CHAPTER 35
Hindi alam ni Lindsey kung anong mararadaman niya. Kung dapat ba siyang masiyahan dahil hindi dalawang tuta ang pinatay ni Avery sa kanyang harapan pero alam niya pagdating ng araw na papatayin niya ang tuta na dinidilaan ngayon ang kanyang paa na tila natatakot kay Avery.
Ngumisi si Avery habang nakatitig sa takot na tuta habang may picture iyon ni Oliver.
“Have you seen how I killed your girlfriend?” Ngising tanong nito sa payat na tuta at nagtago sa likuran ni Lindsey. Hindi alam ni Lindsey kung dadamputin niya ba ang kawawang tuta o hayaan niyang sa likuran niyang iyon. “Don’t worry, I will kill you….wait for the right time.” Ngisi ni Avery habang nakatingin ngayon sa pocket knife niyang mayroong dugo.
“For now, I love playing with your feelings. Be patient, I couldn’t kill you anytime for I could spend the rest of my life in jail. I should plan it well.” Pakiusap niya sa tuta, humakbang siya para lapitan ito pero hindi lang ang tuta ang napaatras kung hindi maging si Lindsey.
Hindi maipaliwanag ang kaba ni Lindsey lalo na’t may hawak-hawak na patalim si Avery na imbis na maalagaan niya pa ang kawawang tuta ay baka siya pa ang maunang mamatay dito. Ngumisi si Avery dahil sa naging reaksyon ng dalawa. Wala naman pinagkaiba ang tuta na nasa likuran ni Lindsey kay Lindsey mismo.
Dahil pareho silang tuta. Ang isa ay literal na tuta habang ang nasa harapan niya ngayon ay ang kanyang tuta.
“Make sure you take good care of Liver.” Ngiti ni Avery habang tinitignan ang hindi mapilming mata ni Lindsey dahil hindi niya kayang salubungin ang tingin ni Avery kaya hindi niya alam kung saan ibaling ang kanyang tingin. “That will be his name.” Pag-inform ni Avery sa kanya.
‘But she’s a girl not a boy’ gusto niya sanang sabihin iyon pero gusto niya pa rin naman mabuhay kaya mabilis siyang tumango.
“I-i will.” Sunod-sunod ang kanyang pag-tango habang sinasabi niya iyon. Ngumisi si Avery dahil nag-enjoy siyang panoorin kung paano niya paglaruan ang nararamdaman ng isang tao.
Dumb humans who gets played easily.
“Gusto kong makita siyang mataba sa oras na papatayin ko na siya. Ayaw kong maging buto’t balat siya kagaya ngayon.” Napangiwi si Avery dahil kung papatayin na niya ngayon ang tuta ay hindi siya ganon mabibigyan ng satisfaction. “Pakainin mo siya sa tamang oras.” Wika niya kay Lindsey tiyaka niya inangat ang kanyang kamay na may hawak na pocket knife palapit kay Lindsey at nakita niya ang pagkurap tiyaka pag-iwas ni Lindsey don dala ng takot kaya natawa si Avery tiyaka niya pinatong ang kanyang kamay na may dugo sa balikat ni Lindsey para tapikin ito.
“Why are you scared?” Natatawang tanong pa niya habang nakapatong pa rin ang kanyang kamay. Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso ni Lindsey.
Sino ba namang hindi kakabahan? Alam niyang kaya siyang sugatan ni Avery at mahina ang kanyang pain tolerance kaya alam niya kung gaano kasakit. Noong high school silang dalawa ay biglang hiniwa ni Avery ang maliit na parte ng kanyang likod, sobrang sakit non kaya wala siyang magawa kung hindi umiyak. Ang sinabi niya na lang sa kanyang magulang ay nasabit lang kung saan.
Nagbaba ng tingin si Lindsey dahil hindi niya alam kung dapat ba niyang itanggi o dapat niyang aminin ang totoo kay Avery. Mas mabuti pang mag-ingat siya. Tiningnan niya lang ang tuta sa may gitna ng mga paa niya ganon din ang tuta na nakatingala sa kanya na para bang pareho silang nanghihingi ng tulong sa isa’t-isa.
Labis ang pagkagulat ni Lindsey nang maramdaman niya ang isang palad ni Avery sa magkabilang pisngi niya kaya napatingin siyang walang oras sa dalaga. Halos maiyak siya sa kaba pero alam niyang ayaw ni Avery na mukha siyang nagpapaawa. Ngumisi si Avery tiyaka bahagyang ginilid ang kanyang ulo.
“Do you think I’ll hurt you?” Nakangising pagtatanong niya sa kanyang kaibigan. Kaagad na umiling si Lindsey. Natawa si Avery dahil sa sinagot niya. “And who do you think are you? Thinking I won’t hurt you?” Biglang nangilabot si Lindsey dahil sa sinabi ni Avery.
Mahinang kumahol ang aso na tila naawa sa kalagayan ni Lindsey kaya sabay na sinipa ni Avery ang aso tiyaka niya binitawan ng padabog ang pisngi ni Lindsey. Impit na umungol ang aso, gusto man siyang daluhan kaagad ni Lindsey ay hindi niya magawa dahil baka kung anong maisipan ni Avery na gawin sa kanya.
“Stupid.” Sambit ni Avery tiyaka niya binangga ang balikat ni Lindsey bago siya pumasok sa loob ng mansyon.
Halos pigil hininga si Lindsey nang nasa tapat niya si Avery kaya noong naramdaman niyang nakapasok na siya sa loob ng mansyon ay halos manghina siya tiyaka siya tuloy-tuloy na huminga. Napaupo siya sa panlalambot ng kanyang tuhod dahil hindi niya alam kung kaya pa ba ng buto niya ang pagtayo. Avery really never failed to surprise her and made her scared.
“Arf!” Malambing na ungol ng aso tiyaka niya dinalaan ang kamay ni Lindsey kaya napangiti ito at hinaplos-haplos ang ulo ng tuta. Sunod-sunod ang pagtahol nito na para bang tinatanong niya kung ayos lang siya.
Isa ito sa nagustuhan ni Lindsey sa mga tuta, na para bang naiintindihan niya ang mga sinasabi nito kahit na kumakahol lang sila. Para bang nagkakaintindihan sila kahit na sa tingin ng ibang tao ay ang weird ng mga taong maalaga at mahal ang kanilang mga alagang hayop.
“Ayos lang ako.” Pagsagot ni Lindsey na may ngiti sa labi para bang napakalma ng aso ang kaba niya kanina. “Ikaw? Ayos ka lang ba? Mukhang nagulat ka sa nangyari.” Tumahol muli ang aso na para bang sinagot niya ang mga katanungan niya kaya wala siyang nagawa kung hindi mapangiti.
“Pagpasensiyahan mo na si Avery, ganon talaga iyon. Pero, mabait naman siya.” Kumahol ang aso na para bang hindi sumasang-ayon sa sinabi niya kaya bahagya siyang natawa. “Pero totoo, mabait talaga si Avery siguro ay hindi lang maganda ang nasaksihan niya noong bata pa lang siya.” Muli siyang natawa dahil mukhang ayaw talagang maniwala ng aso sa kanya.
“Alam mo kung masama nga talaga si Avery, hindi mo na ako nakakausap ngayon at kugn masama nga talaga siya hindi rin kita nakakausap ngayon.” Paliwanag niya sa aso na ngayon ay tahimik munang nakikinig sa kanya. “Pero hindi niya tayo sinaktan diba?” Muli niyang pagtatanong pero napatingin ang kawawang tuta sa kasama niya kanina, malungkot naman na ngumiti si Lindsey dahil don.
“Pasensya ka na kung wala akong nagawa kanina.” Kumahol ang tuta tiyaka niya dinalaan ang kamay ni Lindsey kaya muli siyang natawa.
Ito ang gusto niya kaya gusto niyang mag-alaga ng tuta simula pa noong bata siya dahil kung talikuran man siya ng mundo—kung talikuran man siya ng tao at wala na siyang makakausap pa, meron siyang aso na masasabihan ng sama ng loob, meron siyang aso na nasa tabi niya at mayroon siyang aso na matatakbuhan sa t’wing kailangan niya ng kausap.
Ang kaso nga lang ay magsimula noong pinatay ni Avery ang alaga niyang tuta na halos isang taon din niyang inalagaan ay parang gumuho ang kanyang mundo at hindi niya kakayanin kung makita pa ang alaga niya na mamatay sa kanyang harapan. Alam niyang hindi na siya pwedeng mag-alaga ng tuta dahil papatayin at papatayin lang din ito ni Avery.
Kaya kahit na gustong-gusto niyang mag-alaga at magpalaki ng aso ay hindi niya magawa dahil magiging kawawa lang din ang aso sa huli. Kaya hindi niya alam kung dapat ba siyang maisyahan dahil binigyan siya ni Avery ng bagong kaibigan na nasa tabi niya ngayon o dapat siyang malungkot dahil darating ang araw na papatayin ito ni Avery at ang tanging hiling niya lang ay sana hindi patayin ni Avery ang aso sa kanyang harapan. Pero alam niyang malabo ang kanyang hiling kaya dapat niyang paghandaan ang pagdating ng araw na iyon.
“Gusto mo ba ibaon natin ang kaibigan mo? Para hindi namna siya masyadong malungkot?” Pagtatanong ni Lindsey tiyaka niya nilapitan ang kawawang tuta na nakahandusay habang naliligo ng sarili niyang dugo. Nakita niya pa na halos mapalibutan na ng dugo ang litrato ni Elisa na nakadikit sa tuta.
Napatingin siya sa tutang tinirang buhay ni Avery—sa litrato na nakadikit sa kanya. Ngayon pa lang ay hindi na niya maiwasan na makonsenya kung sakali man na mamatay si Oliver sa kamay ni Avery. Alam na niyang mamatay ito pero wala man lang siyang magawa para mapigilan ito. Alam niyang may magagawa siya kung sasabihin niya ito kay Oliver pero gusto pa niyang makasama at maalagaan ang kanyang mga magulang kapag tumanda na ito.
Kung ililigtas niya ang buhay ni Oliver kay Avery ay para na niyang tinaya ang buhay niya para kay Oliver. Dahil alam niyang buhay niya ang magiging kapalit sa oras na pumalpak ang plano ni Avery dahil sa kanya.
Kinuha na niya ang pusa tiyaka siya naghanap ng kahon, marami kasing mga kahon-kahon sa likuran na pinaglagyan ng mga gamit o di kaya naman ay ang mga in-order ni Avery online. Pagkatapos ay nilagay niya ito sa kahon tiyaka sila pumunta sa may puno habang may hawak-hawak siyang pangbungkal ng lupa.
Tahimik na nakasunod sa kanya ang aso habang tahimik din ito na nasa tabi niya habang naghuhkay siya sa puno para ibaon ang kawawang tuta na hindi man lang niya nailigtas. Mukhang malungkot din ang tuta na kasama niya. Natuwa siya ng kaunti dahil alam niyang parang tao lang din ang mga aso na may nararamdaman. Kapag alam na malungkot ka ay gagawa sila ng paraan para mapangiti ka.
“Gutom ka na ba?” Tanong niya sa aso habang papunta na sila sa bahay nito. Mukhang hindi pa kumakain ang kawawang aso. “Tara! Papakainin kita!” Masayang anyaya niya sa tuta.
Nagpalit siya ng damit dahil may mantsa ng dugo iyon pagkatapos ay binabad na niya para mawala kahit papaano ang mantsa ng dugo at hindi mag-alala ang kanyang magulang.
“Pasenya ka na kung ordinaryong pagkain lang ang kaya kong ipakain ngayon, ah? Pabyaan mo bukas ay dadaan ako sa shop at bibilhan kita ng dog food. Ano kayang gusto mong dog food?” Pag-iisip ni Lindsey kung anong magiging pabirito niyang flavor habang hinahaplos ang ulo nito.
Samantala, natahimik si Oliver dahil sa sinabi ni Marina. Dahil sa pagtahimik ng kanyang pinsan ay lalong nakumpirma ni Marina ang kanyang hinala.
“Akala ko ba lalayuan mo siya?” Hindi maiwasan na ipaalala ni Marina kung ano man ang sinabi ng kanyang pinsan noong Biyernes sa kanya. “Bakit magkasama kayo ngayon?” Muling pagtatanong niya sa kanyang pinsan. Bumuntong hininga si Oliver dahil alam niyang kailangan niyang magpaliwanag.
“Aksidente lang.” Tipid na sambit niya. Kaagad siyang sinamaan ni Marina dahil ayaw niya ng mga ganoong sagutan. “Nahulog ko ang susi ng sasakyan sa gilid ng university.” Kumunot ang noo ni Marina dahil sa sinabi ni Oliver.
“Bakit? Anong ginawa mo sa gilid ng university?” Hindi niya mapigilan magtaka dahil alam niyang sa likuran at gilid ng university nag-smoke ang mag estudyante.
“Henry and Samuel smoke. Sinamahan ko lang sila, hindi ko namalayan na nahulog pala ang susi sa bulsa ko.” Pagkwento niya.
“Tsk.” Marine hissed. “I told you na hindi magandang influence sa iyo ang mga lalaking iyon. Last Friday, they were drunk tapos ngayon niyaya ka pang manigarilyo? Nako, Oliver! Sinasabi ko sa iyo na isusumbong na talaga kita kay Tita!” Banta ni Marina kaya napailing si Oliver.
“Hindi ako naglasing noong Biyernes, alam mo iyon.” Mabilis niyang pinasadahan ang kanyang buhok bago niya pinatong ang dalawa niyang kamay sa kanyang tuhod. “Sinamahan ko lang sila sa gilid ng university pero hindi ako nanigarilyo o tumikim man lang.” Paliwanag ni Oliver kaya umirap si Marina.
“Oh? Bakit nandoon ang bruhildang iyon? Anong ginagawa niya? Nag smoke din ba siya? Hindi niyo ba siya kinuhanan ng picture habang naninigarilyo siya? Para ma-post ko sa social media at pagpiyestahan muli siya?” Tuloy-tuloy na pagtanong ni Marina habang iin-imagine ang plano niya kung sakali man.
“If she ever smokes, it’s none of your business.” Sambit ni Oliver. “Tiyaka, why would you post her picture without her consent? That’s against the law and she can sue you.”
“I will use dummy account, duh?” Pagtatanong ni Marina dahil bakit niya naman hahayaang makilala siya kaagad ng mga tao, para ano Para masampahan siya ng kaso ni Avery? Na-uh. “I’ll post that she is a bad influence since she’s smoking.” Kibit-balikat pa na sagot nito.
“How could you say she’s a bad influence if she didn’t even take a picture while smoking and post it on social media to look cool? She isn't a bad influence, rather she has her own life outside social media. And maybe, she’s not posting a picture of her holding a cigarette or what because she is aware that almost all of her followers were minors.” Pagdepensa ni Oliver kaya kumunot ang noo ni Marina dahil don. May punto ang kanayng pinsan pero para saan ang depensa?
“Why? You caught her smoking?” Pagtatanong pa niya dahil sa sagot ni Oliver ay nasagot nga ang kasagutan nito na nag-smoke si Avery pero ang sabi kanina nina Oliver at Elisa ay tinulungan nila. Bakit? Nadisgrasya ba siya habang nag-smoke? Kung oo, well deserve.
“Nope.” Sagot ni Oliver sa kanya. “She’s crying while holding a dead cat.” Namilog ang mata ni Marina dahil sa sinabi ng kanyang pinsan at ang popcorn na sana ay isusubo nia ay biglang nahulog dahil hindi niya iyon nasubo ng maayos.
“Wh-what? Dead cat?” Gulat na tanong niya. Wala siyang pake kung umiiyak ang bruhildang iyon ang napagulat lang sa kanya ay ang patay na pusa. “Why? Did she kill the kitty?” Hindi niya maiwasan na magtanong at alam niyang hindi imposible ang kanyang tanong.
“What?” Halos hindi makapaniwala na tanong ni Oliver pero alam niyang hindi rin imposible ang tanong ni Marina pero imposible pa rin dahil nakita ng dalawang mata niya ang takot at pagpapanic kay Avery kanina habang lumuluha siya. “Of course not!” Muli niyang pagtatanggol kaya kumunot lalo ang noo ni Marina.
“Oh? Eh bakit siya umiiyak habang hawak-hawak ang pusa?” Pagtatanong ni Marina at tunog nanghahamon pa ito.
“She saw a man holding a kitty then she followed him and witnessed how that man killed the cat.” Pag-summarize ni Oliver sa usapan. “And then we saw her there crying while holding the dead cat, she tried to save the cat… at least.” Si Oliver.
Alam ni Marina na may saltik si Avery pero hindi niya inaasahan na ganoon siya kabaliw para sundan ang isa pang baliw na lalaki para lang maisalba ang pusa. Paano kaya kung nasalba dahil nakataas ang pusa kasi niligtas niya pero siya ang napahamak? Si Avey ay isang matalinong bobo.
Pero kahit na mapahamak siya ay walang paki si Marina.
“You two help her?” Tumango si Oliver pero hindi siya masyadong kumbinsido. Baka nga si Oliver lang ang tumulong.
Tiyaka niya naalala ang mga mata kanina ni Elisa parang may lungkot pero pilit niyang nilalabanan iyon. Kinagat niya ang kanyang labi bago siya magsalita kay Oliver. Mukhang nararamdaman na niyang nasaktan ni Oliver si Elisa sa pamamagitan ng pagtulong niya kay Avery.
Alam niyang harmless iyon pero sa ibang babae, pero kung si Avery iyon ay alam niyang nasa delikadong sitwasyon na sila.
“I don’t like the way you’re defending that bitch.”