CHAPTER 11
Parang na hipnotismo ang dalawang lalaki habang marahan silang tumatango. Lalong lumawak ang ngiti ni Avery dahil hindi siya nahirapan na masunod ang gusto niya. Tig tatlong upuan ang nasa side ng lamesa, magkatabi sina Henry at Samuel habang mag-isa si Oliver sa isang side kaya naman may bakante pang dalawang upuan doon.
Kaagad na sinensyasan ni Avery si Lindsey na maupo sa isang bakanteng upuan—katabi ni Henry. Kaya kahit na nakakahiya ay kaagad na naupo roon si Lindsey. Mas mabuti nang alisin niya ang hiya niya keysa mangyari ulit ang nangyari noong nakaraang linggo. Siguro nga ay kailangan na niyang magpatingin sa psychologist o di kaya ay sa psychiatrist dahil pakiramdam niya ay nata-trauma na siya sa ginagawa ni Avery sa harapan niya, madalas na rin siyang maging paranoid at halos hindi makatulog ng maayos dahil sa kaligtasan ng mga magulang niya.
Kahit pa sinabi ni Avery sa kanya na hindi ang mga magulang niya ang target ay kinakabahan pa rin siya dahil maging siya na matagal nang kasa-kasama ni Avery, na palaging nasa tabi ni Avery ay hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip ng kanyang kaibigan. Madalas din gumagawa si Avery ng mga prank na nagiging trauma na niya o di kaya ay muntik siyang atakihin sa puso pero iyon ang gustong makita ni Avery kaya nasisiyahan siya. Malay ba naman niya kung mapagtripan ni Avery ang kanyang mga magulang? Kaya mas mabuti ng maging handa keysa mapahamak ang dalawa niyang mahal sa buhay.
Samantala, naupo si Avery sa tabi ni Oliver kaya pinili ni Oliver na huwag lingunin ang dalaga tiyaka niya tinuon ang atensyon niya sa pagkain na kinakain niya. Kung pwede niya lang bilisan ang pagkain ay ginawa na niya pero ayaw niyang makahalata pa si Henry sa mga galaw niya dahil panigurado ay aasarin siya. Tiyaka ang bastos lang din kung bigla na lang siyang aalis pagkatapos niyang kumain.
Mahina siyang napasinghap nang magtama ang siko nilang dalawa ni Avery dahil inaayos ni Avery ang kanyang pag-upo. Pero lihim na napangiti si Avery dahil hindi man mukhang hindi niya sinadya iyon pero ang totoo ay talagang sinadya niya. At dahil magkalapit lang nga sila ni Oliver ay narinig niya ang pag-singhap ng binata dahilan nang lalong pag-ngiti niya.
Isa lang ang ibig sabihin non—talagang may epekto siya sa binata.
“Thank you.” Pagpapasalamat ni Avery sa dalawang lalaki na mukhang hindi pa naka-get over kay Avery. May iilan din sa ibang lamesa na nakatingin sa kanya dahil namumukhaan siya bilang sikat na modelo at manunulat. Ang iba naman ay hindi maiwasan mamangha sa kagandahan niya.
“Would you like to order more? My treat!” Ngiti ni Avery tiyaka niya kinuha ang menu na nasa lamesa para makapag-order pa sila. Pasimpleng kinuha ni Lindsey ang menu dahil hindi siya kumportable sa lalaking katabi niya lalo na’t hindi naman niya ito lubusan na kilala.
“No. We’re good!” Sumiko pa si Samuel kay Henry kaya natuhan ito. Napailing na lang si Oliver dahil masyadong halatado ang kanyang mga kaibigan. Natawa si Avery dahil don.
“You both are cute.” Pagpuri niya sa dalawa kahit na labas sa ilong ang puri niya. Pero kahit na labag iyon sa kalooban niya ay hindi napansin ng tatlong lalaki ang pag-iinarte niya. Tanging si Lindsey lang ang nakaramdaman doon dahil kahit kailan ay hindi niya pa narinig na pumuri ng ibang tao ang kanyang kaibigan.
Marahan na umubo si Oliver dahil hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang nainis sa pagpuri ni Avery sa dalawang kaibigan. Ang dalawa naman ay lihim na natutuwa ang kalooban nila dahil sa pekeng pagpuri sa kanila ni Avery.
“You’re beautiful, Miss Nieva.” Agap kaagad ni Samuel. Umaasa na maka-score siya sa dalaga.
“Hmp.” Maarteng kinumpas ni Avery ang kanyang isang kamay habang ang isa ay nakahawak sa menu tiyaka siya umiling na tila ba nahihiya sa sinabi ni Samuel. “Don’t say that.” Pabebe ang boses na ginamit niya.
“That’s true, if you know that almost all of the population of men adore you.” Komento kaagad ni Henry na ayaw malamangan ni Samuel sa pogi points. Mahinang humagikgik si Avery dahil sa sinabi ng dalawa.
Hindi naman pala siya mahihirapan na kunin ang loob ng dalawang kaibigan ni Oliver. Parang nawawala ang thrill pero as long as na hindi pa lumalambot sa kanya si Oliver at hindi niya pa nakikita kung paano umusok sa galit si Marina tiyaka ang walang sawang pag-agos ng luha ni Elisa dahil sa kanya.
“Let them order food first.” Hindi na naiwasan ni Oliver ang sumingit.
Kilala niya ang dalawang kaibigan niya at alam niyang nacha-challenge lang sila kay Avery. Hindi niya rin alam na kahit hindi ganon kaganda ang ugali na pinapakita ni Avery ay hindi niya pa rin maiwasan na mag-aalala sa dalaga. Para bang ayaw niya itong umiyak.
Pinilig niya kaagad kung ano ang naiisip niya dahil kailan pa siya nagsimulang mag-alala sa dalaga? Parang gusto niyang suntukin ang sarili niya dahil biglaan niyang tinapon sa basurahan ang effort niyang umiwas sa dalaga ng isang linggo. Para bang nasayang ang ang pagkain niya sa labas sa isang linggo ng dahil lang sa isang araw.
“Sige, order muna kayo!” Kaagad na wika ni Henry, tumingin pa siya kay Lindsey kaya nahihiyang ngumiti si Lindsey sa kanya.
“Buti sa labas kayo kumain ngayon?” Hindi mapigilan ni Samuel ang pagtatanong kahit na pumili na ang dalawa ng o-order-in nila. Tumingin si Avery sa gilid niya para tingnan kung ano ang in-order ni Oliver.
Favorite ni Oliver ang may mayonnaise sa sisig kahit na marami ang may ayaw non kabilang na roon ang kanyang kasintahan at ang maarte niyang pinsan. Napangisi si Avery dahil hindi siya maarte sa pagkain kaya iyon ang napili niyang order-in.
“Lindsey begged me to eat here.” Avery chuckled. Hindi pinahalata ni Lindsey ang pagkagulat kaya nahihiya siyang ngumiti nang mapunta sa kanya ang atensyon ng lahat ng nasa mesa.
“Bigla lang akong nag-crave sa sisig.” Agad na wika niya para mawala na sa kanya ang atensyon ng tatlo pero naramdaman ni Avery na hindi kumportable si Lindsey kaya napangiti siya. Ramdam niya hanggang sa pwesto niya kung gaano kabilis ang t***k ng puso ni Lindsey dahil sa kaba.
“Masarap ang sisig dito!” Agad na sambit ni Henry. Ayaw niya rin kasing ma-out of place ang dalaga. Pansin din niya na hindi siya kaagad napansin kanina dahil nakuha agad ni Avery ang kanilang puso este ang kanilang atensyon.
“Ah oo nga, nakarinig ako ng magagandang reviews kaya inaya ko si Avery dito.” Nasanay na rin si Lindsey kapag bigla siyang nilalagay ni Avery sa hot seat katulad nito.
Tiyaka isa pa, tinuruan siya ni Avery kung paano umarte para hindi masira kapag may book signing siya or meet up kasama ang kanyang mga fans. Para mapagtakpan ang talagang ugali niya.
Tinawag ni Samuel ang waiter tiyaka kaagad na nag-order ang dalawa. Nagdagdag pa ng order sina Samuel at Henry para masabayan nila sa pagkain si Avery kaya wala na rin magawa si Oliver kung hindi mag-order ng isang slice ng cake. Napailing siya dahil sa ginawa niya dahil wala sa budget niya ang kapiraso ng cake na halos baon na niya sa dalawang araw. Pwede naman siyang magpaalam kapag tapos na siyang kumain pero para sa kanya ay parang ang bastos ng dating niya.
At hindi niya alam kung anong pwersa ang meron sa katawan niya na para bang nakadikit na ito sa inuupuan niya na hindi siya makaalis-alis.
“Crush din kasi ni Lindsey si Henry kaya nakiusap siya sa akin kung pwede kaming makaupo sa inyo.” Agad na sambit ni Avery pagkatapos nilang mag-order.
Namilog ang mata ni Lindsey dahil hindi niya inaasahan na sasabihin ni Avery iyon lalo na’t wala naman iyong katotohanan. Hindi niya gusto si Henry at ngayon niya lang nakita ang lalaking nasa tabi niya kaya bakit niya magugustuhan? Halos ilayo niya ang upuan nila sa isa’t-isa dahil sa hiya. Napatingin siya kay Avery dahil akala niya ay naintindihan niya ang takbo ng utak ng kaibigan niya kahit ngayong mga oras lang na ito pero nagkakamali pala siya. Palaging may baon ang kanyang kaibigan para kabahan o di kaya ay mag-panic siya.
Hindi rin inaasahan ni Henry ang sinabi ni Avery kaya bigla siyang natigilan sa pag-abot niya ng kanyang baso na malapit kay Lindsey, alam niya na kapag kinuha niya iyon ay matatamaan niya ang braso ni Lindsey dahil hindi naman ganon kalaki ang space na mayroon sa kanilang dalawa.
Natahimik silang lahat dahil naramdaman nila ang ilang sa dalawa, si Avery lang ang tumatawa sa kanyang kalooban dahil mukha ulit natatae si Lindsey dahil don. Hindi rin inaasahan nina Samuel at Oliver ang sinabi ni Avery kaya hindi nila mapigilan na mapatingin sa dalawang magkatabi.
Tumikhim si Oliver dahil mistulang mannequin sila na hindi makagalaw dahil sa narinig nilang rebelasyon kay Avery. Samantalang pasimpleng tinaasan ni Avery ng kilay si Lindsey para siya na ang bumasag sa katahimikan. Kahit na tingin lang iyon ay alam kaagad ni Lindsey ang kahulugan ng masamang tingin ni Avery—na huwag siyang pamukhain masama o kaya ay ipahiya.
“Ah… eh.” Marahan niyang inayos ang kanyang buhok dahil nahihiya na siya. Lalong naging tutok ang tatlong lalaki sa kanya—hindi pala tatlo dahil diretso lang ang tingin ni Henry sa baso dahil nailang siya bigla, ang dalawang lalaki lang ang tutok dahil hinihintay ang sagot niya.
“Paghanga lang naman. Paghanga lang…” Nahihiya niyang sabi. Napatingin siya kay Henry kaya napatingin din sa kanya ang lalaki. Nahihiya siyang ngumiti tiyaka marahan na naiyuko ang ulo niya na siya lang ang may alam na paraan niya iyon para manghingi ng sorry kay Henry.
“See, I told you guys.” Pumalakpak pa si Avery pagkatapos magsalita ni Lindsey. Napailing si Oliver dahil hindi siya pabor sa ano mang ginawa ng dalaga. Natawa si Samuel kahit na napilitan lang siyang tumawa para kay Avery.
“Single ‘to!” Inakbayan pa ni Samuel si Henry tiyaka marahan ginulo ang buhok.
Sanay si Henry na mayroong mga babae na ang umamin sa kanya. Mayroong mga aggressive at mayroon din na katulad ni Lindsey na mahinhin pero para sa kanya ay nahihiya niyang saktan si Lindsey, hindi niya alam kung bakit pero iyon ang sinasabi ng utak niya. Wala pa siyang sineseryoso sa mga babae dahil masyado pa siyang bata para magseryoso, nineteen years old pa lang siya. Marami pa siyang pwedeng gawin at marami pang pwedeng mangyari sa buhay niya.
“Comfort room lang ako.” Paalam ni Oliver dahil hindi niya kaya ang bigat ng hangin para kina Henry at Lindsey.
Alam niyang nahihiya lang tanggihan ng kaibigan niya si Lindsey dahil kagaya nga nang sinabi nila noong unang araw ng pasukan ay mataas ang respeto nila kay Avery. Alam din niya na ayaw nilang madismaya si Avery kaya sinasakyan siya ni Samuel. At ayaw naman tanggihan ni Henry bigla si Lindsey dahil nakatingin si Avery.
“Retouch lang ako.” Paalam ni Avery sa tatlo tiyaka pinakita ang lip tint niya, maputla kasi ang labi niya kaya kailangan niyang gumamit ng ganoon. Pwera sa lip tint ay wala na siyang ginagamit sa kanyang mukha dahil sa takot na baka mag break-out lang ang makinis niyang mukha kapag may ginamit pa siyang iba.
Walang nagawa ang tatlo kung hindi pumayag kahit na alam nilang nakakailang ang pwesto nilang iyon.
Napailing si Oliver habang papasok sana sa restroom ang kaso lang ay nakarinig siya ng pamilyar na tunog ng sapatos kaya lumingon siya para kumpirmahin, hindi nga siya nagkamali dahil nakita niya si Avery na may ngiti sa labi. Napatingin si Oliver sa mga mata nito kaya kaagad na tumama sa kanya ang malamig na titig ng babae. Pilit niyang inaalala kung saan niya ba nakita ang ngising iyon pati na rin ang malalamig na titig na iyon. Hindi pwedeng magkamali ang pakiramdam niya na nakita na niya noon iyon pero hindi niya lang maalala kung saan.
“Why did you leave?” Agad na tanong ni Avery. “Don’t come up with excuses, I can read when a person lies.” Agaran na sambit ni Avery tiyaka siya lumapit kay Oliver, napaurong ang isang paa ni Oliver dahil don kaya natawa si Avery tiyaka tumingin sa paa niyang umurong bago niya binalika sa singkit na mata ng lalaki ang kanyang tingin.
“You’re asking me that?” Wala na rin balak pang magsinungaling ni Oliver para tantanan na rin siya ng babae tiyaka para mapagsabihan niya rin ito dahil mukhang ni isa sa pamilya niya ay walang sumusuway sa kanya kaya naging ganito ang kanyang ugali. “After you made it awkward for all of us?” Kumunot kunwari ang noo ni Avery pero may ngiti pa rin siya sa labi.
“Look, I’ve just helped my friend to be seen with her crush. I’m such a kind best friend!” Pagpupuri ni Avery sa kanyang sarili gamit ang masiglang boses. Hindi maiwasan na ipakita ni Oliver kay Avery ang pag-iling niya dahil sa sinagot sa kanya ng dalaga.
“You’re what?” Hindi niya maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isip ng kausap niya ngayon. “You’ve put your best friend on a hot seat plus you didn’t even respect her privacy. Do you think it’s okay to reveal her admiration in front of her crush?” Hindi niya maiwasan na suwayin ang ugaling pinakita kanina ni Avery.
Hindi na siya magtataka kung pakiramdam ni Avery ay palagi siyang tama dahil halos lahat ng mga taong nakapaligid sa kanya ay kinukunsinti ang ginagawa niya. Pwes, ibahin nila si Oliver dahil hindi niya kayang kunsintihin ang ganitong ugali ng babae.
“I’ve just helped her out, don’t overact.” Tumawa si Avery dahil mukhang tatay kung manermon si Oliver. “You’re so strict... Hindi ba nasasakal sayo ang girlfriend mo? Parang nag-iingat siya palagi sa kilos niya kapag kasama ka niya kung ganyan ka ka-istrikto.” Balak niya talagang ma-offend si Oliver dahil bakit hindi? Siya lang naman ang umagaw sa atensyon na dapat ay sa kanya lang. Kaya ngayong naglalakad siya sa campus ay hati ang pangalan na pinag-uusapan ng mga estudyante.
Natigilan si Oliver dahil sa sinabi ni Avery para bang napahinto siya bigla kung ano pa man ang susunod niyang sasabihin. Mukha ba siyang istrikto sa harapan niya? Lahat ng mga salita na nasa dulo ng dila niya ay para bang umurong ito dahil sa sinabi ni Avery. Hindi niya alam kung bakit parang ang laki ng epekto ng salita niya sa kanya. Isa lang din ang tumatakbo na katanungan sa utak niya.
‘Ayaw niya ba sa istrikrong boyfriend?’
Lihim na napangiti si Avery dahil napaka-transparent ng nararamdaman ni Oliver. Dahil sa katanungan na gumugulo sa isipan ni Oliver ay hindi siya nakaiwas ng biglang kumapit pa sa kanya si Avery pagkatapos ay pinaglandas niya ang mga daliri niya sa pisngi ni Oliver para haplusin ito.
“Cute.” Isang salita lang ang binitawan ni Avery bago siya dumeretso sa restroom para sa mga babae. Pero iyong isang salita lang pala iyon ang naging dahilan para mamula ang pisngi na kaninang hinahaplos ni Avery.
Bago buksan ni Avery ang pintuan ay lumingon siya kung saan nakatayo si Oliver na mukhang gulat pa rin dahil sa ginawa niya kaya may ngiti sa labi ni Avery nang binuksan niya ang pintuan.
“Not bad… he’s pretty handsome and good for the picture frame.” Bulong niya sa kanyang sarili nang makapasok na siya sa restroom.