CHAPTER 7
“Hindi ka minemessage?” Pagtatanong ni Marina sa kaibigan. Tamad na pinakita ni Elisa ang kanyang cellphone na may message ni Oliver. “Akala ko pinandigan na niya talaga ang pagiging gago niya at hindi ka niya minessage.” Sambit niya nang makita na kahit papaano naman pala ay nagmessage ang pinsan niya sa kanyang kaibigan.
Boyfriend ang nakalagay na contact ni Elisa kay Oliver which Marina found it cringe pero hindi na lang pinansin ni Marina ang kaibigan. Nabasa ni Marina na mag-uusap silang dalawa after class kaya kahit papaano ay guminhawa ang kanyang pakiramdam.
“Dapat hindi malaman ni Avery na nag-away kayo ng boyfriend mo dahil sa kanya dahil tataas na naman ang tingin non sa sarili niya.” Bulong ni Marina sa kanyang kaibigan. May fifteen minutes na lang silang break pero napagdesisyunan nilang maghintay na lang sa loob ng classroom keysa sa canteen dahil halos lahat ay nagbabasa ng libro at nape-pressure si Marina na magpaka-nerdy.
“Kakaiba lang talaga ang pagbanggit niya sa pangalan ni Avery tapos ayaw niya pang sabihin sa kapatid niya. “ Bakas ang lungkot sa boses ni Elisa habang sinasabi iyon kay Marina, hindi kasi nila napag-usapan ng maayos kanina dahil maagang dumating ang professor nila sa kanilang unang klase at ngayon lang sila nagkaroon ng oras.
“Hindi ko nga siya maintindihan kahit na anong ipaliwanag niya sa akin ay mananatiling sarado ang tenga ko lalo na kapag tunog pinagtatanggol niya si Avery.” Inis na sambit ni Marina. Naintindihan ni Elisa ang galit ni Marina kay Avery, sa unang pagkakataon din ay nakita niya kung paano natalo sa away ang palaban niyang kaibigan.
“Sa tingin mo ba, makikipaghiwalay sa akin si Oliver?” Napatingin si Marina sa kanyang kaibigan at natigilan dahil hindi niya alam kung ano ang dapat isagot don.
Alam nilang dalawa kung bakit at paanong naging sila kaya naintindihan ni Marina kung bakit ganito na lang kalungkot si Elisa magsimula kaninang umaga. Suminghap muna siya bago niya sagutin ang tanong ng kanyang kaibigan.
“Hindi naman siguro. Kahit na gago siya ngayon dahil pinagtatanggol niya si Avery ay may respeto pa rin sayo ang pinsan ko.” Pagsagot niya. “Tiyaka isa pa, huwag ka ngang magpatalo sa babaeng iyon. Naniniwala ako na mahal ka ng pinsan ko.” Kahit na may pag-alinlangan sa sinabi ni Marina ay sinabi niya pa rin iyon para lang guminhawa ang pakiramdam ng kaibigan niya.
Hindi siya sanay na ganito kalungkot si Elisa. Palagi itong nakangiti at malambing palagi ang kilos pati na rin ang boses kaya nakakapanibago na nanlulumo siya ngayon. Kung sabagay, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-away sila. Hindi pa sila nag-aaway dahil palaging iniintindi ni Elisa si Oliver.
Pero iba lang ang sitwasyon ngayon dahil may ibang babae na sangkot at hindi alam ni Elisa kung paano nila mapag-uusapan ng mabuti iyon dahil natatakot siya sa pinapakitang pag kislap ng mga mata ni Oliver sa kanya. Natatakot siya na baka bigla niya lang itong bitawan na para bang hindi man lang niya ito hinawakan.
“Sana nga…” Umaasang sagot ni Elisa sa kanyang kaibigan.
Sana nga totoong nag-aalala sa kanya si Oliver. Sana nga maayos nila kaagad ang unang misunderstanding nila. Sana nga maalala pa rin ni Oliver na siya ang girlfriend nito at sana nga mahal siya ni Oliver katulad kung gaano niya kamahal ang binata.
“Anong sana nga?” Nainis si Marina dahil sa sinabi ng kaibigan dahil tunog pinanghihinaan siya ng loob at ayaw niya iyon. Matagal na silang magkaibigan kaya hindi niya maiwasan na maging malungkot kapag nakikita niyang nagkakaganito ang kanyang kaibigan.
“Mahal ka non at dapat ka naman talaga niyang mahalin.” Pagtatak ni Marina sa utak ng kaibigan dahil alam niya, sa itsura pa lang ng kaibigan niya ngayon, maraming tumatakbo sa isipan niya at alam niyang isa na rin doon ay ang pagdududa kahit na ilang beses pang sabihin ni Elisa na may tiwala siya sa kanyang pinsan ay hindi niya maiwasan magduda.
At alam niyang dapat lang magduda si Elisa dahil maging siya ang nagdududa na sa kinikilos ng pinsan. Kung ang punto ni Oliver ay para hindi mawala ang kasiyahan ni Lianna ay bakit noong humahanga siya sa isang aktor ay sinabi sa kanya ni Oliver na naging bully ang artista na iniidolo niya? Hindi ba naisip ni Oliver non na nasaktan, nadismaya, at nawalan siya ng isang source of happiness?
Pero bakit pagdating kay Avery ay iba?
“Hindi naman dapat tayo maglokohan pa.” Pilit na ngumiti si Elisa pagkatapos niyang sabihin iyon kaya naiinis siyang tinignan ni Marina tiyaka niya nilagay ang hintuturo nito sa labi ni Elisa para patahimik siyang magsalita.
“Sshhh. Don’t say bad words.” Pagbibiro pa niya pero wala man isa sa kanilang dalawa ang tumawa. “Nawawala na ba ang tiwala mo sa pinsan ko? Parang noong isang buwan lang kampante ka na hindi iyan mambabae at hindi ka niya ipagpapalit sa ibang babae diba?” Pagpapaalala ni Marina sa kanya.
“Pero iba ngayon.” Nakangusong sambi ni Elisa. “May nakilala siyang bago.”
“Teka lang! Naniniwala ka ba sa love at first sight? Tingin mo ba na-love at first sight ang pinsan ko sa baliw na iyon?” Pagtatanong ni Marina sa kaibigan dahil kung makaduda ito ay akala mo ay magkakilala na sila ni Avery.
“Hind-” Pero hindi pinatapos ni Marina ang kanyang kaibigan.
“Oh hindi naman pala eh? Bakit kailangan mong magduda ngayon kung hindi ka naniniwala sa love at first sight?” Panenermon ni Marina. “Kasi walang ganon. Hindi totoo iyon kaya mag-usap na lang kayo ng pinsan ko mamaya para sa ikapapayapa ng isip mo.” Payo niya sa kanyang kaibigan.
“Pero parang gusto ko ng maniwala ngayong…” Bulong na sambit ni Elisa pero dahil magkatabi lang sila ng upuan ay hindi nakatakas sa pandinig ni Marina iyon.
“Naririnig mo ba ang sarili mo? Tiyaka sinong magkakagusto sa baliw na iyon?” Gusto sanang sagutin ni Elisa na halos lahat ng lalaki sa university at maging sa labas ay may gusto sa babaeng tinutukoy niya pero mas pinili na lang niyang itikom ang bibig niya dahil baka mapikon si Marina.
“We never know.” Pinaka-safe na sagot niya pero dinagsa siya ni Marina nang love advice kahit na sinabi ni Marina noon sa kaibigan na kailangan niyang maniwala sa instinct dahil noon ay hindi siya naniwala sa kutob niya ay nangangaliwa naman pala talaga ang boyfriend niya.
“I swear, he’s a perfect guy!” Biglang napahinto sa pagbabasa si Avery nang marinig niya ang dalawang babae sa likuran niya. May sampung minuto pa bago dumating ang kanilang professor.
Masaya ang simula nang umaga niya dahil sa ibinigay na reaksyon ni Oliver sa kanya kanina. At halos hindi na siya makapaghintay pa sa magiging reaksyon ng girlfriend niya kapag nalaman niya iyon.
“But they are not rich.” Bulong naman ng isa niyang kaklase na si Bea.
“They are but they said that his mom just married a poor man. That is why they were living a simple life.” Pagchika ni Nikka kay Bea.
Diresto ang tingin ni Avery sa kanilang whiteboard habang seryosong pinapakinggan ang dalawa. Interesado siyang malaman kung anong background ng lalaki bago niya simulan ang kanyang plano. Kahit na gusto niya na ang lalaki mismo ang magsabi sa kanya mas maganda na alam niya kung ano ang papasukin niya.
Alam niyang madali lang niyang malaman kung gagamitin niya ang koneksyon ng kanyang lolo pero gaya ng sinasabi niya, ayaw niya ng walang thrill. Kapag walang thrill ang buhay, hindi ba’t nakapa-boring?
That is why she loves thrill so much. It will always be the unexpected things that matter.
“Kanino mo naman nalamna iyan? Baka fake news lang? Wala tayo sa telenobela, te.” Typical girl at her age who loves to gossip around. Gossiping didn't have a thrill but oh well, their topic was interesting so she loves eavesdropping instead of stopping their noisy mouth.
“Do you know Marina Lopez, right?” Pagtatanong ni Nikka. Hindi nakarinig ng sagot si Avery dahil tumango lamang si Bea sa tanong ng kanyang kaibigan. “Classmate ko silang dalawa ni Elisa noong Junior High School.” Hindi maiwasan na magtaka ni Bea sa sinabi ng kaibigan.
“Anong connect nila kay Oliver?” Pagtatanong pa ni Bea kaya napairap si Nikka. Matalino ang kanyang kaibigan pero sa ganitong usapin ay madalas siyang mukhang lutang.
“Sis, pinsan ni Oliver si Marina! The Lopez, hello? Oliver Ian Lopez Laureta! Tapos si Elisa ang girlfriend niya!” Doon lang nalaman ni Avery na matagal na palang magkaibigan ang dalawang nakaaway niya kahapon.
“Wow.” Manghang sabi ni Bella. “Matalino. Gwapo. Closeted rich. Mabait. Ano bang mali sa kanya? Mukhang walang mali sa pagkatao niya!” Komento pa ng dalaga habang hindi maitago ang paghanga sa boses niya.
Halos mapairap si Avery dahil sa narinig niyang paghanga. Girls were really willing to go low just for a man. Ayaw ni Avery sa mga lalaki dahil sa angkin nilang kayabangan. She’s powerful even without a man. Iyan ang prinsipyo niya sa buhay kaya mas pipiliin na lang niyang i-enjoy ang kayamanan na meron siya sa future kaysa makipag-asawa at magkaroon ng anak.
Kung papipiliin siya kung pagmamahal o hayop ay hayop ang pipiliin niya, dahil wala naman pinagkaiba ang pagmamahal sa hayop. Kaya kang gawing hayop kapag nagsimula kang makaramdam ng pagmamahal na lahat ay gagawin mo na para lang sa taong mahal mo. Tiyaka isa pa, kaya niya pipiliin ang hayop dahil nabubuhayan siya kapag humahalinghing ito bago mamatay habang tumutulo ang dugo nito sa kanyang kamay.
Wala kang mararamdaman sa pagmamahal kung hindi sakit dahil madalas hindi naman talaga kilala ng isang tao kung sino ang minamahal niya kahit na gaano pa sila katagal na magkarelasyon. Dahil sa paniniwala ni Avery, sa bawat sitwasyon ay may bagong ugali na ipinapakita ang isang tao. Tiyaka para sa kanya ang pagmamahal ay isang uri ng kahinaan.
Manghihina ka kapag nagmamahal ka. Lahat ng binuo mo sa pagkatao mo ay masisira lamang kapag nagmahal ka.
Kaya mas pipiliin niyang maging mag-isa keysa makita niya ang sarili niyang lumuluha at nagmamakaawa sa isang lalaki. Mas mainam pa na tumambay siya sa second floor na veranda nila habang may hawak na red wine kaysa makisalo ng halik sa isang walang kwentang lalaki.
“Grabe! Kung alam ko lang na may pinsan pa lang ganon ka gwapo at katalino si Marina, sana ay kinaibigan ko na siya noon. Baka ako pa ang girlfriend niya ngayon.” Hindi niya mapigilan na mapangiwi dahil sa sinabi ni Nikka.
That was love can do, you are willing to use someone so you could have that stupid man. And Avery surely wouldn't do such pathetic things in the name of love.
“Did you hear them?” Napalundag mula sa pagkakaupo si Lindsey dahil hindi niya inaasahan na bubulong sa kanya si Avery. Nagbabasa kasi siya ng kanyang libro dahil hindi siya naka pagbasa kagabi nang dahil sa pag-aalala.
Alam niyang pangalawang araw pa lang ang klase pero mas maigi nang makapag-basa na siya ng maaga dahil halimaw ang mga estudyanteng kasama niya na para bang memorize nila ang buong libro katulad na lang ng bumulong sa kanya ngayon.
“H-ha?” Hindi niya maiwasan na kabahan kapag tinatanong siya ni Avery dahil sa awra at ngisi nito na nakakababa o di kaya ay nakakatakot. Mahalaga ang buhay para sa kanya kaya natatakot siya sa ano mang pwedeng gawin ni Avery ng hindi niya namamalayan.
At hindi niya pa maiwasan na kabahan dahil busy siyang nagbabasa ng libro at hindi niya alam kung ano ang tinutukoy ni Avery na narinig niya. Kapag nagbabasa kasi siya ay parang nagkakaroon na siya ng sariling mundo at hindi na marinig ang nasa paligid dahil kailangan niyang intindihin ang librong binabasa niya kung hindi ay papatunayan niya lang kay Avery na nakapasok lang siya sa unibersidad na ito dahil alalay siya ni Avery.
“They said that Oliver is a perfect guy. Do you agree or not?” Mapaglarong tanong ni Avery. Halos tumawa na siya sa pinapakitang reaksyon ni Lindsey, kapag ganitong mukha siyang natataw ay katawa-tawa ang kanyang itsura na pwede ng maging meme sa f*******:.
“Ah. No-” Hindi pa natapos si Lindsey sa kanyang sagot ay nagulat siya noong biglang sumigaw si Avery ng
“WRONG!” Halos lahat ng ulo sa kanilang classroom ay napatingin sa kanya. Naramdaman iyon ni Avery kaya tinignan niyang mabilis ang kanyang mga kaklase na may ngiti sa labi. Hindi nila mapaliwanag ang nararamdaman nila noong tinignan sila ni Avery kaya mas pinili nilang umiwas ng tingin at ituon ang kanilang pansin sa ginagawa nila bago sila tumingin kay Avery.
“Why did you say that such thing?” Pagtatanong ni Avery kay Lindsey. Sunod-sunod na lumunok si Lindsey at mabilis din ang pagkurap ng kanyang mata lalo na’t katabi niya lang literal si Avery. Kung sasaktan man siya ni Avery ay madali lang ito para kay Avery dahil ang lapit lang nila sa isa’t-isa.
“Is he perfect?” Tanong ni Lindsey, bahagyang lumayo si Avery pero hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi niya.
“Didn’t I tell you yesterday?” Pilit na inaalala ni Lindsey kung may nasabi ba si Avery pero hindi niya matandaan kung ano ito. Sandali siyang pumikit at manalangin na sana ay walang gawin sa kanya si Avery dahil hindi niya ito maalala.
“I told you that his name was perfect… a perfect name for a tombstone.” Umirap si Avery tiyaka umayos ng upo. Binuksan niya ang kanyang libro at nagsimulang mag highlight ng mga importante. Mabilis ang pag highlight niya dahil mabilis siyang magbasa at kaagad niya itong naintindihan.
At hindi na mapigilan ni Lindsey ang kanyang kaba na halos maihi na siya sa kanyang pagkakaupo dahil sa biglang tinuran ni Avery habang naka-focus pa rin siya sa pag highlight sa libro.
“Anyway, prepare for my surprise later since you forgot what I’ve said. Such a dumb person.”