CHAPTER 42
“Grabe? Prelims pa lang iyon?” Pagtatanong ni Samuel pagkaupong-pagkaupo nila sa kanilang upuan sa canteen tiyaka nila binaba ang hawak nilang tray na may laman ng pagkain nila sa lamesa.
Kakatapos lang kasi ng prelims exam nila, ngayon ang huling araw at tapos na ang huling test nila. Sa La Medicina kasi ay isang buong linggo ang exam para hati-hatiin ang mga subjects dahil na rin sa mga maraming items na halos hindi na magkasya sa answer sheet ng mga estudyante.
“May ihihirap pa pala ang exam natin noong senior high.” Komento ni Henry dahil alumni naman sila sa La Madecina, kung hirap na sila noong senior high pa lang sila ay mas mahirap ngayong mga college na sila.
“Tingnan mo itong si Oliver mukhang hindi man lang nahirapan!” Tinuro ni Samuel si Oliver sa kanilang harapan na tahimik lang na kinakain ang kanilang pagkain.
“Wala naman mangyayari sa grades ko kung magrarants ako.” Sagot niya tiyaka niya muling piangpaatuloy ang kanyang pagkain.
“Dude, may qualification exam sa third year!” Pagpapaalala ni Henry.
Kapag hindi umabot ang general average mo sa sinet na standard ng university ay hindi ka na pwedeng magpatuloy ng Nursing pero kung gusto pa ring ipagpatuloy ang course ay kailangan mag exam kapag hindi pa rin pumasa sa exam ay bibitawan ka na ng university.
“I know.” Tipid na sagot ni Oliver. Kampante naman siya na papasa siya sa prelims dahil nakapag-aral naman na siya.
“Tapos four weeks lang midterm exam na.” Singhap ni Samuel na tila hindi pa siya handa na harapin ang exam na iyon.
“Grabe? Gusto ko lang naman pumasa?” Pagtatanong pa ni Henry. Napailing na lang si Oliver dahil mukhang hindi mauubusan ng rants ang kanyang mga kaibigan.
Mabilis ang paglipas ng araw pero sa mga araw na iyon ay walang araw siyang hindi ginulo ni Avery. Minsan ay nakakasama nila itong kumakain o kaya naman ay nagkikita lang sila sa campus ay bigla siyang mang-aasar. Kaya ngayon na malapit na silang mag midterm ay alam niyang hindi siya guguluhin ni Avery dahil sa dami ng kanilang ginagawa.
Pero nagkakamali siya dahil sa mismong midterm week ay palagi pa rin siyang ginugulo ni Avery. Malikot siyang nagpapacute sa kanyang tapat habang nasa loob sila ng library, marami naman mga extrang upuan pero sa tapat niya naupo ang dalaga, may exam pa siya mamaya kaya hindi na lang muna niya ito pinansin. Ang dalawang kaibigan niya ay nasa church ng university dahil iyon daw ang kailangan nila.
Umangat ang tingin niya sa dalaga habang nagpipigil ng inis, paano ba naman ay nilandas niya ang ballpen nito na may balahibo sa kanyang pisngi kaya hindi niya maiwasan na makiliti. Ngumiti ng malawak si Avery dahil sa wakas ay nakuha na niya ang atensyon ni Oliver. Dapat lang dahil kinausap niya pa ang kanyang lolo para magtugma ang schedule nila ngayong midterm week.
“What are you doing?” Mahinang bulong ni Oliver. Pinabayaan niya na lang niya kaninang maupo roon si Avery dahil ayaw na niyang gumawa pa ng eksena sa canteen at isa pa focus na siya masyado sa kanyang binabasa bago pa siya makaangal.
May exam ngayon sina Marina at Elisa kaya hindi sila ang kasama niya, hindi niya alam kung bakit hindi nagtugma kahit isang break hours lang nila ngayong midterm week. Samantala noong prelims ay may iilan namang oras silang magkasama. Magkakasama sila dahil walang choice si Oliver kung hindi sumama sa dalawa kung hindi tatalakan siya ni Marina, syempre hindi niya kasama ang dalawang kaibigan niya kapag kasama niya ang kanyang girlfriend at ang kanyang pinsan dahil baka kung saan pa mauwi ang pag-aaway nila ni Samuel.
“What?” Inosenteng tanong ni Avery tiyaka niya pinaglaruan ang kanyang ballpen sa kanyang labi. Bahagyang na-distract si Oliver doon kaya napailing na lang siya at binaba na niya ang tingin niya sa mismong libro niya.
May libro din na nakabuklat ang dalaga ang kaso nga lang ay hindi man ito binabasa ni Avery. Para kay Avery ay hindi na niya kailangan pang basahin iyon dahil memorize na niya ang librong iyon tiyaka hindi niya alam kung bakit nagpapakahirap magreview si Oliver e kung nagbasa na sila noon pa at nakinig sa kanilang professor, there’s no need to review.
Ngumuso si Avery dahil sandali lang ang atensyon na iginawad sa kanya ni Oliver. Para siyang si Liver na palaging ilag kapag pinupuntahan niya kina Lindsey o di kaya naman ay nagtatago siya sa likuran ni Lindsey. Takot siguro ang aso sa mga magagandang katulad niya.
Dahil gusto niya ulit kuhanin ang atensyon ni Oliver ay kaunti siyang natayo tiya siya nag bend para mailapit ang kanyang mukha sa lalaki kahit na may lamesa sa pagitan nila. Umangat ng tingin si Oliver kaya nasalubong niya ang malapit na mukha ni Avery at alam niyang maling galaw lang nila ay magtatama ang kanilang mga labi.
Hindi niya maiwasan na tumingin sa labi ng dalaga. Para bang nang-aakit ang mga labing iyon kahit na nakatikom lang naman ang mga ito. Humigpit ang hawak niya sa kanyang highlighter dahil hindi niya nagugustuhan kung ano man ang iniisip niya at hindi niya nagugustuhan kung bakit nagrereact ng ganito ang kanyang katawan.
Dahil sa reaksyon ni Olivery ay unti-unting napangisi si Avery, alam na alam niya kung anong meaning ng reaksyon na iyon. Lalo na at hindi kayang salubungin ng binata ang kanyang mga tingin sa halip ay nakatingin ito sa kanyang mga labi. Tumikhim si Oliver nang ngumisi si Avery kaya napaiwas siya ng tingin para mawala ang atensyon nito sa mga mapupulang labi ng dalaga.
“What about we’ll date if we’ll both be placed on the dean’s list?” Bulong ni Avery. Nagging malikot ang tingin ni Oliver dahil ayaw niyang tingnan ang mukha ni Avery. Bahagya niyang inusog ang kanyang upuan at inurong ang kanyang mukha para hindi ganoong kalapit ang mukha nila sa isa't-isa dahil hindi niya alam kung kaya pa ba niyang mag focus kung ganon lang ang espasyo ng kanilang mga labi.
“I have a girlfriend.” Matigas na sambit ni Oliver kaya mahinang tumawa si Avery.
“So what?” Hindi maiwasan ni Oliver na mainis sa sinabi ni Avery, kahit na kaibigan lang ang tingin niya kay Elisa ay nirerespeto niya pa rin ito bilang babae.
“If you can’t respect my girlfriend then just respect our relationship.” Muling tumawa si Avery sa sinabi ni Oliver.
Nangawit siya sa kanyang pwesto kaya muling siyang bumalik sa kanyang pagkakaupo para namang nabunutan ng tinik si Oliver dahil sa ginawa ng dalaga. Nakahiga siya ng maluwag nang tuluyan ng maglayo ang kanilang mga mukha dahil baka makalimutan na niya ang sinabi niya kanina kay Avery.
“Relationships.” Sambit ni Avery gamit ang nang-iinsultong tono. Pinaglaruan niya pa ang kanyang dila para lalong mabasa ang kanyang labi. “What is your relationship?” Panunuyang tanong ni Avery. Kumunot ang noo ni Oliver dahil hindi niya maintindihan kung ano na naman ang pianpahiwatig ng dalaga.
“I’m taken.” Sambit na lang niya. Hindi niya alam kung bakit napangisi ulit si Avery doon, para bang automatic nang ngumingisi si Avery kapag nakakarinig siya ng mga bagay na weird sa kanyang pandinig o mga bagay na nakakatawa para sa kanya.
Pero wala namang nakakatawa sa sinagot ni Oliver. Kaya hindi niya lubos na maintindihan kung bakit para siyang iniinsulto ng dalaga dahil sa kanyang sagot. Wala namang mali sa kanyang sagot at hindi naman mali ang kanyang sinagot.
“You’re taken because you’re forcing yourself to believe that you like that woman.” Natatawang sabi ni Avery. Nagtiim ang panga ni Oliver dahil simula noong nakaraang buwan ay iyan na lang palagi ang sinasabi nila sa kanya ng mga taong nasa paligid niya.
Bakit ba ayaw nilang maniwala na mahal niya si Elisa? Bakit ba ayaw nilang maniwala na gusto niya ang dalaga? Bakit ba ayaw nilang maniwala na kuntento siya kung ano man ang meron sa kanila? Bakit pilit nilang sinasabi na hindi niya gusto ang dalaga e hindi naman nila hawak ang puso niya? Hindi naman nila nakikita ang nararamdaman niya? At isa pa hindi naman sila ang nakakaramdam ng pagmamahal niya sa dalaga?
Dahil ba wala siyang masyadong ginagawang effort para maglaan ng oras sa dalaga? Pero anong magagawa niya na kailangan niyang mag-aral ng mabuti nang sa gayon ay maiahon niya ang kanyang pamilya sa kahirapan? Na kailangan niyang mag-aral ng mabuti dahil gusto niyang matupad ang mga pangarap niya? Na kailangan niyang mag-aral ng mabuti para hindi masyadong maliitin ng kanyang lola ang ina niya na kahit ganon lang ang trabaho ng mga magulang niya ay nakapagtapos ito sa pag-aaral at mayroon siyang marangal na trabaho?
Hindi ba nila maintindihan na nagsusumikap siya para matupad ang mga pangarap niya pati na rin ang pangarap ng kanyang pamilya? At kailangan niyang pagbutihan ang kanyang pag-aaral dahil nasanay na ang mga taong nakapaligid sa kanya na matataas ang mga grades niya, na marami siyang achievements at ngayong college siya ay aaminin niyang nahihirapan siyang makipagsabayan lalo na’t matatalino lahat ng estudyante sa university na napasukan niya. Hindi lang halata ang paghihirap sa kanya dahil wala siyang lakas ng loob para sabihin sa mga kaibigan niya o sa pamilya niya na nahihirapan din siya dahil matalino at pinagpalang anak ang pagkakakilala sa kanya.
“You don’t have the right to conclude that way, Miss Nieva.” Pormal na sabi niya dahil hindi niya maiwasan na mainis ngayon sa dalaga.
Dahil inaamin niya na naguguluhan na siya sa nararamdaman niya kahit na alam niyang gusto niya talaga si Elisa ay parang nakukuha palagi ni Avery ang kanyang atensyon. Kung bakit kay Avery siya nakakaramdam ng kakaiba na dapat ay maramdaman niya lang iyon kay Elisa.
“I’m just sharing what I have observed.” Kibit-balikat na sambit ni Avery. “And why are you studying so hard?” Hindi niya maiwasan na pansinin kung bakit napakaseryoso nito sa pag-aaral. Tunay ngang magaling siyang mag-observe dahil pati iyon ay napansin niya pa.
“I don’t need your observation.” Sambit ni Oliver. “Because I need to pass my exam.” Simpleng sagot niya dahil iyon naman talaga ang main reason kung bakit siya nag-aaral ngayon. Naintindihan na niya ang mga lesson ang kaso nga lang ay patalasan talaga ng memorya sa exam kaya wala siyang choice kung hindi magreview kung gusto niyang pumasa.
“How about I tell you I have a copy of the exams?” Ngisi ni Avery tiyaka pa siya kumindat. Natahimik si Oliver hindi dahil curious siya kung ano ang mga tanong sa exam kung hindi unfair iyon para sa kanila. “Just kidding, of course I don’t have and I don’t need a copy since I am smart and smarter than everyone.” Pagmamalaki pa nito sa kanyang sarili.
“If it’s that true, that's so unfair.” Komento ni Oliver kaya umikot ang mata ni Avery.
“Tawa ka na lang, joke nga diba?” Pagtatanong ni Avery sa lalaki. Napailing na lang si Oliver tiyaka niya binalik ang kanyang mga mata sa librong binabasa. “Bibiro, masyadong siniseryeso.” Natatawang sambit pa niya dahil joke lang naman talaga iyon at hindi siya pinapayagan ng kanyang lolo na gawin iyon, wala siyang pakialam dahil alam niya sa sarili niya na kaya niyang i-perfect ang exam without the help of his grandfather.
“It looks like you’re trying hard to review all of these.” Sambit ni Avery tiyaka niya hinawakan ang iilang mga reviewer niya. Napatigil muli si Oliver pero hindi niya inangat ang kanyang tingin para tingnan ang dalaga.
Samantalang tinitingnan ni Avery ang lahat ng mga papel na nasa lamesa, libro, highlighters, reviewers and all that. Kung talagang matalino siya gaya ng sinabi ng iba ay hindi na niya kailangan ang mga ito. Kaya niyang ipasa ang exam kahit na hindi na niya basahin ang lahat ng mga ito. Hindi na niya kailangan pang bitbitin ang lahat ng mga ito sa university. That will be such a hassle.
“Are you really smart like me or are you just smart like them?” Pagtatanong ni Avery tiyaka niya inikot ang kanyang mga mata para tingnan ang mga estudyante sa kabilang lamesa.
Alam niyang matatalino ang lahat ng estudyante rito, no doubt. Pero hindi niya maiwasan na manliit kung bakit kailangan pa nilang magsunog ng kilay para lang magbasa at intindihin ang libro sa loob ng isang araw kung kaya naman niya itong intindihin sa loob ng isang oras.
Most of the humans find her weird but the truth is humans are weirder than her.
“You’re just smart like them, aren’t you?” Humigpit ang hawak ni Oliver sa libro dahil alam naman niya iyon at walang problema don pero ngayong si Avery ang nagsasabi non ay parang hindi niya maiwasan na manliit sa kanyang sarili.
Alam niyang mas matalino ang mga estudyante ng La Medicina kumpara sa mga estudyante na nasa ibang university. Hindi lang sila average student, pare-parehong matataas ang kanilang mga IQ pero mukhang may isang mas nangingibabaw sa lahat. At iyon ay ang babaeng nasa harapan niya ngayon.
“You’re perfect as they see you,” Ngisi ni Avery. “You’re still perfect for me though.” perfect for my picture frame.