CHAPTER 6
“Hindi ko lang talaga makasalubong sa campus iyong bruhang iyon, maganda na araw ko.” Sambit ni Marina habang hinihintay nilang dumating si Elisa.
Naipit kasi ito sa traffic kaya wala silang choice kung hindi hintayin ang kanyang kaibigan. Kasama niya ngayon si Oliver dahil sabay na silang uuwi at papasok since marunong magmaneho ng sasakyan si Oliver.
“Ang aga, Marina.” Pambabawal ni Oliver sa pinsan. Minsan kahit na hindi naman magkalayo ang kanilang edad ay parang ang layo ng agwat nila dahil spoiled si Marina sa tito niya pati na rin sa kuya nito.
“Eh bakit? Sa palagay mo ba makakalimutan ko kaagad nang ganon-ganon na lang ang ginawa ng bruhang iyon sa amin ng girlfriend mo?” Hindi alam ni Oliver kung anong pinupunto ni Marina at kailangan niya pang pagdiinan ang salitang girlfriend.
Umiling na lang na may kasamang pag singhap si Oliver dahil sa sinabi ng kanyang pinsan. Alam niya rin naman kung bakit ganito siya mainis at magalit kay Avery dahil ayaw nito ang natatalo siya lalo na kapag nakikipag-away. At kahapon, ang unang pagkakataon na natalo siya sa away.
Ang sakit sa ulo kapag pinagsama si Avery at Marina sa iisang kwarto dahil alam niya na parehong spoiled brat ang dalawa. Kaya minsan ay nagpapasalamat siya na lumaki lang sila ni Lianna sa simpleng pamumuhay dahil kung hindi ay baka spoiled brat din ang nakakabata niyang kapatid.
At isa pa sa pinagpapasalamat niya na kahit lumaki si Elisa sa isang mayaman na pamilya ay hindi siya katulad ni Marina.
“Sinabi mo ba kay Lianna ang totoong ugali ni Avery?” Muli siyang napasinghap sa tanong ni Marina, kaagad siyang tinignan ni Marina dahil sa naging reaksyon niya kaya naman kaagad nasagot ni Marina ang kanyang tanong kahit na hindi pa sumasagot ang kanyang pinsan.
“Hindi? Bakit hindi mo sinabi na hindi dapat idolohin ang ganong tao?” Inis na tanong ni Marina sa kanyang pinsan. “Ako na lang ang magsasabi sa kanya!”
“Marina…” Pagbabawal ni Oliver. “Lianna is still young. It will probably just a phase on her life. Just let her enjoy.” Habilin ni Oliver sa kanya dahil hindi niya kayang makitang madismaya ang kanyang kapatid na babae.
Kahapon ay nakita niya kung gaano kasaya ang kanyang kapatid habang nagkukwento iyon sa kanya at ayaw niyang sirain iyon. Alam niyang mahirap ang buhay kaya ayaw niyang sirain ang bagay na nagpapasaya sa kanyang kapatid.
“Oh baka naman pinagtatanggol mo si Avery?” Pagsingit bigla ni Marina. “Sinasabi ko sayo, may girlfriend ka!” Pagpapaalala pa nito sa pinsan.
“Anong meron? Bakit narinig ko pangalan ni Avery at girlfriend?” Sinalubong sila ni Elisa na may ngiti sa kanyang labi.
“Pagsabihan mo iyang boyfriend mo dahil mukhang naakit na siya kay Avery.” Mula sa malambing na ngiti ay unti-unting nawala ang kurba ng labi ni Elisa dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan na si Marina.
Naunang maglakad si Marina pagkatapos niyang sabihin iyon habang tiningnan naman ni Elisa ang kanyang kasintahan na ngayon ay napapikit ng mariin dahil sa kakulitan ng pinsan.
“Tara na?” Anyaya ni Elisa na hindi na lang pinansin kung ano ang sinabi ni Marina dahil ayaw na rin naman niyang palakihin pa iyon. Isa pa, may tiwala naman siya sa kasintahan niya para awayin niya sa maliit na bagay.
“Huwag kang makikinig kay Marina.” Marahan na sambit ni Oliver habang magkahawak ang kanilang kamay at papasok na sa campus. Ngumiti si Elisa tiyaka tumango.
“Ano bang ikinagalit niya?” Malambing ang pagkakatanong niya kahit na hindi maiwasan na kabahan siya dahil don.
Alam at ramdam naman niya na tanging pagkakaibigan o di kaya ay pagmamahal ng isang kapatid lang ang turing sa kanya ni Oliver pero umaasa pa rin siya na balang araw ay mapapantayan din ni Oliver ang pagmamahal na binibigay niya sa kanya.
Dahil kung siya ang tatanungin ay wala na siyang ibabg natitipuhan at gustong pakasalan kung hindi si Oliver. Hindi ganon karangya ang pamumuhay ng binata pero kung titignan mo ay isa na itong perpektong lalaki ngayon.
“Hindi ko alam na sikat pala si Avery maging sa labas ng university.” Parang may sakit na lumandas sa puso ni Elisa pagkatapos sabihin ni Oliver iyon, parang unti-unting namumuo ang inggit niya kay Avery.
“It happens that Lianna admires her as a writer.” Oliver shrugged his shoulders. “Guess, she's sweet with her fans that is why Lianna adores her so much.” Pinilit ngumiti ni Elisa habang nagkukuwento si Oliver lalo na nang may naramdaman siyang kakaiba sa boses ng lalaki o masyado lang siyang nag overthink dahil sa pinagsasabi ng kaibigan niyang si Marina.
“Hmm? Anong kinakagalit ni Marina?” Pagtatanong ni Elisa. Hindi napansin ni Oliver ang pilit niyang ngiti dahil mas mukhang interesado siyang pag-usapan si Avery na kahapon niya palang nakita at nakilala.
“Dapat daw sinabi ko kay Lianna kung anong totoong ugali ni Avery.” Maging ang pag-pronounce ni Oliver sa pangalan ni Avery ay hindi nakawala sa pandinig ni Elisa.
Nakakampante lang siya dahil alam niyang maayos na lalaki si Oliver at hindi ito gagawa ng ikakasakit niya lalo na't mahal na mahal ni Oliver ang kanyang ina at ang kanyang kapatid na si Lianna. Alam niya iyon dahil sinabi sa kanya noon ni Oliver na ayaw niyang manakit ng babae dahil ayaw niyang mangyari iyon sa dalawang mahalagang babae sa buhay niya.
Sa pagkakataon na iyon ay gustong um-agree ni Elisa sa sinabi ng kaibigan niyang si Marina. Dapat ngang sabihin ni Oliver sa kanyang kapatid ang tunay na kulay ni Avery kaya hindi niya maiwasan na mag-alala kung bakit gusto niyang protektahan ang imahe ni Avery sa ibang tao gayong maging si Avery mismo ay hindi pinoprotektahan ang kanyang imahe.
“Bakit hindi mo sabihin? So, Lianna knows that she's adoring a bad one.” Kumunot ang noo ni Oliver dahil sa sinabi ni Elisa kaya bahagyang napaawang si Elisa sa naging reaksyon ng kasintahan.
“Seryoso ka?” Natigilan si Elisa sa pagtatanong ni Oliver. “Ayokong sirain ang kasiyahan ng kapatid ko. Kung iyon ang nagpapasaya sa kanya, hahayaan ko na lang. Tiyaka mukhang mabait naman ang pakikitungo niya kay Lianna kaya ayos na sa akin iyon.” Pero hindi nagustuhan ni Elisa ang sinagot ni Oliver sa kanya at padarag niyang binitawan ang kamay ng kasintahan. Nagtataka siyang tiningnan ni Oliver dahil hindi naman ganon si Elisa.
“So, you're protecting her now? What did you say? That it's okay since Avery is treating her well? What about us and what about me? May I remind you that I am also your girlfriend, that she did hurt me yesterday, if you forgot about that.” Inis na sabi ni Elisa. Si Oliver naman ngayon ang umawang ang labi dahil ngayon niya palang nainis si Elisa sa kanya ng ganito.
“What I mean is-” Ngunit hindi siya pinatapos ng kasintahan kaya nauna na itong naglakad paalis para sabayan ang kanyang pinsan na kaibigan naman ng kasintahan niya.
Napabuga siya ng hininga habang tinitignan niya ang dalawang babae na papalayo sa kanya. Sumulyap pa si Marina sa kanya dahil siguro nagtaka siya bigla sa inasal ni Elisa habang walang lingon-lingon na naglalakad palayo ang kasintahan.
Napahawak siya sa kanyang batok habang marahan niya itong kinakamot kahit hindi naman makati dahil nag-iisip siya ng paraan kung paano manghingi ng sorry sa kasintahan. Ngayon lang siya nahimasmasan na insensitive siyang masyado sa part na iyon.
“Morning LQ eh.” Nagulat siya sa biglaang pagsulpot ng isang boses kaya kaagad niya itong hinarap.
Nakangising nakatingin si Avery sa kanya habang suot-suot ang panibago niyang black dress at black ankle boots na may heels. May naka-clip din siya sa kanyang buhok na maliit na hat.
Nakita niya ang pagtatalo ng magkasintahan kanina at kulang na lang ay maghingi siya ng popcorn kay Lindsey dahil enjoy na enjoy siyang tignan silang nag-aaway. At lalo pa siyang nasiyahan nang marinig niya ang kanyang pangalan na mukhang siya ang dahilan ng pag-aaway nila.
Umiling na lang si Oliver tiyaka niya sana lalagpasan na lang ito pero hinawakan siya sa braso ni Avery. Kaagad na umiwas si Oliver nang mayroon siyang kakaiba at kaagad niyang iniiwas ang kanyang isipan sa ibang bagay dahil alam niya na nagsisimula ang pagtataksil sa ganoong pag-iisip.
“Oh? Scared?” Ngisi ni Avery pagkatapos ay tinignan niya mula ulo hanggang paa ang binata.
Hindi halata sa binata na hindi siya galing sa marangyang pamilya dahil sa angkin nitong kakisigan at kagwapuhan at kung gaano kaayos ang kanyang kulay puting uniform.
Walang emosyon lang siyang tinignan ni Oliver kahit na ang daming mga naglalaro sa kanyang isipan. Lalo pa dahil sa pag-ngisi ng dalaga ay napapansin niya ang mapupula nitong labi na mukhang natural ang pagkapula noon.
Napansin ni Avery ang pagtingin doon ni Oliver kaya hindi niya mapigilang lumawak ang pag-ngisi niya dahil sa binibigay na reaksyon ng lalaki.
“So, that was your girlfriend, huh.” Wika nito pero tanging paggalaw lang ng adam's apple ni Oliver ang naging reaksyon niya.
“Why don't you break up with her and have fun with me instead?” Mapang-akit na tanong ni Avery. Muntik nang bumigay doon si Oliver kaso ay kaagad niyang pinilig ang kanyang ulo, kaagad iyong nakita ni Avery kaya natawa na siya ng tuluyan.
Halos mapaso ang kanyang mukha ng maharot na hinawakan ni Avery ang kanyang kanang pisngi habang mapang-akit niya itong tinitignan.
Hindi kaagad nakakilos si Oliver nang biglang ilapit ni Avery ang kanyang mukha, muntik na silang maghalikan kung hindi lang tumagilid ang mukha ni Avery pagkatapos ay naramdaman na ni Oliver ang hininga ng dalaga sa kanyang tenga.
“I guess, boys always be boys?” Nakangiting sambit ni Avery lalo na at mukhang napako sa kinatatayuan si Oliver. Binangga pa ni Avery ang balikat nito bago niya lagpasan at naglakad na palayo na may ngiti sa labi.
“Pasensya na. Pasensya na.” Paulit-ulit na wika ni Lindsey kay Oliver bago siya sumunod sa kanyang kaibigan.
At parang doon pa lamang nakahinga ng maluwag si Oliver dahil pigil hininga siya kanina lalo na noong nilalapit ni Avery ang kanyang mukha palapit sa kanya.
Bigla siyang nainis sa sarili niya dahil hindi naman siya ganon noon pero hindi niya alam kung bakit maging ganoon ang epekto ni Avery sa kanya. At naiinis siya sa sarili niya dahil sa pangyayari na iyon ay sandali niyang nakalimutan si Elisa.
Hindi siya natutuwa sa epekto ni Avery sa kanya. Sa halip ay natatakot siya kung saan siya pwedeng dalhin ng epekto ng iyon ng kanyang dibdib o maging ang kanyang katawan. Natatakot siya na baka mabali niya ang mga pangakong binitawan niya sa babaeng una niyang pinangakuan.
At natatakot siya dahil…
“Hey, dude!” Doon lang siya tuluyan na natauhan ng maramdaman niya ang pagtapik sa kanya ni Henry.
“Hey.” Bati niya habang sabay na silang naglalakad ngayon papasok sa classroom. At gumugulo pa rin sa kanyang isipan ang eksena nila kaninang dalawa ni Avery.
“I saw that scene with Avery.” Napatingin siya kay Henry tiyaka ito tumawa. “Don't worry, I won't tell anyone, especially your girlfriend, that Avery had an effect on you.” Pilyong sambit ni Henry sa kanya habang naka-akbay pa ang braso nito sa kanya.
“I got you, dude.” Dagdag pa nito habang tinatapik-tapik pa nito ang kanyang balikat. “Imagine, if I was the one who was on your shoe earlier? I'll definitely be stunned by her beauty.” Hindi nagustuhan ni Oliver ang sinasabi ni Henry dahil nagmumukha siyang cheater kay Elisa.
“Guess that, the chairman's granddaughter really had a charm, no? Or a potion that guy would love to be with her.” Charm… Potion… hindi naniniwala si Oliver doon dahil mas gusto niyang mahulog sa isang mabait na tao keya sa magandang babae.
Pero sa ilang segundo ay nawala ang paniniwala niya dahil meron ngang kung anong meron kay Avery na para bang nababalutan siya ng potion para gustuhin ng ibang kalalakihan.
“She's every man's dream.” At sa kauna-unahang pagkakataon, sa lahat ng sinabi ni Henry magmula kanina ay doon siya um-agree kahit na lumalabag ang kanyang isip ay mas nanaig ang kanyang puso.
Halos madapa-dapa si Lindsey dahil sa bilis ng paglalakad ni Avery at dapat niyang pantayan ang lakad nito dahil baka may bigla siyang iutos.
“Did you see how affected he was?” Parang achievement iyon kay Avery na dapat niyang ipagmalaki kay Lindsey.
“O-oo! He was stunned!” Habol-habol pa ang hininga ni Lindsey habang sinasabi niya iyon.
Huminto sa paglalakad si Avery kaya halos madapa sa pag preno si Lindsey. Nakangisi si Avery na mukhang good mood na good mood siya bago siya nagsalita.
“And that's the perfect guy!”