CHAPTER 19

2629 Words
CHAPTER 19 Iyon ang huling sinabi ni Elisa bago siya nagmadali para humabol sa kanyang klase. Nakareceive din siya ng message galing kay Marina na kailangan niyang magpanggap na masakit ang tiyan niya kung hindi ay hindi na siya papasukin ni Miss Salazar. Nakarating naman siya on time pero kung titignan sa may pintuan ay nagchecheck na ng attendance si Miss Salazar kaya nakahawak siya sa kanyang tiyan habang marahan na pumapasok sa may likuran ng classroom. “Miss Gomez, what do you think you’re doing?” Mataray na pagtatanong ni Miss Salazar. Kumunot ang kanyang noo tiyaka pa niya bahagyang inayos ang suot niyang salamin para matignan mabuti si Elisa. “You’re late.” Sambit pa ni Miss Salazar tiyaka tumingin sa kanyang orasan. “Five minutes to be exact.” Dagdag pa nito. Napangiwi si Marina dahil alam niyang hindi siya pwedeng sumingit kung hindi ay siya ang pagbubuntungan ng kanilang professor. Nakatingin siya ngayon sa likod para masenyasan ang kanyang kaibigan. She knew that Elisa is not a good liar kaya baka patayuin lang siya ni Miss Salazar sa likuran the whole meeting. Kapag kasi na-late ka ng ilang minuto ay papatayuin ka niya sa likuran sa buong meeting pero kung fifteen minutes ay hindi ka na niya papasukin, that considered absent. “She’s having diarrhea.” Napatingin ang dalawang magkaibigan kay Princess dahil siya ang sumagot. Kaagad siyang sinamaan ng tingin ni Miss Salazar dahil ayaw niya bigla ang sasabat sa usapan kung hindi naman ikaw ang kausap niya. Naiilang na ngumiti si Princess dahil alam niyang patay siya sa kanyang ina pagkauwi nila ng bahay at maging mamaya dahil panigurado siya ang tatawagin niya sa recitation and her mother knows that she didn’t read last night because of their family’s dinner. “You’re not allowed to butt in, Miss Salenga.” Babala ni Miss Salazar sa kanyang anak pero estudyante ang tingin niya ngayon dito dahil nasa loob sila ng university. That’s her number one rule for her daughter that they won’t be blood related once they step foot inside the university. “How could this be true, Miss Gomez? Do you have proof that you’ve asked for medicine from our university’s nurse?” Tumaas ang kilay nito dahil mukhang wala namang dala-dalang papel si Elisa. “I brought my own medicine, ma’am.” Kabadong sagot nito pero hindi niya masyadong pinahalata na nagsisinungaling siya dahil baka madamay pa si Princess sa galit nito. “Fifteen minutes, remain standing at the back.” Napasinghap si Marina sa naging parusa ng kaibigan pero tinanguan at nginitian lang siya ni Elisa para sabihin na ayos lang siya. She also mouthed ‘thank you’ to Princess for saving her on one hour standing punishment. Habang nakatayo ay kinuha niya ang notebook niya para makapag-take notes pa rin siya sa discussion. Ayos na ang fifteen minutes keysa sa isang oras na nakatayo. Hindi niya rin alam kung bakit konting follow up question lang tinanong sa kanya ni Miss Salazar, alam niyang hahanapan talaga siya ng ebidensya. Sandali siyang natawa habang nagsusulat dahil hindi niya inaasahan na magagawa niya ang lahat ng bagay na ito para lang sa isang lalaki. Mali, hindi dapat nila-lang ang pagmamahal niya kay Oliver. She wondered what things she could do in the name of love? Samantala, naiwan na tulala si Oliver dahil sa sinabi ni Elisa. Kung susuriing mabuti ay napakadali lang naman ng sinabi ng dalaga pero bakit parang nahihirapan siya? Wala namang mahirap kung iwasan niya si Avery. Katulad nga ng sinabi ng kanyang kasintahan, nagawa na niya itong iwasan sa loob ng isang linggo pero bakit sa isang araw na nakausap niya lang ito ay parang ayaw na niyang iwasan ang dalaga? Hindi na niya alam kung anong nararamdaman niya. Halo-halong emosyon ang kanyang nararamdaman ngayon. Inis para sa kanyang sarili, sabik para makausap niya ulit si Avery, at ang konsensya niya para kay Elisa. Hindi niya maintindihan kung bakit sabik siyang makausap si Avery, para bang meron sa mga malalamig na mata ng dalaga ang gusto niyang makita. Oo, nakikita niya itong tumatawa pero hindi man lang umaabot ang kurba ng labi niya sa kanyang mga mata. Na kapag tinitigan niyang mabuti ang mata ng dalaga ay para siyang nalulunod sa lungkot na hatid nito. Para itong kasing lalim ng dagat na hindi mo basta-basta masisid ang kalaliman—hindi niya basta-basta makikita ang emosyon o ang tunay niyang nararamdaman kahit na titigan mo pa ang kanyang mga mata ng ilang oras ay hindi mo siya mababasa ng ganon-ganon lang. Sa ilang oras nilang pag-uusap habang kumakain sila nang tanghaling iyon ay napansin niya ang pader na nilalagay ng dalaga para hindi siya makilala o mabasa nang nino man. Para bang pinipigil nito ang mga taong kilalanin siya. Parang pinipigilan niya ang mga taong makita ang tunay na siya. Isa pang gumugulo sa kanya ay ang ngisi niya at ang inosente pero malamig na mata ng dalaga. Alam niyang nakita na niya noon ang pares na mata na iyon. Alam niyang nakita na niya ang mga mapupulang labi na iyon pero ang hindi niya lang alam kung saan at kailan. O may eksena nang tumatakbo sa kanyang utak kung saan at kailan na niya nakita iyon ang kaso nga lang ay hinaharangan niya ito dahil hindi niya tanggap sa kanyang sarili. Suminghap siya tiyaka pagod na pinsadahan ng kanyang kamay ang kanyang buhok tiyaka niya kinuha ang cellphone niya sa kanyang bulsa para tignan ang mensahe ng dalawa niyang kaibigan, kung nasaan sila para mapuntahan na niya ito pero kumunot ang kanyang noo ng makita ang message ng tatay ni Elisa na nasa parking lot siya ng kanilang unibersidad kaya nagmamadali siyang tumakbo para puntahan iyon. “Sir,” Hinihingal pa siya siya habang kinakatok ang bintana ng kotse ng papa ni Elisa. Binuksan ni Elias ang kotse para makapasok sa likuran si Oliver. Pagkatapos ay bumaba naman ang kanyang driver para mabigyan sila ng privacy. “Sir,” Muling pagtawag ni Oliver. Sinalubong siya ng ngiti ni Elias. “I told you to call me tito or uncle.” Sambit niya sa binata dahil naiilang siya kapag tinatawag siyang ganon lalo na't boyfriend ito ng kanyang anak. “Tito,” Pagtatama ni Oliver sa kanyang sarili. “May nangyari po ba?” Nag-aalala na tanong ni Oliver. Kausap niya palang kanina si Elisa kaya hindi niya alam kung anong posibleng nangyari at bakit nandito ang ama ni Elisa. “Alam mo noong unang kwento ka sa akin ni Elisa, alam ko nang may kakaiba sa pagbanggit niya sa pangalan mo sa akin.” Natigilan si Oliver dahil sa biglaang pagkuwento nito. “Gustong-gusto kitang makilala noon para matignan kong mabuti kung tama ba ang pagkaka-describe sayo ng anak ko o nabubulag lang siya sa paghanga niya sayo.” Tiningnan ni Elias si Oliver habang nakangiti siyang nagkukuwento bago niya diniretso ulit ang tingin. “Nung sinabi ko sa kanya na gusto kitang makilala at kung pwede ay imbitahan ka niya sa bahay ay kaagad siyang umangal. Gusto niya raw kasi kapag pinakilala ka na niya sa amin boyfriend ka na niya.” Sandaling natawa si Elias dahil naalala pa niya ang mukha ng kanyang pinakamagandang anak nang mga panahon na iyon. “Pilit niyang pinapakwento sa akin kung paano ko nakilala ang mama niya. Kung paano kami nagmahalan at kung paano ko nalaman na mahal ko na ang mama niya.” He paused. “Sa mga panahon na iyon alam kong kakaiba na ang nararamdaman sayo ng anak ko dahil noon lang siya nagtanong tungkol sa pagmamahal.” “At isa pa, iyon ang unang pagkakataon na nagsabi siya amin tungkol sa lalaki. Naalala ko pa non, hindi naman lingid sa iyong kaalaman, na ayaw ka ng asawa ko para sa anak ko dahil sa estado mo sa buhay.” “Pero huwag mong masamain ah, gusto lang din kasi ng asawa ko na maganda ang kinabukasan ng nag-iisa naming unica hija kaya minsan hindi na niya napapag-isipan ng mabuti ang sasabihin niya sa ibang tao para lang sa anak namin.” “Doon sila unang nagkaroon ng misunderstanding na mag-ina. Pinanood ko lang sila, pinakinggan ko ang side ng anak ko kung paano ka niya ipagtanggol.” “Iyon pa lang alam ko ng malakas na tama ng anak ko sayo.” Natawa si Elias samantalang hindi makapagsalita si Oliver dahil sa konsensya niya. “Kung akong tatanungin, ayos ka rin naman na sa anak ko. Approve na approve na ako sayo. Sayo ko lang nakita kung paano sumaya ng ganoon ang anak ko. At ikaw lang ang nakikita ko na lalaking alam kong hindi mananakit sa anak ko pisikal man o emotional.” “Kasi ang pagkakakita ko sayo ay isa kang lalaki na may prinsipyo sa buhay, madiskarte, mapursigi para matupad ang pangarap at isang mapagmahal na anak at kapatid. Dalawang babae ang importante sa buhay mo bago mo nakilala ang anak ko kaya alam kong itatrato mo siya ng tama gaya na lang ng pag-aalaga mo sa iyong kapatid na babae at sa iyong ina.” “Normal lang naman sa magkasintahan ang magkaroon ng maliit na away, hindi ba?” Pagtatanong ni Elias kaya marahan na tumango si Oliver. “Naintindihan ko naman iyon pero ang sakit lang na makita ang anak ko sa ganoong kalagayan dahil sa pagmamahal niya sayo.” Hindi alam ni Oliver kung anong sasabihin niya dahil alam niyang kasalanan naman niya. “Sana maayos niyo kaagad.” Tinapik ni Elias sa balikat si Oliver pagkatapos niyang sabihin iyon. Huminga muna ng malalim si Oliver bago siya magsalita pagkatapos ng ilang minuto niyang katahimikan. Para bang sa pananahimik niyang iyon ay nakapag isip siya ng mabuti na maling-mali ang ginawa niya kay Elisa. Na sobrang tanga niya dahil gusto pa niyang kilalanin si Avery kahit na may kasintahan na siya. Alam niyang doon nagsisimula ang pagtataksil pero hinahayaan niya lang ang kanyang katawan na magpa-apekto sa ibang babae. “Nagkausap na po kami.” Marahan na sagot ni Oliver. Nagulat si Elias dahil hindi niga inaasahan iyon. “Bago po ako pumunta rito, nakapag-usap na po kami.” Kumunot ang noo ni Elias tiyaka tumingin sa kanyang orasan na nasa pulso niya. Alam niyang may klase ang kanyang anak dahil binigay ni Elisa ang kanyang schedule sa noong unang araw ng pasukan. Sandali siyang napailing dahil mukhang hindi inalala ni Elisa na ma-late o hindi siya pumasok sa kanyang subject para lang makausap ang lalaki. “Ayos na po kami.” Hindi siya sigurado doon pero mukhang ayos na kanina si Elisa kaya iyon na ang sinabi niya sa ama nito. “Pasensya na po at sobra po kayong nag-alala.” Paghingi niya ng tawad dahil naramdaman niya ang sensiridad ang pagmamahal ng ama sa kanyang anak. “Naintindihan ko rin po lahat ng gusto niyong iparating.” Dagdag pa nito. Litong-lito na siya sa nararamdaman niya kanina pero parang nalinawan siya ngayon. Na dapat niyang hindi saktan si Elisa. Na dapat nga niyang iwasan si Avery dahil may girlfriend na siya. Na mas magandang unahin niya ang nararamdaman ng girlfriend niya kaysa sa ibang babae na hindi naman siya ganun kasigurado kung malungkot nga ba ito sa buhay. “May dawit ba ba babae sa pag-aaway niyo?” Pagtatanong ni Elias kaya napaawang ang labi ni Oliver, hindi makasagot. Tumikhim si Elias bago siya nagsimulang magsalita ulit dahil kahit na hindi sumagot si Oliver ay para bang nakuha na niya ang kasagutan sa kanyang tanong dahil sa pag tahimik ng lalaki pati na rin ang gulat sa kanyang mga mata na mukhang hindi alam kung ano ang isasagot. “Huwag mo sanang isipin na minamanipula kita.” Kaagad na agap ni Elias. “Kung ayaw mo na sa anak ko ay sana sabihin mo sa kanya ng mas maaga, ayoko naman siyang magmukhang tanga.” Pilit na tumawa si Elias kahit na may bahid ng pait ang kanyang tono sa pag-iisip na magmukhang tanga ang kanyang anak. “Kung dumating man ang panahon na hindi mo na naisip ang kinabukasan mo sa anak ko, mas mabuti pang sabihin mo sa kanya ng masinsinan na gusto mo ng tapusin ang relasyon niyo.” Pagpapayo ni Elias, alam niyang masasaktan panigurado ang kanyang anak pero mas maayos na iyon keysa magmukha itong tanga na siya lang ang nagmamahal mag-isa. “Huwag mo na lang siyang basta iwan nang wala man kasagutan sa lahat ng mga tanong sa kanyang isipan. Huwag mo siyang iwanan na para bang wala kayong pinagsamahan.” Hindi na iyon payo kung hindi pakiusap. “At sana, kung may ibang babae ka man na mamahalin. Sana… sana tapos na ang relasyon niyo ng anak ko bago ka magsimula ng relasyon sa iba.” Ngumiti si Elias kahit na masakit man pakinggan na makita ang anak niya panigurado kapag dumating man ang panahon na iyon. “Kung sa panahon na ayaw mo na sa kanya, ibalik mo siya sa akin. Ako na ang bahalang yayakap sa anak ko.” Halos madurog ang puso ni Elias sa pagkakataon na makita niyang halos hindi na makahinga ang kanyang anak sa kakaiyak. “Opo.” Mahina at tanging sagot lang ni Oliver. Nagpaalam rin sa kanya si Elias dahil may meeting pa ito kaya nagpaalam na siya at bumaba sa kotse. Naiwan si Elias na nakatayo sa gilid kung saan naka park ang kotse kanina habang malalim ang kanyang iniisip. Si Elias naman ay kaunting nadismaya sa binata dahil hindi man nito tinanggi na darating ang panahon na iiwan niya ang kanyang anak. Hindi man niya ito binigyan ng assurance na hindi na muling masasaktan si Elisa. Malalim siyang huminga dahil siya ang labis-labis na nasasaktan para sa anak at kung sakali man na maghiwalay sila ay hindi niya mapipigilan na sisihin ang sarili niya dahil binigay niya sa isang lalaki na akala niya ay matino ang kanyang prinsesa. Nanghihinayang din siya na masira ang imahe ni Oliver sa kanya dahil lang sa babae. Alam niyang hindi ganoong klase ang binata pero ano nga bang alam niya kung natatakpan ang kanyang panghuhusga sa mga magagandang katangian ng lalaki na sinasabi ng kanyang anak? Ang tanging hiling lang ni Elias ay sana hindi masira ni Oliver ang kanyang anak at hindi masira ni Oliver ang sarili niya mismo. Mukhang kahit na anong pag-iisip ni Oliver ay isa lang ang magandang desisyon na gagawin niya iyon ay ang: ipagpatuloy ang pagiging matinong lalaki at kasintahan. Kaunti na lang ay maniniwala iyang may potion nga si Avery dahil magsimula noong nakita niya ito ay hindi na mawala-wala sa kayang sistema ang dalaga. Tamad siyang naglalakad dahil nag-message na ang kanyang kaibigan na nasa canteen ang mga ito. Mukhang sa susunod na lang na araw niya yayain ang kanyang mga kaibigan na sa labas kumain para maiwasan nila si Avery. At hinihiling niya ngayon na sana sa labas ulit kakain sina Avery para hindi niya makita. Pero mukhang ayaw sa kanya ng tadhana ngayon. Kung kailan unti-unti nang nalilinawan ang kanyang pag-iisip ay nagsimulang tumambol ang kanyang puso kahit na likod pa lang ang nakikita niya sa babaeng naka-itim na kausap ang kanyang kaibigan. Lahat ng pinag-isipan at dapat niyang gawin kanina ay parang bulang naglaho ngayong nasa harapan niya si Avery. Kaagad na kumaway sa kanya ang dalawa niyang kaibigan para papuntahan siya kung saan sila kumakain. At para bang nag-slow mo ang pag-ikot ng dalaga para harapin siya na may ngisisi sa kanyang labi tiyaka maharot na ginalaw ni Avery ang kanyang mga kamay. “Hello,” She greeted.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD