CHAPTER 15
Hindi kaagad nakagalaw si Oliver dahil sa binulong ng dalaga. Para bang nabuhusan siya ng tubig na may yelo para manigas sa kanyang kinatatayuan. Iilang mura ang pinakawalan niya sa kanyang isip para sa sarili niya dahil sa ginawa niya.
Sa boses kanina ni Elisa, kahit na bulong lang iyon—kahit na mahina lang ang pagkakasabi niya ay ramdam niya ang sakit sa boses nito.
“Hoy! Napano ka riyan?” At ang boses ni Marina ang naging hudyat para matauhan siya.
Hinanap niya kaagad si Elisa at ang sasakyan nila pero humarurot na pala ito papaalis. Kumunot ang noo ni Marina sa naging reaksyon ng kanyang pinsan, dahil ilang distansya ang layo niya kanina ay hindi niya narinig ang usapan ng dalawa kaya wala siya ideya kung nag-away ba sila o kung ano man ang nangyari sa kanila.
Kaagad na lumapit si Marina sa pinsan tiyaka niya ito nakapamewang na tinignan.
“May nangyari ba?” Tanong ni Marina. Alam niya na labas na siya sa isyu nilang dalawa pero hindi niya maiwasan na mag-alala sa kanyang kaibigan.
Hindi naman dapat siya mag-aalala dahil nakapagpaalam ng maayos si Elisa kanina na may ngiti sa labi. Hindi nga niya mapapansin na may kakaiba o di kaya ay mayroon silang hindi pagkakaunawaan ng kanyang pinsan kung hindi niya lang nakita na napatulala ang kanyang pinsan sa gitna ng kanilang paglalakad.
“Marina, sorry pero pahiram muna ng kotse.” Hindi maiwasan ni Oliver ang mataranta habang kinakapa niya sa puti niyang uniform ang susi. “Book a grab, I'm sorry.” Paghingi ng paumanhin ni Oliver sa pinsan habang nagmamadali siyang tumakbo papasok sa kotse nang sa gayon ay masundan niya ang kanyang kasintahan.
Pinaharurot niya kaagad ang kotse kaya naiwan na tulala at halos malaglag ang panga ni Marina sa sahig dahil sa nangyari. At dahil sa ginawa ng kanyang pinsan ay nakumpirma nga niya na may hindi sila pagkakaintindihan ng kanyang kaibigan o di kaya ay nag-away talaga sila.
Walang magawa si Marina kung hindi pindutin ang application na grab para makauwi siya. Hindi naman magagalit ang ama niya kung hiniram ni Oliver ang sasakyan dahil kapag ipinaliwanag naman ni Marina ay maintindihan ng ama niya. Tiyaka isa pa, gustong in-spoil ng ama niya tiyaka ng iba niyang tito ang ina ni Oliver dahil gustong punan ng magkakapatid ang pagkukulang ng mga magulang nila—na lolo at lola nina Marina sa ina ni Oliver.
“Ay tang ina, ang gaslaw!” Sigaw ni Marina nang mahulog sa bato-bato ang kanyang cellphone dahil may nakasagi sa kanyang lalaki.
“Sorry, Miss!” Pero hindi man ito mukhang nagsosorry dahil natatawa pa siya. Napatingin tuloy siya sa tinitignan ng lalaki.
Kumunot ang noo niya at namuhay ang inis dahil kakilala niya ang nakasagi sa kanya. Ang kaibigan ng kanyang pinsan na alam niyang bad influence sa pinsan niya—sina Samuel at Henry na mukhang mga batang naghahabulan sa parking lot.
“You're not even sorry!” Sigaw ni Marina dahil sa inis. Paano ba naman? Magsosorry siya pero natatawa.
Napaayos ng tayo si Samuel tiyaka niya tinignan si Marina, umawang ang kanyang labi kaya tinakpan niya ito gamit ang kanyang kamaya habang ang isa niyang kamay ay tinuturo si Marina.
Sa isip ni Marina ay mukhang tangang nagulat ang binata habang tinuturo siya.
“You are Oliver's cousin!” Marina flipped her hair. Minsan gusto niya talaga na famous ang pinsan niya sa eskwelahan dahil nadadawit siya sa kasikatan nito kagaya na lang ngayon.
“The bitchy one.” Nawala ang ngiti ni Marina sa idinagdag ni Samuel kaya kaagad niya itong sinamaan ng tingin.
“Who is that?” Habol-habol na tanong ni Henry tiyaka siya napahinto sa tabi ni Samuel kaya ang dalawang kaibigan ni Oliver ang nasa harapan ni Marina—ang mga kaibigan na alam niyang bad influence sa kanyang pinsan. “Oh!” Gulat na sambit ni Henry tiyaka tinuro si Marina.
“I'm not bitchy, you're just an asshole.” Maldita na sagot sa kanya ni Marina. Namilog ang bibig ni Henry sa gulat na may multong ngiti sa labi dahil sa sinabi ni Marina sa kanyang kaibigan.
“Let's go, I don't have time for spoiled brat.” Wika ni Samuel na may ngisi sa labi tiyaka niya hinatak ang puting uniporme ni Henry para maglakad na sila paalis.
Umawang ang labi ni Marina at dahil sa gulat ay hindi kaagad nagproseso sa kanya kung ano ang sinabi ng lalaki. Naiwan siyang tulala habang gulat sa nangyari, hindi niya inakala na hindi sa kanya nanggaling ang huling salita sa halip ay iniwan siya ng lalaki na tulala.
Parang hindi lang si Avery ang magpapainit ng dugo niya sa campus. Mukhang may isang tao pa ang magbubuhay inis sa kanyang katawan sa oras na nakasalubong niya ito sa campus.
Hindi maiwasan na mamuo ang mga luha ni Elisa habang nasa loob siya ng kanyang kotse. Matibay ang paniniwala niya kanina na kung sakali man na tanungin siya ni Oliver ay alam niyang hindi magsisinungaling ang binata dahil hindi ugali ni Oliver ang magsinungaling—hindi ganon ang pagkakakilala niya sa lalaki.
Ang tanging tumatakbo lang sa isipan niya ngayon ay kung bakit nagsinungaling sa kanya si Oliver? Hindi naman siya ganoong magagalit kung sasabihin niya ang totoo, kung bakit kasama niya si Avery kanina. Maiinis siya, oo. Pero hindi naman siya magagalit.
Ngunit nagsinungaling sa kanya si Oliver, hindi niya alam kung ano pang iisipin niya dahil don. Kailangan bang magsinungaling siya kung wala siyang ginagawang masama? May ginawa ba siyang masama para magsinungaling pa siya sa bagay na iyon?
“Ma’am, tissue.” Inabot ng kanilang driver ang isang kahon ng tissue tiyaka niya lang napansin na umiiyak na pala siya sa kakaisip ng mga bakit sa utak niya.
Kinuha na lang niya ang tissue tiyaka niya pinunasan ang kanyang luha. Sumisinghot siya habang hindi pa rin nasasagot ang mga bakit sa kanyang utak. Hindi niya alam kung kaya ba niyang malaman ang lahat ng kasagutan sa mga 'bakit' ngayong araw?
Siguro ay hindi, lalo na sa sitwasyon niya ngayon na iniisip niya pa lang ang magiging sagot ni Oliver ay hindi na niya mapigilan humagulgol.
Ang akala niya ay kakilala na niya si Oliver, ang akala niya ay nakabisado na niya ang lalaki pero bakit parang noong dumating na si Avery sa kanilang buhay… bakit parang muli niyang kinikilala ang lalaki? Bakit parang hindi siya ang nakilala niyang Oliver?
Naniniwala siya na ang panloloko sa iyong kasintahan ay nagmumula sa simpleng pagsisinungaling. Hindi rin siya naniniwala sa dahilan na ayaw lang makasakit kaya magsisinungaling. Sa tingin ba nila, hindi masakit ang maloko? Kung tutuusin nga mas masakit pa na harap-harapan na nagsisinungaling sa iyo ang partner mo keysa sabihin mo na lang ang totoo.
Kung sanang sinabi ni Oliver sa kanya na kasama niya kanina si Avery, edi sana hindi siya nasasaktan ngayon—edi sana hindi siya umiiyak ngayon. Kung sanang hindi siya nagsinungaling ay baka mapag-usapan pa nila at hindi umabot sa ganito na halos gusto na lang niyang humagulgol ng malakas kaysa isipin ang mga bagay na tumatakbo sa kanyang isipan.
Napatingin siya sa bintana tiyaka niya napansin na nakahinto ang kotse nila. Pinunasan niya pa ang iilang mga luha na pumapatak sa kanyang mata bago siya nagtanong sa kanilang driver.
“Manong, anong meron?” Takang tanong niya dahil hindi naman nagkakaroon ng traffic sa road na dinadaanan nila. Kung tutuusin ay mas malapit ang kabilang road pero dito na nila nakasanayan na dumaan dahil palaging traffic sa kabila.
“May aksidente po ata.” Sagot ng kanilang driver kaya marahan siyang tumango tiyaka padabog na sumandal sa sandalan ng upuan.
Kung minamalas nga naman siya oh! Bakit kailangan na ngayon pa magkaroon ng traffic kung saan gustong-gusto na niyang mag shower para doon ibuhos lahat ng hinanakit niya tiyaka na siya makakatulog. Ang gusto niya lang ngayon ay humilata sa kanyang kama dahil gusto na niyang matulog—sa pagtulog niya lang mararamdaman ang kapayapaan na hinahangad niya.
Tinitingnan niya ang kanyang cellphone kung saan may mga message si Oliver, nakikiusap siya na makipag-usap siya pero ano pa nga bang dapat nilang pag-usapan kung harap-harapan siyang nagsinungaling? Hindi na niya alam kung pagkatapos niya bang pakinggan ang paliwanag ng binata ay gagaan ang loob niya—kung panatag siya na hindi nagsisinungaling ang binata sa kanyang paliwanag?
Masisi niya ba ang sarili niya kung hindi siya maniniwala sa paliwanag ng binata kung kanina ay mismong sa harap niya ito nagsinungaling? Hindi niya alam kung mapagkakatiwalaan pa ba niya ang mga susunod na salita ng binata sa kanya. Hindi na niya alam.
Nakapatong ang siko ni Oliver sa may bintana habang hinihilot ang kanyang sentido, ang isang kamay niya naman ay nakahawak sa manibela. Hindi siya mapakali dahil dinatnan pa siya ng traffic, dapat pala ay sa isang ruta siya dumaan kung saan dumadaan sina Elisa. Alam niya kasi na shortcut ito papunta kina Elisa pero hindi niya inakala na ganito katraffic kaya dito siya dumaan ngayon.
Gusto niya lang mauna kay Elisa para pagkababa ng dalaga ay makita na niya ito sa tapat ng bahay nila pero mukhang malabong mangyari iyon sa sitwasyon niya ngayon. Ang kinakabahala niya lang ay baka mag message ang magaling niyang pinsan kay Elisa na papunta siya sa bahay nila at umalis na lang bigla si Elisa.
Tumitingin pa siya sa cellphone niya nagbabakasakali na nagreply ang dalaga sa mga messages niya pero hindi ito nagreply. Kaya malakas ang pakiramdam niya na iiwasan siya ni Elisa sa oras na hindi siya nauna sa tapat ng bahay nila.
Habang nasa gitna siya ng traffic ay may nakita siyang batang nagtitinda ng rosas at nag-aalok sa mga sasakyan kaya noong tumapat ito sa bintana ay hindi siya nagdalawang isip na bumili ng tatlong rosas para ibigay mamaya kay Elisa. Alam niyang hindi ito mamahalin katulad ng mga rosas nila na nasa vase pero alam niya rin na hindi mapagmataas ang kanyang girlfriend.
Isa pang ayaw niyang mangyari ay ang makita ng mama ni Elisa ang kanyang anak na umiiyak dahil sa kanya. Ayaw kasi ng mama ni Elisa sa kanya dahil sa estado nila sa buhay, tanging ang ama lang nito ang naniniwala sa kanya. Kaya lalong aayawan siya ng ina ni Elisa dahil sa hindi nila pagkakaunawaan ngayon at baka hindi lang si Elisa ang mawalan ng tiwala sa kanya kung hindi pati na rin ang ama nito.
Halos ipaharurot niya ang kanyang sasakyan nang biglang lumuwag ang daloy ng trapiko, hindi ganito ang normal niyang pagpapatakbo pero sa pagkakaalam niya ay legal pa naman ang ganito kabilis at kailangan niyang maunahan si Elisa.
Kilala na siya ng guard ng village nina Elisa kaya hindi na siya nahirapan na pumasok dito at isa pa, may sticker ang sasakyan nina Marina para makapasok sa village dahil palagi din naman pumupunta dito ang kanyang pinsan kapag naisipan niya.
At halos makahinga siya ng maluwag nang makita na wala pa ang kotse na pinagsundo kay Elisa dahil bakante ang isang parking-an sa garahe nila. Bumaba siya ng sasakyan habang hawak-hawak ang tatlong rosas sa kanang kamay niya tiyaka siya pumunta sa gilid ng bahay nina Elisa para maghintay.
Tumingin siya sa orasan nito dahil nag-aalala na rin kung bakit wala pa si Elisa sa kanila, natawagan na kaya siya ni Marina kaya hindi siya dumeretso sa pag-uwi? Pero di bale, dahil maghihintay siya kahit anong oras pa itong dumating. Alam niyang siya ang may kasalanan sa pag-aaway nila ngayon kaya kung sakali man na magalit sa kanya si Elisa ay tatanggapin niya ito dahil deserve naman niya ito.
Iniwasan niyang makita siya ng mga kasambahay nina Elisa o di kaya ay kung sino man ang nasa loob ng kanilang bahay dahil ayaw na niyang lumaki pa ang gulo kapag nalaman ng mama niya. Baka lalo lang ma-stress si Elisa kapag sinermunan siya ng kanyang ina. Hindi niya maiwasan na sisihin ang sarili niya dahil alam niyang nakakapagod mag-aral sa maghapon tapos binigyan niya pa ng problema o di kaya ay aalalahanin si Elisa.
Napatayo siya ng tuwid ng makita ang kotse na pinagsundo kay Elisa. Laking pasasalamat niya dahil hindi ang palaging sinasakyan ng ina nito ang nauna.
Hindi maitago ni Elisa ang gulat nang makita niya si Oliver sa gilid ng bahay nila habang may hawak-hawak na pulang rosas. Hindi niya alam kung babaan niya ba ito para kausapin o pababayaan niya na lang siyang maghintay sa labas dahil sa tingin niya ay deserve naman ng lalaki ito.
“Ma’am, kausapin niyo na po si Oliver. Mabait naman na bata iyan.” Napatingin siya sa kanilang driver nang bigla itong magsalita. Umangat ang isa niyang kilay dahil sa sinabi nito kaya naapayos ng upo si Manong, hindi pa niya pinapasok ang sasakyan kahit na nabuksan na ang gate. “Baka lumala lang po ang away niyo kapag nakita pa siya ni Madam.” Tiyaka niya lang naalala na ayaw nga pala ng mama niya kay Oliver.
“Kung may tiyansa pa pong maayos, sana maayos niyo na po dahil baka kapag nalaman po ni Madam na pinaiyak kayo ni Oliver ay baka hindi na maayos ang gusot dahil makikialam na po siya.” Tumikhim siya dahil alam niyang may punto si Manong, baka kapag nakialam pa ang mama niya ay hindi na talaga sila magkaka-ayos ni Oliver.
Tanga siguro ang tawag sa kanya kung ayaw niya pa rin makipaghiwalay sa lalaki kahit na nagsinungaling na ito sa kanya. Pero lahat naman deserve mabigyan ng second chance diba?
“Pakiutusan na lang po sina manang na ilagay ang mga gamit ko sa kwarto ko.” Utos niya sa driver nila. Nakahinga ng maluwag si Manong dahil sa sinagot niya. Kung kayang nalaman ni Manong na nagsinungaling sa kanya si Oliver, masasabi ba niyang mabait na bata pa si Oliver?
Suminghap muna siya bago niya binuksan ang pintuan ng sasakyan tiyaka siya bumaba. Kaagad siyang sinalubong ni Oliver na ngayon ay nakahinga rin ng maluwag dahil ang buong akala niya ay hindi siya kakausapin ni Elisa.
“Sa kotse tayo.” Sambit ni Elisa tiyaka ito nagmartsa papunta sa kotse nina Marina kaya aagd na sumunod si Oliver. Hindi siya nagreklamo dahil gusto niyang sundin ang gusto ng kasintahan tiyaka isa pa para magkaroon sila ng privacy.
Pagkapasok nila sa kotse ay tiningnan niya ang kasintahan na ngayon ay diretso lang ang tingin. Huminga siya ng malalim dahil naintindihan niya kung bakit hirap si Elisa na tignan siya ngayon. Marahan niyang binitawan ang tatlong rosas sa gitna nila.
“I’m sorry.” Panimula niya. Lumunok ng mariin si Elisa para makapag-isip ng mabuti kung anong sasabihin niya dahil magulo ang utak niya ngayon at baka pareho silang magkasakitan kapag pinairal niya ang init ng ulo niya.
“Kung iyan lang ang sasabihin mo, you can go home. We’ll just talk next time.” Sambit niya dahil ayaw niyang makarinig ng sorry galing sa kanya.
“Elisa naman.” Hindi maiwasan na malungkot ni Oliver lalo na nang makita niya ang mga mata ng dalaga na mukhang galing sa iyak. At ang pag-iyak na iyon ay kasalanan niya.
“Sorry was made... if you did something accidentally.” Sambit ni Elisa. “Pero sinadya mong magsinungaling.” Dagdag nito at halata ang pait sa kanyang boses.
Natahimik si Oliver dahil sa sinabi ng dalaga. Dahil alam niya na may punto ang sinabi nito. Kaya ilang segundo ang katahimikan ang naghari sa loob ng kotse. Walang nagsalita sa kanilang dalawa na animo’y pinag-iisipan ang susunod na sasabihin nila.
Hanggang sa binasag ni Elisa ang katahimikan na siyang bumasag sa utak ni Oliver dahil alam niyang hindi niya kayang sagutin iyon.
“Do you like Avery?”