CHAPTER 41
Hindi makagalaw si Oliver pagkatapos sabihin ng kanyang ina iyon. Hindi niya alam kung ano ang pakikinggan niya kung ang sinisigaw ng may bandang dibdib niya o ang sinasabi sa kanya ng mga taong nakapaligid sa kanya.
“Wala naman akong gusto kay Avery, nay.” May parte sa dibdib niya na nagsasabing labag sa kalooban ang kanyang sinabi. Bahagyang natawa ang ina niya dahil sa kanyang sinagot.
“Wala naman akong sinabing may gusto ka sa kanya.” Isang nanghihina pero mapang-asar na ngiti ang binigay ni Lian sa kanyang anak. Dahil sa biglaang depensa niya ay lalong luminaw ang kasagutan sa isang katanungan na tumatakbo sa kanyang isipan.
“Kakasabi mo lang,” Maliit na boses na sambit ni Oliver sa kanyang ina. Hindi ba ganon ang sinabi ng kanyang ina sa kanya? Hindi ba sinabi niyang gusto niya si Avery?
“Ang sabi ko may babaeng gumugulo sa isipan mo, wala akong sinabing may gusto kang ibang babae.” Paglilinaw ng kanyang ina at isa pa iyon na naging dahilan ng pagtahimik ni Oliver.
“Alam mo anak, suportado kita palagi. Kung saan ka masaya, doon ako.” Huminto si Lian bago niya ipagpatuloy ang kanyang sasabihin. “Pero kung ikakasaya mo ang panloloko, hindi na kita kayang suportahan doon. May limitasyon ang suporta ko, hindi ko kayo kayang suportahan gayong kitang-kita ko na masama ang ginagawa niyo.”
“I appreciate that you’ll always think about my opinion, you always respect it.” Ngumiti si Lian sa kanyang anak tiyaka niya marahan na hinaplos ang balikat nito. “But as a mother, I also need to hear about your opinions especially when it comes to your relationship.”
“Anak, gusto ko man para sayo si Elisa, botong-boto man ako sa kanya para sayo pero gaya nga ng sabi ko, kung hindi mo kayang ibigay ang pagmamahal na binibigay niya sayo ay pwede mo naman sabihin sa kanya gamit ang mahinahon na paraan.”
“Hindi naman porket gusto ko siya para sayo e iyon na ang itatatak mo sa isipan mo. Na siya ang papakasalan mo kahit na hindi siya ang tinitibok nito.” Itinuro ni Lian ang dibdib ni Oliver habang tahimik siyang nakikinig sa kung ano man ang sinasabi nito. “Ikaw ang makikisama sa kanya hanggang sa wakas ng buhay mo, kayo ang magsasama sa araw-araw.”
“Gaya nga ng sabi ko, gusto kong bata si Elisa. Siguro alam no na kung bakit… dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanya noong kabataan ko pa. Kaya ayokong masaktan siya ng ganon, ayaw kong makita siyang nagdudusa kung wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ka.” Ngumiti ng mapait si Lian.
Ngunit isa lang ang tumatak sa isipan ni Oliver sa sinabi ng kanyang ina—masasaktan siya sa oras na masaktan si Elisa kaya ayaw niyang saktan ang dalaga. Ayaw niyang makitang masaktan ang kanyang ina.
“Kaya sana ay hindi na gumulo ang isipan mo dahil may maga-garabyado at ang unfair non para kay Elisa.” Dagdag pa ng kanyang ina. “Gusto ko na piliin mo kung sino ang gusto nito.” Ngiti ni Lian tiyaka niya ulit tinuro ang dibdib ni Oliver.
“Kung sino man ang pipiliin niyan ay magiging masaya ako para sayo. Susuportahan kita. As long as, natapos ng maganda kung ano man ang meron kayo ng isang babae.” Ngiti ni Lian para hindi matakot na piliin ng kanyang anak ang babaeng napupusuan talaga nito.
“Nay, hindi ko iiwan si Elisa.” Buong sambit ni Oliver sa kanyang ina. Tumango-tango si Lian na para bang naintindihan niya ang kanyang anak pero ang totoo ay ramdam niya ang pag-alinlangan habang sinasabi niya iyon.
“Huwag kang mangako sa akin, huwag ka rin mangako kay Elisa, huwag kang mangako sa sarili mo o kahit kanino.” Sambit ni Lian. “Gawin mo na lang.”
“Lindsey, what do you think about boy’s standard or ideal type for women?” Napatingin si Lando sa rear mirror nang maitanong iyon ni Avery. Hindi niya maiwasan na magulat dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkausap sila na ganon ang topic ng kaniyang anak.
Pinapabantay rin kasi ng chairman o ng lolo ni Avery ang mga sinasabi nila sa loob ng sasakyan kaya in-update niya palagi ang lolo nito. Kahit na simpleng ganap lang sa buhay ni Avery ang maikwento ni Lando ay bakas ang kasiyahan sa mukha ng matanda.
“Huh?” Naiilang na tanong ni Lindsey dahil nahihiya siya na ganon ang pag-uusap nila habang nagdadrive ang kanyang ama. “Hmmm? Same sa girls? Iba-iba?”
“I know that, I’m not dumb.” Nagtitimping sambit ni Avery. Kung hindi lang naririnig at nakikita ng ama ni Lindsey ay baka inikutan na niya ng mata ang katabi niya pero ang gusto niya ay maganda palagi ang image niya sa ibang tao.
Muling malalim na nag-isip si Avery kung paano niya makukuha si Oliver kay Elisa, nag-enjoy pa naman siya na pagmasdan ang relasyon ng dalawa pero mas mage-enjoy siya kung shaky na talaga ang relasyon nila. Maybe, at the end of the academic year she’ll do something that will surely tear them apart.
Syempre, kailangan niyang kuhanin ang loob ni Oliver para maisakatuparan na ang kanyang plano. Medyo malungkot pa siya dahil alam niyang matatagalan pa siya na magsabit ng picture frame sa kanyang kwarto pero sisiguraduhin niya naman na perfect ang kanyang plano dahil ayaw niyang makulong.
“How would you know if you’re in love with someone?” Pagtatanong ni Avery kaya hindi maiwasan na mapaawang ang labi ni Lindsey dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan.
Curious lang naman si Avery since hindi niya alam kung anong pakiramdam ng isang taong nagmamahal. Sabi naman sa mga nababasa niya ay bigla na lang daw nag slow-mo ang paligid kapag nakikita mo siyang paparating. O di kaya naman ay gusto mo na lang na palagi siyang kasama. O di kaya ay handa mong gawin ang lahat para lang sa ikabubuti niya.
Minsan ang pagmamahal ay nagpaparaya. Minsan ay pagsasakripisyo. Minsan ay nagkakatuluyan at minsan naman ay hindi nagkakatuluyan. Makakaramdam ka rin ng saya pero kaakibat daw ng salitang pagmamahal ay ang pakiramdam kung paano masaktan.
Ang sabi sa google ang love daw ay strong and positive emotional and mental state, ito ang deepest interpersonal affection. Love also shows compassion, kindness and affection. Also, it could be defined as the unselfish loyal and benevolent concern for the good of another. At may iba-iba ring forms ng love. In short, ang komplikadong basahin o di kaya naman ay intindihin.
Napapangiwi na nga lang siya noong binabasa niya noong isang gabi iyon, those are the things she wouldn’t do just because of some stupid human. Sabi pa sa nababasa niya na minsan hindi mo raw inaasahan na mapapamahal ka na lang sa isang tao kahit na anong ulit mo sa sarili mo na huwag siyang mahalin.
Pero bakit hindi niya man kanyang mahalin si Lindsey bilang kaibigan kahit na matagal na silang magkasama? Kasi hindi naman totoo ang pagmamahal, nasanay lang ang mga mahihinang tao na nasa tabi nila palagi ang sinasabi nilang mahal nila. Pero ang totoo, attachment lang talaga iyon.
At ang paniniwala niya na totoo ay kapag nagmahal ka ng ibang tao ay unti-unting nababawasan ang pagmamahal mo sa iyong sarili dahil binibigay mo na lahat ang enerhiya ng pagmamahal sa isang tao. Hinding-hindi niya gagawin ang katangahan na iyon.
“You just felt it.” Sagot ni Lindsey. “Here, you’ll feel the beat of your heart when you fall in love.” Humawak sa dibdib niya si Lindsey kaya dahan-dahan na humawak si Avery sa kanyang dibdib.
Wala naman siyang ibang nararamdaman kung hindi pagtibok nito which is normal lang naman. Normal lang naman na tumitibok ang puso dahil buhay siya. At isa pa, hindi naman nasa puso ang pagmamahal.
“Have you heard the Total Eclipse of the Brain?” Pagtatanong ni Avery dahil nabasa niya iyon noong bata pa siya dahil curious din siya kung ano ba ang pagmamahal at bakit palaging binabanggit ng kanyang lolo ang tatlong kataga at palagi pang pinapaalala ng kanyang lolo na ‘mahal’ daw siya ng kanyang mga magulang.
“What is that?” Nagtatakang tanong ni Lindsey. Hindi na mapigilan ni Avery ang mapairap dahil talagang tanga-tanga ang katabi niya. Paano niya hindi nalaman iyon? Maybe she needs to use internet in a good way or read books often.
“How could you say you will feel love here?” Pagtatanong niya habang hawak-hawak niya ang kanyang dibdib tiyaka siya napatingin dito, napatingin din doon si Lindsey at hindi niya maiwasan na kabahan dahil pakiramdam niya ay mali ang naisagot niya kanina.
“When it says on the article I’ve read that love is all about the brain,” Sambit ni Avery, mula sa kanyang kamay na nakahawak sa kanyang dibdib ay bigla itong lumipat sa kanyang sentido para ituro kay Lindsey kung nasaan ang utak dahil baka hindi niya magets kung anong sinasabi niya.
“Let me rephrase my question: what is the function of the heart?” Pagtatanong ni Avery kay Lindsey.
“Pu-pumps blood and carries oxygen and nutrients around our body.” Nanginginig ang boses ni Lindsey dahil kabado siya sa pagsagot.
“Exactly!” Isang beses na pumalakpak si Avery dahil don. “Because love is not here,” She pointed to her chest. “But here.” And now she pointed to her brain.
“Brain is where everything starts, our emotions and feelings are connected to the brain.” Pangangaral niya sa kanyang kaibigan tiyaka siya napabuntong hininga dahil halos hindi siya makapaniwala na hindi alam ni Lindsey iyon, pero ano pa nga bang inaasahan niya?
“You should read more often.” Advice ni Avery sa kanyang kaibigan nang sa gayon ay maka-relate naman ito sa kanya. “My God! That’s a basic science that even elementary students know the answer.” Stress na sambit pa ni Avery tiyaka niya bahagyang hinawakan ang kanyang sentido para hilutin.
Nahihiyang tumingin si Lindsey sa kanyang ama sa rear mirror pero tinanguan lang siya ng kanyang ama tiyaka niya ito nginitian. Nginitian siya ni Lando bilang pagsabi ng ayos lang. Naintindihan naman niya kung malito man don ang kanyang anak. Hindi naman nabawasan ang tingin niya sa kanyang anak. Para sa kanya ay mabuting impluwensya si Avery sa kanyang anak dahil natuturuan niya ito ng bagong kaalaman o di kaya naman ay pinapaalala niya ang mga napag-aralan nila noon na nakalimutan ng kanyang anak. Ayos lang iyon sa kanya dahil bilib pa rin siya sa kanyang anak.
Samantala ay nainsulto si Lindsey doon dahil tama nga naman si Avery na kahit elementary student ay alam kung ano ang function ng brain pati na rin ang heart. Marami pa naman science sa kanilang kurso pero bakit iyong simpleng tanong lang ni Avery ay hindi niya nasagot ng maayos? Masyado siyang napapadala sa mga napapanood o kaya ay nababasa niyang love story at nakiki go with the flow na lang sa meaning ng isang salita kahit na may explanation naman ito scientifically.
Hindi maiwasan na mandiri ni Avery sa mga gagawin niya para lalo niyang makuha ang loob ni Oliver, hindi siya kuntento na makitang naguguluhan lang ang binata. Para sa kanya, mas masaya siya kapag unti-unti nang inaamin ng binata sa kanyang sarili na may nararamdaman ito para sa kanya.
Nakapag-search na siya kagabi kung paano mo kukuhanin ang loob ng isang tao. Dito ay matetest na naman ang kanyang acting skills. Alam niyang ayaw niyang magmukhang kaawa-awa pero iyon ang kailangan niyang gawin lalo na’t ganon ang mga tipo ni Oliver. Kailangan niya rin kuhanin palagi ang atensyon ng binata at tulungan niya ito kung nagkaroon man ng problema.
Dahil ganon kahina ang mga tao, bigyan mo lang ng kaunting atensyon at damayan mo lang t’wing may problema sila ay walang duda na mahuhulog ang loob nila sayo. Ganon sila kaurpok kaya bandang huli ay nasasaktan sila at sisihin pa nila ang ibang tao. Pero para kay Avery, walang dapat sisihin kung hindi ang sarili nila dahil bakit sila pumayag na mahulog sa ganoong klaseng tao? Madalas nga ay binabalikan pa nila.
Umiling si Avery dahil alam niyang iba ang iniisip ng mga tao tungkol sa usapin na iyon, na walang kasalanan ang taong nagmamahal lang. Bakit ba nila sinasabi iyon gayong napaka-klaro ng ebidensya na may kasalanan din naman sila dahil hinayaan lang nilang magmahal sa isang tao na ganoon ang ugali. Minsan nga ay nakikita mo na ang panget sa kanya pero hindi mo lang ito pinapansin dahil sa clihe na line na ‘mahal mo eh.’ Pero hindi, para kay Avery isa iyong katangahan.
Kaya siguro hindi rin siya tanga dahil hindi niya hinahayaan na macontrol siya ng ibang tao. Napansin niya kasi na kapag nagmahal na ang ibang mga tao ay para nila itong ginagawang mga hari o di kaya ay reyna na dapat nilang sundin palagi. In short, mga alipin sila ng pagmamahal. At mamatay muna si Avery bago siya magpaalipin sa pagmamahal.
Bahagya siyang natawa sa biro na tumakbo sa kanyang isipan na ang mga alipin ng pagmamahal ay wala man silang sinasahod na pera sa halip ay pagiging mukhang tanga lang ang nakukuha nila pero masyado silang desperada para yakapin ang ganoong sistema.
“Do you think a human can fall in love with someone who is clearly opposite to their ideal or type?” Pagtatanong ni Avery dahil kung siya ang tatanungin ay hindi siya kailanman magkakagusto sa isang lalaki na hindi man lang pumasok sa kanyang standard.
“Of-ofcourse.” Mabilis na sagot ni Lindsey. “Ahm ano.” Hindi niya alam kung sasabihin niya ba iyon ka Avery o ipagsarili na lang niya.
“What?” Mataray na tanong ni Avery kaya mukhang wala na siyang choice kung hindi sabihin iyon kay Avery.
“Madalas kasi kahit na hindi man pumasa ang isang tao sa standard ng isa, kapag tinamaan na sila ng pagmamahal ay wala na iyon. Kaya posibleng umibig ka sa taong hindi mo type.” Natawa si Avery dahil sa sinabi ni Lindsey.
“Wala ka lang choice kaya minahal mo na.” Sambit ni Avery. “Tingin mo ba kung nagustuhan ka ng taong pasok na pasok sa standard mo, magugustuhan o mamahalin mo pa rin iyong taong hindi man lang pumasa sa ideal type mo?” Pagtatanong ni Avery kaya natahimik si Lindsey dahil alam niyang may punto ang kanyang kaibigan.
“See? You wouldn’t love someone who didn’t pass your standard if there is someone who pursues you and he is completely living as your standard so don’t give me that shit.” Ngisi ni Avery dahil mukhang natalo na naman niya kung ano man ang pinaglalaban ni Lindsey.
“So, the good plan will be….” Bigla siyang huminto tiyaka ngumisi.
“Act like his ideal type and will slowly change for someone who you are.” Ngisi pa rin niya habang iniisip ang kanyang plano. “And you got him good since he is weak, he’ll surely fall in love with you.” Natawa pa siya dahil naalala niya ang iilang mga cringe line ng mga movie.
Like for example ‘mamahalin kita maging sino ka man’, ‘kahit ano ka pa, kahit sino ka pa, wala akong pakialam basta mahal kita’, ‘Kahit na nagbago ka na, kahit na halos hindi na kita makilala ng utak ko pero kilala ka pa rin ng puso ko dahil ikaw ang pinakamamahal ko’.
One word to describe those lines was ‘disgusting.’
“But one thing is for sure that man will perfectly fall into my trap.”