CHAPTER 37
Halos mapapikit si Oliver sa dinatnan niya sa sala habang nasa kanyang batok ang puti niyang towel. Napabuntong hininga si Elisa dahil para bang alam na niya kung saan ang kapupuntahan ng lahat ng ito kung may wala ni-isa sa dalawa ang magde-desisyon at magpaparaya na umalis. Kumunot naman ang noo ni Lianna dahil sa pagtataka. Nakataas ang isang kilay ni Samuel habang tinitignan si Marina habang matalim naman ang titig sa kanya ni Marina.
Hindi alam ni Lianna kung bakit may namamagitan na tensyon sa kanyang pinsan at sa kaibigan ng kanyang kuya. Pinapasok niya si Samuel dahil siya iyong kaibigan ng kuya niya na pumunta sa kanila noong Linggo, mukha nga itong problemado kanina habang papasok sa kanilang gate kaya siguro lalapit siya sa kanyang kuya na kaibigan niya.
“Aba, malamang! Kumpara sayo? Mas may karapatan akong pumunta dito.” Unang sumagot si Marina sa tanong ni Samuel. “Ako ang pamangkin ng may-ari ng bahay na ito at pinsan ng mga anak nila kaya may karapatan ako keysa sayo.” Tinuro pa siya ni Marina habang matalim niya itong tinititigan.
Hindi niya alam kung bakit nag-iinit kaagad ang dugo niya makita niya lang ang lalaking ito o marinig man lang niya ang pangalan ni Samuel ay kumukulo na ang kanyang dugo. Hindi niya alam, siguro dahil naamoy niya na isa itong manloloko. Isa pa, pareho sila ng pabango ni Hanzo, they have the same vibes, kaya naman hindi niya maiwasan na mainis dito.
Feeling kasi ni Marina pinaglalaruan siya ng tadhana, kung bakit pa siya nilalapit sa mga lalaking katulad ni Hanzo na nagpa-paalala sa kanya kung gaano siya katanga at kung gaano kasakit ang pinaramdam ng binata sa kanya. Lalo pa siyang naiinis dahil sa ginawa niya noong Biyernes kung saan nagpaalipin na naman siya sa kanyang puso na gusto niyang gantihan si Hanzo but at the same time she wanted to feel how it feels like to be on his arms again at lalong hindi niya matanggap na nasaksihan ni Samuel iyon.
“I didn’t say you don’t have the rights.” Sambit ni Samuel dahilan ng pag-iinit ng pisngi ni Marina dahil sa pagkakapahiya.
“You asked me!” Pakikipaglaban niya pa kahit na mali ang pagkakaintindi niya.
“I’ve just asked you but I didn’t say anything about your rights.” Kibit-balikat na sagot ni Samuel. Napintig ang tenga ni Marina dahil sa tono ng boses ni Samuel para bang tono iyon na pinagmumukha siyang bobo.
Lalapit na sana siya sa lalaki ang kaso nga lang ay naramdaman niya ang kamay ni Elisa sa kanyang braso. Tinignan niya ang kaibigan niyang nakaupo ngayon sa sofa habang hawak-hawak ang kanyang pulso at marahan itong umiling para utusan si Marina na huwag na lang gumawa ng away.
Ginawa ni Elisa iyon dahil alam niyang susugod ang kanyang kaibigan na si Marina kay Samuel at baka humantong pa sa pisikal na sakitan. Hindi nila lahat inasahan na ngayon pa talaga pupunta si Samuel kina Oliver kung saan nandito silang dalawa ni Marina.
“Stop it.” Pambawal ni Oliver tiyaka siya lumapit sa kanyang kaibigan. Marahan niyang tinapik ang balikat ni Samuel bilang pagbati. “Napadaan ka?” Pagtatanong niya pa.
Nagkibit-balikat si Samuel dahil siya lang ang mag-isa sa kanyang condo habang tumatakbo sa kanyang isipan ang mga bagay na hindi niya maintindihan at kung bakit pati ang pangalan ni Marina ay kasamang tumatakbo sa kanyang isipan. Hindi niya pwedeng makausap si Henry tungkol dito dahil hindi siya available sa kadahilanan na may family’s dinner sila kaya wala siyang ibang choice kung hindi lumapit kay Oliver.
Kahit na alam niyang pinsan ni Oliver ang isang tao na kasama sa mga bagay na magugulong tumatakbo sa kanyang isipan. Kahit na alam niyang binalaan na siya ni Oliver na tantanan na ang kanyang pinsan. Pero anong magagawa niya kung si Marina mismo ang hindi nawawala sa kanyang isipan.
“Wala lang.” Sagot pa ni Samuel. “I was just bored?” Hindi niya siguradong sagot kaya suminghal si Marina pagkarinig na pagkarinig pa lang niya ng dahilan ni Samuel.
“You’re just bored?” Pagsingit ni Marina na bakas ang pagiging sarkastiko sa kanyang boses. Kumunot muli ang noo ni Samuel dahil sumingit si Marina sa usapan nila ni Oliver. “O baka naman sinusundan mo ako para mapeste mo ako?!” Inis na tanong ni Marina.
Si Lianna ay pabalik-balik lang ang tingin niya sa kanyang pinsan at sa kaibigan ng kanyang kapatid, may kung ano nang namumuo sa kanyang utak dahil hindi naman siya bata para hindi mahalata kung ano man ang meron sa dalawa. Pero sa pagkakaalam niya ay si Hanzo ang ex ng kanyang pinsan at iyon ang huli niyang kasintahan kaya bakit mainit ang dugo ng pinsan niya sa kaibigan ng kanyang kapatid? Naguguluhan na siya.
Suminghap si Elisa dahil sa lakas ng loob na meron ang kanyang kaibigan. Siya na ang nahiya para kay Marina lalo na ngayon an tinignan niya si Samuel na mukhang walang alam sa pinagsasabi ni Marina at para bang pinagbibintangan naman siya nito. Hindi maiwasan na umawang ang labi ni Oliver pagkatapos sabihin ng pinsan niya iyon para bang may hindi siya alam kung ano man ang namamagitan sa dalawa.
“Wh-what?” Halos malagay ni Samuel ang kanyang kamay sa kanyang mukha para mapa-face palm dahil sa diretsahang tanong ni Marina ngunit mabilis niyang pinasadahan ang kanyang buhok gamit ang kamay nito.
“So, am I right?” Masungit na tanong ni Marina tiyaka niya inalis ang pagkakahawak ng kanyang kaibigan na si Elisa sa kanyang pulso para ilagay niya ang dalawa niyang kamay sa ilalim ng dibdib niya habang hinihintay ang sagot ni Samuel.
“Ayos ka lang?” Hindi maiwasan na itanong sa kanya ni Samuel dahil hindi niya alam na ganon ang tumatakbo sa isipan ng dalaga.
“Of course, how about you? Are you stalking me?” Pagtatanong pa ni Marina. Bumilog ang bibig ni Lianna tiyaka niya ito marahan na tinakpan dahil sa sagutan ng dalawa. Para bang nagbabatuhan sila ng linya na galing sa libro at aaminin niya na hindi niya maiwasan na ma-entertain kaya maliit siyang ngumiti.
Napansin ni Oliver ang reaksyon ng kanyang kapatid kaya mabilis niya itong sinamaan ng tingin, alam niya kung ano ang iniisip ng kanyang kapatid dahil isa itongn hopeless-romantic impluwensiya na rin ng mga librong binabasa niya. Naiilang na ngumiti si Lianna sa kanyang kuya tiyaka siya pasimpleng nag-peace sign.
“Why would I stalk you?” Pagtatanong ni Samuel sa kanya dahil hindi niya maiwasan na matawa sa sinasabi ni Marina at gusto niya pang marinig ang ibang konklusyon ng dalaga na alam niyang magpapatawa sa kanya.
“Because you like me.” Buong loob na sagot ni Marina. Hindi man lang siya nagdalawang isip, hindi man lang siya nabulol nang sinabi niya iyon. Sinabi niya iyon ng may lakas ng loob at para bang alam niya na totoo nga iyong pinaniniwalaan niya.
At dahil nakikita niya ngayon ang reaksyon ni Samuel ay hindi niya maiwasan na mapangisi dahil para bang tama kung ano man ang sinasabi niya. Pero nawala ang ngisi niya ng biglang lumakas ang tawa ni Samuel. Nakahawak pa ito sa kanyang tiyan na para bang may nakakatawa siyang sinabi.
“Grabe, dude!” Malakas ang tawa ni Samuel at halos manghina siya at mapaupo dahil don. Kaya tinapik niya ang balikat ni Oliver habang wala pa rin siyang sawang tumatawa na para bang nagsabi ng joke si Marina.
Kumunot ang noo ni Marina dahil sa pagtataka. Hindi niya alam kung may nakakatawa ba sa sinabi niya at ganon na lang maka-react ang lalaki sa harapan niya na halos maluha pa ito sa kakatawa.
“Joker ka pala?” Pagtatanong sa kanya ni Samuel na ngayon ay medyo kumalma na sa pagtawa pero may iilan pa rin na lumalabas ng tawa sa kanya. “I came here because Oliver is my friend, Henry’s having a family’s dinner outside so I couldn’t brag in his unit and talk to him so I came to Oliver instead.” Pagpapaliwanag ni Samuel dahil iyon naman ang totoo.
“And why would I like you?” Tinignan niya pa mula ulo hanggang paa si Marina na para bang iniinsulto niya ito gamit ang kanyang mga tingin. “You’re not even my type. Brats aren't my type and completely different from my type.” Dagdag pa nito dahilan ng pag-awang ng bibig ni Marina dahil para siyang na-insulto.
“Let's just say, I stalk you, then how did I know that you’re here? Then, how did I know where your house is?” Pagtatanong ni Samuel dahil wala talaga siyang ideya sa pinaparatang ni Marina pero sa ilang sandali, nang sinabi ni Marina iyon, para bang tumigil ang lahat ng mga gumugulo sa kanyang utak. Para bang nabigyan na iyon ng kasagutan pero marahan niyang pinilig ang ulo niya dahil napaka-imposible.
“A-aba, ma-malay ko sayo!” Hindi pinahalata ni Marina na kinakabahan siya dahil sa hiyang natamo niya. Alam niyang ang dalawang pinsan at ang kaibigan niya lang ang nanonood at nakakarinig ng usapan nila ni Samuel pero hindi niya maiwasan na mainis din dahil pinahiya siya ni Samuel.
“See? You don’t know the answer so how would I know your address and plan for today?” Tanong ni Samuel. “And come to look at it, maybe visiting your cousin’s house is not planned so how would I know?” Pagtatanong pa ni Samuel dahil hindi nagkakaroon ng sense sa kanya iyon.
Hindi niya rin alam kung bakit ganon na lang siya ka-defensive, alam niya naman sa kanyang sarili na mali ang pinaparatang ni Marina sa kanya pero bakit umaakto siya na tama at naghahanap siya ng lusot para masabi lang na mali ang pinaparatang sa kanya ni Marina? Hindi niya alam. Hindi niya maintindihan. Kaya nga siya nandito para kausapin niya si Oliver na kanyang kaibigan tungkol don dahil maging siya ay nalilito.
“Be-because you're a stalker! That is why you know where I am and what my plan is!” Pamimilit ni Marina dahil ayaw niya talagang matalo sa usapan na ito dahil siya ang nagsimula at kahiya-hiya kung siya pa ang matatalo.
Aawatin na sana sila ni Oliver nang sabay-sabay silang natigilan dahil sa pag ring ng bell sa kanilang gate. May nakalagay kasi na bell doon para maging doorbell nila since wala silang budget para sa doorbell kaya iyon ang naisipan at ginawa ni Oliver para mapadali sa kanila na malaman na may tao sa labas.
“Maybe that’s the food!” Pagbabali ni Elisa sa tensyon tiyaka siya nagmamadaling tumayo. Hinawakan niya ngayon ang kamay ni Marina para alisin sa paghahalukipkip sa ibaba ng dibdib niya para mahila niya ito palabas. “Marina, let’s go.” Bulong ni Elisa sa kanyang kaibigan dahil pasan-pasan niya ang second-hand embarrassment sa ginawa at sinabi ng kaibigan niya.
“Marina, ordered food kasi so it won’t surprise tita that we visited.” Paliwanag ni Elisa sa kanyang kasintahan dahil hindi alam ni Oliver ang food na sinasabi ni Elisa. “It’s her threat so she should pay for it.” Dagdag pa niya habang pilit na hinihila ang kanyang kaibigan na ngayon ay mukhang nakapako lang sa kanyang kinatatayuan dahil ayaw niyang umalis doon.
Gusto niyang pantayan ang titig ni Samuel, gusto niyang ipakita sa lalaki kahit na mali ang hinala niya ay hindi siya basta-basta nagpapatalo. Kahit na alam niyang wala ng lusot ang kahihiyan na tinamo niya sa harapan ng pesteng Samuel na ito.
“I could buy it since you’re the visitor.” Sambit ni Oliver dahil hindi niya inakala na o-order ang kanyang pinsan habang nasa banyo siya. Ang balak niya sana ay tatapusin niya muna ang kanyang pag-ligo bago siya bumili ng miryenda sa malapit na mini grocery malapit sa kanilang kanto.
Hindi maiwasan na tingnan ni Lianna si Elisa, matagal niya na kasi itong pinagmamasdan dahil kung ano man ang ihain sa kanya ng kanilang ina ay kinakain niya. Imposible naman sanay siya sa mga pagkain na ganon kaya hindi niya maiwasan na obserbahan angd alaga kung napiilitan lang siyang kainin ito at katulad ng ibang mayaman ay nagkukunwari lang siya para makuha ang loob ng kanyang ina. Pero mukhang nagkamali siya dahil habang nakukuwentuhan niya palagi noong bakasyon ay narealize niyang mali siya sa paratang niya tungkol kay Elisa.
At kagaya na lang ngayon, mukhang mabait at hindi maarte ang naging girlfriend ng kanyang kuya. Pero alam naman din niya na parang kaibigan at kapatid lang ang trato ng kanyang kuya kay Elisa dahil walang kaibahan ang pagtrato ni Oliver sa kanya at kay Elisa kaya hindi niya rin maiwasan na maawa sa dalaga.
“No, it’s okay.” Agap ni Elisa. Nahihiya siyang tumingin kay Lianna dahil baka kung ano ang isipin ni Lianna sa sinabi ng kanyang kapatid. “Right, Marina?” Paghingi niya ng tulong sa katabi niya tiyaka niya marahan na hinihila ang kamay nito para makalabas na sila.
Pero ang kanyang kaibigan at si Samuel ay para bang may contest sila sa titigan dahil pareho nilang hindi binibitawan ang tingin nila sa isa’t-isa. Nakangisi si Samuel na para bang naisahan niya si Marina habang matatalim ang tingin ni Marina dahil hindi niya nagustuhan kung saan natapos ang laro na kanyang sinimulan.
“Marina, let’s go.” Nilakasan na ni Elisa ang hila niya kay Marina lalo na’t nagriring na ang cellphone ni Marina na panigurado ay ang rider iyon dahil ginagalaw na niya ng maingay ang bell.
Walang magawa si Marina kung hindi padabog na sumunod sa kanyang kaibigan. Binigay niya ang wallet nito kay Elisa para siya na ang magbayad pagkatapos ay nilagay niya dalawa niyang kamay sa magkabilang beywang niya.
“Ang taas ng tingin niya sa sarili niya!” Inis na sambit ni Marina habang nagbabayad si Elisa sa rider. “Akala mo naman kagwapuhan siya!” Dagdag na ranta pa niya. “E mukha lang naman siyang fckboy na natuyot!” Natawa ang rider dahil sa sinabi ni Marina kaya binalingan siya ni Marina.
“Hindi ba, manong? Napakapangit ng lalaking iyon!” Paghingi pa ng kakampi ni Marina tiyaka tumango ang rider dahil mukhang wala sa moood si Marina at ayaw niya naman na mababa ang ratings na ibigay sa kanya dahil makakaapekto iyon sa kanyang trabaho.
“Marina, sinagot niya lang naman ang tanong mo.” Mahinahon na wika sa kanya ni Elisa habang chinecheck niya ang in-order ni Marina kung kumpleto at tama iyon. “Salamat po, Manong.” Sambit nito nang walang kulang sa order nila tiyaka niya binigay ang dalawang paperbag kay Marina habang hawak-hawak ang isang paper bag at dalawang box ng malaking pizza.
“Salamat po sa tip, ma’am.” Masayang pasalamat sa kanila ng rider bago siya umalis. Inis na tinignan ni Marina ang kanyang kaibigan.
“Ha! Kahit na! Hindi niya ako dapat pinahiyang ganon dahil ang panget niya lang naman!” Umaktong nasusuka si Marina pagkatapos niyang sabihin iyon kaya napailing na lang si Elisa.
“Upo ka muna.” Sambit ni Oliver nang makalabas na sina Marina para kuhanin ang mga order nila. “Anong kailangan mo?” Tanong pa ni Oliver na mukhang tatambay lang naman dito ang kanyang kaibigan dahil kinuha na ni Samuel ang kanyang cellphone tiyaka niya pinatong ang dalawang kamay niya sa kanyang hita at nagsimula ng magcellphone.
“Tambay lang.” Sambit ni Samuel dahil alam niyang hindi niya makakausap si Oliver ngayon tungkol sa gumugulo sa kanyang isipan.
At hindi siya aalis ngayon kina Oliver, lalo na at nandito ang kanyang pinsan. Nagbabakasakali siya na mabawasan ang kung ano man na tumatakbo sa kanyang isipan pagkatapos ng araw na ito. Kahit na alam niyang mag-aaway lang sila ni Marina.
Suminghap si Oliver dahil alam niyang hindi niya mapapaalis ang kanyang kaibigan sa kanilang bahay dahil kawalang respeto kapag pinaalis niya na lang ito basta-basta. At panigurado na isusumbong siya ni Lianna sa kanilang ina na nagpalayas siya ng bisita. Mukhang may problema rin si Samuel ngunit alam niyang hindi sila makakapag-usap ng maayos ngayon kaya mas okay na nandito si Samuel para malibang siya kahit papaano. Kahit na malibang lang siya sa pag-aaway ni Marina.
Pumasok na ang dalawa habang dala-dala ang mga pagkain tiyaka nila ito nilapag sa may center table.
“Ihanda ko lang lamesa.” Paalam ni Lianna dahil paparating na rin ang kanilang ina at iyon na ang magiging dinner nila panigurado.
“Sa atin lang na pagkain ito.” Punto ni Marina kaya napasinghap si Oliver.
“Don’t worry, I’ll order mine.” Sambit ni Samuel tiyaka niya pinakita ang kanyang cellphone na nasa food delivery application.
“God, can you just not talk to each other?” Pagod na tanong ni Elisa.
“Huwag na kayong mag-usap, daig niyo pa magjowang nag-away.” Pagbabawal ni Oliver.