CHAPTER 36
Natahimik si Oliver sa sinabi ni Marina habang prente lang na kumakain ng popcorn ang dalaga habang nanonood ulit siya ng movie na napili niya kanina. Naiinis si Marina sa kanyang pinsan dahil sa pagtatanggol nito kay Avery na para bang kakilalang-kakilala niya ito na hindi niya gagawin ang bagay na iyon. Hindi naman posibleng gawin ni Avery iyon para kay Marina dahil baliw ang pagkakakilala niya kay Avery.
Samantalang sandaling nag-isip si Oliver tungkol sa sinabi ni Marina. Gaano ba siya nakakasigurado na hindi kayang patayin ni Avery ang pusa? Pero nakita niya sa dalawang mata niya ang pagluha ng dalaga at ang trauma sa mga mata nito kaya alam niyang hindi magagawa iyon ni Avery. She’s a b***h but he doesn't think that Avery can do such a thing.
Sabay na napalingon ang dalawa kay Elisa na kakababa lang sa hagdan habang inaayos niya ang kanyang shirt at short. Basa pa ang buhok nito at kanyang sinusuklayan. Mukha siyang nagmamadali dahil pwede naman niyang patuyuin ang kanyang buhok sa vanity mirror ni Marina pero ayaw niya lang na gabihin sila papunta kina Oliver.
“Nag quick shower lang ako.” Sambit niya sa dalawa. Ang isang kamay niya ay sinusuklayan niya ang kanyang mahabang buhok habang ang isa naman ay may hawak na cellphone tiyaka wallet. Iyon na lang kasi ang kinuha niya sa kanyang bag dahil iyona ng sa pakiramdam niya ay essential.
“Tara na?” Anyaya ni Marina tiyaka niya kinuha ang remote at pinatay ang kanilang TV. Kumunot ang noo ni Elisa dahil pakiramdam niya ay may namuong tensyon sa magpinsan.
“May pinag-awayan ba kayo?” Tanong ni Elisa dahil hindi na bago sa kanya na palaging nag-aaway sina Oliver at Marina. Para na rin kasi silang magkapatid dahil paborito ng kanyang ama na pamangkin si Oliver. Naintindihan naman ni Elisa iyon dahil halos lahat naman ng magkapatid ay mukhang ginawang hobby ang pag-aaway katulad na lang nina Marina kahit na magpinsan sila.
“Wala. Tanga lang iyan.” Ismid ni Marina sa kanyang pinsan. Tumayos na si Oliver.
“Ano na naman pinag-awayan niyo?” Natatawang tanong ni Elisa dahil hindi niya alam na kasama siya sa pinag-awayan nila.
Habang pinoprotektahan ni Oliver ang isang babae na hindi naman niya kakilala ay pinoprotektahan naman ni Marina ang matalik niyang kaibigan mula sa pananakit ng sarili niyang pinsan.
“Wala! Not important.” Sambit ni Marina dahil kapag sinabi pa niya kay Elisa ay baka masaktan lang ang kaibigan niya. Kinalingkis na niya ang kanyang braso kay Elisa tiyaka niya marahan na hinila ang dalaga palabas ng kanilang mansyon para makapaglakad na sila.
Natatawa si Elisa habang nauuna sila kay Oliver kaya napasulyap siya kay Oliver na nasa kanilang likuran na may ngiti sa labi. Pilit na ngumiti si Oliver tiyaka tinanguan si Elisa bilang pagsabi na huwag na lang niyang isipin pa kung ano ang pinag-awayan nila ni Marina.
Dahil alam niya na may punto naman ang kanyang pinsan. May punto ang sinasabi nito pero hindi niya lang matanggap sa kanyang sarili.
Halos magulat si Lindsey nang pumunta sa maliit nilang bahay sa gilid ng mansyon si Avery nang may ngiti sa labi. Kasalukuyan niyang pinapakain pa ngayon ang aso na maging ang tuta ay natigilan sa kanyang pagkain dahil sa tao na dumating sa kanilang harapan.
“Hey,” Ngiti ni Avery kaya kahit na kinakabahan ay tumayo si Lindsey, bahagya niyang pinagpag ang kanyang short tiyaka siya ngumiti kay Avery. Napatingin siya sa kamay ni Avery kung saan may hawak-hawak siyang dog necklace. Bumaba rin ang tingin ni Avery sa kanyang kamay dahil sinundan niya ang tingin ni Lindsey.
“Came here to give this.” Ngiti ni Avery tiyaka niya inangat ang kamay niyang may hawak ng dog necklace para lalong makita ni Lindsey.
Hindi maiwasan na magtaka ni Lindsey sa inaasal ngayon ni Avery. Para bang hindi ito pumatay ng kawawang tuta kanina. Ganon lang kabilis magpalit ng emosyon si Avery, ganon lang siya kadaling mag move on sa mga bagay na nagbibigay trauma sa ibang mga tao.
“You know,” Nagkibit-balikat si Avery na parang wala lang naman iyon sa kanya. “I just accidentally saw this in my room. Maybe it belongs to one of the dogs I killed?” Simple lang ang pagkakasabi niya na para bang normal lang iyong sinabi niya.
Para kay Avery normal lang iyon pero para kay Lindsey at sa ibang tao man na makakarinig non ay hindi iyon normal at kailanman ay hindi magiging normal. Lalo na sa mga taong mapagmahal sa mga alagang hayop, panigurado ay pinapatay na si Avery sa kanilang isipan.
“And I remember Liver, maybe he can have it.” Sambit ni Avery tiyaka siya naupo para mapantayan ang tuta pero mabilis na nagtago ang tuta sa likuran ni Lindsey dahil sa takot niya kay Avery. Nawala ang ngisi sa mga labi ni Avery dahil sa nangyari.
“Did you tell him that he must stay away from me?” Inis na tanong ni Avery dahil walang tao o hayop ang lumilihis ng landas kapag nakikita siya. Ang mga hayop na hindi pa siya kakilala ay gusto rin siya lalo na ang mga taong walang alam sa kanyang tunay na pagkatao.
“What? No!” Agad na tanggi ni Lindsey dahil baka magalit sa kanya si Avery. Umupo rin siya para mapantayan si Liver tiyaka niya hinaplos ang ulo nito at minuwestra sa kanya si Avery na ngayon ay walang emosyon na mababasa sa kanyang mukha.
“Liver,” Pagtawag ni Lindsey tiyaka niya ginalaw ang kanyang ulo para maituro si Avery na naghihintay sa kanya. Marahan na tumahol ang tuta na para bang hindi siya pabor sa kung ano man ang inutos ni Lindsey sa kanya. “Liver, may gift sayo si Avery.” Sabay turo pa niya sa kamay ni Avery na may hawak ng dog necklace.
Ayaw pa sana ng tuta na sumunod kay Lindsey pero hinawakan siya nito para mapunta sa gitna nila ni Avery. Gumagalaw pa ang kanyang mga paa na para bang gusto na niyang umalis roon pero hawak-hawak siya ni Lindsey dahil baka siya naman ang mayari kay Avery kapag lumayo pa sa kanya ang tuta.
“Here you go,” Nakangiting sambit ni Avery tiyaka niya ito nakalagay sa leeg ng tuta. Kabado si Lindsey dahil baka sakalin niya ang tuta pero nakahinga siya ng maluwag nang buhay pa naman ang tuta nang kinuha na ni Avery ang kamay niya pabalik.
“Stay there and I will take a picture of you.” Pag-utos ni Avery sa tuta, matatakot kang hindi sundin ang inutos ni Avery dahil sa boses na sinabi nito.
Kaya mula sa pagiging malikot ang paa ng tuta ay bigla itong pumilmi na tila hinihintay na kuhanan siya ng litrato ni Avery. Naapayos din ng pagkakaupo si Lindsey dahil maging siya ay kinabahan na baka hindi sumunod ang tuta kay Avery at kung mangyari iyon ay siya ang pagbubugahan ng apoy ni Avery.
“One… two… three.” Masayang pagbilang ni Avery tiyaka niya kinuhanan ng picture ang tuta sa kanyang cellphone. “Good job.” Pagpuri nito sa aso tiyaka niya marahan na tinapik ang ulo nito kahit na gusto na niyang putulin ang ulo ng aso.
Tumayo siya habang nakatingin sa litratong kinuha niya, napangisi siya dahil tila ba hindi makagalaw ang dalawa—si Lindsey at ang tuta. Dahil nakaupo pa si Lindsey habang hawak-hawak ang tila gulat na aso. Natuwa siya sa kanyang naisip kaya ginawa niya iton.
She patted Lindsey’s head since she was sitting in front of her. Nang maramdaman ni Lindsey ang kamay ni Avery sa kanyang ulo ay hindi niya maiwasan na mapalunok at maawa sa kanyang sarili.
“You should take good care of your dog… my dog.” Pang-aassar ni Avery bago niya iniwan na tulala roon si Lindsey.
Hindi maiwasan na masaktan ni Lindsey dahil sa sinabi ni Avery. Paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang sarili na alam naman niya ay naintindihan naman niya ang kalagayan ni Avery pero hindi niya lang maiwasan na masaktan. Dahil ang turing sa kanya ng isang taong tinuturing niyang kaisa-isang kaibigan… dahil ang turing sa kanya ng isang tao na tinuring niyang kapatid dahil pareho silang nag-iisang anak ay isang aso.
Napangiti siya ng mapait dahil sa naging kalagayan niya. At kung iisipin man ng ibang tao na baliw siya pagkatapos niyang malaman na isang hayop lang na sunud-sunuran ang tingin sa kanya ni Avery ay patuloy niya pa rin itong ituturing na isang kaibigan—isang kapatid ay wala siyang pakialam. Dahil kalahati ng buhay nila ni Avery ay magkasama silang dalawa.
At hindi pa rin siya mawawalan ng pag-asa na dumating ang araw na magbabago si Avery, dumating ang araw na hindi na mahihirapan si Avery na intindihin kung ano ang tama at mali, kung ano ang normal at hindi normal at dumating ang araw na magiging magkaibigan sila ni Avery kagaya kung paano tratuhin ng normal na magkaibigan ang isa’t-isa.
Hindi siya mawawalan ng pag-asa na dumating ang araw na iyon. Hindi siya susuko dahil nainiwala siya na hangga’t may bukas pang paparating ay may pagkakataon pa para magbago si Avery.
Napangiti siya tiyaka niya hinaplos ang aso nang maramdaman niya na dinilaan muli siya ng tuta ang kanyang kamay dahil tulala siya nang ilang minuto. Para bang binigyan siya ni Avery ng isang bagay na magpapakalma sa kanya sa t’wing natatakot o di kaya ay kinakabahan siya at maging ngayong malalim ang kanyang iniisip.
Ngunit paglipas lamang ng segundo habang hinahaplos niya ang tuta ay hindi niya maiwasan na malungkot dahil paniguradong masasaktan siya ng sobra kapag dumating na ang araw na babawiin na ito ni Avery. Mukhang nagkamali siya sa salitang bigay dahil pinahiram lang pala ito ni Avery sa kanya na pagdating ng araw—na hindi niya alam kung kailan… na alam niyang magugulat na lang siya isang araw ay wala na ang tuta sa tabi niya para pakalmahin siya.
“Pasensya ka na kung hindi man kita maliligtas pagdating ng araw na iyon.” Sambit niya sa tuta habang hinaplos-haplos pa niya ang pisngi at ang ulo nito. “Wala akong laban kay Avery eh, hindi man kita kayang ipagtanggol.” She chuckled.
“Pero huwag kang mag-alala, malay mo magbago ang isipan niya diba? Malay mo magbago na siya ng tuluyan kaya huwag tayong mawalan ng pag-asa, okay?” Pagtatanong niya sa tuta na marahan na tumango-tango. “Konting tiis na lang, palagi na lang natin siyang intindihin. Samahan mo akong hintayin ang araw na magbabago siya.” Sambit pa niya sa tuta na animo’y nakikinig talaga sa sinasabi niya.
“Dapat ko bang sabihin kay Oliver?” Pagtatanong ni Lindsey. “Malay mo matulungan niya ako?” Pagtatanong pa niya. “Paaano kung sa kauna-unahang pagkakataon, magmamahal si Avery?” Dagdag pa niya dahil ganon ang mga nobelang nababasa niya.
Tumahol ang aso na para bang hindi agree sa sinabi niya. Hindi niya lang alam kung humindi ba ito sa unang tanong niya o sa mga susunod niyang mga katanungan. Pero alam niya na kapag sinabi niya kay Oliver ay baka samahan niya pa sa hukay ang binata na wala sa oras. Tiyaka isa pa, mataas pa rin ang respeto niya kay Avery na hindi niya kayang ipagsabi kung ano man ang kondisyon niya.
Nang makarating sa bahay nina Oliver sina Marina at Elisa ay kaagad na pumasok si Oliver sa kanyang kwarto para kumuha ng damit at tuwalya.
“Dito muna kayo, paparating na rin niyan si nanay.” Sambit niya dahil panigurado pauwi na ang kanyang nanay galing sa palengke. Tindera kasi siya roon at iyon ang pinagkukuhanan niya ng hanap-buhay. Ang kanyang ama naman ay driver ng mga truck na kung minsan ay hindi nakakauwi dahil sa layo ng biyahe.
“Sige.” Ngiti ni Elisa pero umismid lang si Marina kaya napailing na lang si Oliver tiyaka na siya pumasok sa kanilang cr.
Maliit lang at bungalow ang bahay nina Oliver. Maliliit lang din ang tatlong kwarto na sakto lang naman sa kanya. Umupo ang dalawa sa kawayan na upuan nina Oliver tiyaka tinuloy ni Marina ang kwento niya tungkol sa isang libro na naabsa niya noong isang araw. Tahimik lang naman nakikinig si Elisa sa kaibigan at nagtatanong din siya kapag may gusto siyang itanong tungkol sa nobelang nabasa ng kanyang kaibigan.
“Kuya!!” Sigaw ni Lianna pagkapasok na pagkapasok pa lang niya dahil nakabukas ang maliit nilang gate, bilin kasi ng kanilang ina ay isarado palagi iyon pero ngayon ay nakabukas kaya sesermunan ni Lianna ang kanyang kuya.
“Lianna, ang ingay mo.” Pagbawal ni Marina sa kanyang pinsan. Pabiro lang iyon habang nataatwa siya kaya gulat na napatingin sa kanya si Lianna tiyaka dumako ang tingin niya kay Elisa.
“Kanina pa kayo rito, ate? Si Kuya?” Tanong ni Lianna tiyaka siya nagmamadaling ilagay ang kanyang sapatos sa lagayan ng sapatos na nasa likuran ng pinto.
“Naliligo.” Sagot ni Marina. Sandaling nahiya si Lianna dahil wala siyang alam na ipakain kay Elisa dahil alam naman niya na mayaman ang girlfriend ng kanyang kuya.
“Hindi pa bumibili ng miryenda si kuya?” Tanong ni Lianna tiyaka siya pumunta sa kanyang kuwarto tiyaka niya nilagay ang bag niya sa may study table.
“Huwag na.” Sambit ni Elisa dahil nahihiya siya kapag pumupunta siya rito. Hindi naman siya maarte sa pagkain kapag nandito siya kina Oliver dahil nahihiya siya sa ina nito na napapagastos pa minsan na wala naman sa budget nila para lang sa kanya.
“Nag-order na ako.” Sambit ni Marina pagkatapos niyang pindutin ang place order sa isang food delivery app.
“Marina!” Kaagad na pambabawal sa kanya ni Elisa dahil nahihiya siya. Hindi sila masyadong dikit ni Lianna dahil nahihiya si Lianna sa kanya. Pakiramdam kasi ni Lianna ay maarte si Elisa dahil galing siya sa mayamang pamilya at nahihiya siya kapag may inihahain silang pagkain na alam niyang hindi ganon ang usual na kinakain ni Elisa.
“Ako na magbabayad. Don’t worry!” Sambit ni Marina dahil alam naman niya na maghahanda talaga ang kanyang tita kapag nakita sila ni Elisa kaya mas okay na mag-order na siya para hindi na mag-abala ang tita nito.
“Bihis lang ako, ate!” Paalam ni Lianna tiyaka siya kumuha ng pajama niya at isang shirt bago siya muling lumabas. Hindi pa tapos si Oliver na maligo kaya siya na muna ang pumunta sa sala para puntahan niya ang kanyang pinsan at ang girlfriend ng kuya nito.
“Hindi man sinabi ni kuya na bibisita kayo.” Sambit ni Lianna, panigurado masesermunan mamaya sa kanilang ina ang kanyang kuya dahil hindi man niya sinabi kahapon o kaninang umaga.
“Biglaan lang din kasi.” Sagot ni Elisa. Maayos naamn sila ni Lianna lalo na kapag may napagkasunduan na topic pero naiilang pa rin si Lianna sa girlfriend ng kanyang kuya.
Kumunot ang noo nilang tatlo nang marinig nila ang tunog ng kanilang gate na para bang may pumasok dito. Alam ni Lianna na sinara niya iyon kanina kaya tumayo siya para tignan kung sino iyon.
“May kasama pa ba kayo, ate?” Pagtatanong ni Lianna bago siya lumabas pero umiling lang sina Marina. “Tignan ko muna baka si nanay.” Dagdag ni Lianna, minsan ay ang bigat ng bitbit ng kanyang ina dahil namamalengke na ito ng kanilang pagkain kaya para matulungan niya ito sa pagbubuhat kahit papasok lang sa bahay.
Sinermunan ni Elisa si Marina na dapat at hindi siya na siya nag-order dahil baka akalain ng ina ni Oliver na umarte siya. Maayos pa naman ang samahan nilang dalawa at para na niya itong tinuturing na isang anak.
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Hindi napigilan ni Marina ang matayo sa inis at sa gulat nang makita niya kung sino ang pumasok sa bahay.
“WHAT ARE YOU DOING HERE?” Kunot noong tanong ni Samuel dahil hindi niya inaasahan na nandito si Marina.