CHAPTER 13
Nang makapasok si Oliver sa restroom ay hindi niya maiwasan na ikuyom ang kanyang kamao dahil sa inis na nararamdaman niya sa kanyang sarili. Nakita niya ang pag-ngisi ni Avery nang makita ni Avery kung anong naging reaskyon niya. Hindi dapat ganun ang kanyang reaksyon pero para bang pinagtataksilan siya ng kanyang katawan? Para bang kapag si Avery na ang kanyang kaharap ay hindi na niya ito ma-control.
Ilang minuto siyang nasa loob ng restroom para ikalma ang sarili niya at para rin makapag-isip ng mabuti para hindi na mangyari ulit kung ano man ang nangyari kanina. Hindi siya dapat naapektuhan kay Avery. Hindi dapat.
Naunang makabalik si Avery sa upuan na may ngiti sa labi. Ang dalawang lalaki lang ang nadatnan niyang nag-uusap habang nakatingin si Lindsey sa kanyang pagkain, dumating na pala ang mga order nila.
“You didn’t see Oliver?” Agad na tanong sa kanya ni Samuel pagkaupong-pagkaupo pa lang niya. Hindi pa siya nakakaupo ng maayos ay kaagad nang dumapo ang atensyon ng dalawa sa kanya kaya napaangat na rin ng tingin si Lindsey. Hindi pa kasi siya kumakain dahil hinihintay niya si Avery.
Kahit na si Avery ang naglagay sa kanya sa nakakahiya at nakakailang na atmospera kasama ang katabi niyang lalaki ay para siyang nakahinga ng maluwag nang makita niya si Avery na umupo sa kanyang upuan na wala man lang gusot ang kanyang damit dahil isa lang ang ibig sabihin non; hindi gumawa ng kakaiba si Avery. Tiyaka isa pa, masyado siyang out of place sa dalawang lalaki dahil hindi sila magkakatulad ng interes.
“I thought he’s here na.” Malambing na sagot ni Avery habang nag-aayos siya ng upo. Para sa tatlo ay ngiti ang nasa labi niya pero alam niyang ngisi iyon dahil natagalan si Oliver na bumalik at isa lang ang ibig sabihin non—talagang naapektuhan ang binata sa kanyang ginawa.
“Baka bebe time.” Singit ni Henry dahil hindi naman matagal magbanyo ang kanyang kaibigan. Sa katunayan nga, kapag nasa restroom silang tatlo ay nauunang lumabas si Oliver kaya medyo nakakapagtaka lang na ang tagal niya ngayon.
“I doubt that.” Si Samuel tiyaka niya nginuso ang bag ni Oliver kung saan nakabukas ang bulsa nito at nakalitaw ang camera ng cellphone niya. Kinuha kasi ni Oliver ang kanyang wallet kaya nakalimutan niya itong isara.
“Anyway, what are your plans after college?” Pag-iiba ng topic ni Samuel para hindi magkaroon ng dead air sa kanila. Baka maboring-an si Avery na kasama sila at hindi na siya uulit na makisalo sa hapag sa kanila kaya muli niyang binuhay ang lamesa.
Tumingin si Avery kay Lindsey na mukhang nanuyo na ang kanyang lalamunan dahil kanina pa hindi nagsasalita. Kaya kaagad na umikot ang ulo ng dalawa para tignan si Lindsey, ngumiti muna siya bago sumagot.
“Work? Siguro? O kaya ay samahan si Avery na pumasok sa med school.” Tahimik na naupo si Oliver sa tabi ni Avery kahit na ayaw niyang makatabi ang dalaga dahil sa epekto nito sa kanya ay wala siyang magawa dahil ang isang bakanteng upuan ay katabi pa rin ni Avery since sa gitnang upuan ito nakaupo.
“Oh wow. You’ll enter med school too?” Manghang tanong ni Henry kahit obvious naman na magme-med school si Avery dahil chairman ang lolo niya medical university sa bansa. At parang iyon lang tungkol kay Avery ang narinig nila at hindi pinansin ang talagang plano ni Lindsey.
Napapahiyang yumuko ulit si Lindsey dahil mukhang hindi naman talaga interesado sa kanya ang mga kasama niya sa lamesa. Mukhang kay Avery lang sila interesado, wala lang silang choice kung hindi kausapin siya dahil kay Avery. Katulad na lang kanina na silang tatlo lang ang naiwan sa lamesa, hindi man siya kinausap ng dalawang lalaki at para bang may sarili silang mundo na hindi siya pwedeng makisali.
Hindi na lang nagreklamo si Lindsey, nasanay na rin kasi siya dahil palagi niyang kasama si Avery. At maraming mga lalaki noong high school hanggang senior years ang nakiki-pagkaibigan sa kanya para lang mapalapit kay Avery. Para nga lang siyang anino ni Avery na palaging nakasunod sa kanya at kahit na nakikita man ng mga tao ay hindi siya pinapansin.
“Of course.” Proud na sagot ni Avery. Maraming kilala ang dalawang lalaki na papasok sa med school pero hindi nila alam kung bakit sila nakaramdam ng pagkamangha nang si Avery ang nagsabi non sa kanila. “Doctor Surgeon.” Ngiti ni Avery na nagpabilog sa bibig ng dalawang lalaki.
“Wow.” Hindi maiwasan ni Samuel na sabihin kung ano ang nasa utak niya. “So, hindi ka maselan? Like, you wouldn’t p**e if you saw blood or organs inside our bodies?” Pagtatanong ni Samuel na tila excited pa siyang marinig ang isasagot ng dalaga.
Mabuti na lang at nalunok na ni Lindsey ang kanyang kinakain kung hindi ay nasamid sana siya sa sinabi ni Samuel. Kung alam lang nila kung gaano ka-obsess ang kaibigan niya sa dugo at kung gaano katibay ang sikmura niya para panoorin ang pagkatay sa mga hayop at madalas ay siya pa ang kumakatay sa mga ito. Kung nasaksihan lang nila ang mga pangyayaring ganoon ay baka hindi na nila kailangan itanong iyon.
“That’s not a problem to me.” Sagot ni Avery. “I actually love blood.” Pag-amin niya kaya lalong namangha ang dalawang magkaibigan. Tahimik lang na nakikinig si Oliver. Hindi siya sanay na makarinig ng babae na mahilig sa dugo pero hindi niya lang maintindihan ang dalawa niyang kaibigan kung bakit parang halos luhuran na nila si Avery sa kanyang sinabi.
“Cool! I thought you’re maarte just like other girls in our class.” Natawa si Henry kaya nakitawa na lang din si Avery. Kunwari ay natawa siya sa pagiging conyo ng binata pero ang totoo ay parang binaluktot ang dila nito sa pagiging conyo. Parang gusto niya tuloy hilahin ang dila nito pero kailangan niyang maging mabait para makuha lalo ang loob ng dalawa kahit mukhang hindi na niya kailangan pang gumawa ng effort doon.
“I love saving lives.” Si Avery iyon, marahan na napaubo si Lindsey dahil saktong umiinom siya noong sinabi ni Avery iyon. Mabilis siyang sinamaan ng tingin ni Avery kaya bigla siyang napaayos. Nagtataka naman siyang tinignan ni Oliver pero hindi na lang niya iyon pinansin. “Cliche but that was the reason why I wanted to become a doctor.” Plastic na sambit ni Avery.
Hindi iyon ang totoong dahilan. Kaya niya gustong mag-doctor ay para makakita ng dugo o di kaya ay nang taong nag-aagaw buhay. Kung pwede nga lang, kapag intern na siya ay patayin na lang niya kaagad ang nag-aagaw buhay para at least natulungan niya pa ito na huwag mahirapan.
“It is not cliche if it's really what your heart beats for.” Hindi mapigilan ni Avery na magulat dahil nagsalita ang katabi niya. Ang buong akala niya ay hanggang matapos silang kumain ay hindi ito kikibo pero mukhang nagkakamali siya dahil nagsalita siya ngayon.
“That’s true!” Agad na pagsuporta ni Samuel sa kaibigan niya. “Kaya huwag mong sabihin na palagi na iyong sinasabi.” Dagdag pa nito.
“If they always said that reason but they didn’t mean it, that was the real cliche.” Si Henry naman ngayon.
“What about you, Lindsey? Anong specialty mo?” Nagulat pa si Lindsey dahil sa tanong ni Oliver. Hindi niya inaasahan na mapapasali siya sa usapan.
Napansin kasi ni Oliver na parang nawawala sa eksena si Lindsey at hindi niya mapigilan na maawa para sa kanya. Hindi niya lubos na maisip kung si Lianna ang nakaupo sa kinauupuan ni Lindsey at halos walang gustong pumansin sa kanya kahit na marami siyang sagot na nasa isipan niya, naghihintay lang ng isang tao na magtatanong sa kanya.
“Ha?” Ngayon ay nasa kanya na ang atensyon kaya tumikhim muna siya dahil buong akala niya talaga mapapanis na ang laway niya kung wala man siyang kinakain dahil wala namang interesado sa buhay niya. “Anesthesiologist siguro.” Sagot niya kaya napatango si Oliver.
Iyon naman din talaga ang gusto niya at in-aprubahan iyon ng lolo ni Avery na siyang nagpapa-aral sa kanya. Magkakasama pa rin naman sila ni Avery dahil sa isang operation kailangan ng surgeon at anesthesiologist. Mukhang nakatadhana na sa kanya na palaging nakadikit sa kanyang kaibigan.
“How about you, guys?” Pagtatanong ni Avery. Kunwari ay interesado sa kukunin ng dalawa pero ang totoo ay sa sagot lang ni Oliver siya interesado.
“We’re both planning to enter med school.” Si Samuel na ang sumagot para sa kanilang dalawang magkaibigan.
“Since we’re both from a family of doctors.” Dagdag ni Henry kaya tumango si Avery kahit na wala naman talaga siyang pakialam kung anong balak ng dalawa sa buhay nila.
Sabay-sabay naman silang tumingin kay Oliver na kumakain ng cake dahil siya na lang ang hinihintay na sumagot. Nagtataka pa silang tinignan ni Oliver isa-isa kung anong pahiwatig ng mga titig nila.
“What about you?” Malambing na tanong ni Avery sa katabi niyang binata.
“What about me?” Hindi maiwasan na kabahan ni Oliver dahil sa grabeng titig ng dalagang katabi niya. Kahit hindi niya ito tingnan ay para bang binabasa ng dalaga ang kanyang pagkatao base sa titig nito.
Alam niya rin kung anong usapan nila pero hindi niya maiwasan na kabahan dahil si Avery ang nagtanong sa kanya dagdag mo pa ang malalamig niyang mata na nakatingin sa kanya kahit na nakangiti ito. At hindi niya ulit nagustuhan kung paano magreact ang katawan niya dahil sa katabi niya.
“Your plans after college?” Malambing na tanong ni Avery.
“Work.” Tipid na sagot ni Oliver sa dalaga.
“He’ll work on psychiatric hospital.” Agad na singit ni Samuel dahil nabanggit ni Oliver iyon noong isang araw na kumakain sila.
“Oh really?!” Kunwari ay namamanghang sambit ni Avery. Magkahawak ang kanyang kamay tiyaka niya nilagay sa baba ng isang pisngi niya o di kaya ay sa baba niya habang namamanghang tinitignan si Oliver. “So you care about mental illnesses or disorders, that’s great!” Pagpuri pa niya.
“Well, in this country wherein mental disorder is labeled as crazy without knowing that it is not just like that. And wherein a mental illness was considered as pag-iinarte? Hope you will break that kind of stereotype.” Walang halong kaplastikan ang sinabi ni Avery dahil napipikon din siya minsan sa mga taong nakapaligid sa kanya na kapag mental na ang usapan ay kaagad na baliw ang naiisip nila. Mga taong kulang sa edukasyon o di kaya ay mga taong bobo kung tawagin niya.
“I’m rooting for you.” Dagdag pa niya na ikinatigil ni Oliver. Pasimpleng ngumisi si Avery dahil napansin niya ang pagtigil ni Oliver pagkarinig na pagkarinig ni Oliver sa sinabi niya.
Napuno ng usapan ang kanilang lamesa tungkol sa kung anong balak nila sa buhay pagkatapos nila sa college at kung anong plan B nila kung sakali man na hindi matuloy ang una nilang plano dahil sa unexpected event na pwedeng magpabago sa kanilang isipan o di kaya ay wala silang choice kung hindi baguhin dahil kailangan.
Sina Samuel at Henry ang nagdala sa usapin nila sa lamesa, nakikisabay lang si Avery tutala ay siya naman palagi ang tinatanong ng dalawa sa mga bagay-bagay. Kung minsan ay sumisingit si Oliver para tanungin si Lindsey o di kaya ay si Avery ang magtatanong kay Oliver para makapagsalita ito.
“Hello po, kayo po si Miss Avery Danna po diba?” May dalawang babae ang lumapit kay Avery. Mga fourteen years old, junior high school mula sa kabilang unibersidad base sa kanilang uniporme.
Mukhang nahihiya pa silang dalawa dahil pasimple silang nagsisikuhan at bakas sa boses noong nagtanong ang hiya dahil lumapit pa talaga sila sa table nina Avery. Pero ayaw nilang mawala ang chance na makapag pa-picture sa matagal nilang iniidolo dahil sa lawak ng Manila ay baka matagal pa bago sila magkitang muli.
“Yes, what is it?” Malambing ang tanong ni Avery para hindi mahiya ang dalawang bata. Sa itsura pa lang nila ay ramdam na niyang mga mambabasa o di kaya ay taga-hanga niya ang mga ito.
“Ah. Fan niyo po kasi kami.” Sagot noong isa habang pasimple pa niyang sinisiko ang kaibigan niya para siya naman ang magsalita.
“Sorry po sa istorbo pero pwede po bang pa-picture?” Pikit matang tanong pa ng isa dahil nahihiya siya sa pag-istorbo sa babae tiyaka isa pa ay baka hindi pumayag si Avery kaya pumikit na siya para ihanda ang sarili niya sa kahihiyan.
“Sure! Sure!” Masiglang sagot ni Avery tiyaka pa siya tumayo para malapitan ang dalawang babae sa gilid ng table nila. Sabay na kumislap ang mata ng dalawang bata dahil sa sagot ng kanilang iniidolo.
“Ako na ang kukuha ng litrato.” Presinta ni Lindsey dahil ganoon naman palagi ang role niya kaya tumayo na rin siya.
“Talaga po? Thank you po!” Hindi maiwasan ng batang babae na mapalakas ang boses niya dahil sa kasiyahan na nararamdaman niya at malugod niyang binigay ang mamahalin niyang cellphone kay Lindsey para makuhanan na sila ng litrato.
Pumwesto na rin si Avery sa gitna nilang dalawa tiyaka nag pose sila ng peace sign. Bumilang si Lindsey bago siya kumuha ng litrato dahil iyon ang mahigpit na habilin sa kanya ni Avery para makapaghanda siya. Alam niyang maganda siya kahit na stolen pero ayaw niya lang na ginagawang memes ng mga tangang tao ang kanyang picture na wala man lang pahintulot. Ayos lang sana kung memes na puro kasiyahan lang pero may mga basher siya na ginagamit ito bilang insulto.
Nakailang pose pa sila bago nagrequest ang dalawa na kung pwede ay tig-isa silang picture kay Avery kaya pumayag ito. Nag-usap din sila saglit sa libro niya at naglabas ng paghanga ang dalawang babae.
Samantala, manghang-manga lalo ang dalawang magkaibigan habang tinitignan si Avery kung paano niya tratuhin ang mga umiidolo sa kanya. Kung paano siya makipag-usap at kung gaano siya kalambing sa mga bata. Kung tutuusin ay pwede niyang tanggihan ang dalawang batang babae dahil sa privacy niya pero pinagbigyan niya pa rin ito para sa kasiyahan ng dalawang bata.
Pinagmamasdan naman siya ni Oliver na tila ngayon ay naintindihan na niya kung anong ugali ang sinasabi ng kanyang kapatid tungkol kay Avery. Hindi niya maiwasan ang mapangiti habang pinagmamasdan niya ang dalaga kung gaano siya kalambing sa dalawang batang babae at kung ganito siya kalambing sa dalawa ay panigurado ganito rin siya noong ang kapatid niya ang nagpalitrato at nagpapirma ng kanyang libro.
Unti-unti nang napapaniwala ni Oliver ang kanyang sarili na baka nga mabait naman talaga si Avery. Baka kasalanan talaga nina Marina kung bakit nag away-away sila noong unang araw ng pasukan. Sino nga ba namang hindi magagalit kapag tinawag silang baliw? Baka nagkamali lang siya ng impression kay Avery dahil noong una niya itong nakita ay inaaway niya ang kanyang pinsan at ang kasintahan nito.
Nang magpaalam ang dalawang babae ay namuo ang asaran tungkol sa pagiging famous ni Avery. Kaagad na tinatanggi iyon ni Avery kaya tinawag siyang humble ng dalawa. Hindi pa rin naalis ang biruan kaya hindi nila maiwasan na magtawanan. Nang makita ni Oliver ang tawa ng babaeng nasa tabi niya ay hindi niya maiwasan na mapangiti. Parang nakakahawa kasi ang tawa niya.
Napailing siya sa naisip at aksidenteng napatingin sa labas kung saan niya nakita ang kanyang pinsan at ang kasintahan niya na tumatakbo. Hindi niya alam kung saan sila papunta kaya kinuha niya ang kanyang cellphone sa bag at tuluyan nang nawala ang kanyang ngiti nang makita niya kung nakailang message si Elisa at mabasa niya ang mga mensahe ng dalaga.
Natigilan siya at hindi niya maiwasan ang mamutla dahil sa naiisip niya hindi naman sila nakita ni Elisa, diba?