CHAPTER 38

2754 Words
CHAPTER 38 “WHAT?!” Singhal ni Marina na tila hindi makapaniwala sa narinig niya sa kanyang pinsan. “What did you say? Magjowa? I would never date someone like him again!” Inis na sambit ni Marina tiyaka niya tinatak sa kanyang puso at isipan na kailanman ay hindi siya magmamahal ng katulad ni Hanzo dahil alam niya kung ano ang katapusan ng ganoong reaksyon at sa huli ay siya lang ang iiyak at masasaktan.  Ayaw na niyang umulit pa sa gabi-gabing pag-iyak at ang mga deperadang bagay na kanyang maiisip magpapansin lang sa taong nanloko sa kanya—para lang ipakita sa taong iyon kung ano ang sinayang niya.  “As if I would date bratty girls like you.” Bulong-bulong ni Samuel pagkatapos niyang mag-order ng kanyang pagkain. Ayaw niya rin naman makikain sa pagkain na binigay ni Marina dahil baka sumakit pa ang tiyan niya kasi labag sa kalooban ni Marina na i-share sa kanya ang pagkain na iyon.  Kaagad na sinamaan ng tingin ni Oliver ang kanyang kaibigan dahil alam niyang hindi papatalo si Marina. Sinenyasan niya ito na tumahimik na lang para magkaroon silang lahat ng katahimikan pero para bang nag-aalaga sila ng bata dahil sa dalawa.  “Duh? As if I’d wish you'd date someone gorgeous, brainy and talented like me?” Nagkunwari pang nasamid si Samuel sa sinabi ni Marina—sa mga papuri niya sa kanyang sarili. Napahilot sa sentido si Elisa dahil mukhang wala siyang magagawa para mapatigil ang dalawa. “And a worthy woman like me won’t date a trash like you.” Napasinghap pa si Elisa dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan dahil alam niyang below the belt iyon.  Hindi lang mapigilan ni Marina ang inis niya sa lalaki kaya niya nasabi iyon. Alam niyang below the belt na ang sinabi niya pero hindi pa rin siya nakakaget-over sa paghila niya noong Biyernes sa kanya kaya nagkaroon pa siya ng utang na loob sa lalaki, which is, ayaw ng pride niya na magkaroon ng utak na loob sa kahit sino mang lalaki. Pangalawa, ayaw niya kung anong ginawa ng lalaki kanina sa university na basta na lang siyang hinatak nito at baka kung ano pang isipin ng mga tao. At pang huli, hindi niya matanggap na pinahiya siya kanina ni Samuel kaya nararapat niya lang ipahiya ang lalaki.  Parang napintig naman ang tenga ni Samuel dahil sa sinabi ng dalaga. Kung iyong sinabi niya kanina na hindi na siya muling papatol pa sa ex niya ay tinanggap pa niya kahit na sinabi niyang magkatulad lang sila ng ex niyang gago at rapist. Kahit na isa siyang malokong lalaki ay hindi siya kailanman gagawa ng isang bagay na labag sa mata ng Diyos o maging sa batas ng tao. Alam niya kung anong pinaghuhugutan ni Marina kaya ganon na lang siguro ang inis niya sa mga party boy na tulad niya. Pero ang sabihan siya nitong isang basura? Aba, hindi na ata tama iyon.  “I am trash?” Hindi makapaniwalang tanong ni Samuel habang nakaturo pa sa kanyang sarili. Bakas sa mukha at sa kanyang tono na hindi niya nagustuhan kung ano man ang sinabi ni Marina sa kanya.  “Dude,” Pagtawag sa kanya ni Oliver habang hawak ang magkabilang dulo ng kanyang towel na nasa kanyang batok para sana subukan na patigilin si Samuel. Alam niyang pinsan na niya ang may kasalanan ngayon kung magsimula man sila ng away pero sana ay intindihin na lang siya ni Samuel.  “Why would you ask something that is obvious?” Maarteng tanong ni Marina tiyaka niya pa pinagkrus ang kanyang mga hita pagkatapos ay hinalukipkip niya ang kanyang dalawang kamay sa ilalim ng dibdib niya habang seryosong nakatingin kay Samuel na ngayon ay bahagyang gumagalaw ang panga na tila nagpipigil sa kanya.  Totoong nagpipigil si Samuel at pinapaalala niya na hindi lang ordinaryong babae si Marina kung hindi pinsan din siya ng kanyang kaibigan pero hindi niya kayang itago ang inis at galit sa boses niya. Alam niyang hindi siya katulad ng ibang lalaki na basura pero hindi niya alam kung bakit siya nasaktan nang sinabi ni Marina iyon, kung ibang babae lang ang nagsabi non panigurado ay ngingisian niya lang at wala siyang pakialam kung ganon ang tingin nito sa kanya pero bakit iba kapag si Marina ang nagsabi?  “Marina!” Matalim na tinignan ni Oliver ang kanyang pinsan dahil hindi pa siya huminto. Sakit talaga sa ulo ang pinsan niyang si Marina.  Hindi niya alam kung kanino ito nagmana dahil mabait naman ang kanyang tito at tita, hindi ganito ang ugali nila kaya hindi niya alam kung kanino nagmana ng ugali ang anak nilang si Marina. Kung iyong kapatid niya, alam niyang nagmana sa tito niyang chickboy pero si Marina? Hindi niya alam. “I am not your ex boyfriend so stop calling me trash.” Inis na sambit ni Samuel pagkatapos ay kumuyom ang kanyang kamao para pigilan ang kanyang sarili pero hindi na niya talaga kayang pigilin pa ito. “Look how ungrateful you are.” Minuwestra pa niya si Marina na ngayon ay nag ma-make face kung ano man ang sinasabi nito.  “Didn’t I save you last Friday night from your trash, asshole, jerk, dumbshit, and cheater ex boyfriend?” Binigyan ni Samuel ng diin ang kanyang bawat salita dahil sa inis niya. Napaawang ang labi ni Marina dahil hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ni Samuel. “If I wasn’t there, you were raped! You ungrateful brat!” Dagdag pa ni Samuel dahil sa kanyang inis.  “Wait… Wait… What?!” Gulat na tanong ni Elisa sa kanyang katabi—sa kanyang kaibigan na ngayon ay nanuyo ang lalamunan dahil sa sinabi ni Samuel. “Last Friday night? What happened? What you told me…. Nothing happened that night.” Hindi pa rin makasama si Elisa sa kanilang pinag-uusapan dahil hindi niya maintindihan, dahil walang sinabi ang kanyang kaibigan.  “Oh you didn’t know what happened that night?” Samuel asked Elisa sarcastically kaya kaagad siyang sinamaan ng tingin ni Marina.  “Shut up!” Madiin na sambit niya dahil alam niyang may utang na loob siya kay Samuel at alam niyang may punto kung ano man ang sinasabi niya. “I’ll explain.” Sambit ni Marina tiyaka siya tumayo at hinila si Elisa paalis doon.  May maliit na front yard sina Oliver kaya doon hinila ni Marina ang kanyang kaibigan para makapag-usap sila ng mabuti. Alam niyang sisingit at sisingit ang epal na si Samuel sa oras na naririnig niya ang pag kwento niya sa kanyang kaibigan.  “Okay? What was that?” Kaagad na pagtatanong ni Elisa sa kanyang kaibigan. “So, you lied earlier, right?” Nakanguso na tumango si Marina sa kanyang kaibigan. “Why? What happened that night? So, Alice was telling the truth?” Tuloy-tuloy na tanong niya dahil ang daming mga tanong sa kanyang isipan at iyon ang mga tanong na magsa-summarize sa lahat ng katanungan niya kay Marina.  “Okay, I saw Hanzo’s friend IG story.” Panimula ni Marina dahil iyon ang alam niyang simula kung bakit siya nagdesisyon na pumunta sa club. “I saw Hanzo on the twenty seconds video.” Sambit pa niya tiyaka siya huminga ng malalim na tila nahihiya na siyang ipagpatuloy ang kanyang kwento sa kaibigan niya.  Alam niyang hindi naman siya dapat mahiya dahil kaibigan naman niya si Elisa, para na nga silang magkapatid. Ang ayaw niya lang ay magmukha siyang clown dahil sinabihan na niya si Elisa na huwag magpakatanga sa kanyang pinsan pero ang ginawa niya noong Biyernes ay isang uri ng tangang ex girlfriend. “And then?” Suminghap si Marina dahil wala na talaga siyang choice kung hindi sabihin kay Elisa. “And then, I dress up and go to the club where they were.” Simpleng sagot niya na para bang wala man lang iyon sa kanya. “Plus, Alice that b***h triggered me to do that… So,” She shrugged her shoulders. “Was Alice the main reason?” Pagtatanong ni Elisa na tila tinatantiya ang galaw at pagbikas ng kanyang kaibigan para malaman niya ang totoo. Sa paraan ng pagkakasabi ni Marina ay parang may iniingatan itong mga salita na ayaw niyang banggitin sa kanyang harapan. “Of course!” Umirap si Marina pero mariin lang siyang tiningnan ni Elisa na hindi naniniwala sa rason ng kanyang kaibigan. Oo, alam niya na iyon ay isa sa rason niya pero meron ppang paniguradong rason si Marina kung bakit niya ginawa iyon. “Okay. There’s still another reason, okay?” Ginalaw pa ni Marina ang dalawa niyang palad habang sinasabi iyon dahil mukhang na-check mate siya.  “What is it?” Hamon ni Elisa sa kanyang kaibigan. Pumikit ng mariin si Marina dahil ayaw niyang aminin iyon sa kanyang sarili pero heto siya at aaminin niya ngayon iyong dahilan na iyon sa kanyang kaibigan na naghihintay ng sagot sa kanyang harapan.  “May nararamdaman pa rin ako sa kanya.” Mabilis na sagot ni Marina dahil iyon ang totoo. Umaasa siya na maghihingi ng tawad sa kanya si Hanzo. “Okay na?” Pagtatanong ni Marina dahil nakuha na ni Elisa ang kasagutan.  “Hindi pa,” Dahil alam ni Elisa na meron pang karugtong iyon. Hindi lang ganon ang gustong sabihin ni Marina. “Okay, umaasa ako na maghihingi siya ng tawad sa oras na nakita niya ako. Umaasa ako na kapag nakita niya ako noong gabing iyon ay marealize niyang, ako pala ang mahal niya at hindi iyong malandi na iyon. Umaasa ako na kahit katiting pa na pagtingin ay meron pa siya sa akin. Umaasa ako na pinapahalagahan niya pa rin ako dahil hindi lang buwan kami nagsama kung hindi taon. Umaasa pa rin ako na baka mabalik iyong dating kami sa oras na nagpakita ako sa kanya noong gabing iyon. Ayos na?” Hindi maiwasan na mapasinghap ni Elisa dahil sa narinig niya sa kanyang kaibigan.  Samantalang hindi maiwasan makaramdam ng pagtusok ng isang karayom sa puso ni Marina habang sinasabi niya iyon. Ang mga bagay na gusto niyang huwag na lang pansinin at manatili na lang sa kanyang utak. Ang mga bagay na ayaw niyang aminin ay inamin niya mismo hindi lamang sa kanyang sarili kung hindi sa harapan ng kanyang kaibigan na minsan niyang pinayuhan na huwag maging tanga pero heto siya ngayon at nagmumukhang tanga sa kakaasa sa isang lalaki.  “Pero wala eh,” Kibit-balikat na kuwento ni Marina tiyaka siya pilit na ngumiti kahit na namumuo na ang mga luha sa kanyang mga mata. “Kapag talaga gago na ang isang lalaki kahit anong gawin mo, gago pa rin siya.”  “I tried to flirt with him, of course, he flirted back! That flirt!” Inis na sambit ni Marina habang inaalala ang gabing iyon. Habang inaalala ang gabing gutso niyang patunayan na may pag-asa pa. “So I asked him to break up with his girl, so he did! And then he’s trying to… you know.” Dagdag niya dahil hindi niya masabi kung ano mismo iyon. “And then, one jerk came and saved me from a jerk!” Natatawang sabi ni Marina tiyaka siya bahagyang natawa dahil hindi niya inakalang napunta siya sa ganoong sitwasyon. Tahimik lang na nakikinig si Elisa sa kanyang kaibigan. “Siguro, iniisip mo na napakatanga ko.” Kumunot ang noo ni Elisa dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan. “Ang clown na I’m advising you not to turn fool just because of love but here I am,” Nilahad ni Marina ang magkabilang kamay niya sa kanyang magkabilang gilid na para bang pinapakitang mabuti ang kanyang katawan.  “Hindi pa pala move on sa ex.” Tumawa siya pero bakas sa tawa niya ang pait na dinadamdam niya. “Akala mo, wala na talaga siya sa akin no? Akala niyo, naka-move on na talaga ako sa gagong iyon pero mukhang mas gago ang puso ko dahil kahit na anong sabi kong tama na, sumisige pa.”  “Akala niyo, okay na ako dahil hindi na ulit ako umiiyak hindi katulad noon. Akala niyo maayos na talaga ako… kasi iyon din ang akala ko… Akala ko… Wala na… Akala ko tapos na iyong sakit pero mali pala ako… hindi pa pala tapos… At hindi ko alam kung matatapos pa ba?” Lumapit si Elisa sa kanyang kaibigan tiyaka niya ito mahigpit na niyakap.  “Alam mo, kahit na maldita ka palagi. Deserve mo pa rin maging masaya. Deserve mo pa rin ang mahalin.” Wika ni Elisa sa gitna ng kanilang yakapan. “Kahit na maldita ka hindi mo deserve ang masaktan ng ganyan lalo na dahil lang sa isang gago.”  “Okay lang, lahat naman tayo nagkakamali diba? Lahat naman tayo nabibigo. Hindi naman lahat ng unang pag-ibig nagtatagumpay, mayroon din namang hindi humahantong sa kasalanan.” Hinaplos-haplos ni Elisa ang likod ng kanyang kaibigan. “Ang mahalaga, umibig ka. Ang mahala, naramdaman mong magmahal. At ang pinakamahalaga, natuto at bumangon ka mula sa pagkabigo.”  “Tiyaka, bakit ko naman iisipin na tanga o di kaya ay clown ka?” Pagtatanong ni Elisa sa kanyang kaibigan. “Alam ko naman na binabalaan mo ako dahil ayaw mong maramdaman ko ang sakit na nararamdaman mo.”  “At isa pa, hindi naman ganon kadaling i-unlove ang isang tao no! Hindi naman basta-basta nawawala ang pagmamahal lalo na kapag minahal mo siya ng buo at totoo.” Sambit pa ni Elisa kay Marina na siyang kaibigan niya. “Healing is a process. Huwag mong madaliin ang sarili mo.” Dagdag pa nito.  Ilang segundo silang nakatayo lang na nakatingin sa mga taong dumdaan pagkatapos non. Tumahimik si Elisa dahil baka gusto ng kapayapaan ng kaibigan niya kaya pinagbigyan niya ito. Hanggang sa pareho nilang nakita ang ina ni Oliver kaya kaagad nila itong sinalubong, may dala-dala itong isang bayong kaya kaagad na kinuha ni Elisa iyon.  “Oh! Napabisita kayo! Wala man lang sinabi si Oliver na pupunta kayo rito.” Gulat na sambit ni Lian sa dalawang dalaga. “Kung alam ko lang ay sana nabilhan ko na kayo ng pagkain sa palengke.” Sambit nito dahil wala siyang alam na ipapakain sa dalawa.  “Ayos lang po tita! Nag-order naman po ako ng pagkain.” Sambit kaagad ni Marina para hindi na mag-alala ang kanyang tita. “Biglaan din po ang pagbisita namin kaya nakakahiya.” Wika ni Marina. “Namiss lang talaga kayo ng daughter-in-law niyo.” Dagdag pa niya kaya sabay silang tatlo na nagtawanan.  “Ganon ba? Namiss na rin kita, iha. Lagi nga kitang kinakamusta kay Oliver pero ang sabi niya ay nagiging busy na kayo sa pag-aaral niyo.” Sabi ni Lian habang naglalakad sila papasok sa bahay. “You’re not getting younger, you’re already started caring about your future.” Ngiti ni Lian. “Maganda iyan, maganda na makapagtapos kayong lahat sa pag-aaral.”  Nang nasa pintuan na sila ay biglang umasim ang mukha ni Marina dahil papalabas si Samuel. Ngumiti si Samuel na bumati kay Lian na mukhang nagulat kasi hindi niya inaasahan na nandito rin pala ang kaibigan ng kanyang anak.  “Oh, nandito ka rin pala, iho.” Wika ni Lian. “Hindi man lang nagsabi na maraming bisita si Oliver. Batang iyon talaga!” Bahagya pang natawa si Lian kahit na nahihiya siya dahil wala siyang nabiling pagkain sa mga ito. “Uuwi ka na ba? Dito ka na kumain.” Anyaya pa niya, panigurado ay meron naman silang pagkain sa ref nila.  “Ayos lang po tita! Kunin ko lang po pinadeliver ko.” Sambit ni Samuel tiyaka niya nginuso ang rider na nasa gate na ngayon nila. Lalo tuloy nahiya si Lian dahil nag-order pa sila ng pagkain. “Huwag po kayong mag-alala tita, biglaan po ang pagpunta ko kaya nakakahiya na wala man lang akong dalang pagkain!” Wika ni Samuel.  “Nay,” Pagtawag ni Oliver sa kanyang ina. Muling nagpaalam si Samuel na kukuhanin na niya ang in-order niya sa rider kaya nakidaan siya sa tatlo, sa side na ni Elisa siya dumaan keysa sa malditang babae.  “Oh, Oliver, tulungan mo na si Elisa sa pagbubuhat.” Utos nito sa anak. “Magbihis lang ako.” Paalam pa nito.  “Ikaw na bahala sa manugang ko ah? Elisa, katulad ng dati, feel at home ka lang.” Ngiti ni Lian bago siya pumasok sa kanilang kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD