CHAPTER 8
“Ayan ah! Nasa bulsa mo na ang cellphone mo.” Sambit ni Marina pagkatapos niyang nilagay ang cellphone ni Elisa sa bulsa ng kanyang puting blusa, nakalagay kasi ito palagi sa bag niya. “Para kapag need mo ng back up kaagad mo akong matawagan. Diyan lang ako sa tabi-tabi.” Pagpapaalam ni Marina habang may tinuturo kung saan-saan.
Nasa parking lot sila ngayon at kagaya nga ng message ni Oliver sa kanyang kasintahan ay mag-uusap sila ngayon dahil ito ang kauna-unahang hindi nila pagkakaintindihan. Palagi naman siyang iniitindi ni Elisa pero hindi lang maintindihan ni Elisa ang point niya ngayon kaya hindi niya maiwasan na mainis kanina.
Bilang pag-respeto sa space nilang dalawa ay napili ni Marina na habang nag-uusap sila sa kotse ay maglilibot muna siya sa campus at hawak-hawak niya sa kanyang kamay ang kanyang cellphone para kung kailanganin man ng kaibigan niya ng tulong ay kaagad siyang makatakbo pabalik ng parking lot. Hindi naman din siya lalayo sa parking lot para malapit lang kung sakali ang tatakbuhin niya.
“Basta mahal ka ng pinsan ko, huh?” Pagpapaalala ni Marina sa kanyang kaibigan. Nasa loob na si Oliver pero hindi pa handang pumasok si Elisa kaya nag-usap muna sila ni Marina dahil hindi niya alam kung anong sasabihin sa lalaki. Kung titignan niyang mabuti ay napakababaw ang dahilan kung bakit siya nagalit pero ayaw niya lang naman kasi ang tono kanina ni Oliver.
“Marina, hindi ko ata kaya. Feeling ko kasalanan ko, siguro ako na lang ang maghihingi ng sorry?” Pagtatanong ni Elisa, bakas sa mukha niya ang kaba at pagsisisi. Kung hindi niya nalang sana pinansin ang boses kanina ng kasintahan habang binabanggit niya ang pangalan ni Avery ay maayos sana sila ngayon.
“Ano ka ba! Madalas sa mga kutob natin ay tama. Hindi naman tayo kukutuban kung walang mali diba? Tiyaka, kaya nga mag-uusap kayo para malinawan kayong pareho. Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil wala ka naman kasalanan.” Pagpapayo ni Marina sa kaibigan. “Kahit na magkadugo man kami ni Oliver, kapag niloko ka niya hindi ko kakampihan iyan no! Ayoko sa mga gagong lalaki. Kaya kung may masabi man siyang hindi maganda sayo ngayon, sabihin mo kaagad sa akin para masapak ko agad!” Bahagyang natawa si Elisa dahil tinaas pa ni Marina ang kanyang kamao.
“Kung hindi mo tinanggihan iyong martial arts class na inaalok sayo ni tito noon, edi sana hindi na tayo natalo kahapon kay Avery at masusuntok mo ng tama ang pinsan mo kung sakali man na saktan niya ako.” Pagbibiro ni Elisa pero hindi iyon nagustuhan ni Marina kaya kaagad siyang sumimangot.
“Huwag mo na ngang ipaalala ang nangyari kahapon, may-araw din sa akin ang babaeng iyan. Akala mo naman kung sinong makaasta.” Kaagad na natawa si Elisa sa naging reaksyon ng kanyang kaibigan at kahit papaano ay naibsan ang kabang nararamdaman niya.
Ayaw nang maalala ni Marina iyon dahil hindi niya maiwasan mainis sa sarili niya dahil pinabayaan niyang matalo lang siya ng ganoon at hindi niya maiwasan na lalong lumala ang galit niya kay Avery na kahit pangalan lamang nito ay kaagad ng masisira ang kanyang mood sa buong araw.
“Sige na, baka kanina pa siya naghihintay.” Nag-aalalang wika ni Elisa.
Hindi nagpasundo si Elisa ngayon sa kanyang driver dahil ihahatid siya nang magpinsan pagkatapos nilang mag-usap ni Oliver—at kung sakali man na hindi maganda ang maging usapan nila ay pwede naman siyang mag book ng grab.
“Sige ah! Basta tawagan mo ako!” Pagpapaala sa kanya ni Marina pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad palayo. Pagkatapos ay humarap sa kanya si Marina habang paurong siya tiyaka niya tinaas ang kanyang kamay na may hawak na cellphone at tinuturo niya pa ito. Tumango si Elisa dahil gets niya naman kung ano ang gustong ipahiwatig ni Marina roon.
Kahit na kinakabahan ay naglakad pa rin si Elisa para mabuksan ang pintuan. Huminga muna siya ng malalim bago niya tuluyang binuksan ang pintuan ng sasakyan.
Habang naglalakad-lakad si Marina sa campus ay napadaan siya sa open field, maliit lang naman ang open field nila dahil kapag intramurals lang naman iyon nagagamit. Med related field lang naman ang kurso sa kanilang unibersidad kaya hindi naman necessary ang field. Pero ang mga laboratory ng unibersidad ay wala kang masasabing kapintas-pintas.
Umupo na lang siya sa pinaka-babang bleachers tiyaka kinuha ang cellphone niya para mag scroll muna sa social media. Wala siyang ibang kaibigan liban kay Elisa, nasanay na sila na silang dalawa lang ang magkasama pero minsan ay kasama din nila ang iilan nilang mga kaklase. Hindi kasi komportable si Elisa kapag maraming tao kaya nirerespeto ni Marina iyon. Tiyaka, walang problema sa kanya iyon dahil hindi siya masyadong nagtitiwala sa ibang tao.
Nakikisama lang silang dalawa ni Elisa para sa pakikisama dahil alam nilang hindi sila basta-basta makakasurvive ng college na silang dalawa lang. Kailangan pa rin nila ng alalay ng ibang tao. Pero sa gantong pagkakataon na kailangan niya ng makakasama ay wala siyang alam na padalhan ng mensahe para masamahan siya dahil si Elisa ang ‘one call away’ na kaibigan niya.
Kumunot ang noo niya nang may dalawang tao na huminto sa tapat niya. Pansin niya iyon dahil biglang nagdilim ang kanyang tapat na nasisinagan ng kaunting araw dahil hapon na. At agad niyang kilala kung sino iyon dahil sa itim pa lang na boots niya ay kilalang-kilala na niya ang pa-espesyal na estudyante kaya tamad niyang tinaas ang kanyang ulo at kaagad siyang sinalubong ng nakangising mukha ni Avery.
Hindi man lang umabot sa kanyang singkit na mata ang ngisi niya. Halos mapairap si Marina dahil don pero mas pinili na lang niya na huwag itong pansinin. Kinuha niya ang kanyang bag para makaalis na lang kaysa makipag-usap pa siya sa isang baliw.
Hinalukipkip ni Avery ang dalawang kamay niya sa ilalim ng dibdib niya habang pinagmamasdan si Marina na kuhanin ang kanyang gamit. Medyo hindi umayon ang kagustuhan niya dahil hindi niya kasama ang kaibigan nito na siya dapat ang iinisin niya pero dahil si Marina lang ang nakita niya ay mas mabuti pang ang babae na lang ang sisirain niya ng araw.
“Where is your best friend?” Pagtatanong ni Avery kay Marina kaya pairap siyang tinignan ni Marina, kahit na gusto man niyang umalis na lang ay hindi siya pinayagan ng kanyang pride na umalis nang basta-basta.
“Why did you care?” Mataray na tanong nito. Akala niya ba nakalimutan na niya ang nangyari kahapon? Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na natalo siya sa ayaw na dahilan kung bakit tinawanan pa siya ng babaeng una niyang kinaiinisan—si Alice. At ngayon ang babaeng pinakamumuhian niya naman ang nakatayo sa harapan.
“Nothing. I just wanted to see her.” Nakangiting nagkibit-balikat si Avery. Kahit na hindi niya sinasadya na maging mapang-asar ang kanyang ngisi ay hindi maiwasan na mapikon ni Marina sa kurba ng labi niya.
Samantalang hindi mapakali sa pagkakatayo si Lindsey habang tinitignan ang dalawa pagkatapos ay luminga-linga para maghanap kung may estudyante pa pero mukhang walang dumadaan dahil mainit sa open field. Kinakabahan siya na baka mag-away ang dalawa at hindi niya alam kung paano sila aawatin ng hindi siya nasasaktan.
Tiyaka isa pa, baka isa sa kanilang magkaibigan ang tinutukoy ni Avery na papatayin niya. Ayaw niyang maka-witness ng murder. Kinakabahan siya lalo na at siya lang ang nandito sa eksena, alam niyang kayang-kaya siyang baligtarin ni Avery.
Kung saan-saan na napupunta ang kanyang pag-iisip habang nagtitinginan pa lang ng matalim ang dalawang babae.
“It’s not your business, so excuse me.” Babanggain pa sana ni Marina ang balikat ni Avery pero kaagad na nakaiwas si Avery kaya muntikan na sumubsob si Marina kung hindi niya lang nabalanse ng maayos ang kanyang katawan kaya sandaling natawa si Avery roon. Napintig ang tenga ni Marina sa tawa ni Avery kaya sinamaan niya kaagad ito ng tingin.
Tinatapik-tapik ni Avery ang kanyang braso gamit ang kanyang mga kamay habang nakahalukipkip pa rin ito sa ilalim ng dibdib niya at hindi mawala-wala ang ngisi sa labi niya bago niya nilapit ang kanyang mukha malapit sa tenga ni Marina para makabulong siya na paniguradong ikakainis ni Marina.
“Guess like you treated each other like a sister.” Paninimula ni Avery, kaagad na kumuyom ang kamao ni Marina dahil sa inis. Maging ang normal na boses ni Avery ay tunog nag-insulto para sa kanya.
“And she looks soft.” Tama si Avery na para na ngang magkapatid ang turingan nila ni Elisa at tama rin siya na masyadong malambot si Elisa kaya nagulat din siya kahapon nang nilabanan niya si Avery.
“The only thing I could advise is…” Huminto sandali si Avery bilang pang-aasar sa babaeng binubulungan niya. “You should comfort your so-called sister now…” Lalong humigpit ang hawak ni Marina sa kanyang kamay dahil sa sinabi ni Avery.
Ayaw niyang masaktan si Elisa dahil si Elisa palagi ang nagpapagaan ng mood niya kapag wala siya sa mood, kapag malungkot siya, siya ang kaagad niyang matatawagan kapag kailangan niya ng kausap, at si Elisa ang nasa tabi niya noong panahon na niloko siya ng ex boyfriend niya.
“It looks like she was going to cry because of your cousin who is her boyfriend.” Avery chuckled. Avery rolled her eyes and just like what Marina planned earlier, she was the one who bumped Marina's shoulder before she walked out with a smile on her lips.
Hindi nakakilos si Marina na tila pinoproseso muna niya ang sinabi ng bruhang iyon habang mahigpit pa rin na nakakuyom ang kanyang kamao dahil sa inis. Halos maramdaman na nga niya ang pagbaon ng kuko niya.
“Pasensya ka na,” Sambit ni Lindsey habang hindi niya alam kung susundan na ba niya si Avery “Kung ano man ang sinabi niya uhm.” Hindi alam ni Lindsey kung paano niya sasabihin na nasa panganib ang buhay nila dahil mukhang naging interesado sa kanila si Avery.
“What?!” Inis na tanong ni Marina dahil nauutal pa si Lindsey nang sinasabi niya iyon sa kanya. Bakit hindi na lang niya diretsuhin kung ano talaga ang gusto niyang sabihin dahil bwisit na bwisit na naman siya ngayong araw kay Avery.
“A-ahm basta mag-ingat na lang kayo sa kanya.” Iyon ang sinabi ni Lindsey bago siya sumunod sa kanyang amo na para bang siya ang player ngayon dahil tumatakbo na siya para mahabol si Avery.
Inis na sinipa ni Marina ang field kahit na nasaktan ang paa niya, iniisip niyang pagmumukha ni Avery ang sinipa niya. Hindi pa nga siya nakaka-move on sa pagkakapahiya kahapon ay dinagdagan ulit ngayon ni Avery. Alam niyang si Lindsey lang naman ang nanonood sa kanila kanina pero hindi niya maiwasan na lalong mainis dahil pakiramdam niya ay ka-level niya si Lindsey na kabado palagi kay Avery.
Bakit siya natatakot sa bruhang iyon at bakit binalaan siya ni Lindsey na kailangan nilang mag-ingat? Tiyaka anong sinasabi niyang paiiyakin ng pinsan niya ang kaibigan niya?
Naiinis niyang pinipindot ang kanyang cellphone para matawagan si Elisa dahil kinakabahan siya na baka hindi siya tinawagan ni Elisa at nakita siya ni Avery na umiiyak habang naghihintay ng grab pero hindi sinasagot ng kaibigan niya ang kanyang cellphone kaya nakabusangot siyang tumatakbo papunta sa parking lot.
Samantala habang papunta si Marina sa field ay nagsimula ng mag-usap ang dalawa sa hindi nila pagkakaintindihan.
“I’m sorry.” Si Oliver ang unang nagsalita. Bahagyang tumango si Elisa.
“I’m sorry too.” Paghingi niya rin ng tawad dahil alam niyang pareho lang naman silang may kasalanan.
“I’m sorry for being insensitive. I didn’t think about your feelings.” Tumango si Elisa na para bang naintindihan niya iyon. Sa buong araw ay hati ang kanyang atensyon sa pag-aaral pati na rin sa problema nilang dalawa ni Oliver.
At sa buong araw ay narealize niyang masyadong mababaw ang pinag-awayan nila at nagmukha siyang walang tiwala sa kanyang kasintahan kaya mas gusto niyang pakinggan ng maigi ang side niya. Siguro ay pagod na rin siya sa buong araw na kakaisip dito at sa pag-aaral kaya mas gusto na lang niyang makinig keysa makipagdebate pa kung sino ang tama at sino ang mali.
“You didn’t really want to disappoint Lianna, right?” Pagtatanong niya dahil iyon ang sinabi niya kanina.
“Yes…” Halos bulong iyon at nakayuko pa si Oliver pagkatapos ay tinignan niya si Elisa. Bakas ang pagsisi sa mukha ni Oliver lalo na’t dahil sa naging reaksyon niya kanina kay Avery. “It's just that… it was her happiness, I couldn’t ruin it just like that.” Hirap na sambit ni Oliver.
Tumango si Elisa dahil naintindihan niya namna iyon.
“I understand. I know it’s hard to tell her Avery’s true color.” Ngumiti si Elisa dahil napag-isipan na niyang mabuti iyon sa isang araw. “I was the one who was sensitive not thinking about Lianna’s feelings.” Pag-amin niya.
“No. It’s not your fault.” Agap ni Oliver dahil baka sisihin ni Elisa ang kanyang sarili.
“No one’s at fault.” Si Elisa habang matamis na ngumiti pagkatapos ay hinawakan niya ang isang kamay ni Oliver tiyaka niya iyon kinulong sa dalawa niyang kamay. “Naintindihan ko na hindi ganun kadaling sirain ang kasiyahan ng isang tao dahil hindi ganon kadaling makahanap ng isang bagay para makakapagpasaya sayo at alam ko rin na kapag sa akin nangyari iyon ay hindi mo basta-basta sisirain ang kaligayahan ko.” Lalong nakonsensya si Oliver dahil sa paliwanag ni Elisa.
“At maging ako ay hindi ko sisirain ang kasiyahan mo.” Napangiti si Oliver dahil sa angking kabaitan ng kanyang kasintahan kaya gamit ang isa niyang kamay ay hinawakan nito ang ulo ni Elisa tiyaka niya hinalikan sa ulo.
At alam niyang kailangan niyang iwasan si Avery simula bukas para hindi mangyari ang kinakatakutan niya. Kinakatakot niya na baka traydurin ng puso niya ang kanyang katawan at makapareact ito ng hindi naaayon at hindi dapat.
Masama ang epekto ni Avery sa kanya. Ngayon pa lang ang pangalawang araw na pagkikita nila at ang pangalawang araw na nag-usap sila pero may pakiramdam na siya na ayaw niyang aminin maging sa sarili niya dahil hindi niya matanggap.
Sabay silang nagulat ng biglang bumukas ang pintuan sa front seat at niluwa nito si Marina na magulo pa ang magandang pagkakulot ng kanyang natural na buhok at hinihingal dahil sa ginawa niyang pagtakbo. Bakas ang pagtataka sa mukha ng dalawang magkasintahan at napairap si Matrina dahil nagpauto siya sa bruhang iyon! Tumakbo pa talaga siya sa pag-aakala na umiiyak ang kaibigan niya ngayon.
“Napano ka?” Si Oliver ang bumasag sa pagkakagulat nilang tatlo nang nagkatinginan sila dahil hindi nila maintindihan kung bakit naging ganun ang itsura ni Marina at mukha pa siyang nag-aalala habang nagulat naman si Marina dahil buong akala niya ay pinabayaan ng pinsan niya si Elisa na sumakay ng taxi.
“That f*****g bitch.” Mariin ang pagkakasabi niya sa tatlong letrang iyon bago niya sinara ang pintuan tiyaka siya pumasok sa likuran.
Padabog siyang umupo at padabog niya ring sinara ang pintuan habang binalibag niya lang ang mga gamit niya sa upuan. Nagtataka pa rin siyang tinignan ng magkasintahan dahil wala silang ideya kung bakit biglang nagkaganon ang kaibigan at pinsan nila.
“Putang ina niya talaga.” Malutong na sambit ni Marina.
Napasigaw bigla si Lindsey nang sumirit ang dugo ng kawawang tuta sa puting blusa niya habang hawak-hawak ito ni Avery na walang emosyon, sinigurado niyang hindi sa kanya sisirit ang dugo kaya sa kamay lamang niya may dugo pati na rin ang kanyang pocket knife na palagi niyang dala-dala.
Halos maiyak si Lindsey sa kaba at maging sa kawawang tuta na nasa kamay ni Avery, ito ang sinasabi kanina ni Avery na magbabayad siya dahil nakalimutan nito ang kanyang sasabihin. Mahal niya ang mga aso kaya halos manlabot siya sa t’wing pumapatay si Avery sa harapan niya.
Napatingin siya sa uniform niya na halos magkulay pula na ang kaninang kulay puti, ang pagpapasalamat niya ay may extra siyang shirt sa kanyang locker kaya hindi iyon makikita ng kanyang mga magulang.
“Catch.” Mapaglarong sambit ni Avery pagkatapos ay bigla niyang tinapon kay Lindsey ang tuta kaya kaagad niya itong sinalo. Halos nasa likod na sila ng unibersidad kung saan may naliligaw na mga tuta at kung sinuswerte si Avery at minamalas si Lindsey ay may naligaw na tuta kaya iyon ang pinatay ni Avery.
Kaagad namang nasalo ni Lindsey ang tuta habang nanginginig ang kanyang kamay, hindi na humihinga ang tuta at nakapikit na ito kaya hindi niya mapigilan na mamuo ang kanyang luha.
“Smile!” Natatawang sambit ni Avery at saktong pagtingin niya ay ang pag-flash ng instax camera ni Avery, wala na siyang pakialam sa itsura niyang iyon dahil malungkot siya para sa nangyari sa pusa.
“You should remember what I am saying especially when it’s important.” Biglang sumeryoso ang mukha ni Avery habang iwinagayway ang film para magkaroon na iyon ng kulay at lumitaw na ang litrato nila.
Nainis lang siya dahil hindi natandaan ni Lindsey ang sinasabi niya. Nagsayang siya ng laway pero hindi man lang natandaan ng taong pinagsabihan niya. At isa pang kinagalit niya ay nagmumukha siyang hindi importante o nagmumukhang hindi importante ang mga iniisip niya para kalimutan lang iyon ng ganoong kadali.
“I-I’m so-sorry.” Hindi maiwasan na humikbi ni Lindsey dahil para sa kanya ay torture ang ginawa ni Avery sa t'wing pumapatay ito ng hayop sa harapan niya.
Hindi niya kayang makita iyon. Kaya siya pumasok sa medicine field ay gusto niyang magligtas ng buhay hindi para pumatay. Para rin sa kanya ang buhay ng hayop ay mahalaga katulad ng buhay ng tao pero magkaiba sila ng pananaw ni Avery.
Para kay Avery pareho lang walang kwenta ang buhay ng tao at buhay ng hayop. Pinagtataka niya kung bakit iniba pa ang tawag sa tao at hindi na lang din hayop since kauri din naman ng tao ang hayop at kaugali ng mga tao ang hayop.
At kaya lang naman pumasok sa medicine field si Avery ay para makakita ng dugo, sa t’wing nakakita siya ng dugo ay biglang nagbabago ang kanyang mood. Sa t’wing nakakakita siya ng dugo ay parang nabubuo ang araw niya. Lalo na kapag nakikita niyang nahihirapan ang hayop para lumaban at mabuhay. Lalo na kapag nakikita niya ang impit na ungol ng mga tao dahil sa sakit ng sugat nila na halos mawalan na sila ng dugo.
“The next time you forgot what I said. You will choose.” Seryosong sambit niya habang nililinisan ang pocket knife niya sa tissue. Pagkatapos ay pinikit niya ang isa niyang mata tiyaka tinuro ang pocket knife na ngayon ay nakatutok sa tutang hawak-hawak ni Lindsey.
Kahit na ilang metro ang layo ni Avvery ay hindi pa rin niya maiwasan na kabahan dahil baka bigla niyang ibato iyon. Palagi pa naman nahi-hit ni Avery ang target sa dart kaya lalong sumibol ang kaba sa dibdib niya.
“You will choose.” Ulit niya. “Between your life.” Nangilabot si Lindsey dahil don.
“You will choose; You will kill an animal in front of me or I will kill you in front of an animal.”