CHAPTER 14
Kahit na wala namang ginagawang masama si Oliver ay hindi niya maiwasang kabahan. Pakiramdam niya ay may nagawa siyang mali at alam niyang nahuli siya ng kanyang kasintahan. Hindi… hindi naman siya nagloloko kaya bakit siya kinakabahan? Bakit hindi siya mapakali hangga’t hindi niya nakakausap si Elisa? Alam niya sa sarili niya na wala siyang kasalanan pero bakit parang umaakto siya ngayon na parang isang makasalanan na tao?
Tiyaka isa pa, pinangako niya sa sarili niya na hindi siya magloloko ng babae. Kagaya ng pagbabanta sa kanya ng kanyang pinsan noong nakaraang linggo, hindi nga maibabalik sa kanya kung ano ang ginawa niya ay posibleng maibalik ito sa kanyang ina o kay Lianna na kaisa-isang kapatid niya at babae pa. Parang triple o higit pa ang sakit kapag nakita niya ang dalawang mahalagang babae sa buhay niya ang masasaktan dahil sa ginagawa niya.
“May problema ba, Oliver?” Bigla siyang natauhan nang kinuha ni Avery ang kanyang pansin. Hindi niya napansin na natulala pala siya sa kanyang cellphone kaya mabilis niya itong in-off tiyaka umiling sa kanila.
“Baka galit ang bebe.” Tumawa si Samuel. “Is your girl a possessive one?” Alam niyang nagbibiro si Samuel pero hindi mapigilan mainis ni Oliver sa sinabi ng kaibigan.
“She’s not possessive, stop judging her.” Seryoso at masyadong halata ang inis sa boses niya. Alam niyang kaibigan niya ang mga ito pero hindi ibig sabihin non ay hindi na niya pwedeng suwayin sa mali.
“Whoah. Whoah. Chill.” Itinaas pa ni Samuel ang dalawa niyang kamay bilang senyales ng pagsuko. Nagtaka si Samuel at maging si Henry dahil biglang nag-react nang ganoon si Oliver. “I’m just joking,” Dagdag pa ni Samuel. Hindi niya malaman kung saan ba sa sinabi niya ang posibleng nagpa-offend sa kanyang kaibigan.
“Next time, you should know the limitation of jokes.” Hindi niya maiwasan na pangaralan ang kanyang kaibigan. Hindi niya talaga gusto ang paghuhusga nila kay Elisa tiyaka niya gagawing katatawanan.
“What? Dude, are you in a bad mood?” Naninibagong tanong ni Samuel dahil sa pagkakaalam niya, maliban sa nagjojoke siya ay nagtatanong lang naman siya dahil napansin niya ang kaibigan niya na para bang napako ang kanyang mata sa screen ng cellphone at mukhang may sarili siyang mundo kanina. Wala naman siyang maisip na dahilan kung bakit bigla na lang siyang magiging ganon kung hindi siya minessage ng kanyang girlfriend.
“Besides, I was just asking you if she is possessive?” Ulit na sambit ni Samuel para malinawan ang kanyang kaibigan.
Hindi siya galit dahil baka nag-away sila ng girlfriend niya kaya badmood siya ngayon. Naintindihan ni Samuel iyon dahil mabait naman ang kanyang kaibigan na si Oliver. At hindi naman porket mabait ang isang tao ay sa bawat oras ay mabait ito, may mga oras din na wala sila sa mood.
“She’s not like that.” Pagsasagot ni Oliver gamit ang maayos niyang tono dahi narealize niya rin na masyado siyang naging seryoso kanina. “Elisa is one of a kind woman.” Pagpuri niya sa kanyang girlfriend. “She’s understanding too.” Dagdag pa niya. Tumango si Samuel.
“Then, that’s good. Hindi mo naman iyan liligawan kung hindi maganda ang ugali niya, diba?” Pagtatanong pa niya kaya marahan na tumango si Oliver. “I’m sorry if I’ve accused her of something she wasn’t.” Paghingi ulit ng tawad ni Samuel sa kanyang kaibigan.
“It’s okay.” Tumango si Oliver. “Sorry for overreacting.” Dagdag pa nito kaya nagtanguan silang dalawa.
Hindi maiwasan ni Lindsey na mamangha dahil sa nangyari sa dalawang magkaibigan. Hindi niya inaasahan na ganito pala mag-away ang mga lalaki. Kinakabahan na siya kanina dahil baka magkainitan sila ng ulo at sa huli ay magka-pisikalan sila katulad ng ibang mga lalaki. Kapag nangyari iyon, panigurado ay hindi niya alam kung anong gagawin niya.
Pero mukhang mga childish lang na lalaki ang nauuwi sa pisikalan dahil mukhang matured ang dalawa at hindi masyadong mataas ang ego. Alam nila kung saang part sila mali.
Samantala, nalungkot ang sistema ni Avery dahil inaasahan niya na magkakasuntukan ang dalawang magkatapat na lalaki. Hindi niya inaasahan na magbabati at magka-kapatawaran sila ng ganun-ganun na lang. Sayang at gusto pa naman niyang mag-acting at kung sakali man na natuloy iyon ay makakagawa sila ng eksena at maagaw ang atensyon ng mga kumakain na siyang gusto ni Avery.
Tiyaka isa pa, kung sakali man na mangyari iyon, alam niyang may kukuha ng litrato dahil ramdam niya na halos lahat ng kumakain ngayon sa restaurant ay kilala siya at mahilig sa social media ang mga tao ngayon na kaunting eksena lang ay nakapost na kaagad sa social media. Iyon na sana ng isang paraan pa niya para mag-away sina Oliver at ang kanyang girlfriend dahil sisiguraduhin niyang yayakapin niya si Oliver para maawat kunwari ito.
“Wow. You really love your girlfriend.” Hindi niya maiwasan na purihin si Oliver dahil sa pagiging loyal niya sa kanyang girlfriend.
Ganito… ganito ang gusto ni Avery, iyong hindi basta-basta nagpa-paakit sa kanya kahit na obvious naman kung gaano naapektuhan ang lalaki sa kanyang presensya. Ang gusto niyang malaman ay kung hanggang kailan magiging loyal si Oliver sa kanyang girlfriend. At kung kailan siya bibigay sa kanyang patibong.
Pero hindi naman siya nagmamadali, nag-enjoy pa siya sa nangyayari lalo na kapag pinagmamasdan niya ang lalaki sa tabi niya na pilit nilalabanan ang nagiging epekto niya sa kanya. She’s enjoying the process and she feels kilig because of the thrill since she doesn’t know when Oliver will betray his girlfriend.
Nagtiim ang bagang ni Oliver dahil sa sinabi ni Avery, kung bibigyan man siya ng pagkakataon ngayon kahit na nasa iisang lamesa sila ay mas gugustuhin niyang huwag kausapin ang babae. Ayaw niyang ipakitang interesado siya palagi sa sinasabi nito o atentibo siya sa mga katanungan ng dalaga.
“Because I love her.” Tipid na sagot ni Oliver. Iyon din ang paulit-ulit na tinatatak niya sa kanyang isipan na mahal niya ang kasintahan niya at hindi siya kailanman magloloko dahil lang sa tawag ng laman.
Pabirong pumito si Henry dahil sa naging sagot ni Oliver. “Lover boy.” Pang-aasar pa niya. Ngumisi si Avery dahil may naisipan siyang bagong topic na ipang-aasar kay Oliver.
“Does that mean you trust her?” Pagtatanong niya. Hindi inaasahan ni Oliver iyon dahil buong akala niya ay wala nang idudugtong ang dalaga sa kanyang tanong. “Diba they say na if you love someone you trust them?” At hindi niya maintindihan kung anong pinupunto ng dalaga.
Kung papakinggan mabuti ay para bang inosente lang siyang nagtatanong pero kung makikita mo ang ngisi sa kanyang labi ay para ka niyang pinaglalaruan sa laro na siya lang ang may alam. Ang galing niyang laruin ito na hindi mapapansin ng nino man na may nakatagong mensahe sa inosente niyang pagtatanong na iyon.
“Of course.” Maikling sagot ni Oliver, gaya nga ng gusto niya ay sa abot ng makakaya niya, ayaw niyang kausapin ang dalaga o di kaya naman ay pahabain ang usapan nilang dalawa. Pre syempre, kabaligtaran naman ang gusto ni Avery.
“Does she love you?” May halong pang-iinis ang boses ni Avery pero hindi na lang pinansin ni Oliver iyon.
Si Lindsey ay tahimik nang kinakain ang kanyang dessert habang nanonood kung ano man ang plano ni Avery. Para nga siyang nanonood ng sine dahil sa ginagawa ng kaibigan at alam niya sa sarili niya na hindi niya mababawalan si Avery, ayaw na niya ulit mangyari ang nangyari noong isang linggo.
Ang dalawa naman ay mukhang nag-enjoy din na pinapanood ang question and answer ng dalawa sa harapan nila. Hindi nila maiwasan na mainggit ng kaunti kay Oliver dahil nakukuha niya ng walang pag-aalinlangan ang atensyon ni Avery. Hindi na bago sa kanilang dalawa iyon dahil halos lahat ng babae sa campus lalo na ang mga ka-batch nila ay si Oliver palagi ang bukambibig dahil siguro bago siya sa kanilang university pero wala silang pakialam doon.
Ang tanging atensyon na gusto lang nila ay ang atensyon ni Avery. Hindi nila alam kung paano mag-open ng panibagong topic na hindi nagkakalayo sa topic na naumpisahan para hindi magkaroon ng dead air sa kanilang table dahil nahihiya sila kay Avery kung sakali man na ma-bored siya. Pero si Oliver ay wala man lang effort na ginawa pero kaagad niyang nakukuha ang atensyon ni Avery. Kung minsan pa nga ay tinatanong siya ni Avery para masali siya sa usapan.
Ang hindi lang nila maintindihan ay kung bakit mukhang interesado sa kanya si Avery kahit na alam naman ng dalaga na mayroon na itong kasintahan. Kung bakit nagpapakita ng motibo si Avery kahit na alam niyang nakatali na ang lalaki. Ayaw nilang isipin na katulad ng ibang babae si Avery dahil mataas ang tingin nila sa dalaga tiyaka isa pa, hindi nila lubos na maisip na bababa si Avery sa ganoong lebel para lang sa isang lalaki.
Dahil hindi ganun ang nakilala nilang Avery kaya alam nilang may ‘something off’ pero hindi lang nila iyon malaman.
“Yes.” Hindi nagdududa si Oliver sa pagmamahal sa kanya ni Elisa. Kitang-kita at ramdam niya ang umaapaw na pagmamahal ng dalaga sa kanya kaya hindi siya nagdalawang-isip na isagot iyon kay Avery.
Ngumisi si Avery pagkatapos ay dahan-dahan siyang lumingon sa tapat nila kung saan nakaupo ang dalawa. Kaagad na umayos ng upo ang dalawa dahil naka relax lang sila. Nakapatong ang siko ni Samuel sa balikat ni Henry habang nasa labi niya ang mga daliri nito at pinapanood ang dalawa.
“If you love someone will you doubt them?” Kumunot ang noo nila dahil parang napunta sila sa pageant sa tanong ni Avery sa kanya.
“Of course not!” Agad na sagot ni Henry dahil siya ang naunang nakaisip ng maisasagot. “Trust is the foundation of love, kaya paano mo masasabing mahal mo ang isang tao kung palagi mo siyang pinagdududahan?” Sagot nito gamit ang isang tanong bilang pagtatapos ng kanyang sinabi.
“Right!” Pagsang-ayon ni Samuel sa kanyang kaibigan. “Kung halos araw-arawin mo ang pagdududa sa partner mo, ang toxic naman ng relationship niyo. It’s good to end it as early as possible so you wouldn’t hurt each other.” Paliwanag niya. Tumingin si Avery kay Lindsey kaya parang mga CCTV ang tatlo na napabaling kay Lindsey na napatigil sa pagsubo niya ng kutsara niyang may ice cream dahil don.
“Ahm.” Tumikhim muna siya dahil halos mapaos siya sa sobrang tahimik niya. “Sa tiwala kasi nagsisimula ang pagmamahal. Bakit mo naman pagpapaubaya ang puso mo kung hindi mo siya pinagkakatiwalaan diba? Kaya mo minahal ang isang tao dahil nagtitiwala ka sa kanya na hindi ka niya sasaktan. Kasi sino naman gustong magmahal nang nasasaktan diba?” Pagtatanong niya pa.
“Isa pa, kung palaging duda at wala kang tiwala sa partner mo. Ikaw rin ang mahihirapan na makatulog. Dahil imbis na makatulog ka na ng mahimbing sa gabi ay kailangan mo pang isipin kung anong ginagawa niya. Kung tulog nga ba siya kagaya ng message niya sayo. Magiging paranoid ka na rin, And as Samuel said, hindi iyon healthy.” Tumango-tango si Avery na para bang nagustuhan niya ang sagot ni Lindsey.
Hindi siya bumilib, nagustuhan niya lang ito para pang-asar sa lalaking nasa tabi niya.
“Saan nagsisimula ang pagdududa?” Hindi maintindihan ni Oliver kung bakit naging ganito bigla ang topic nila. At base sa ngiti ni Avery, alam niyang may patutunguhan ang usapin na ito. Hindi naman bubuksan ng tao ang topic kung hindi related sa topic na bubuksan niya maya-maya.
“Kapag paranoid ka na kung totoo pa ba ang sinasabi ng partner mo sayo o hindi.” Mabilis ang pagsagot ni Samuel.
“When you always check your partner’s phone or when you are already invading his or her privacy.” Si Henry naman iyon. Ngumiti lalo si Avery tiyaka napatango dahil tama ang naisagot ni Henry para sa sitwasyon na gusto niyang i-open.
“When you asked your partner to avoid certain people.” Hindi maiwasan ni Avery ang pumalakpak sa sinabi ni Lindsey. Maybe she should treat Lindsey well today since she lover her answer.
Lalong nagtaka si Oliver dahil hindi siya tinanong o hiningan man lang ng sagot ni Avery. Kanina ay palaging hinihingi ng dalaga ang opinyon niya pero biglang nagbago ngayon.
“Kaya mo ba ako binlock?” Ngumisi si Avery tiyaka nakapangalumbabang bumaling kay Oliver. Hindi maiwasan ni Oliver ang magulat dahil sa sinabi niya.
Tama nga ang hinala niya kanina na may ibang binabalak si Avery sa topic na iyon at hindi niya alam kung paano niya sasagutin iyon sa gulat. Hindi lamang siya ang nagulat kung hindi pati na rin ang dalawa niyang kaibigan na lalaki.
“Whoah whoah. Wait. Did I hear it right?” Manghang tanong ni Samuel dahil baka namali lang siya ng pandinig. “You,” Tinuro niya pa si Oliver gamit ang kanyang hintuturo, bakas pa rin ang gulat sa kanyang mukha. “Block her?” Pagkatapos ay si Avery naman ang tinuro niya. Para bang pinagtaksilan siya ng kaibigan niya.
“Really?” Magkahalong pagkamangha at gulat ang pagtatanong ni Henry. “You block her?” Pag-ulit nito sa tanong ni Samuel. “Dude, everyone was fighting just so they could be part of her friend list.” Pagbibigay alam ni Henry sa kaibigan.
“I added him but after a few seconds, I couldn’t search his profile anymore.” Avery pouted her lips for her to look cuter and so she could gain sympathy with the boys in front of them.
“WHAT?!” Sabay pa na nagulat ang dalawa.
“In-add mo siya?” Tanong ni Henry na hindi pa rin makapaniwala.
“Pero binlock ka niya?” Si Samuel na halos malaglag na ang panga.
“Yes.” Malambing ang boses ni Avery na mukhang nanghihingi talaga ng kakampi.
“Dude, why did you do that?” Marahan pang sinipa ni Henry ang paa ni Oliver sa ilalim ng lamesa.
“Right? I just want him to be my friend.” Si Avery na binigyan niya pa ng kaunting lungkot ang kanyang boses.
“I didn’t block her.” Suminghap si Oliver dahil para bang napagkaisahan na siya kaya wala siyang choice kung hindi umamin.
“So, it was Elisa?” Si Samuel na ngayon ay nag-iingat sa kanyang tono dahil baka mawala ulit sa mood si Oliver.
“Dude, is she really not possessive?” Siniko ni Samuel si Henry dahil sa sinabi niya kaya sinamaan siya ng tingin ni Oliver.
“I told you, she isn’t.” Pagtatanggol ni Oliver. “It was Marina, okay? She’s holding my phone at that time.” Pagsuko ni Oliver dahil mukhang hindi siya titigilan.
Laking pasasalamat niya nang mag ring na ang alarm nni Samuel hudyat na papasok na sila sa university dahil magsisimula na ang klase nila. May klase rin naman sina Avery kaya sabay-sabay silang nag-ayos para sabay-sabay na silang makapasok sa university.
Magkaiba nga lang sila nga lang sila ng way pagkapasok sa university dahil magkaibang subject at room ang papasukan nila pero bago sila maghiwa-hiwalay ay may binulong si Avery kay Oliver.
“I wonder why Marina blocked me? Am I a threat?” Ngisi niya bago siya nagpaalam at kumaway sa tatlong magkakaibigan habang nakailang mura na si Oliver sa kanyang isipan.
That woman. She really had something on her hand so she could manipulate everyone or anything without putting so much effort.
Hanggang matapos ang klase ay iyon ang tumatakbo sa isipan ni Oliver. Kahit na itago pala niya na naapektuhan siya sa babae ay alam na ni Avery iyon. Base sa binulong niya kanina ay may pakiramdam na siya kung bakit nagiging threat siya sa relasyon nilang dalawa ni Elisa.
“Sinong kasama mo kaninang lunch?” Halos mapahinto si Oliver dahil sa tanong ni Elisa pero pilit niyang pinagpatuloy ang lakad na para bang normal lang na araw nila iyon papunta sa parking lot.
“The usual.” Tipid na sagot nito para hindi siya mahalata ni Elisa. Mabuti na lang din at nauna sa paglalakad ang kanyang pinsan kaya hindi siya makakasingit sa usapan nila.
“Hmm. Sina Samuel at Henry lang?” Tanong ulit ng kasintahan. Bakit pakiramdam niya ay may alam ito? Pero imbis na mamin ay tumango ito.
“Yeah.” Simple at maikling sagot niya lang dahil hindi niya kayang magsinungaling. Nakokonsensya siya pero para sa ikakapayapa ng utak ni Elisa ay iyon na lang ang sinagot niya.
“Hmmm.” Tumango ang dalaga tiyaka siya tumigil ng makita niya na naghihintay na sa kanya ang driver niya. “Nandiyan na pala si manong.” Sambit pa niya kaya tumigil din si Oliver para makapag paalam na.
Tumingkayad ng kaunti si Elisa para mahalikan si Oliver sa pisngi, nagtaka pa si Oliver dahil matagal iyon keysa sa palaging ginagawa ng dalaga hanggang sa may sinabi siya na nag patigil sandali sa mundo niya.
“You lied. You're with her, I saw you.” Elisa bitterly smiled before walking aways while Oliver was stunned.