CHAPTER 34

2689 Words
CHAPTER 34 Kahit na anong pisil ni Oliver sa kanyang utak kung saan niya ba nakita ang ganoong eksena at para bang pamilyar sa kanya iyon ay hindi lumalabas sa kanyang utak ang memorya niya. Basta ang alam niya ay pamilyar ang ganoong eksena: Ang malalamig na mata at ang duguan na hayop. Hindi siya pwedeng magkamali na para bang nakita na niya kung saan iyon. Ang kaso nga lang ay hirap na hirap siyang alalahanin iyon kahit na gusto niya iyong maalala. Saan nga ba niya nakita ang mga malalamig na matang iyon? Saan nga ba niya nakita ang mga labi na nakangisi? “Ayos ka lang ba?” Pagtatanong ni Elisa sa kanyang kasintahan habang naglalakad sila pabalik sa parking lot. Mukhang malalim ang kanyang iniisip dahil halos igaya niya ang binata para hindi makabunggo sa paglalakad. Mukhang hindi siya narinig ni Oliver dahil nga pilit niyang inaalala ang mag matang iyon. Kahit na ang mga mata lang na iyon ang maalala niya ay alam niyang maalala niya na kung ano iyong pangyayari na gusto niyang mag-play ulit sa kanyang utak. Suminghap si Elisa dahil hindi man lang siya sinagot ni Oliver, nakakunot lang ang kanyang noo habang naglalakad at bakas sa mukha niya ang lalim ng kanyang iniisip. Para bang kailaliman pa ng dagat ang nasa isipan niya na maging siya na kasintahan nito ay hindi masisidsid para malaman. Huminto si Elisa sa paglalakad sa pagbabakasakaling mapansin siya ni Oliver ang kaso nga lang ay nagkamali siya dahil patuloy lang ang paglalakad ni Oliver habang nakalagay ang isa niyang kamay sa kanyang baba at hinahaplos-haplos ito. May iniisip nga ang kanyang kasintahan dahil hindi man lang niya napansin ang pagtigil nito sa paglalakad. Tuloy-tuloy lang si Oliver na mukhang wala sa sarili dahil sa kanyang iniisip. Bumuntong hininga si Elisa bago niya naisipan na sigawan si Oliver para marinig siya ng binata. “Oliver!” Pagtawag nito sa kanya habang nakahinto pa rin si Elisa at nakatingin sa likod ni Oliver dahil nauna na ito sa paglalakad. Suminghap siya tiyaka nakapagdesisyon sa kanyang utak na hindi siya sasabay sa driver niya ngayon. Parang natauhan si Oliver sa sigaw ni Elisa kaya bigla siyang napahinto. Nagtataka siyang tumingin sa kanyang tabi dahil ang alam niya ay kasabay niya lang sa paglalakad ang kanyang kasintahan pero hindi matago ang gulat sa kanyang mata nnang mapansin niya na wala ito sa kanyang gilid kung hindi nasa likuran niya ito kaya unti-unti siyang tumingin sa likuran niya para makita niya ngayon si Elisa na nakakunot ang noo habang nagtatakang nakatingin sa kanya. “Elisa?” Nagtatakang tawag niya sa dalaga dahil hindi niya napansin na naiwanan na niya pala ito at hindi niya maiwasan na magtaka kung bakit huminto sa paglalakad ang kanyang kasintahan. Nakabusangot na nagmartsa sii Elisa palapit sa kanya dahil hindi niya alam kung anong iniisip ng binata. Ang tanging alam niya lang ay may kinalaman panigurado si Avery sa iniisip ni Oliver dahil wala na siyang maisip na ibang tao kung hindi si Avery kasi siya lang ang kasa-kasama nila kanina. “What are you doing?” Hindi mapigilan ni Elisa ang inis sa boses niya dahil mukhang wala talaga sa huwisyo si Oliver. “What?” Samantalang nagtataka si Oliver sa inaasal ng kanyang kasintahan dahil hindi niya alam kung anong kinaiinis nito at kung bakit siya huminto. “Are you thinking about Avery?” Nakapameywang na tanong ni Elisa. Dahil magsimula noong nakita nila sa gilid si Avery ay hindi niya maiwasan na manahimik habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Oliver sa dalaga. Mga reaksyon na kailanman ay hindi niya nakitaan si Oliver sa kanya. Hindi siya nagreklamo doon, hindi niya pinigilan si Oliver na huwag tulungan si Avery kahit na ang gusto niya lang naman kanina ay iwanan nalang doon ang dalaga dahil matanda na ito at alam niyang malalabanan naman niya kung sakali ang lalaking sinasabi niya dahil sa pangkaraniwang lakas nito. Hindi talaga maiwasan na magselos ni Elisa kay Avery dahil kahit na silang dalawa na lang ni Oliver ang magkasama ngayon ay inookupa pa rin ni Avery ang isipan nito. Parang ang unfair sa part niya pero wala na lang siyang magawa kung hindi ipansintabi ang kanyang nararamdaman para hindi na lang ulit sila mag-away. Kaya naman niyang mag-adjust palagi kay Oliver para lang huwag mawala sa kanya ang lalaki. Kaya naman niyang sariliin na lang ang knayang nararamdaman dahil alam niyang mas masakit kapag nagkahiwalay silang dalawa. “Wh-what?” Gulat na tanong ni Oliver sa kanyang kasintahan. Alam niyang hindi naman si avery ang iniisip nito pero bakit hindi niya maiwasan na ma-guilty? “Don’t worry about her.” Sambit nni Elisa kung iyon ang ikinababahala ni Oliver. “Nakita mo naman na sinamahan natin siya kay Lindsey diba? They are probably going home right now.” Paliwanag ni Elisa dahil umaasa siya na mawala na ang pag-iisip ni Oliver tungkol kay Avery dahil hindi niya maiwasan na maramdaman ang pagkirot sa may bandang dibdib niya. “What are you talking about?” Hindi mapigilan ni Oliver ang magtaka sa sinasabi ni Elisa. Bakas ang sakit sa mga mata nito pero nakukuha niya pa rin ngumiti sa harapan ni Oliver. “You can’t fool me.” Sambit ni Elisa. “Alam ko naman na nag-aalala ka para kay Avery.” Wika pa niya. “Hindi na siya masusundan ng baliw na lalaki dahil kasama na niya si Lindsey tiyaka nakita mo naman na pumasok na sila sa loob ng sasakyan diba?” Umawang ang labi ni Oliver dahil kahit na nakangiti ngayon si Elisa sa kanyang harapan dahil ramdam niya ang pait sa boses nito. “No, I’m thinking about other things.” Iyon naman ang totoo. Hinawakan ni Oliver ang kamay ni Elisa tiyaka siya ngumiti. “Everything is not about her, hmm?” Paninigurado niya sa kanyang kasintahan. Marahan na lang tumango si Elisa kahit na hindi niya alam kung totoo ba ang sinasabi ni Oliver na hindi si Avery ang kanyang iniisip dahil minsan na itong nagsinungaling sa kanya dahil lang kay Avery. Tinignan niya ang kamay nilang magkadikit na may ngiti sa kanyang labi dahil at least binigyan siya ng assurance ni Oliver. Hinaplos niya ito bago niya sasabihin ang plano niya kay Oliver. “Sama ako sa inyo?” Sambit ni Elisa na ikinagulat ni Oliver. “Pasundo na lang ako mamaya sa inyo.” Wika pa niya. “Isa pa, miss ko na rin sina nanay tiyaka si Lianna. Tagal ko nang hindi pumupunta roon.” Elisa chuckled. “Sure ka?” Pagtatanong ni Oliver. Hindi naman siya tatanggi dahil ilang gabi na rin sinasabi ng kanyang ina na gusto na niyang makita si Elisa, hindi lang siya sigurado sa schedule ng dalaga dahil baka busy siya o di kaya ay pagod siya sa pag-aaral kaya ngayon na siya ang nagyaya ay hindi na ito tatanggi. “Oo naman!” Sambit ni Elisa tiyaka niya pinagkislop ang mga kamay nila at muli silang naglakad. “Magpapaalam na lang ako kay manong, papayag naman kaagad siya dahil ikaw naman ang kasama ko.” Ngiti ni Elisa habang sabay silang naglalakad. “Magpapaalam tayo.” Pagtatama ni Oliver kaya napangiti siya. At least, ganito ang pagkakakilala niya kay Oliver. He’s a gentleman. Ngayon kasi ay hindi niya maiwasan na kabahan dahil parang hindi na niya kilala si Oliver at bumalik ito sa umpisa na binaba niya muna nang maigi ang binata. Lalo na ang kanyang isipan, noon malalaman niya kaagad kung ano man ang gumugulo sa binata pero ngayon ay nahihirapan na siyang basahin ito. “Ayon na si Manong.” Sambit ni Elisa sabay turo sa kanilang sasakyan tiyaka niya hinila si Oliver. Hindi maiwasan ni Oliver ang matawa dahil mukhang bata si Elisa habang hila-hila niya ito papunta sa kotse nila. “Oh? Kanina ko pa kayo hinihintay, saan kayo galing?” Pagtatanong ng driver niya dahil nalate na nga ito sa oras pero naghintay pa siya kay Elisa. Ang akala niya ay naghihintay na si Elisa sa kanya kaya hindi niya maiwasan na mag-alala sa alaga niya noong nakita niyang wala siya maging ang kanyang kasintahan at kaibigan nito sa parking lot. “May tinulungan lang po kaming kaibigan.” Sagot ni Elisa tiyaka niya tinuro ang kanyang likuran na para bang nandoon ang kanyang sinasabi. “Ganoon ba?” Tanong ng driver ni Elisa. “Hindi pa ba kayo uuwi?” Tanong pa niya dahil mukhang napansin niya na may lakad pa ang dalawa dahil hindi pa pumapasok sa kotse si Elisa. “Punta po ako kina Oliver, miss ko na po si tita tiyaka si Lianna.” Pagpapaalam ni Elisa. “Nakapagpaalam ka na ba sa mga magulang mo?” Tanong nito. “Ako na po ang magpapaalam.” Agad na sagot ni Oliver tiyaka tumango ang driver ni Elisa. “O sige, paano ba iyan? Message mo na lang ako kapag papasundo ka na? O kaya si Ate Rosa mo.” Pagtukoy sa isang kasambahay nina Elisa kaya tumango siya. “Mag-ingat kayo.” Wika pa niya tiyaka niya tinapik ang balikat ni Oliver. Pagkatapos nilang magpaalam ay sumakay nila sa kotse. Hindi maiwasan na ma-excite ni Elisa dahil matagal-tagal na siyang hindi pumupunta kina Oliver dahil naging busy na sila sa college kahit na mag tatlong linggo pa lang naman sila. “Hatid muna natin kina tito ang kotse, okay lang?” Pagtatanong ni Oliver. “O di kaya naman ay hatid na muna kita sa amin tas hintayin mo nalang ako.” Suggest niya dahil baka hindi magustuhan ni Elisa iyon. “Ayos lang, sama na lang ako sa inyo tiyaka para makita ko kung nasa bahay na si Marina. Hindi na siya nagreply eh.” Wika ni Elisa tiyaka niya bahagyang tinaas ang kanyang cellphone. Kumunot ang noo ni Oliver dahil don, ano na naman kayang ginawa ni Samuel sa kanyang pinsan o anong ginawa ng kanyang pinsan? “Anong huling sinabi niya?” Pagtatanong ni Oliver dahil in-update palagi ng dalawang magkaibigan ang isa’t-isa. “Sumakay raw siya ng taxi eh.” Kibit-balikat na sagot ni Elisa. “Tinanong ko kung bakit at nasaan si Samuel pero hindi na siya nagreply.” Dagdag pa niya. Tumango si Oliver dahil kakausapin na lang niya bukas ang kanyang kaibigan. “Connect ako ah?” Paalam ni Elisa para makapagpatugtog siya dahil rush hour ay meydo may traffic sa dinadaanan nila. Tumango si Oliver dahil wala naman sa kanya iyon, naka-connect na nga ang cellphone ni Elisa kasi kaibigan niya si Marina. Kaagad na nagpatugtog si Elisa ng mga sweet na kanta at chill lang pakinggan dahil ganon ang mga bet niya sa music. Mga slow lang at walang masyadong high note o di kaya naman ay may konting pop. Mas gusto niya iyong narerelax ang kanyang tenga. Nang makarating sila kina Marina ay kaagad na bumaba si Elisa para puntahan muna ang kanyang kaibigan sa loob ng bahay nila. Hindi naman siya nagkamali dahil nakita niya itong nakaupo sa kanilang sofa habang nanonood ng kung anong movie sa kanilang TV. “Oh?” Gulat na tanong ni Marina tiyaka niya tinignan ang kanyang cellphone para tignan kung anong oras na. “Bakit?” Napatingin siya sa kanyang pinsan na kakapasok lang tiyaka niya hinagis ang susi kay Marina kaya kaagad niya itong sinalo. “Tiyaka, bakit ngayon lang kayo? Anong oras na ah? Anong ginawa niyo?” Sunod-sunod na tanong ni Marina sa kanila. Ang akala niya lang din ay si Oliver lang at uuwi na si Elisa pero hindi niya inaasahan na pupuntahan siya ng kaibigan niya. “Bakit ka nag-taxi? Hindi ka man lang nageply! Akala ko napano ka na.” Sermon ni Elisa sa kanyang kaibigan. “Wala lang. Nanonood ako e, paano ako makakapagreply?” Pagtatanong ni Marina kaya umikot ang mata ni Elisa dahil hindi sinagot ni Marina ang tanong niya kung bakit siya nag-taxi. “Nag-away kayo ni Samuel?” Pagtatanong ni Oliver, ayaw na niyang mag paligoy-ligoy pa siya. “Ha!” Singhal ni Marina. “Masyadong mapanipula iyang kaibigan mo. Alam mong ayaw kong inuutus-utusan ako. Mga magulang ko nga hindi ako inuutusan.” Sambit ni Marina. “Dahil alam nina tita na hindi ka naman susunod kaya hindi na sila nagsayang pa nang oras para utusan ka.” Dagdag ni Elisa. Umikot lang ang mata ni Marina tiyaka siya nag make face. “Nyenye.” Parang bata na wika nito. “Oh bakit ngayon lang kayo? Nag-away din ba kayo? Ano? Nagpasuyo ka na naman sa pinsan ko? Diba sabi ko huwag kang marupok sa pangit na ito?” Sunod-sunod na sambit ni Marina dahil ayaw niyang siya na naman ang pag-usapan. Nagkatinginan ang dalawa dahil hindi nila alam kung paano ikukuwento kay Marina ang nangyari kanina. Kung paano nila tinulungan si Avery. Pero tama ba ang ‘nila’? Dahil kung tutuusin si Oliver lang ang tumulong kay Avery, siya lang ang nagpakalma sa dalaga habang hindi alam ni Elisa kung paano iiwas ang kanyang mata at ang kanyang sarili dahil para bang extra lang siya sa dalawa. “Ah may tinulungan lang kami.” Sambit ni Elisa dahil hindi siya handa sa kung ano man ang sasabihin ni Marina dahil alam niyang prangka ang kanyang kaibigan kaya baka prangkahin niya lang ito at lahat ng mga ayaw niyang pansinin kanina ay mapamukha iyon ni Marina. “Wow! Good samaritan ampota.” Komento ni Marina tiyaka pa siya kumain ng popo corn na nasa loob ng bowl. “Oh? Bakit ka nandito? Imposible naman na bibisitahin mo lang ako? Bulok na ang mga galawan mo.” Natawa si Elisa sa kanyang kaibigan dahil sa tagal nilang magkasama ay nakabisado na nila ang isa’t-isa. “Sasama ako kina Oliver, miss ko na si nanay.” Wika ni Elisa. Nanay na ang tawag niya sa ina ni Oliver dahil iyon ang sinabi ni Lian na itawag sa kanya ng dalaga. “Okay. Tinatamad ako eh parang ayokong sumama.” Sambit ni Marina. “Pero kung pipilitin niyo ako baka sumama na ako.” Wika pa niya tiyaka siya tumayo at binitawan ang pop corn niya sa lamesa. Nakasuot na ito ng pambahay niya na short at white shirt na mukhang sa kuya pa niya dahil malaki iyon sa kanya. “Huwag na.” Sambit ni Oliver dahil alam niyang dudugo lang ang tenga niya kapag kasama si Marina. “Wala kang magagawa kung sasama ako.” Wika ni Marina tiyaka siya lumapit sa kanyang kaibigan. “Pahiramin kita short and shirt? Para makabihis ka na?” Pagtatanong ni Marina dahil puting-puti ang uniform nila at baka madumihan pa iyon. “Ay, may damit ka naman pala sa kuwarto ko.” Sambit niya nang maalala niyang may damit nga pala ang kanyang kaibigan sa kwarto niya kaya tinulak-tulak na niya ito paakyat. “Oo na! Hintayin niyo na lang ako dito.” Sabi ni Elisa bago siya umakyat dahil feel at home naman sila ni Marina sa bahay ng isa’t-isa. Muling naupo sa sofa si Marina para hintayin ang kanyang kaibigan. Suminghap si Oliver bago siya naupo sa tapat ni Marina, kailangan na niya sigurong ihanda ang kanyang tenga dahil sa pinsan niya. “Pangit mo.” Kaagad na sambit ni Marina nang aksidenteng mapatingin siya kay Oliver, napailing na lang si Oliver sa pagiging isip bata ng pinsan. “Sinong tinulungan niyo?” Pagtatanong ni Marina habang ngumunguya ng pop corn dahil pakiramdam niya ay may kung ano sa mata ng kanyang kaibigan kanina nang sinagot niya iyon. “Bakit kailangan mo pang malaman?” Pagtatanong ni Oliver dahil malakas talaga palagi ang kutob ni Marina. “Wala lang? Anong masama? Gusto ko lang malaman, bakit ba?” Pagtataray pa niya kahit na siya naman talaga ang may kailangan na kasagutan sa kanyang pinsan. “Huwag mo rin subukan na magsinungaling.” Babala pa nito. Bumuntong hininga si Oliver dahil wala siyang kawala kapag si Marina na. Malakas ang kutob at halos lahat ng kutob niya ay tama. “Si Avery, ‘di ba?” Marina’s just waiting for confirmation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD