CHAPTER 18

2802 Words
CHAPTER 18 “Elisa.” Pagtawag ni Oliver sa kanyang kasintahan nang madatnan niya itong naghihintay sa labas ng kanilang classroom. Kakatapos lang ng lecture nila sa isang professor at meron silang isang oras na break bago ang isa nilang subject. “Sa labas tayo ulit kakain para makasama nati-ops!” Hindi lang ang salita ni Samuel ang natigil kung hindi pati na rin ang paglalakad niya at nahinto siya ngayon sa gilid ni Oliver ganun din naman si Henry na pare-pareho nilang hindi inaasahan na nandito ang kasintahan ng kanilang kaibigan. “Ano?!” Pagtatanong ni Marina nang nagpaalam sa kanya si Elisa para puntahan ang kanyang kaibigan. “Thirty minutes lang ang break natin! Kung hihintayin mong matapos ang klase nila, fifteen minutes pa before dismissal! Baka ma-late ka pa!” Pagpapaalala ni Marina sa kaibigan para matauhan siya dahil mukhang handa niyang sirain ang kanyang pag-aaral para lang sa ginawang katangahan ng kanyang pinsan. “Mabilis lang ito! Mag-uusap lang kami saglit!” Nagmamadaling inayos ni Elisa ang kanyang gamit kaya walang nagawa si Marina kung hindi tulungan sa pagliligpit ang kanyang kaibigan. “Bakit ikaw pa ang kailangan pumunta? Bakit kailangan ikaw na naman ang mag-adjust e wala ka nang share sa kasalanan na ginawa niya hindi tulad noong una niyong misunderstanding!” Padabog na sambit ni Marina habang inaayos niya ang highlighter ng kanyang kaibigan sa pen capsule nito. “Kapag ikaw nalate ng fifteen minutes automatic ka ng absent at hindi ka na nila papasukin!” Mahalaga rin ang attendance sa klase at kapag hindi naka attend ng lecture si Elisa at may biglaang quiz ay hindi niya matatake iyon kahit anong dahilan pa niya. “Hindi na kasi ako mapakali! Kailangan ko na siyang makausap ngayon.” Pagpapaliwanag ni Elisa tiyaka na niya sinarado ang kanyang bag. “Ikaw na ang bahalang lumusot kay prof para sa akin.” Nagmamadaling naglakad palayo si Elisa tiyaka kumindat pa sa kanyang kaibigan. Gusto na niyang makausap ngayon ang lalaki dahil hindi niya alam kung kaya pa ba niyang mag-focus sa lahat ng subject nila ngayon sa dami ng gumugulo sa isipan niya. Gusto niya lang makuha ang sagot ni Oliver tungkol sa kanyang kondisyon. Alam niyang nagmumukha siyang paranoid na girlfriend pero kailangan na niya talagang sabihin iyon at makuha ang sagot ng lalaki para kumalma na ang sistema niya. “Una na muna kami.” Wika ni Henry tiyaka niya hinila si Samuel para maiwanan na nila ang dalawa. “Message ka nalang namin kung saan kami.” Dagdag na sigaw pa nito habang naka-akbay kay Samuel at naglalakad silang pareho sa hallway. “They fought, no?” Tanong ni Samuel. Kahit hindi sabihin sa kanila ni Oliver ay ramdam nilang may problema kanina ang lalaki dahil sa isang oras ay hindi nila mabilang kung ilang beses na bumuntong hininga ang kanilang kaibigan. “What was the reason? Maybe Elisa was at fault since she’s the one who came to talk.” Samuel voices his guess loud. “Dude, you’re nosy.” Henry chuckled. Inalis na niya ang pagkaka-akbay kay Samuel. Mukhang may hinala na siya kung bakit nag-away ang dalawa ang pinagtataka nga lang niya ay kung bakit si Elisa ang lumapit kay Oliver kung tama ang kanyang hinala. Kagaya ng sabi ni Samuel na baka si Elisa ang may kasalanan kaya siya ang nag-effort na pumunta. “Wha? I’m just curious since he’s our friend!” Depensa ni Samuel. “Even though he threatened me not to talk with his cousin. Dude, I’m not even interested in his cousin. What’s her name again?” “Don’t fool me, you’re stalking his cousin’s i********: earlier.” Henry chuckled again, which is why Samuel slightly punched his shoulder. “Damn you bro! I’m just curious about Oliver’s girl!” Mariin na pagdedepensa ni Samuel sa kanyang sarili habang tumatawa-tawa naman si Henry. “For real! I saw Oliver not in the mood earlier so I was curious if they fought? And I saw his cousin's IG account so I could know his girlfriend’s username!” “Yeah right, that is why you stalked Marina’s feed right?” “Yes! I mean no! I didn’t! f**k you!” Samuel even raised his middle finger. “But anyway, you know the reason why they fought, right?” “I don’t. Oliver didn’t tell us. Why would I know?” “Tsk.” Sagot ni Samuel sa kaibigan dahil hindi man lang niya nasagot ang katanungan sa isip niya. “You have a class.” Wika ni Oliver tiyaka niya tinignan ang wrist watch niya. Ten minutes na lang ay may klase na ang dalaga pero nandito na sila sa garden dahil niyaya siyang mag-usap ni Elisa. Hindi maiwasan na ngumiti ni Elisa dahil kahit papaano ay may alam sa kanya ang lalaki. Ang buong akala niya ay walang alam ang lalaki sa kanya kahit na maliit na bagay lang ang sinabi niya tungkol sa schedule niya ay hindi niya maiwasan na masiyahan. “I know but Marina can handle it.” Sambit ni Elisa tiyaka naubo sa isang bench. Habang hindi alam ni Marina kung anong gagawin habang tumitingin sa cellphone niya ng oras at kung may message ba si Elisa sa kanya dahil sampung minuto na lang ay darating na ang terror nilang professor. “Can you back me up?” Pagtatanong niya sa dalawang magkasintahan na nasa likuran niya. Kaklase nila iyon pero hindi niya ganoong ka-close pero wala siyang choice kung hindi makausap sa kanilang dalawa. “Sure, what was that?” Pagtatanong ni Princess gamit ang malambing niyang boses. Buti na lang ay mabait ito kaya hindi masyadong mahihirapan si Marina. “Elisa will be late kasi eh. She’s having diarrhea so she’ll be late.” Pagsisinungaling ni Marina dahil hindi naman tatanggapin ng professor nila ang dahilan na nakipag-usap ito sa boyfriend niya at baka pahirapan pa ito sa recitation sa next meeting. “Oh? Is she okay? Where is she?” Nag-aalala na tanong ni Princess. “She’s in the university's restroom. You know.” She chuckled shyly. “Our professor might not believe me, you know that woman’s trust issue.” She chuckled again but this time Princess chuckled too. “She doesn’t even believe our classmate was in the hospital the last time if she didn’t even bring her mother’s medical certificate!” Pagkukwento niya pa sa nangyari noong isang araw. “Maybe, her trust issue was the reason why she is single despite her age no?” Pagtatanong niya pa kaya marahan na natawa si Princess. “I think she’s so pretty on her time because she’s like a vampire but sadly, maybe it is really because of her trust issue? Scared of commitment? Oh she doesn’t really trust anyone?” Curious na pagtatanong pa ni Marina. “Yeah, yeah. Don’t worry. You need a witness, right?” Princess asked, which is why Marina immediately nodded. “If it’s okay with you.” Nahihiya niyang tinignan si CJ na kasintahan ni Princess. Masyado kasi itong seryoso sa buhay kaya hindi niya alam kung papayag kaya ito at napaniwala niya na may diarrhea nga si Elisa. “She seemed fine earlier.” Napaawang ang labi ni Marina dahil napansin nga pala nilang masigla kanina si Elisa. “Hon, maybe something personal came up.” Bulong ni Princess sa kanyang kasintahan. “Just say yes.” Utos pa ni Princess dahil kakilalang-kakilala niya ang professor nila at wala itong awa. “Don’t worry, he’ll agree.” Princess assures Marina kaya naiilang na ngumiti tiyaka tumango si Marina. “Thank you! I will vouch for both of you if you need me, next time!” Agap ni Marina dahil nahihiya siya sa tingin sa kanya ni CJ na para bang hinuhusgahan nito ang kanyang pagkatao. “It won’t be easy to persuade her.” CJ said. Napilitan siyang ngumiti dahil kailangan niya talaga ng tulong at bawal siyang magtaray ngayon. “But yeah, you have Princess to back you up.” Kumunot ang noo ni Marina dahil sa sinabi ni CJ, marahan na kinurot ni Princess ang kanyang kasintahan. “This will be a secret, okay?” Nahihiyang si Princess tiyaka umusog para maibulong niya kay Marina ang sasabihin niya. “Miss Salazar is actually my mother.” Gulat na gulat si Marina dahil sa sinabi ni Princess dahil sinabi pa niyang may trust issue tapos ina niya pala! “Huh? What?!” Hindi niya mapigilan ang gulat kaya sinenyasan siya ni Princess na huwag maingay kaya medyo kumalma si Marina dahil may iilan sa mga kaklase nila ang napatingin. “You mean… she is your mother?” Hindi pa rin makapaniwala na tanong ni Marina kaya marahan ang pag tango ni Princess habang may ngiti sa kanyang labi. “Wow. I even talked about her trust issue in front of her daughter.” Hindi pa rin maitago ang surpresa sa mukha at sa boses ni Marina habang siansabi niya iyon. “But you’re not Salazar and she’s Miss?” Pagtatanong ni Marina. Nakita niyang nailang si Princess kaya kaagad niyang binawi iyon. “Nevermind, it’s not my business. I’m sorry.” Kaagad niyang agap dahil ang sensitive niya para itanong pa iyon. Siguro ay may family problem sila na sila lang dapat ang nakakaalam. “No. It’s okay.” Malambing na sabi ni Princess. Hindi tuloy siya sigurado kung susuportahan pa siya ni Princess dahil sa pakikialam niya sa hindi niya buhay. “Don’t worry, we will still back you up! Diarrhea, right?” Para siyang nakahinga ng maluwag dahil don kaya tumango-tango siya bilang pagsang-ayon. Nakasunod si Lindsey kay Avery habang papunta sila sa canteen dahil ngayong oras na sila kakain ng lunch. May kailangan kasing asikasuhin sandali si Avery sa publishing company kung saan naka-publish ang mga libro niya. Kumunot ang noo ni Avery habang nakita ang dalawang pamilyar na tao, ang kaso nga lang ay wala ang isang lalaki na gusto niyang makita para maasar niya naman bago siya pumunta sa company. “Avery!” Kumaway si Samuel sa kanya kaya kaagad nilang nakuha ang atensyon ng cateria. Kaagad na napangisi si Avery dahil hindi na niya kailangan pang gumawa ng ingay para makuha ang atensyon ng mga kumakain sa canteen dahil kay Samuel. Nakangiti siyang kumaway kay Samuel kaya narinig niya ang iilang pagsinghap ng ilan. Karamihan doon ay ang mga lalaki dahil ngayon ang unang pagkakataon na nakita nilang pumansin si Avery liban sa mga aawayin niya. “The usual.” Sambit ni Avery kay Lindsey para siya na ang kumuha ng pagkain niya sa counter. Adobong baboy ang paborito niyang kainin dahil ang baboy ang nagpamulat sa kanya na masayang katayin ang mga hayop. Nakangiti siyang lumapit sa lamesa ng dalawa dahil alam niyang makakakuha siya ng impormasyon kung bakit hindi nila kasama ang lalaki. Pagkaupo niya ay kaagad niyang pinagkrus ang kanyang legs tiyaka niya nilagay ang kanyang kamay sa ilalim ng kanyang baba habang tinignan ang dalawang lalaki sa harapan niya. Gulat ang dalawa dahil hindi nila inaasahan na uupo ngayon si Avery sa tapat nila. Ang buong akala nila ay ngingitian at kakawayan lang sila ni Avery pero mukhang nagkamali sila. Lalo pa silang natigilan dahil sa ganda ni Avery na kahit simple lang ang kanyang paggalaw ay para bang nag slow-mo sa kanilang dalawa at wala silang magawa kung hindi mamangha sa kagandahan na taglay ng dalaga sa harapan nila. “Kulang kayo?” Simpleng pagtatanong ni Avery. Mabilis na inayos ng dalawang lalaki ang kanilang itsura tiyaka mabilis na sinulyapan ang upuan palagi ni Avery sa canteen para masiguradong hindi sila nag-iilusyon. Napangisi si Avery dahil sa nagiging epekto niya sa mga kalalakihan. Hay, mga lalaki nga naman. “Si Oliver ba?” Kaagad na tanong ni Henry kaya tumango si Avery. “Ah, may LQ sila ng girlfriend niya. Nag-uusap sila ngayon kaya hindi pa namin kasama.” Mabilis na paliwanag niya. Natawa si Avery dahil halata sa dalawa na kabado sila. Hindi katulad ni Oliver na kahit ramdam niyang kabado si Oliver ay hindi pinapahalata ng binata na apektado ito sa kanya. “Owh.” Maarteng sagot ni Avery. “I hope they will fix their issues.” Kunwari ay concern na wika niya. Kapani-paniwala pa siya dahil sa acting niya na dinaig pa ang isang artista. “I wonder why they fought.” Umakto pa siyang nag-iisip tiyaka napabuntong hininga kahit na alam niyang siya ang dahilan kung bakit nag-away ang magkasintahan. “Oh!” Gulat na turo ni Samuel kay Avery dahil sa biglang tinuran niya. “We’re both wondering!” Ngiti ni Samuel na tila ba nakatama siya ng isang numero sa lotto. “I think we’re soulmates!” Dagdag pa nito. Marahan na natawa si Avery tiyaka pa siya umakto na nahihiya dahil sa sinabi ni Samuel habang winagayway niya ang isa niyang kamay para takpan din ang mukha niya na kunwari ay namumula siya kahit ang blush na nilagay niya kanina ang naging dahilan. Ang totoo ay nasusuka siya sa sinabi ni Samuel, anong soulmate pinagsasabi niya? Hindi man nga ito pumasa sa mga standard niya. “I think they fought because of you.” Agad na sumingit si Henry sa dalawa kaya pareho silang napatingin sa kanya. Alam naman ni Avery na dahil sa kanya pero iyong pakiramdam na may nagsabi sa kanya na totoo ang hinala niya ay nakapa-fulfilling. “Dude, I thought you didn’t know?” Hindi maiwasan ni Samuel na may pagtatampo ang kanyang boses dahil hindi sinabi sa kanya ni Henry ang dahilan kanina pero ngayong kaharap nila si Avery ay biglaan niyang sinabi. “I just know.” Kibit-balikat na sabi ni Henry. “You’ll be late, Marina said your next professor was strict.” Panermon ni Oliver sa kasintahan dahil kahit na gusto niyang mag-usap sila ng maayos ay nag-aalala siya sa pag-aaral ni Elisa. “I told you, Marina can handle it.” Sambit ni Elisa na may ngiti sa kanyang labi. “I’m sorry.” Sambit ni Oliver dahil mukhang hindi susuko ang dalaga kung hindi sila makapag-usap ngayong oras na ito. “I am really sorry. Elisa.” Halos manlambot siya habang sinasabi niya iyon. “I know.” Sagot ni Elisa habang may ngiti sa kanyang labi. “Nakapag-isip na rin ako ng maayos.” Hindi maiwasan ni Oliver na kabahan dahil sa desisyon ng dalaga. Kung hindi makapaghintay ang dalaga na sabihin niya ito sa kanya ngayon ay nasisigurado niyang napaka-importante ang sasabihin niya. Kahit na may paraan para hiwalayan niya ang dalaga ay ayaw niyang madismaya ang kanyang ina dahil gustong-gusto niya talaga si Elisa para sa kanya. Alam niyang malulungkot ang ina niya sa oras na naghiwalay sila ni Elisa. Palaging tinatanong ng kanyang ina ang kanyang kasintahan sa araw-araw lalo na kapag sabay-sabay silang nagsasalo ng hapunan. Ang palaging sinasabi sa kanya ni Lian ay huwag saktan ang dalaga dahil napakaganda at napakabait nito. Na sa oras na saktan niya ang dalaga ay para na niyang sinaktan ang kanyang ina. Kaya isa rin iyon sa dahilan kung bakit hindi siya makatulog ng maayos. Iniisip niya ang mga paalala ng kanyang ina sa kanilang relasyon at kung paano siya malulungkot sa oras na naghiwalay silang dalawa. Alam niyang nahihirapan ang kanyang ina hanggang ngayon dahil hindi ganito ang buhay na kinagisnan niya kaya ayaw na niya itong malungkot pa. “Easy.” Elisa chuckled. Naramdaman niya kasi na kabado ang binata. “Don’t worry, this is not a farewell talk. I am not breaking up with you.” and I won’t gusto sanang idagdag ng dalaga iyon ang kaso lang ay nahihiya niyang sabihin iyon. “Tell me anything you want so I can make it up to you.” Halos magmakaawa si Oliver na sabihin niya iyon kaya hindi maiwasan na matawa ng dalaga. “You will?” Hamon pa niya sa kanyang kasintahan kaya kaagad tumango si Oliver. If that’s the only way then he’s willing to take it. “Do not talk with Avery. Do not come near her. Avoid her like what you’re saying that you avoided her for one week. Avoid her for the rest of your life.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD