibit-balikat si Marina.
“I just know.” Sambit nito. “And you know that already. You’re even confused now.” Gusto nang paharurutin ni Oliver ang sasakyan dahil sa sinabi ng kanyang dahil ayaw niyang marinig iyon.
Ayaw niyang marinig ang katotohanan na naguguluhan na rin siya sa nararamdaman niya. Na marami ng mga katanungan ang tumatakbo sa isipan niya kagaya na lang kung bakit ganoon na lang ang naging epekto ng babaeng iyon sa kanya. Kahit na hindi pa siya nangangaliwa ay pakiramdam niya ay ginagawa na niya iyon dahil hindi niya maiwasan na isipin ang babae na hindi naman niya kasintahan.
“Stop with your nonsense.” Inis na sabi ni Oliver sa kanyang pinsan. Hindi nagustuhan ni Marina ang tono ni Oliver dahil isa lang ang ibig sabihin non.
Na naapektuhan si Oliver sa sinasabi niya—na may epekto nga sa kanya ang babaeng iyon.
“I know you are my cousin and we’re blood related but if that happens? I won’t tolerate your bullshit and I will let Lianna know who Avery really is.” Pambabanta niya pa sa pinsan niya.
Isa pang kinaiinisan ni Marina ay kung bakit kailangan niya pang bantaan ang kanyang pinsan para hindi magloko? Bakit hindi siya mabigyan ng assurance ng pinsan niya na hindi siya magloloko? Siguro nga isang advantage kapag magkadugo kayo ay alam mo kung kailan nagsisinungaling ang isa.
“Can we stop talking about her?” Hindi maitago ang inis sa boses ni Oliver dahil nagsasawa siyang pakinggan na magloloko siya.
At dahil natatakot siya na baka magawa nga niya iyon.
“Why not? Are you scared?” Tiningnan ng seryoso ni Marina ang kanyang pinsan.
“I am not.” Pero labas sa ilong ang pagkakasabi non ni Oliver dahil ang totoo ay natatakot talaga siya sa pwedeng mangyari sa susunod na araw. “Bakit mo ba pinipilit na magloloko ako?” Pagtatanong niya.
“Alam mo ang sagot sa tanong mo.” Simpleng sabi ni Marina. Hindi na lang kumibo si Oliver dahil ayaw na niya pang humaba ang usapan.
Napatingin siya sa cellphone niya ng bigla itong umilaw kaya napatingin din doon si Marina pero hindi niya alam kung anong notification iyon dahil bumalik din sa daan ang atensyon niya at halos sumingkit ang mga mata ni Marina dahil sa nabasa niyang notification.
“Lindsey.” Pagtawag niya sa kanyang alalay nang nasa bahay na sila.
“Bakit?” Sinubukan ni Lindsey na huwag mautal pero ang kapalit noon ay ang panginig ng kanyang kamay.
“Hanapin mo ang sss account ni Elisa, tignan mo sa mga friends niya o kaya ay sa mga tag post niya para makita mo ang pangalan ni Oliver sa facebook.” Utos ni Avery habang paakyat siya sa hagdanan. “Pagkatapos kong maligo kailangan nahanap mo na.” Pahabol pa niya.
Ayaw niya kasing malagay sa search bar niya ang pangalan ng walang kwentang babae kaya inuutos niya na lang iyon kay Lindsey. Hindi naman mahirap iyon dahil mukhang active sa social media ang dalawang magkaibigan na babae.
At hindi nagkamali si Avery, madali nga lang nahanap ni Lindsey iyon. Walang profile picture ang f*******: ni Oliver pero alam niyang siya iyon dahil palagi siyang naka-tag sa mga post ni Elisa.
Ver Laureta. Ang gamit na pangalan ng binata sa kanyang profile kaya naman pala hindi ma-search ni Avery noon iyon dahil hindi ang buong pangalan niya ang gamit niya. Kaya nang makababa si Avery ay kaagad niyang pinakita iyon at kaagad naman siyang in-add ni Avery.
“Why did she find your f*******:?!” Hindi maiwasan ni Marina ang pagtaas ng boses tiyaka niya tinignan nang nambibintang ang kanyang pinsan. Nagulat si Oliver sa naging boses ng pinsan tiyaka niya ito tinignan habang naguguluhan siya dahil hindi niya alam kung anong sinasabi nito.
“Anong sinasabi mo?” Takang tanong ni Oliver, hindi niya tinignan ang pinsan niya pero alam niyang kinuha ni Marina ang kanyang cellphone na malapit sa clutch dahil sa gilid ng kanyang mga mata.
“Avery added you on f*******:!” Lalong nagulat si Oliver dahil don. Bakit siya in-add ni Avery at bakit naman nahanap ni Avery ang kanyang f*******: account? Pero kung sa bagay, sa koneksiyon na meron ito ay walang-wala lang iyon kay Avery.
“So, hindi mo binigay?” Pagtatanong ni Marina nang makita ang reaksyon ni Oliver na mukhang mali ang naiisip niya. Umiling si Oliver habang bakas pa rin ang kaguluhan sa kanyang mukha. “Your password? I will block her.” Suminghap siya sa kanyang pinsan.
“My mom’s and my sister’s birthday. One eight, two six.” Natigilan si Marina dahil magkaiba sila ng password ni Elisa. Ang password ni Elisa ay ang araw na naging sila pero hindi na lang niya iyon ginawang big deal.
Pagkatapos niyang i-block si Avery sa f*******: ay binitawan na niya ulit ang cellphone ng kanyang pinsan.
Napangisi si Avery nang hindi na niya mahanap pa ulit ang account, hindi siya pinanganak kahapon para hindi niya malaman na naka-block na siya. At alam niya kung sino ang nam-block sa kanya dahil pinatingin niya kay Lindsey ang IG story ni Marina. Magkakasama silang tatlo at hindi malabo na siya ang may pakana kung bakit siya na-block.
Ngumisi si Avery at naisipan niya pang pikunin lalo si Marina. Nagtipa siya ng mensahe na ipapadala niya sa dalaga. Nag-notif iyon kay Marina kaya binuksan niya agad at halos umusok ang kanyang tenga at ilong nang mabasa niya iyon.
“Didn’t do anything yet you’re already threatened. Save your best friend but I’m gonna get your cousin ;)”