CHAPTER 39

2673 Words
CHAPTER 39 Matapos na kuhanin ni Samuel ang kanyang in-order na pagkain ay kaagad na siyang naupo sa tabi ni Oliver. Samantala ay magkatabi sina Elisa at si Marina habang katapat ang dalawang lalaki, kahit na gustuhin man ni Elisa na magtabi sila ni Oliver ay wala siyang choice dahil baka magkapisikalan pa sina Samuel at Marina kapag sila ang nagtabi. Nasa magkabilang kabisera naman ng lamesa ang nanay at ang kapatid ni Oliver.  “Pasensiya na at hindi nasabi ni Oliver na bibisita kayo ngayon, hindi man lang ako nakapagluto.” Paghingi ulit ng pasensya ni Lian habang nakatingin sa mga pagkain na in-order ng kanyang pamangkin pati na rin ang kaibigan ni Oliver. Hindi naman bago sa kanya ang mga mamahalin na pagkain galing sa mamahalin na restaurant dahil iyon ang kinalakihan niyang pagkain.  “Okay lang po! Biglaan lang din po ang pagpunta dito!” Kaagad na sambit ni Samuel. “Si tito po pala?” Tanong pa nito dahil halos mag-gabi na at wala pa rin ang ama ni Oliver.  “Ay hindi siya makakauwi ngayon, malayo ang binyahe niya.” Sagot ni Lian, iyon na rin ang naging way para ipaalam niya sa dalawa niyang anak na hindi makakauwi ngayong gabi. “Nasa Ilocos siya panigurado.” Tumango si Samuel.  “Iha, pasensya ka na at hindi ko nailuto ang paborito mong sinigang.” Hinawakan ni Lian ang kamay ni Elisa dahil silang dalawa ni Oliver ang nasa magkabilang gilid nito. Ngumiti kaagad si Elisa.  “Ayos lang po, kagaya ng sinabi ni Samuel biglaan lang din po ang pagbisita namin. Nakakahiya nga po at nakabulabog kami sa pamamahay niyo.” Sagot ni Elisa sa ina ni Oliver.  “Ano ka ba? Hindi kayo nakabulabog no!” Pagbabawal sa kanya ni Lian kaya bahagyang natawa si Elisa, oo nga pala, hindi nadatnan ng ina ni Oliver ang bardagulan kanina nina Marina at Samuel. “Gaya ng sabi ko kanina, gabi-gabi kitang hinahanap at tinatanong kay Oliver.” Hindi mapigilan ni Elisa na lalong mapangiti sa sinabi ng ginang.  “Ganon po ba? Nasasabi nga rin po ni Oliver sa akin iyon.” Sagot pa niya dahil kapag nagkaka-usap sila habang papunta sa parking lot ay nababanggit ni Oliver iyon sa kanya.  At sa tingin niya ay hindi na siya dapat pang kabahan o magselos kagaya ng pakiramdam na naramdaman niya nitong mga nakaraang araw dahil kilala na siya ng pamilya ni Oliver. Boto sa kanya ang ina ni Oliver kaya wala na siyang dapat ipangamba. Legal na sila at alam niya sa sarili niya na hindi ganoong klaseng lalaki si Oliver na nagpapaakit sa tukso.  “Nako! Mabuti nga at nagustuhan mo itong anak ko.” Natatawang sambit ni Lian. “Hindi ko alam na may magkakagusto pa sa kanya. Kasi tingnan mo naman, ang tahimik lang niya! Kung hindi mo siya kakausapin eh hindi siya magsasalita. Tiyaka sumobra na ang focus niya sa pag-aaral.” Natatawang pagkwenta ni Lian sa kanyang panganay na anak, ngumiti lang si Oliver sa sinabi ng kanyang ina.  “Anong hindi niyo po expect na may magkakagusto sa anak niyo? Ang lakas nga po ng panganay niyo eh! Agaw eksena palagi sa campus kahit wala naman ginagawa! Halos sambahin na siya ng mga babae!” Inakbayan pa ni Samuel ang kanyang kaibigan habang binibida niya ito sa harapan mismo ng kanyang ina. Pinigilan ni Marina na umismid ng marinig niya ulit ang boses ni Samuel dahil ayaw niyang may kaaway sa harapan ng pagkain. “Hay pasensiyahan na lang sila, this beautiful woman besides me already own my son.” Napangiti ng maaliwalas si Elisa. Parang binibigyan na rin siya ng assurance ni Lian sa pamamaraan ng pagsabi niyang iyon.  “Kaya nga po! Kaya dapat din mapili sa kaibigan si Oliver, kasi malay niyo BV pala sila no, tita?” Hindi mapigilan ni Marina ang sumingit at paringgan si Samuel. Nagtaka pero nakangiti siyang tiningnan ni Lian na hindi alam kung anong pinupunto ng pamangkin. Napailing na lang si Samuel tiyaka siya nagpatuloy sa kanyang pagkain.  “Oo naman.” Sagot ni Lian dahil naintindihan naman niya ang pinupunto ng pamangkin niya. Ang nakakapagtaka lang ay para bang may pinaghuhugutan ito. “Magaganda naman ang impluwensiya nitong nina Samuel pati rin si Henry.” Magaan naman ang pakiramdam niya sa mga bata na kahit medyo maloko ay alam niyang hindi masasamang impluwensiya sa kanyang anak.  “Sana nga po, tama kayo.” Tipid na sambit ni Marina. “Alam niyo na, ang daming mga barkada na naging dahilan din ng paghihiwalay ng dalawang magkasintahan dahil kung hindi sinusuportahan ay sila ang nagpupush para mag-cheat ang isang lalaki.” Kaagad naman tinignan ni Oliver ang kanyang pinsan para patahimikin na ito. Alam niyang nagtataka na ang kanyang ina at lalo siyang magtataka sa oras na hindi pa rin tumigil si Marina. Si Lianna ay pasimple lang nagce-cellphone sa hapag dahil alam niyang wala na siyang time mag scroll mamaya sa social media dahil kailangan pa niyang mag-aral.  “Alam ko naman na hindi sila gagawa ng masama.” Ngumiti si Lian kina Oliver at Samuel kaya ngumiti rin ng pilit si Samuel kahit na gusto na niya talagang sagutin si Marina pero bilang pagrespeto sa ina ni Oliver ay hindi na lang siya nagsalita. “Tiyaka isa pa, nasa lalaki na rin iyon kahit anong impluwensiya pa ng mga barkada niya. Kung hindi siya manloloko ay hindi talaga siya magloloko. At alam kong hindi naman ganon ang anak ko.” Ngiti ni Lian kaya napatango si Samuel.  “Tama po iyan, tita. Nasa lalaki pa rin po ang desisyon dahil buhay niya iyon.” Tumatangong sagot ni Samuel. Pasimple siyang inirapan ni Marina.  “Lianna, mamaya ka na mag cellphone.” Pagsita ni Oliver sa knayang kapatid ng dumako ang tingin niya dito at ngumingiti pa siya habang kumakain at nagcecellphone.  “Baka may boyfriend ka na Lianna, huh?” Pang-aasar ni Samuel sa kanya kaya napanguso si Lianna.  “Wala po no!” Sagot niya dahil iyon ang totoo.  “Nako, wala pa iyang boyfriend. Kinikilig lang panigurado sa idol niyang writer at sa mga librong binabasa niya!” Singit ni Lian dahil hindi lingid sa kanyang kaalaman ang pagsuporta ng kanyang anak sa paborito niyang manunulat dahil palaging nagkukuwento sa kanila si Lianna.  “Talaga? Sino namang paborito mo? Ako si William Shakespeare!” Pagpapabibo ni Samuel kaya halos mawala na ang eyeball ni Marina sa kakairap.  “Si Avery!” Masiglang sabi ni Lianna. Nabawasan ang ngiti sa labi ni Elisa dahil ayaw na niya sanang ma-open pa ang topic na iyon pero wala na siyang nagawa.  “That woman… she always supported her and I guess she’s really a good influence on my daughter.” Ngiti ni Lian dahil palagi niyagn nakikitang nakangiti ang kanyang anak at motivated mag-aral lalo na kapag napapansin siya ni Avery sa iba’t-ibang social media application.  “Ma! Syempre naman no! I want to be like her!” Proud na sabi ni Lianna. Hindi lang kasi magaling magsulat si Avery, mabait pa ito tiyaka maganda at higit sa lahat ay matalino ito na tila hindi man lang siya nagbibigay ng effort para magreview pero kaya niyang i-perfect ang mga exams niya.  Halos masamid si Marina sa sinabi ng kanyang pinsan. Kung hindi lang magagalit sa kanya si Oliver ay sasabihin na niya kung ano talaga ang ugali ni Avery. Halos mapasinghap si Oliver dahil sa sinabi ng kanyang kapatid.  “Oh. Perhaps, is it, Avery Danna Nieva?” Pagkukumpirma ni Samuel. Mabilis ang pagtango ni Lianna. “Oh, dude.” Natatawang sambir ni Samuel tiyaka niya siniko si Oliver dahil naalala niya kung anong nangyari sa canteen noong isang araw pero iniwas lang naman ni Oliver ang kanyang braso sa kaibigan.  “I also admired that woman,” Komento ni Samuel dahil iyon ang totoo.  “Really?” Na-excite si Lianna dahil sa sinabi ni Samuel. Gusto niya talaga iyong mga taong may kapareho niya ng interes dahil marami siyang alam na topic at gusto niyang makinig kung ano pa ang mga bagong kaalaman na malalaman niya sa kanyang iniidolo.  “Mukhang magkakasundo kayo ng bunso ko riyan.” Ngiti ni Lian dahil nakita niya ang kasiyahan sa mukha ng kanyang anak. “Kahit na gusto ko man din kilalanin at suportahan ang babaeng sinasabi niya ay kinakapos na ako sa oras.” Dagdag pa ni Lian dahil gusto niya talagang makausap ang kanyang anak tungkol sa bagay na mayroon siyang interes.  “Alam mo na para maka-kuwentuhan ko iyang si Lianna, tingnan mo naman ang saya sa mukha niya kapag si Avery na ang usapan.” Tinuro pa ni Lian ang kanyang anak at hindi nito maiwasan na mapangiti.  Kahit na alam niyang nagkukulang sila madalas sa pera, kahit na hindi man nakalakihan ng babae niyang anak kung ano man ang nakalakihan niya noon na halos sa isang linggo ay marami siyang bagong damit, sapatos, bag, at kung ano-ano pa na binibigay ng kanyang magulang na hindi niya maibigay ngayon sa kanyang anak ay para na rin niyang nakikita ang sarili niya noong kabataan niya kapag mayroon siyang bagong gamit.  Na kahit simple lang ang pamumuhay na meron sila ngayon ay nakikita niya pa rin ang kasiyahan sa kanyang anak at alam niyang kuntento ang dalawa niyang anak kung ano man ang kaya nilang ibigay na mag-asawa kapag materyal na bagay na ang usapan kaya ang gusto niya lang sana ay samahan ang kanyang anak sa pagsuporta sa kanyang mga iniidolo at hindi niya ito pinagbabawalan dahil alam niyang dito sasaya ang kanyang anak.  “Tita, sino naman kasing hindi magkakagusto kay Avery? Siya ang pinakamatalino sa batch namin—well lumalaban nga lang ang anak niyo.” Natawa si Lian sa sinabi ni Samuel dahil para sa kanya ay papuri sa kanyang anak iyon. “She’s so brave, bold, or whatever you would think is a positive characteristic of a woman!” Pagpuri ni Samuel kaya natatawang ngumuya si Lian bago niya ito nilunok at makasagot na sa binata.  “I wanted to meet that lady.” Parang may kung ano ang bumara sa lalamunan ni Elisa pagkatapos sabihin ni Lian iyon. Nakikita niya na nagugustuhan na rin ng ina ni Oliver si Avery habang tahimik lang na kumakain si Oliver dahil baka may masabi pa siyang hindi maganda sa pandinig ni Marina.  “I told you, nay! Sama ka na sa akin sa book signing niya! Mga bandang December pa naman ata iyon.” Sambit ni Lianna na tila na-excite.  “Tita will probably be busy in her store at the market.” Singit ni Marina dahil naramdaman na niya ang pagkailang ni Elisa na sa tabi niya at mukhang hindi alam ng kaibigan niya kung paano gagalaw o kung ano man ang sasabihin niya. “Besides, you could not even tell if she really is a kind woman.” Dagdag pa nito kaya mariin siyang tinignan ni Oliver para patahimikin, nagkibit-balikat si Marina nang makasalubong niya ang tingin ng kanyang pinsan.  “How could you say so, Marina?” Nagtatakang tanong ni Lian. “She’s your schoolmate right? Is she not kind?”  Katahimikan ang bumalot sa hapag habang hinihintay nilang magsalita si Marina, pilit siyang sinesenyasan ni Oliver na huwag magsalita ng masama dahil hindi lang kasiyahan ni Lianna ang mawawala kung hindi pati na rin ang kanyang ina. Dahil sa pagkwento palagi ni Lianna sa kanilang ina tungkol kay Avery magsmimula noon pa man na hindi pa niya kakilala si Avery ay kahit papaano na-attach na ang ina niya roon dahil makikita mo sa mukha ni Lianna ang kasiyahan.  Napansin ni Elisa ang simpleng pag senyas ni Oliver kay Marina kaya siya na ang sumagot dahil mukhang hindi uurong ngayon si Marina lalo na’t naiinis talaga siya kay Samuel.  “She’s good and kind, tita!” Mabilis na sagot ni Elisa kaya sa kanya napunta ang atensyon ng lahat. Naiilang siyang ngumiti bago siya nagsalita muli. “She’s a… she’s a good role model?” Sagot na patanong ni Elisa pero hindi nila nahalata ang hindi pagiging sigurado ng dalaga.  Pasimple ring kinurot ni Elisa ang kanyang kaibigan sa ilalim ng mesa para manahimik na lang siya.  “Oh! That’s great!” Sambit ni Lian tapos ay napangiti na rin si Lianna. “The man she likes would probably be the luckiest!” Pagpuri pa ng Ginang gamit ang salitang nakaugalian niya. Napaubo bigla si Samuel kaya mabilis siyang inabutan ng Ginang na coke galing sa binili ni Marina pero umiling si Samuel tiyaka niya pinakita ang inumin nito tiyaka iyon ininom, baka lalo siyang mabulunan kapag galing sa binili ni Marina ang kanyang ininom.  “Bakit? May masama ba sa sinabi ko?” Pagtatanong ni Lian.  “Avery confessed to your son.” Kaagad siyang sinamaan ng tingin ni Oliver kaya natikom bigla ang bibig ni Samuel. Sinamaan din siya ng tingin ni Marina habang sina Elisa at Lianna ay nagulat. Hindi inaasahan ni Elisa na sasabihin iyon ni Samuel sa ganitong pagkakataon habang hindi inaasahan ni Lianna na umamin ang kanyang iniidolo sa kanyang kapatid na may gusto ang dalaga sa kuya nito. “Ha?!” Maingay na tanong ni Lianna nang matauhan siya. “Gu-gusto ka ni Avery?” Mabagal ang pagkakatanong niya sa kanyang kuya. Pumikit ng mariin si Oliver dahil don.  “Oh? What did you say?” Tumingin si Lian sa kanyang anak na lalaki na kanina ay tahimik pero sa kanya napunta ang atensyon ng lahat dahil sa bunganga ng kanyang kaibigan na si Samuel.  “May girlfriend na ako, nay.” Simpleng sambit ni Oliver tiyaka siya napatingin kay Elisa na ngayon ay pilit na ngumiti sa binata para ipakitang ayos lang siya kahit na hindi niya alam kung anong mararadaman niya.  “You know about that?” Pagtatanong ni Lian kay Elisa. Inobserbahan niya ang reaksyon ng dalaga kahit na nakangiti ito ay bakas ang sakit sa kanyang mga mata.  “Yes, I heard about that po.” Magalang na sagot ni Elisa na may ngiti pa rin sa kanyang labi. Tinignan ni Lian ang kanyang anak tapos ay bumalik ulit siya kay Elisa. Parang may mali sa tensyon na namamagitan sa dalawa.  Tiyaka niya inalala kung anong reaksyon nila kanina habang pinag-uusapan nila si Avery. Kaya pala tahimik lang silang pareho non. Tumikhim siya para ibahin na ang usapan dahil alam niyang naiilang ang girlfriend ng kanyang anak at meron sa kanyang anak ang kakaiba kaya dapat niyang kausapin ito.  Kahit na nagbago na ang usapan nila ay halos hindi pa rin maka-move on si Lianna dahil kapatid niya pala ang gusto ni Avery. “Did you give her a puppy?” Pagtatanong ni Lianna kahit na hindi na iyon ang usapan nila. Napatingin silang lahat kay Lianna dahil sa tanong niya. “I mean, did you give Avery a puppy?” Paglilinaw niya.  “Lianna,” Pagtawag ni Oliver sa kanyang kapatid para patahimikin na ito.  “I saw Avery’s tweet just now. That she got a new puppy.” Sambit ni Lianna.  “Anong kinalaman ko don?” Pagtatanong ni Oliver habang nakakunot ang noo niya.  “Guess what the name of the puppy?” Pagtatanong ni Lianna sa kanyang kapatid. Napabuntong hininga si Oliver na para bang nawawalan na siya ng pasensya sa kanyang kapatid.  “I don’t have time for that and how would I know her puppy’s name?” Pagtatanong ni Oliver na para bang nasisiraan ng bait ang kanyang kapatid para tanungin siya tungkol doon. Hindi nga niya in-stalk si Avery sa iba’t-ibang social media account. Hindi niya ito makikita kung hindi lang dahil sa mga pinag-share ng kanyang kapatid tungkol sa kanya.  “Her puppy name was…” Tumigil muna siya kaya halos tumigil ang paghinga ng mga nasa lamesa para hintayin kung ano man ang sasabihin niya. Suminghap siya at handa ng sabihin kung ano man ang pangalan ng tuta ni Avery.  “Her puppy name was Liver.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD