CHAPTER 24
Malamig na tiningnan ni Avery ang kanyang lolo dahil sa pagtatanong niya. Kagaya nga ng inaasahan niya ay makakarating ito sa kanyang lolo lalo na’t gumawa talaga ito ng eksena kanina.
Samantala, sanay na ang kanyang lolo sa malalamig na titig ng kanyang apo kaya hindi nawala ang ngiti sa mga labi nito. Mukhang matutupad ang gusto niyang mangyari bago man siya mamatay na may mag-aalaga sa kanyang apo kagaya na lamang ng pag-aalaga nito sa kanya.
Hindi na rin lingid sa kanyang kaalaman ang kondisyon ng kanyang apo kaya nahihirapan siyang makahanap ng lalaking tatanggapin siya ng buo at iintindihin sa kabila ng ibang takbo ng kanyang pag-iisip.
“Who said that I like him?” Mataray na tanong ni Avery tiyaka siya nagpatuloy na maglagay ng pagkain sa kanyang plato. Bahagyang napaawang ang labi ni Alejandro dahil sa sagot ng kanyang apo.
“That was what you said earlier.” Mahinahon na sambit ni Alejandro para hindi mainis si Avery. “I was there, watching you.” Maligayang pagkukwento pa ni Alejandro dahil sa unang pagkakataon ay nakitaan niya ang kanyang apo ng interes sa ibang tao at sa isang lalaki.
Kaya kanina ay nakangiti niya lang pinapanood ang kanyang apo kahit na mukhang hindi siya pinansin ng binata. Surely, he can do anything with that man so he’ll like his granddaughter back.
“Right, Lindsey? Your best friend was brave enough to confess to the guy he likes, don’t you think so?” Sandaling nagpanic si Lindsey habang hawak-hawak niya ang kanyang kutsara dahil sa tanong ng lolo ni Avery.
Hindi niya kasi alam kung dapat ma siyang um-agree sa lolo ni Avery o isipin kung anong gustong marinig ni Avery bilang sagot. Maingat siyang nag-angat ng tingin para salubungin ang tingin ni Avery na ngayon ay nakataas ang kanyang kilay na tila hinihintay ang magiging sagot ni Lindsey.
“She-she’s really brave even before.” Iyon ang pinaka-safe na alam niyang sagot sa lolo ni Avery. Para lang siyang nakahinga ng maluwag nang biglang nagsalita si Alejandro.
“Of course!” Agap ng matanda bilang pagpuri sa kanyang apo. “I feel like that man walked out because he didn’t know what to do after hearing my beautiful granddaughter’s confession.” Dagdag na pagpuri pa nito dahil baka mainis si Avery sa pag-walk out ng lalaki sa kanya kanina. “I mean, who wouldn’t pressure, right Lindsey? The Avery Danna Nieva just confessed!” Alejandro said that with so much exaggeration dahil mukhang wala sa mood ang kanyang apo.
Tumikhim siya dahil hindi kumikibo si Avery tiyaka siya umayos ng upo. Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa may bandang baba niya tiyaka niya marahan na pinaglalaruan ang kanyang mga daliri habang nakatingin sa kanyang apo.
“Do you want me to do something about that man?” Seryoso pero maingat ang pagtatanong ni Alejandro sa apo. Natigil sa pagsubo si Avery tiyaka niya muling binaba ang kanyang kutsara na may lamang pagkain at tamad niyang tinignan ang kanyang lolo.
“Do you believe that I will like a human?” Natikom bigla ang bibig ni Alejandro dahil sa sinabi ng kanyang apo at mabilis na bumaba ang tingin ni Lindsey sa kanyang plato dahil naramdaman niya ang tensyon sa hangin na si Avery lang ang may kayang gumawa non.
“Well, I guess so?” Hindi maiwasan na kabahan ni Alejandro dahil hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isipan ng kanyang apo ngayon.
Ayaw niya lang na matrigger ang kanyang utak at gumawa ng mga bagay na hindi normal para sa kanya o para sa ibang tao. Kahit na matagal na nilang kasama si Avery ay hindi pa rin sila nasasanay dahil kakaiba talagang mag-isip ang kanyang apo at wala siyang problema doon dahil tanggap niya ito ng buo lalo na’t siya na lang ang natitira niyang pamilya.
“That's so gross.” Sambit ni Avery. “Falling in love with a human doesn’t make any difference to falling in love with an animal.” Tamad na sambit ni Avery. “And why would I love a human who loves betrayal?” Pagtatanong pa niya.
Natahimik si Alejandro dahil buong akala niya magsimula kaninang nakita niya ang eksena na ginawa ng kanyang apo sa canteen ay unti-unti na itong nagbabago. Na kasali siya sa maliit na maliit na porsyento sa pag-aaral na pwede pa siyang magmahal o makaramdam ng pagmamahal. Akala niya ay may pag-asa pa ang kanyang apo na maging normal na tao para na rin may makasama ito sa kanyang pagtanda dahil alam niya na hindi na siya bumabata pa.
“Avery,” Mahinahon na pagtawag niya sa kanyang apo. “I’m not getting younger, I just want you to settle before I di-” Hindi pinatapos ni Avery ang kanyang lolo nang padarag niyang bitawan ang kustara nito na lumikha ng ingay.
“I can settle with myself.” Desididong sambit ni Avery. “I can do it on my own without the help of other people.” Suminghap si Alejandro sa sinabi ng kanyang apo.
“Then why did you say to the boy that you like him?” Hindi maiwasan ni Alejandro ang magtaka dahil hindi naman gawain ng kanyang apo iyon. Ang pagkakakilala niya sa kanyang apo ay mailap sa mga lalaki dahil kung ayaw niya sa mga tao ay mas ayaw niya sa mga lalaki.
“Because I was bored and I love thrills.” Diretsong sagot ni Avery, hindi man lang siya nagdalawang isip na isagot iyon sa kanyang lolo. “You already know that thrills in life are the one who keeps me alive.” Wika pa niya tiyaka niya pinunasan ng table cloth ang kanyang bibig pero bago siya tumayo ay may sinabi pa ito sa kanyang lolo.
“I know that you’re aware of my condition. You didn’t graduate from med school for you not to know nothing about my condition… that I am not capable of loving someone.” Maingay niyang ginalaw ang kanyang upuan para makatayo siya. Tanging ang ingay lang ng kanyang upuan ang narinig sa hapag-kainan dahil halos magpigil ng hininga si Lindsey para hindi makagawa ng ng kahit ano mang ingay.
Nilagay ni Avery ang dalawa niyang kamay sa lamesa para itukod ito tiyaka siya tumingin kay Lindsey, naramdaman ni Lindsey ang matatalim na malamig na titig ni Avery sa kanya kaya kumuha siya ng lakas ng loob para salubungin ito kahit na naging magalaw ang kanyang eyeball dahil hindi niya talaga kayang salubungin ang titig ni Avery kapag ganito na ang mood ng dalaga.
“Do you think that I like Oliver?” Pagtatanong nito kay Lindsey. However, Alejandro takes note of Oliver's name since he was curious about that boy.
“N-no.” Kinakabahan na sagot ni Lindsey. Tumango si Avery bago niya ulit ito tanungin.
“Do you think that I would fall in love with him?” Muling pagtatanong pa ni Avery sa kanyang kaibigan kaya mabilis ang pag-iling ni Lindsey dahil sa tanong niya at naalala niya rin ang sinabi kanina ni Avery na hindi siya kailanman magmamahal ng tao.
“Y-you won’t.” Hindi niya mapigilan ni Lindsey ang mautal dahil sa kaba na baka hindi magustuhan ni Avery ang kanyang sagot at maraming kubyertos sa lamesa ang pwede nitong ibato sa kanya.
“Heard it, Lo?” May halong panunuya ang boses ni Avery na para bang nagmamalaki ito na mali ang hinala ng kanyang lolo. “I don’t even consider Lindsey as a bestfriend or even just a friend.”
Lumunok ng mariin si Lindsey dahil alam naman niya iyon pero hindi niya maiwasan na masaktan dahil simula noong nakilala niya si Avery kahit na kakaiba ito sa lahat ng nakilala niya at minsan ay nasasaktan siya nito ay itinuturing na niyang kaibigan si Avery hindi lang dahil siya ang kasa-kasama niya palagi kung hindi dahil malapit na siya sa dalaga. Ngunit naintindihan naman niya kung hindi siya matatawag na kaibigan ni Avery dahil naintindihan niya naman ang kondisyon niya pero kahit na ganun ay hindi niya lang maiwasan na masaktan.
“I don’t even know if I love you.” Biglang natigilan si Lindsey dahil hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ni Avery sa kanyang sariling lolo. “Do I love you or am I just used that you’re on my side since then? Or am I just living on the thought you’re the only family I have so I must treasure you?” Wika ni Avery bago niya tinalikuran ang kanyang lolo maging si Lindsey para makaakyat na sa kanyang kwarto.
Napasinghap si Alejandro dahil sa sinabi ng dalaga. Masakit na hindi man lang sigurado ang kanyang apo kung mahal niya ba ito pero wala siyang magawa kung hindi intindihin ito dahil minsan na rin niyang pinag-aralan noong nag-aaral pa siya ang kondisyon ni Avery. Wala na siyang magagawa kung hindi tanggapin kahit na masakit dahil iyon talaga ang totoong nararamdaman ng kanyang apo. Ayaw niya naman itong pilitin na magmahal dahil baka lumala lang ang sitwasyon.
“Pasensya na po kayo.” Kagaya ng laging ginagawa ni Lindsey ay sinabi niya iyon kay Alejandro dahil alam niyang nasaktan ang matanda sa sinabi ng kanyang kaibigan. Pareho lang nilang hindi inaasahan ang sinabi ni Avery. “Baka nainis lang po talaga siya.” Sinubukan niya pang ipagtanggol ang kanyang kaibigan kahit na alam niyang hindi iyon kakagatin ng matanda.
Hindi lang din maiwasan na malungkot ni Lindsey para sa lolo ni Avery dahil alam niya at ramdam niya kung gaano kamahal ng matanda ang kanyang apo lalo na’t ito na lang ang nag-iisa niyang pamilya. Halos ibigay niya lahat ang kagustuhan ni Avery at kahit na mali ay wala man siyang sinabing masama kay Avery dahil sa pagmamahal nito sa kanyang apo. Alam din ni Lindsey na gusto lang naman niyang mayroon pang mga tao ang iintindi sa kanyang apo na hindi siya kakatakutan o iwasan sa halip ay mahalin nila ito.
Hindi naman kasi palaging nananakit si Avery, may ginagawa nga lang talaga siya madalas na hindi normal sa paningin ng ibang tao dahil para sa dalaga ay normal lang naman iyon.
“It’s okay. I understand her very well.” Nakangiting sagot ng matanda sa kanya. “I was the one who was supposed to say sorry because of what she said about you.” Sambit pa niya. “And I want to say thank you.” Dagdag pa nito.
“Alam ko na hindi madaling pakisamahan si Avery, na minsan ay halos hindi mo na gustuhin na lumapit pa sa kanya kapag may ginagawa siyang bago sayo o di kaya ay hindi talaga normal na gawain ng isang tao.” Pagpapatuloy niya habang marahan na tinitingnan si Lindsey dahil sila na lang dalawa ang naiwan sa hapag. “At hindi rin lingid sa kaalaman ko na minsan ay nasasaktan ka niya o nagbibigay trauma sayo ang ginagawa niya pero nandito ka pa rin at hindi mo iniiwan ang po ko.”
“Hindi ako naniniwala na dahil sa scholarship mo kaya hindi mo maiwanan nang ganon si Avery dahil kung ibang tao ka ay malamang baka magmakaawa ka pa sa akin na humiwalay na kay Avery pero hindi mo iyon ginawa.” Hindi mapigilan na mapangiti ni Lindsey dahil hindi niya alam na mayroon palang tao ang naka-appreciate sa kanya liban sa kanyang magulang.
“Napakabuti mong kaibigan sa apo ko dahil liban sa akin ikaw ang isang tao na umintindi pa sa kanya despite of her condition.” Ngumiti si Alejandro kay Lindsey dahil tinuring na rin niya itong apo niya dahil siya lang ang nag-stay sa tabi ni Avey sa tagal ng panahon. “Kaya sana mapagtiisan mo pa ang katigasan ng ulo niya.” Pakiusap ng matanda sa dalaga.
“Kahit na hindi niyo na po ako pakiusapan.” Sagot ni Lindsey sa kanya. “Si Avery lang din naman po ang nasa tabi ko palagi, kung wala siya ay baka wala man po akong kausap sa school. Tiyaka isa pa, bakit ko naman po iiwanan ang kauna-unahan at kaisa-isahan kong kaibigan?” Napangiti si Alejandro sa sinabi ni Lindsey.
Dahil sa sinabi ni Lindsey ay halos makahinga ng maluwag si Alejandro dahil kahit na wala ng makilala iba si Avery ay mayroon pa rin isang tao na mananatili sa tabi ng kanyang apo kagaya kung paano niya inintindi ang kanyang apo.
Samantala ay nawala sa mood si Avery kaya kumuha siya ng black button trench coat tiyaka ang isa niyang black high heels at ang black prada bag niya para makaalis sa bahay. Pagkababa niya ay nakasalubong niya ang kanyang lolo, nagtataka siyang tumingin sa kanyang apo dahil mukhang aalis ito base sa ayos ni Avery.
“Where are you going?” Nag-aalala na tanong nito dahil gabi niya tiyaka alam niya na punong-puno ng emosyon ang kanyang apo dahil sa nangyari kanina sa hapag-kainan nila.
“I will just take a cab.” Sambit ni Avery habang papalabas na siya ng mansyon. “Don’t worry, I won’t harm someone.” Wika niya bago siya lumabas tiyaka nagpatawag ng taxi sa kanilang guard. Napasinghap na lang si Alejandro na mukhang walang magawa kung hindi hintayin na lang si Avery hanggang mamaya para masigurado niyang hindi mapahamak ang dalaga at wala siyang napahamak na ibang tao.
Habang nasa loob siya ng taxi ay hindi niya maiwasan na mabored dahil traffic pa sa dinaanan nila kaya kinuha na lang niya ang kanyang cellphone para mag scroll ulit sa social media at magsagot ng iilang comments galing sa kanyang mga fans o kaya ay readers. Naagaw ng pansin nya ang maraming retweet na photo, ito iyong nagpapicture sa kanya noong nakaraang linggo. Iyong nag-abang sa labas ng kanilang university na nagpapirma ng kanyang libro at nagpapicture sa kanya.
Napangisi siya dahil sa caption ng dalaga kung gaano siya kabait at pinagbigyan siya nitong pirmahan ang kanyang libro tiyaka pinayagan siya na makapag papicture kay Avery. Sinabi pa niya na inalukan pa siya ni Avery na i-book ng grab at siya ang magbabayad. In short, pinagtatanggol siya ng dalagang iyon na sa pagkakaaalala niya ay Lianna ang pangalan dahil naging usap-usapan na ang pag sagot niya sa kanyang basher.
Binasa niya ang mga reply kung gaano siya kabait kaya ni-like niya iyon at ni-retweet. Iyon ang dahilan niya kung bakit siya mabait sa mga taong sumusuporta sa kanya para kapag may eksenang ganito ay may mga taong magtatanggol sa image niya.
Sa isang club siya pumunta kahit na may mga alak naman sa kanilang bar counter, mas gusto niya lang makarinig ng music at maiingay na tao kaysa sa tahimik. Tahimik lang siyang nagmamasid sa mga tao habang may hawak siyang baso na mayroong lamang alak, nakaupo lang siya sa counter ng bar keysa sumayaw pa sa gitna ng gitna dahil wala siyang interes na makisalamuha at magtrip ng ibang tao ngayon.
Kumunot ang noo niya nang makita niya ang isang pamilyar na mukha na nagpa-ngisi sa kanya. Si Oliver iyon na mukhang may hinahanap sa dance floor. Ininom niya ang alak sa hawak niyang baso bago niya ito nilagay sa counter tiyaka siya bumaba mula sa pagkakaupo para lapitan ang binata.
“Hey miss.” Pagtawag pansin sa kanya ng isang lalaki tiyaka siya hinarangan, gusto niyang sapakin ang lalaki ang kaso nga lang ay baka mapalabas pa siya ng club wala sa oras at hindi niya malapitan si Oliver para inisin dahil na-kick out na siya sa club.
“I’m sorry but I need to go to the restroom.” Kalmadong pagtanggi nito pero hinawakan siya ng lalaki kaya kaagad niya itong inalis. “I have a boyfriend so don’t touch me.” Ngumisi ang lalaki dahil bulok na ang linya na iyon.
“Where is your boyfriend?” Inirapan siya ni Avery tiyaka tinuro si Oliver na ngayon ay napatingin din sa kanya.
“There he is, so move.” Utos niya sa lalaki. Pero mukhang hindi naniniwala ang manyakis na lalaki sa kanyang harapan kaya huminga siya ng malalim bago sumigaw at gumawa ulit ng eksena sa club
“BABY! HELP!”