CHAPTER 20
Parang lahat ng desisyon kanina ni Oliver na iwasan ang dalaga at huwag na itong pansinin ay biglang naglaho—biglang naglaho dahil nakita lang niya ang inosenteng mukha ni Avery. Nawala lahat ng gumugulo sa isipan niya nang tumama ang kanyang singkit na mata sa malamig na mata ni Avery. Na kahit natauhan siya kanina kung ano ang tama at mali ay parang naging tama lahat sa kanya ngayong nasa harapan niya ang babae.
Kung nakapag desisyon na siya kanina para hindi na gumulo ang kanyang utak, nang magtama ang mata nila ni Avery ay gumulo ulit iyon at halos hindi na siya makapag-isip ng tama. Natulala na lang siya at hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan.
“Oliver!” Pagtawag sa kanya ni Samuel. Nagtataka ang dalawa niyang kaibigan nang hindi siya gumalaw tiyaka lang siya nakatitig kay Avery na para bang malalim ang kanyang iniisip.
Dahil sa pag sigaw na iyon ni Samuel ay natauhan si Oliver tiyaka unti-unting lumapit sa lamesa. Kahit na sinasabi ng kanyang utak na umalis na lang siya sa canteen ay para bang pinagtaksilan siya ng dalawa niyang paa dahil hindi ito sumunod sa kagustuhan niya.
Bilang depensa niya ay gusto niyang lumapit sa lamesa para patunayan niya hindi lang sa kanya kung hindi maging sa mga taong nakapaligid sa kanya na walang epekto si Avery sa kanya.
Samantala, ngumisi lang si Avery dahil konting effort lang ay bibigay na sa kanya ang lalaking bagong upo sa kanyang tabi. Alam niya na sa oras na hinalikan niya ang lalaking ito ay bibigay na kaagad siya pero ayaw niya munang gawin iyon dahil masisira ang pinakagusto niyang pakiramdam. Isa pa, ang saya kaya sa pakiramdam na matingnan ang lalaki na kinakabahan o di kaya ay pilit na nilalabanan ang epekto nito sa kanya. Mas maganda pa itong panoorin kaysa sa mga pinapanood nilang movie.
Naamoy niya kaagad ang pabango ni Oliver, alam niyang hindi mamahalin ang pabango na iyon kaya hindi pamilyar sa kanya. Pero napatango si Avery dahil kahit na hindi iyon mamahalin ay mabango pa rin ito at malakas ang dating sa mga babae. Kaya naman pala ganoon ang nagiging epekto niya sa mga tangang babae.
“Saan ka galing? Ang tagal niyong nag-usap ni girlfriend!” Asar ni Samuel dahil gusto pa rin niyang malaman kung tama ba ang hinala nila na nagseselos si Elisa kay Avery. Well, who wouldn’t get jealous of Avery? She has everything.
Nahihiyang binaba ni Lindsey ang pagkain nila ni Avery sa lamesa tiyaka humatak ng isang upuan mula sa kabilang lamesa dahil pang-apat na tao lang ang inuupuan nila. Nasa gitna siya ngayon habang nasa magkabilang gilid niya sina Samuel at Avery, magkatapat ang dalawa na sna Oliver tiyaka Henry.
“Dude, I told you. You’re so nosy for a man.” Henry chuckled dahil hindi niya inakala na curious na curious siya sa lover’s quarrel nina Oliver.
“What? You should stop stereotyping things.” Sambit ni Samuel dito. “I’m just concerned for our friend.” Totoo rin naman ang sinabing dahilan ni Samuel dahil mukhang problemado ang kanyang kaibigan na pumasok kanina sa canteen tiyaka pa siya natigilan na animo’y ang lalim ng iniisip. At sigurado siya na ang pag-aaaway ng girlfreind nila ang bumabagabag sa kanya.
“Some things that wouldn’t matter to you.” Simpleng sagot ni Oliver. Natawa si Henry sa sinagot ng kaibigan pagkatapos ay in-slide niya ang pagkain na in-order niya kanina kay Oliver. Ayaw kasi nila na dumating ang kaibigan nila habang kumakain sila pagkatapos ay walang pagkain ang isa sa kanila.
“You’re mean, I was just concerned?” Hinawakan pa ni Samuel ang kanyang dibdib para ipakita na nasaktan siya sa sinabi ng kaibigan niyang si Oliver. Napailing si Oliver tiyaka kinuha ang kutsara sa tray at nagsimula na siyang kumain.
“Henry told us that you fought because of me?” Nabulunan kaagad si Henry dahil hindi niya inaasahan na ilalaglag siya nang ganon-ganon lang ni Avery kaya nagmamadali niya kinuha ang inumin niya para makainom.
Pero kahit na maingay na umubo-ubo si Henry ay hindi siya pinansin ni Avery sa halip ay kay Oliver nakatuon ang kanyang pansin. Kaagad naman sinamaan ng tingin ni Oliver si Henry kaya habang umiinom siya ay napaiwas siya ng tingin dahil mukhang inaakusahan ni Oliver ang buong pagkatao niya.
“Yeah, Henry really told us that. She said that Elisa is jealous of Avery!” Panggatong ni Samuel para asarin si Henry dahil inasar niya ito kanina bilang chismoso. Pabiro pero may kalakasan na sinuntok ni Henry ang kanyang katabi dahil baka magalit sa kanya si Oliver. Malaking tulong din sa kanya si Oliver dahil minsan ay nahihirapan na siya sa isang subject ay ipapaliwanag niya kaagad iyon sa kanya.
“Why would she be jealous?” Pagtatanong ni Oliver bilang pagtatanggol sa kanyang girlfriend dahil baka pinagtatawanan nila si Elisa. Hindi niya matanggap na mahusgahan ang babae dahil lang sa kanya. Hindi niya tuloy maiwasan na mag-flashback ang sinabi ng ama ni Elisa kanina na ayaw niyang magmukhang tanga ang kanyang anak na babae.
“Right?!” Kaagad na sambit ni Samuel para ipagyabang kay Henry na mali ang hinala nito.
“Who knows?” Si Avery habang nakangisi at hinihintay ang magiging reaksyon ni Oliver, hindi nga siya nagkamali sa simpleng reaksyon ng binata dahil nakita niya kung paano umigting ang panga nito.
“Right!” Segunda ni Henry kay Avery. “Just look at Avery, she has the looks, the money, the fame, the talent, and the brain. Every girl would be jealous of her.” Pagpuri ni Henry habang tinuturo pa si Avery kaya lumawak ang ngiti ni Avery doon.
“Well, my woman is not a girl.” Tipid na sambit ni Oliver.
Loyal… but not faithful. Iyan ang katagang tumatakbo sa isip ni Avery habang pinagmamasdan niya si Oliver. His girls should differentiate the word loyal and faithful and how it is different from each other.
Maybe I should talk to Elisa? Pagtatanong ni Avery sa kanyang sarili katulad nang ginawa niya kay Marina noong naging paranoid siya sa pag-aakala na umiiyak nga ang kaibigan nito sa Elisa sa field ng university.
“Then why is she paranoid about me?” Pagtatanong ni Avery bilang pang-aasar kay Oliver. Magsimula kasi noong umupo ito sa tabi niya ay hindi na tumingin ang binata sa kanya.
Napaayos siya ng upo dahil matalim na tumingin si Oliver sa kanya pagkatapos niyang itanong iyon.
Hindi maiwasan na mainis ni Oliver dahil sa sinabi ni Avery. Hindi pa nga malinis ang konsensya niya kay Elisa tapos ay nakakarinig pa siya ng kung ano-ano na hindi naman gawain o ugali ng kanyang girlfriend. Lalo siyang nakokonsensya kapag may sinasabing masama tungkol kay Elisa dahil para bang nakikisali siya sa mga taong walang tiwala sa kanyang girlfriend. At kapag sinabi niyang mga tao ay isa lang talaga ang ibig niyang sabihin—si Avery.
Alam niyang hindi maganda ang epekto sa kanya ng dalaga na katabi niya ngayon dahil kayang sirain ng babaeng ito maging ang prinsipyo niya sa buhay kaya nararapat lamang siguro na sundin niya kung anong gusto ng kanyang girlfriend.
“She is not.” Matigas ang bawat salitang binitawan niya. Nagsikuan sina Samuel at Henry dahil ngayon lang nila nakitang ganon ka seryoso si Oliver at natatapos sila na mapunta ang usapan nilang dalawa sa gulo. Maging si Lindsey ay hindi niya maiwasan na magpanic kasi ramdam niya rin ang tensyon sa dalawa.
Pero ibahin ng tatlo si Avery, imbis na makaramdaman ng kaba ay kasiyahan ang nararamdaman niya dahil sa wakas ay bumaling na ang atensyon sa kanya ng lalaki. Ramdam niyang iwas na iwas si Oliver para tingnan niya ito kaya naman ngayong nakuha niya ang gusto niya ay malawak siyang napangiti.
“Oh really? That is why you didn't unblock me yet?” Tinukod ni Avery ang kanyang siko sa lamesa pagkatapos ay nilagay niya ang kanyang kamay sa ilalim ng baba niya habang nakatagilid siyang nakatingin kay Oliver.
“Why are you so obsessed with being my friend on f*******:?” Hindi maiwasan ni Oliver ang mainis at hindi niya naitago iyon sa kanyang boses dagdag pa ang kunot noo nito dahil hindi niya maintindihan si Avery.
“Why? Isn't it legal to be friend with you?” Tumaas ang kilay ni Avery pero hindi pa rin nawala ang kanyang ngiti. Akala ba niya madadaan siya ni Oliver sa pagkukunot noo niya pati na rin ang inis sa kanyang boses?
“Isn't it obvious that I have a girlfriend?” Pagpapamukha sa kanya ni Oliver dahil mukhang limot iyon ni Avery kung umasta ito.
“I know. You have a paranoid girlfriend and she clearly doesn't trust you. Akala niya kapag in-accept mo ako sa f*******: ay magiging tayo, hindi ba?” Ngumisi si Avery para lalong inisin si Oliver. “Takot na takot ang girlfriend mo na maagaw kita gayong wala naman akong ginagawa para maagaw ka? O natatakot ang girlfriend mo dahil alam niyang iiwanan mo siya para sa akin?” Buong loob na tanong ni Avery sa kanya.
Samantala habang nag-aaway ang dalawa, ang tatlo ay tila nanonood sila ng pelikula habang tinitignan na nagkakasagutan ang dalawa. Kung susuriing mabuti ay para bang may gusto si Avery kay Oliver pero imposible naman iyon dahil ni minsan ay hindi nila nakitaan na magbigay ng interes si Avery sa mga lalaki.
Gusto man sana nila itong awatin ay natatakot sila na baka mawala ang 'friendship' na nabuo nila kay Avery dahil lang sa pag-singit nila. Sinubukan senyasan ni Samuel si Lindsey dahil siya lang ang kakilala niyang makakapigil kay Avery pero malungkot na umiling si Lindsey dahil alam niya sa kanyang sarili na kapag ginawa niya iyon ay sa kanya mabubuntong ang inis ni Avery at ayaw niyang may kawawang hayop na namang madamay dahil sa kanya.
“This getting hot, you should stop them.” Bilong ni Samuel kay Lindsey pero sunod-sunod ang pag-iling ni Lindsey. “What? You are her best friend.” Hindi makapaniwala na sambit ni Samuel. Kinakabahan din siya sa porma ni Oliver ngayon dahil mabait ang kanyang kaibigan at ngayon niya lang nakitaan ng sobra-sobrang pagkainis.
“Why me? You should stop your friend instead.” Sagot ni Lindsey dahil nagkakamali sila ng iniisip. Hindi kaibigan ang turing sa kanya ni Avery kaya ipapahamak niya lang ang kanyang sarili sa oras na pinigilan niya itong makipag-away kay Oliver.
“We can't stop him, just look at his eyes.” Muling bulong ni Samuel nang nagsabi si Avery tungkol sa hinala niya kay Elisa.
“I can't either.” Tipid na sagot ni Lindsey tiyaka siya nagpatuloy sa kanyang pagkain. Hindi makapaniwala si Samuel at maging si Henry dahil sa ginawa ni Lindsey na para bang normal na sa kanya iyon.
Well, normal lang naman sa kanya na palaging ganyan si Avery at alam niyang wala na silang magagawa para mapigilan ito unless, aalis na lang si Oliver.
Magsimula noong isang linggo, pinangako ni Lindsey sa kanyang sarili na hindi na siya gagawa nang ikaiinis ni Avery dahil kawawa ang mga inosenteng hayop na nadadamay. Hindi na nga siya makapag-alaga sa bahay nila ay hindi niya pa maprotektahan ang mga hayop na pakalat-kalat sa kalsada na mukhang naliligaw ng landas.
“Ha!” Singhal ni Oliver tiyaka bahagyang natawa dahil sa sinabi ni Avery. “Too much confident, eh?” Sarkastiko ang ginamit niyang tono pero lalong ngumisi si Avery dahil ito ang gusto niya.
Ito ang ‘thrill’ na sinasabi niya—na hindi basta-basta magpapatalo sa kanya si Oliver at hindi siya basta-basta lalambot kay Avery dahil alam ni Avery na iniisip nito ang kalagayan ng kanyang girlfriend.
“Why don't you ask yourself why I am confident this much?” Ngising pagtatanong ni Avery. Kumunot ang noo ni Oliver dahil hindi niya maintindihan kung ano ang pinapahiwatig nito. “Is it because I am really confident or is it because you're giving me confidence?” Natatawang tanong ni Avery.
Sandaling natahimik si Oliver sa sinabi ng dalaga. Anong gusto niyang ipahiwatig? Gusto ba niyang ipahiwatig na alam niyang may gusto siya sa kanya kaya naman mataas ang confident niya para sabihin iyon?
Ngumisi si Avery dahil napansin niya kaagad ang epekto ng sinabi niya kay Oliver. Sa pagtigil at sa ekspresyon pa lang ng mukha nito ay alam na niyang naguguluhan na si Oliver sa kaloob-looban niya.
“Oh? Did you find your answer already?” Panunuyang tanong pa nito sa binata. “Do you like me, Oliver?” Mapaglaro ang kanyang tanong habang mapaglaro ang kanyang mga ngisi para lalong sumabog si Oliver.
Muling natahimik ang dalawang kaibigan ni Oliver dahil sa diretsong pagtatanong ni Avery. Halos mamangha sila sa lakas ng loob na pinapakita ng dalaga, nadagdagan lalo ang paghanga nila dahil nasaksihan nila sa harapan nila mismo kung gaano katapang ang dalaga at wala itong inuurungan.
Si Lindsey ay tahimik nalang na kumain dahil mukhang walang balak kumain si Avery kasi nag-enjoy siya ngayon na paglaruan sa kamay niya si Oliver. Alam niyang nabibilog na ni Avery ang binata base sa reaksyon ni Oliver.
Pupunta pa sila sa kumpanya mamaya kaya masisigurado niyang gugutumin siya kapag hindi pa siya kumain ngayon. Pasimple niya lang tinitignan ang dalawa habang nagpapalitan sila ng salita. Sinusubukan niya rin na huwag gumawa ng ingay ang kanyang mga kubyertos habang kumakain siya dahil baka masira ang tensyon sa dalawa at siya ang ipapahiya ni Avery.
“Do you hear yourself?” Hindi makapaniwala na tanong ni Oliver kay Avery. Pilit niyang tinatakpan ang kaba sa kanyang boses, ayaw niyang ipakita sa dalaga na kabado siya dahil sa sinabi niya.
Pero ang totoo, hindi niya maintindihan kung bakit bumilis ang t***k ng kanyang puso dahil sa tanong ni Avery sa kanya. Wala siyang ibang alam na paraan para ibalik ito sa normal na pagtibok.
“Of course,” Ngisi ni Avery. “I could also hear your heartbeat.” Dagdag pa nito tiyaka tumingin si Avery sa dibdib ni Oliver. Kahit hindi niya makita at maramdaman gamit ang kanyang kamay ay alam niyang mabilis ang pagtibok ng kanyang dibdib.
Hindi na maiwasan na mapaawang ang labi ni Oliver dahil sa sinabi ni Avery. Hindi niya inaasahan na mahahalata ito ng dalaga. Maging ang dalawa niyang kaibigan ay napatingin din sa kanyang dibdib at katulad ulit kanina, hindi nila maiwasan na mamangha kay Avery.
“Stop with your nonsense.” Tipid na sabi ni Oliver kaya natawa ang dalaga.
“What? I'm not talking nonsense. I'm wondering why'd you block me.” Inis na inilabas ni Oliver ang kanyang cellphone tiyaka niya pinindot ang application na f*******:.
Mabilis ang paggalaw ng daliri niya para i-unblock si Avery tiyaka niya in-add bilang friend para matapos na ang usapan nilang dalawa. Ngumiti si Avery dahil bandang hili siya pa rin ang nanalo. Umilaw ang kanyang cellphone sa notification kaya kaagad niyang in-accept si Oliver.
“Say this to your girlfriend that you are the one who added me on facebook.” Pero hindi man lang tinapos ni Oliver ang sinasabi ng dalaga dahil tumayo na siya para umalis. Ayaw niya man aminin pero napikon siya sa dalaga.
Agad na naging alerto si Avery sa biglaang pagtayo ni Oliver kaya tumayo rin siya. Mabilis at mahahaba ang paghakbang ni Oliver, ayaw niyang habulin ito kaya may naisip siyang paraan para mapahinto ang isang Oliver Ian Laureta.
“I like you!” Sigaw nito na hindi lang si Oliver ang napahinto kung hindi maging ang lahat ng estudyante sa canteen sa biglaang pag sigaw ni Avery. Si Lindsey naman ay halos mabulunan dahil hindi niya inaasahan na gagawin ng kanyang kaibigan iyon.
Nagtiim ang bagang ni Oliver dahil sa pagsigaw ni Avery, napahinto siya pero hindi siya lumingon kay Avery na nakatayo sa gilid ng lamesa nila habang nakangising nakatingin sa likod ni Oliver.
“I like you, Oliver!” Sigaw pa nito. Napailing na lang si Oliver tiyaka nagsimulang maglakad palabas ng canteen.
“I like you very much, Oliver Ian Laureta!!!”