CHAPTER 40
Hindi lang si Oliver ang natigilan kung hindi ang lahat ng nasa hapag dahil sa biglaang tinanong ni Lianna. Lahat ay napatingin kay Oliver na tila naghihintay ng kasagutan mula sa kanya pero hindi alam ni Oliver kung ano ba ang dapat niyang isagot dahil totoong wala naman siyang alam tungkol sa bagong alagang hayop ni Avery. Natatakot siya na baka kapag sinabi na niya ang katotohanan ay hindi na maniwala si Elisa sa kanya dahil sa pagsisinungaling niya noon sa kasintahan.
“Anong tweet iyon?” Pagtatanong ni Marina kay Lianna. Kumunot ang noo ni Lianna dahil akala niya ay wala lang naman iyon sa kanila dahil binuksan naman ni Samuel ang topic na iyon. Ang akala niya ay okay lang don sina Elisa at Marina pero mukhang nagkakamali ata siya.
“Here.” Nilagay ni Lianna ang cellphone niya sa mesa kung saan nandoon ang tweet ni Avery sa kanyang alagang aso.
Kunot noo at mabilis iyong kinuha ni Marina para matignan niya kung ano ang sinasabi ng kanyang pinsan. And there she saw Avery’s tweet with a caption.
‘Adopted a new baby! Say hi to baby Liver.’
Meron pang heart iyon, ang dami ring mga replies na nagpapansin kay Avery o di kaya ay tinatanong ng kung ano-ano na related sa pagsusulat o di kaya ay sa modelling niya pero isang comment ang umagaw sa kanyang atensyon.
‘Why did you name him Liver?’
Kaagad niyang tiningnan kung may reply ba roon si Avery. Lahat ng nasa hapag ay nakatingin kay Marina, walang isa man sa kanila ang bumasag sa katahimikan. Naramdaman na rin ni Lian ang tensyon at parang hindi maganda iyon. Sinulyapan niya ang girlfriend ng kanyang anak na si Elisa na ngayon ay bumaba ang tingin niya sa kanyang pagkain.
Kaagad namang nakita ni Marina iyon dahil ni-quote retweet ni Avery, ang daming love, comments at retweets noong sagot niya na ‘It’s close to the name of the man I like.’
“Anong eksena na naman ng babaeng ito?” Inis na tanong ni Marina habang nakatingin pa rin sa screen ng cellphone at gusto niya sanang reply-an si Avery na magtigil sa kahibangan niya at patulan ang mga batang fans niya na nagship kaagad sa kanila kahit na hindi nila kakilala ang babae.
“Marina,” Pagtawag ni Oliver tiyaka siya suminghap na tila nahihirapan sa sitwasyon nila ngayon.
“Ano? May alam ka ba?” Diretsong tanong ni Maarina, wala na siyang pakialam kung marinig at makita pa ng kanyang tita para alam niya kung anong ginagawa ng kanyang anak.
Kung hindi niya mapakiusapan ng maayos si Oliver na lumayo kay Avery ay sigurado siyang mapa pakiusapan siya ng kanyang ina at hindi magda-dalawang isip si Oliver na sundin ang utos ng ina.
“Wala akong alam diyan.” Seryosong sambit ni Oliver tiyaka napatingin kay Elisa na hanggang ngayon ay nakatingin lang sa kanyang pagkain. “Hindi ko rin alam na nag-aalaga pala siya ng hayop. Pwede ba?” Binalik niya ang tingin niya kay Marina at may halos inis ang kanyang boses dahil parang inaakusahan siya sa isang bagay na hindi naman niya ginawa.
“He’s telling the truth.” Kaagad na sambit ni Samuel. “Even us, we didn’t know that Avery loves animals since we didn’t even talk about that topic.” Pagtatanggol ni Samuel.
“Elisa.” Pagtawag ng ina ni Oliver dahil siya ang gusto niyang marinig ngayon.
Umangat ang ulo ni Elisa tiyaka siya naiilang na ngumiti kay Lian. “Ayon naman po pala, ayos lang po.” Agad na sambit niya kaya malungkot na napangiti sa kanya si Lian.
“Alam mo ba iyong tungkol kay Avery?” Pagtatanong ni Lian, ayaw niyang pakinggan ang kanyang anak o maging ang kaibigan ng anak niya at pamangkin nito dahil alam niyang si Elisa ang mas naapektuhan sa topic na ito.
“Ah, wala po ako sa canteen noong umamin siya.” Napatikom ang bibig ni Lian dahil sa sinagot ng dalaga sa kanya. “Pero may nagsabi po sa akin non.” Kaagad na bawi ni Elisa dahil nakita niya rin ang lungkot sa pagtingin ni Lian sa kanya. “Ayos lang naman po iyon dahil halos lahat naman po ng ka-batch namin na babae e may gusto sa anak niyo.” Tumawa si Elisa para hindi masyadong maging seryoso ang usapan.
“Nasanay na lang din po ako, ang mahalaga ay hindi naman sila in-entertain ni Oliver.” Dumako ang tingin ni Elisa sa kanyang kasintahan na ngayon ay nakatingin lang at seryosong nakikinig sa kanya. “Ayos lang po iyon, hindi naman masyadong big deal.” Agad pa na dagdag ni Elisa. Halos umismid si Marina sa sinabi ng kanyang kaibigan.
Nakangiti si Avery pagkatapos niyang i-tweet ang picture ng ‘nakakadiring’ aso para sa kanya. Umani kaagad siya ng maraming likes, comments, at retweet. Lalo na ang mga followers niya na dog lover dahil sa pag-adopt niya sa kawawa at patpating aso. Maganda rin pala ang naidulot nito sa kanya, tamang desisyon niya na hindi nga muna niya ito pinatay dahil nakatanggap siya ng iba’t-ibang magagandang papuri mula sa ibang tao. Iyon pa ang iilan na ginamit ng kanyang mga fans na mabuti ang kanyang kalooban para alagaan ang isang aso na napulot niya sa kalye.
Lalo pa siyang nasiyahan ng may nagtanong kung bakit niya naisipan na Liver ang pangalan nito at bilang pang-aasar hindi lamang kay Oliver kung hindi pati na rin sa dalawang magkaibigan na sina Marina at Elisa, sinabi niyang nakuha niya ito sa pangalan ng lalaking gusto niya kaya lalong sumabog ang kanyang notifications dahil don.
Hindi niya alam kung paano makakaabot sa kanila iyon kaya ang ginawa niya ay ginamit niya ang kanyang dummy account sa f*******: para i-screenshot ang tweet niya sa aso at ang pagsagot niya sa tweet kung bakit ganon ang pinangalan niya sa kanyang bagong ‘alaga’. Marami rin followers ang dummy account niya dahil lagi siyang nakikipag-away kapag may nambabash sa kanya kaya alam niyang maraming magshashare non na mga f*******: user at sana lang ay makita na nina Marina tutal ay active naman sila sa social media accounts.
Hindi niya maiwasan na matawang mag-isa dahil na-imagine na niya ang halos umuusok na mukha ni Marina pagkatapos ay ang kawawang mukha ni Elisa. Alam niyang nagkakaroon na ng lamat ang relasyon ng dalawa dahil sa kanya, alam niyang siya ang pinag-awayan nina Oliver noong isang araw kaya konting push na lang.
Dahil wala siyang magawa ay in-stalk na lang niya ang profile ni Elisa at kung makikita niya sa mga pictures niya ay mukha talaga siyang mahinhin, mukha siyang madaling umiyak kapag kinalabit mo lang, mukha siyang babae na nakadepende sa ibang tao. Napangiwi si Avery dahil hindi niya inaasahan na may mga tao palang ganito dahil siya hindi na niya kailangan ng ibang tao para mabuhay.
Ganito ang mga tipong babae ni Oliver? Bakit niya kaya pinatulan ang babaeng ito kung tama ang nakikita niya na hindi naman niya mahal ni Oliver si Elisa hindi kagaya ng pagmamahal ng dalaga sa binata? Siguro ay mga softie lang talaga ang mga tipo niya? Kaya ba kahit na naapektuhan na siya sa kanya ay pinipigilan niya pa rin ang sarili niya dahil malaypng-malayo siya sa tipo ni Oliver?
Ang weird nilang magkasintahan dahil kung si Elisa ay mukhang nakadepende sa mga taong nakapaligid sa kanya, si Oliver naman ay nakadepende ang pagkagusto niya sa isang tao dahil lang sa mga sinet niyang ugali dapat ng babaeng magugustuhan niya. Bakit ‘di sila dumepende sa sarili nila?
“Umamin talaga sayo si Avery, kuya?” Pagtatanong ni Lianna nang makaalis na ang bisita nila at sabay silang nagliligpit ng kanyang kuya nang pinagkainan nila habang naglilinis naman ang kanilang ina na nakatigin sa kanila at nag-uusap.
“Lianna, hindi mo na dapat sinabi pa iyon.” Pagsabi ni Oliver sa kanyang kapatid. “Masyado kang sensitive dahil hindi mo man lang naisip ang mararamdaman ng girlfriend ko.” Ngumuso si Lianna sa panenermon ng kanyang kuya.
“Pero hindi ba napilitan ka lang naman na jowain si ate Elisa dahil kay nanay?” Pagtatanong ni Lianna sa kanyang kuya. Binitawan ni Oliver ang mga pinggan sa lababo tiyaka niya hinarap ang kanyang kapatid.
“Elisa dapat sinabi mo na kay tita kanina yung nararamdaman mo.” Panenermon ni Marina habang nasa loob sila ng sasakyan. Sinundo kasi si Elisa ng driver niya kaya nag-offer na itong ihatid si Marina sa kanilang bahay.
Mas gugustuhin naman ni Marina na sumabay sa kanyang kaibigan keysa maglakad siya or worst sumabay siya kay Samuel. Tama na iyong magkasama sila noong Biyernes sa isang sasakyan, hindi na siya kailanman sasakay sa sasakyan ng lalaking iyon.
“Marina, iyon naman ang nararamdaman ko. Isa pa, tama naman diba? Hindi naman siya in-entertain ni Oliver kaya wala ng kaso sa akin iyon. Ayoko ng palakihin ang usapin na iyon lao na’t dawit na naman ang pangalan ni Avery baka akala niya importante siya sa buhay namin kahit na hindi naman.” Mahabang lintanya ni Elisa sa kanyang kaibigan.
“Tiyaka anong sinabi mo na hindi naman halos alam ng mga babae sa campus na boyfriend mo siya kay Lianna?” Inis na pagtatanong ni Marina dahil hindi niya maintindihan kung anong trip ng kanyang kaibigan nang sinabi niya iyon. “Pinagtanggol mo pa si Avery sa kanila!” Napabuntong hininga si Elisa, alam naman niya na hindi siya titigilan ni Marina dahil sa sinabi niya sa hapag-kainan.
“Nakita mo naman kung gaano kasaya si Lianna diba?” Tanong ni Elisa sa kanyang kaibigan. “At kung gaano kasaya si tita habang tinitingnan niya ang bunso niya na masaya. Do you think I should ruin their happiness?” Pagtatanong ni Elisa kay Marina.
Ngayon naintindihan na niya si Oliver kung bakit ayaw niyang sirain kay Lianna ang image ni Avery dahil hindi lang pala ang kapatid niya ang malulungkot o mawawala ang dahilan ng kanyang pag ngiti kung hindi pati na rin ang kanilang ina. Nakita niya kanina kung gaanong kasayang magkwento si Lianna at kung gaano naman kasaya ang Ginang habang pinapakinggan niya ang kanyang bunso.
“So, you lied?” Hindi makapaniwalang tanong ni Marina. “Nagsinungaling ka noong tinanong ni Lianna kung alam ba ni Avery na may girlfriend na si Oliver noong umamin siya sa kanya?” Napailing si Marina dahil naalala niya ang nangyari kanina.
Tinanong kasi ni Lianna kung alam ba ni Avery na may jowa na ang kanyang kuya noong umamin siya dito. Umaasa kasi si Lianna na hindi ganoong babae ang kanyang iniidolo, alam niya na sa oras nalaman ni Avery na may jowa na ang kanyang kuya ay hindi siya aamin at irerespeto niya ang relasyon niya. Iyon ang paniniwala niyang ugali ng babae.
Para hindi madismaya at malungkot si Lianna ay nagsinungaling si Elisa kahit na hindi nirerespeto ni Avery ang kanilang relasyon ay sinabi na lang niya na hindi alam ni Avery at kamakailan lang niya nalaman.
“Hindi ba ganon naman ang alam ng mga babae sa campus? Hindi ba napagkamalan din naman na walang jowa si Oliver dahil lowkey lang kami? Iyon ang sinagot ko, hindi naman ako nagsinungaling.” Depense pa ni Elisa sa sinagot niya kay Lianna.
“Oo!” Frustrated na sabi ni Marina. “Yung iba hindi talaga nila alam dahil nga lowkey lang kayo. Pero si Avery? Alam na alma niyang magjowa kayo!” Naiinis pero may diin na sabi ni Marina para sana matauhan ang kanyang kaibigan pero mukhang hindi man ito tumatalab kay Elisa.
“Nandito na tayo.” Tanging sabi ni Elisa nang huminto na ang kanilang sasakyan sa bahay nina Marina. Mabuti na lang at malapit lang ang bahay nila kaya hindi mahaba ang panenermon sa kanya ni Marina tungkol sa nangyari kina Oliver.
Ayaw niyang humaba pa ang panenermon ni Marina dahil lalo lang pinapamukha ni Marina sa kanya kung gaano siya katanga kay Oliver, na kung gaano siya ka-clown. Dahil nag-away sila ni Oliver noon kasi nagsinungaling ang binata nang dahil kay Avery pero ngayon ay nagsinungaling siya sa ibang tao sa iisang dahilan. At ang masaklap pa ay ang babaeng hindi nirerespeto ang kanilang relasyon, ayaw niya pa itong madumihan ang image sa kanyang mga taga-hanga lalo na kung ang taga-hangang iyon ay ang kapatid at ina ni Oliver.
Ang buong akala niya ay wala siyang dapat ipangamba dahil siya ang gusto ng ina ni Oliver para sa kanyang anak pero nagkakamali pala siya. Dahil mukhang nawiwili rin ang ginang sa babaeng sinusuportahan ng kanyang bunsong anak at tingnan mo nga naman kung gaano kaliit ang mundo dahil ang babaeng muntik sumira sa kanilang relasyon ay ang babaeng hinahangaan nila.
Hindi maiwasan na malungkot ni Elisa habang pauwi na siya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpasalamat na bumaba na si Marina at hindi na niya ito masesermunan sa katangahan na ginawa niya o dapat siyang malungkot dahil wala sa tabi niya ngayon ang kaisa-isahang kaibigan niya at ramdam na ramdam niya ang lungkot sa kanyang sistema dahil sa mga bagay na iniisip niya.
“Lianna,” Bago pa man makapagsalita si Oliver para sitahin niya ang kanyang kapatid ay narinig na niya ang kanyang ina. “Hindi mo dapat sinasabi iyan.” Sermon ng Ginang sa bunsong anak niya.
“Eh mukhang gusto pa nga ni kuya si Avery dahil noong sinabi ko sa kanya na idol ko siya na-curious siya at sa akin na nagtanong ng mga impormasyon eh.” Umawang ang labi ng Ginang dahil sa sinabi ng babae niyang anak.
“Lianna, curious lang ako kung bakit mo siya iniidolo.” Kaagad na depensa ni Oliver. Hindi niya inaasahan na mapapansin iyon ng kanyang kapatid. Dapat talaga ay hindi na siya nagtanong pa kay Lianna kung malalaman niya din pala ngayon na umamin si Avery sa kanya.
“Kung curious ka kung bakit dapat yung nararamdaman ko ang tinatanong mo pero hindi eh. Tinanong mo kung anong inspirasyon niya sa pagsusulat, kung saan galing ang pen name niya, kung alam ko ba kung saan nakabase ang kanyang mga characters sa story na sinusul-” Hindi na pinatapos ni Lian ang kanyang anak at sumabat na siya sa usapan dahil sapat na ang narinig niya para kausapin ang panganay niyang anak.
“Lianna, iwanan mo muna kami ng kuya mo.” Pag-uutos niya sa kanyang anak kaya nakangusong umalis sa kusina si Lianna kaya napabuntong hininga si Oliver, alam na niya kung saan ang kapupuntahan ng usapan na ito.
“Totoo ba ang sinabi ni Lianna? Na napilitan ka lang maging girlfriend si Elisa dahil gusto ko siya para sayo?” Hindi naman lingid sa kaalaman ni Lian na talaga ngang tinutulak niya ang kanyang anak sa kaibigan ni Marina noong madalas silang tumambay sa bahay nila.
Una ay dahil hindi mapangmataas si Elisa. Pangalawa ay mabait na dalaga at matulungin na bata si Elisa. At panghuli, liban sa kanyang kagandahan ay alam niyang mapagmahal ang dalaga. Para nitong nakikita ang kanyang sarili noong kabataan niya. At alam niyang hindi malabo, kung sakali man na hindi pabor ang mga magulang ni Elisa dahil sa katayuan sa buhay ni Oliver, ramdam niya na gagawin ni Elisa kung ano ang ginawa niya noon para lang makasama ang mahal niya sa buhay.
Hindi nakasagot si Oliver sa sinabi ng kanyang ina kaya suminghap si Lian dahil mukhang alam na niya ang kasagutan sa katahimikan na sinagot ng kanyang anak.
“Kung napipilitan ka lang pala, sabihin mo na kay Elisa habang maaga pa. Para hindi siya lalong masaktan.” Sambit ni Lian sa kanyang anak dahil siguro naguguluhan ngayon sa nararamdaman niya ang kanyang panganay na anak.
“Masyadong mabait at mapagmahal si Elisa, hindi niya deserve na masaktan pero kung talagang kaibigan lang ang kaya mong ibigay na pagmamahal sa kanya ay sabihin mo na habang maaga pa.” Huminga ng malalim si Lian bago niya ipagpatuloy ang kanyang sasabihin. “Lalo na ngayong may isang babae ang gumugulo sa puso at isipan mo.” Dagdag pa niya.
“Huwag sanang humantong nang dahil sa pagkalito mo ay maloko mo ang babaeng sobra-sobra ang pagmamahal sayo.”