CHAPTER 4
“I'm sad.” Biglaang sabi ni Avery habang naglalakad sila palabas ng university. Nasa labas kasi ang driver na sundo nila dahil dadaanin lang naman sila sa university.
Mula noong binunggo niya ang isang sasakyan nila sa isang puno para tingnan kung gaano ito katibay ay hindi na siya muling pinagmaneho pa ng kotse ng kanyang lolo.
Noong isang taon lang nangyari iyon, at nakita na lamang nila si Avery na duguan ang kanyang noo dahil sa lakas ng pagkakabangga nito sa puno. May malay pa siya noong panahon na iyon pero imbis na mag-alala sa sitwasyon niya ay natawa pa siya lalo na noong may makapa siyang pulang likido sa may bandang noo niya.
Samantala, ang kanyang lolo ay labis ang pag-aalala habang inuutusan ang mga tauhan niya na tumawag ng ambulansya para maisugod kaagad sa hospital ang nakangiti niyang apo na akala mo ay hindi nasaktan dahil sa kanyang kagagawan.
Nagulat naman si Lindsey sa tinuran ni Avery, buong akala niya ay hindi nakakaramdam ng emosyon ang isang kagaya niya kaya hindi niya maiwasan na masurpresa nang sinabi niyang malungkot ito.
“H-ha?” Labis pa rin ang pagkagulat sa kanyang sistema na animo isa iyong bagay na hindi kapani-paniwala.
“I was excited for the first day of being a freshman.” Suminghap pa si Avery habang naglalakad na para bang nasa entablado siya bilang modelo. Kitang-kita rin ang pagkakaiba niya sa ibang estudyante dahil halos lahat ay nakakulay puti ay siya lang ang nakakulay itim na suot.
“Ah? Oo nga eh. Nakakapagod! Akala ko getting to know each other lang, ang dami palang ginagawa kapag college na.” Tuloy-tuloy na wika ni Lindsey sa pag-aakala na iyon ang tinutukoy ng kaibigan.
Huminto si Avery tiyaka pinagkrus ang kanyang dalawang kamay sa ilalim ng dibdib niya. Kabadong napatigil din si Lindsey dahil hindi niya alam kung may nasabi ba siyang hindi maganda. Kapag ganitong naglalakad sila at huminto si Avery ay alam niyang may nasabi siyang hindi nagustuhan ng kaibigan.
Kaya marahan na marahan siyang gumilid para matignan si Avery na ngayon ay nakataas ang kilay habang tinitignan siya. Bakas sa mukha ni Lindsey ang kaba, tumingin pa siya sa paligid kung saan malapit na sila sa gate at lihim na nananalangin na sana ay dumating na ang tatay niya—na driver nina Avery para maligtas siya sa galit nito.
“That's not what I meant.” Mataray na sambit ni Avery, napaiwas ng tingin si Lindsey dahil hindi niya kayang makipag-titigan kay Avery.
“Ah? Ganon ba?” Bakas ang kaba at hiya sa boses ni Lindsey habang napakamot pa sa kanyang ulo dahil hindi niya alam kung ano pang sasabihin niya para mawala ang atensyon ni Avery doon.
“I clearly understand why you are qualified for this university.” Ngiwi ni Avery kaya napatingin ulit sa kanya si Lindsey, buong akala niya ay iibahin ni Avery ang topic at pupurihin siya nito ngunit mali ang kanyang hinala.
“It is because you have a connection with me. I wonder if it's not because of me, are you even qualified to be called La Medicinians?” Tanong ni Avery, La Medicinians kasi ang tawag sa mga estudyanteng nag-aaral sa university nila.
Unti-unting nawala ang ngiti ni Lindsey dahil don at dahil rin don ay hindi niya mapigilan na magtanong kung makakapasok ba siya sa ganitong klaseng unibersidad kung hindi dahil kay Avery o dahil sa mga magulang niya na tauhan ng chairman ng school.
“You're so dumb to be called one. At isa pa, hindi ako malungkot dahil sa mga ginawa ngayong araw. That's completely fine with me. We are all paying tuition so I think we deserve to be taught even on our first day to learn, right?” Pangangaral ni Avery sa babaeng nasa harapan nito.
Magsimula noong sinabi ng mga babaeng nakaaway niya kanina na baka nagtitiis lang si Lindsey dahil tauhan ng kanyang lolo ang mga magulang niya at pinag-aaral ng kanyang lolo ito ay hindi na niya pa ito tinawag na kaibigan. Isa pa, wala siyang kaibigan na hindi nag-iisip.
“Ye-yes. That's what I was supposed to say.” Hiyang sambit ni Lindsey habang malikot ang kanyang mata dahil sa pagkakapahiya. Kahit na wala naman nakatingin sa kanila o nakarinig man lang ay hindi niya maiwasan mahiya o manliit sa kanyang sarili.
“I doubt you would say that since you're just a scholar in this university, that is why you didn’t mind where every centavos for the fees went.” Pagyayabang ni Avery pagkatapos ay umayos siya ng tayo. “Anyway, that's thanks to me.” Sambit pa niya kaya napayuko si Lindsey.
“Let's go.” Anyaya niya tiyaka muli siyang naglakad at tanging ang heels niya ang naririnig nila habang naglalakad dahil halos lahat ng estudyante ay paniguradong dumaan sa kabilang daan dahil doon ang parking lot at halos lahat ng mga estudyante ay may sariling kotse.
“Anyway, I'm sad since the attention they are all giving to me was just half because of that pakialamerong man.” Maarteng wika nito habang tinutukoy si Oliver na naging usap-usapan sa campus dahil isang transferee.
Halos lahat ng nag-aaral kasi sa La Medicina ay galing din sa Senior High School ng university kaya magkakakilala na halos sila. Kaya naman napaka-big deal sa kanila kapag may nakita silang bagong mukha. Ang iba ay humahanga pero ang iba ay naiinis kagaya ni Avery dahil alam nila na magiging ka-kompetensya nila ang lalaking iyon, hindi basta-basta nagpapasok ng bagong estudyante sa unibersidad unless kung isa itong matalinong estudyante.
At isa lang ang ibig sabihin non; Magkakaroon ng threat sa ranking nila.
“H-he's new, that is why he didn't know or recognize you.” Ilang beses pang pinag-isipan ni Lindsey iyon sa kanyang isipan para masiguro lamang na hindi na muling hihinto pa si Avery.
“He should have done research, then.” Si Avery habang iniisip niya kung paano bugbugin si Oliver sa kanyang isip. “And doesn't he recognize me? I'm a famous author with a million followers on my different social media accounts!” Hindi niya mapigilan ang inis sa boses niya dahil siguro sa kauna-unahang pagkakataon ay naglaho ang fame na pinaghirapan niyang makuha.
“Ba-baka wala siyang social media accounts.” Sagot ni Lindsey.
“And how is that even possible, Lindsey? We're living in this techy world. How is that even possible?” Pag-ulit na tanong pa ni Avey sa alalay niya.
Oo, alalay na ang itatawag ni Avey kay Lindsey noon. Besides, natawag niya lang naman niyang kaibigan si Lindsey para ipakita sa lahat na mayroong isang tao na nakakaintindi sa kanya. Ayaw niyang magmukhang kawawa sa mata ng ibang tao kaya kahit na ayaw niya ay nagtiyaga siyang matawag na kaibigan i Lindsey.
At isa pa, hindi naman niya pinagkakatiwalaan ang alalay niya dahil wala siyang pinagkakatiwalaan sa mundong ito kung hindi ang sarili niya.
“Ah? Ah… ano. Narinig ko kasi na kasama siya sa sampung scholar ng freshies. Kaya tingin ko wala siyang pang-load.” Totoong narinig niya na scholar lang ng university si Oliver kaya iyon ang ginamit niyang dahilan kay Avery.
Avery just rolled her eyes. Ramdam niya kasi na nagdadahilan lang si Lindsey. Lindsey is somehow smart but dumb at the same time, kaya ramdam niya kapag nagsisinungaling o nagpapalusot lamang ito sa kanya.
Paglabas nila ng gate ay kaagad kinuha ni Lindsey ang kanyang cellphone para tawagan ang papa niya at nang sa gayon ay masundo na sila, mainipin kasi si Avery at madalas kapag naiinip siya ay may nagagawa siyang hindi normal sa tingin ng ibang tao.
“Miss Avery!” Pagtawag ng isang dalagita habang may dala-dala pa na libro tiyaka nagmamadaling lumapit kay Avery.
Napakunot ang noo ni Avery dahil hindi pamilyar ang dalagita sa kanya pero alam niya agad ang librong dala-dala ng dalaga dahil siya ang nagsulat doon kaya kaagad na ngumiti ng matamis si Avery.
“Kanina pa po kita hinihintay na lumabas.” Pag kuwento ng dalagita habang naghahabol pa siya ng hininga. “Fan na fan niyo po talaga ako!” Kinikilig na sambit nito habang tinatakpan ang kalahati ng kanyang mukha gamit ang libro.
“Matagal ka bang naghintay?” Malambing na tanong ni Avery. Hindi maintindihan ni Lindsey kung bakit bigla na lang nag-iiba ang awra ni Avery kapag kausap niya ang mga taong umiidolo sa kanya.
Pero para kay Avery, kailangan niyang maging mabait dahil masasayang ang energy niya kapag siya lang mag-isa ang papatol sa mga basher niya. Kaya kailangan niyang mabilog ang ulo ng kanyang mga fans. Tiyaka isa pa, nag-enjoy siya sa atensyon at pagmamahal na binibigay ng mga ito sa kanya.
“Ah hindi naman po masyado.” Nahihiyang wika ng dalagita. “Gusto ko lang po sanang magpa-sign ng libro. Ito po ang unang libro ko sa inyo na pinag-ipunan ko po talaga.” Nakangiting kuwento pa nito habang nahihiyang binigay sa kanya ang libro.
Agad na hinalungkat ni Lindsey ang kanyang bag para makuha ang sharpie na palaging nakahanda dahil hindi lamang ito ang unang beses na may lumapit kay Avery. Maburi na lang at mabilis niya iyong nakuha kaya kaagad niyang binigay kay Avery. Nakangiti lang si Avery habang nakatingin sa dalagita tiyaka niya malugod na kinuha ang libro.
“What is your name?” Pagtatanong ni Avery habang ginagawa niya ang magulo pero magandang sign niya na siya lang ang makakagawa. At kaagad mong mapapansin kapag ginaya lang ang kanyang sign o hindi.
“Lianna po.” Magiliw na sagot ni Lianna.
“Junior or Senior high? How old are you?” Pagtatanong ni Avery habang binibigyan niya ng maikling mensahe ang libro ni Lianna.
“Senior high school po. I’m sixteen.” Hindi pa rin makapaniwala si Lianna na kausap niya na ngayon ang kanyang iniidolo na sa social media niya lang nakikita pero ngayon ay nasa tapat na niya at nakakausap niya pa!
“La Medicina Senior High?” Pagtatanong ni Avery pagkatapos ay ngumiti siya at sinara na ang libro. Binigay na niya ang libro kay Lianna habang umaabot hanggang mata ang malawak na ngiti ng dalagita.
“Ah hindi po. Hindi namin afford. Pero sana po sa college.” Nahihiyang sambit niya.
“Ano bang course ang gusto mo?” Pagtatanong ni Avery. Bilib na bilib din si Lindsey sa pakikiasama ni Avery sa mga taga-hanga niya dahil kung tagalog ang ginagamit na lenggwahe ng fans niya ay iyon ang gagamitin niya.
“Doctor Surgeon po.” Tumango si Avery na may ngiti sa labi.
“Good luck then, doctora?” Lalong lumawak ang ngiti ni Lianna dahil don kaya ngayon ay mas nasisigurado siyang mali ang mga lumalaganap sa social media na masama ang ugali ni Avery dahil napatunayan niya ngayon lang na mabait ang dalaga.
“Thank you po! Pwede pong pa-picture?” Nahihiyang tanong ni Lianna pagkatapos ay nilabas pa nito ang cellphone niya.
“Sure.” Agad na sinenyasan ni Avery si Lindsey para kuhanin ang cellphone ni Lianna at siya ang kukuha ng litrato sa mga ito.
Kaagad na sumunod si Lindsey dahil ganoon naman palagi ang nangyayari. Kinuha niya ang cellphone ni Lianna tiyaka siya lumayo sa dalawa para makuhanan ng magandang anggulo sa picture. Ngumiti si Avery habang hawak-hawak ni Lianna ang librong pinapirma niya na pinapakita niya rin sa picture.
Simple lang ang ngiti ni Avery pero kahit na ganoon ay malakas pa rin ang dating ng kagandahan niya. Tinignan niya ang cellphone na ginagamit pang-camera at alam niyang mumurahin na android phone lang iyon at panigurado hindi ganon kaganda ang quality ng camera pero hindi naman siya conscious sa itsura niya dahil alam niyang maganda siya kahit anong camera pa ang gamitin.
“I really wanted to talk to you but we need to go na.” Nanghihinayang na sambit ni Avery nang matanaw ang kotse nila. Kabisado niya ang plate number kaya alam niyang kotse na nila iyon.
“Okay lang po! Salamat po!” Agap kaagad ni Lianna.
“We can book you a grab, we’ll pay for it, don’t worry. So, you’ll go home safe.” Presenta ni Avery pero kaagad na nagpanic si Lianna dahil sa hiya kaya sunod-sunod ang pag-iling niya.
“Hindi na po! Nandiyan lang naman po sa tabi-tabi niyan ang kapatid ko, message ko na lang po.” Tumango si Avery tiyaka ngumiti bago siya magpaalam.
Nang makasakay na sa sasakyan si Avery ay kaagad siyang naghingi ng alcohol kay Lindsey para spray-an ang kanyang damit maging ang kamay niya. Samantalang hindi pa rin makapaniwala si Lianna habang yakap-yakap niya ang kanyang libro at tinitignan nang paulit-ulit ang picture nila ni Avery sa mumurahin niyang cellphone.
“Teka! Si Lianna ba iyon?” Tanong ni Marina sa pinsan niyang si Oliver habang nagda-drive ito. Dumating na kasi ang service ni Elisa kaya makakauwi na sila.
Napatingin si Oliver sa gilid ng main gate ng university nila at doon niya nga nakita ang kanyang kapatid na mukhang baliw na inaamoy ang kanyang libro tiyaka niya pa ito hinahalikan, may tinitingnan din ito sa cellphone niya kaya kaagad niya itong binusinahan kaya napatalon sa gulat si Lianna.
Binaba ni Marina ang salamin ng bintana ng sasakyan.
“Hoy! Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya sa nakababatang pinsan niya. Ngumiti kaagad si Lianna dahil hindi na niya kailangan pang hanapin ang kanyang kuya dahil nakita na niya itong nagdadrive. Mukhang nakaayon sa kanya ang tadhana ngayong araw.
“Sakay.” Utos ni Oliver tiyaka niya sinenyasan sumakay sa likuran ng sasakyan kaya mabilis na binuksan ni Lianna ang pintuan para makasakay na siya.
“Hay! Mabuti na lang at nakita niyo ako. Me-message na sana kita kuya!” Wika niya habang inaayos niya sa tabi niya ang kanyang bag para makaupo ng maayos. Marahan niya pa rin hinahaplos ang kanyang libro tiyaka niya ito binuksan para tignan ang mensahe ni Avery doon.
Lianna,
Thank you for your support. It was nice meeting you. I hope you will support me no matter what.
Love,
Avery Danna
Hindi niya mapigilan na umimpit ng tili dahil don. Nawewerduhan siyang tiningnan ni Marina habang napatingin lang saglit si Oliver sa kapatid gamit ang rear mirror.
“Ano iyan? Para kang tanga.” Untag ni Marina dahil naiinis siya minsan kapag naging ganito ang pinsan niya.
“Avey signed my book! Nakausap ko rin siya at sobrang bait niya!!!” Kinikilig na sambit ni Lianna na bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha.
Biglang tumambol ang puso ni Oliver pagkarinig ng pangalan na iyon pero imposible naman na iisa lang ang kakilala niyang Avery at ang Avery na tinutukoy ng kapatid niya diba?
“Avery ano?” Ngunit kaibahan naman kay Marina. Parang pumipintig ang tenga niya pagkarinig palang ng pangalan ng bruhang sumipa sa kanya kaninang umaga.
“Avery Danna! Duh? Hindi niyo ba siya kilala? Ang famous kaya non.” At doon pa lang nakumpirma ni Oliver na parehong Avery ang kakilala nila ng kapatid niya.
“Ano? Anong mabait?” Bakas ang sarcasm sa boses ni Marina pero masyadong masaya si Lianna para mapansin pa iyon sa halip ay kinuwento niya kung paano siya nag-ipon para mabili ang libro niya at kung paano siya naghintay sa labas ng university. Kung paano siya nagbabakasakali na doon lalabas si Avery at hindi nga siya nagkamali dahil nakita niya ang iniidolo niya at nakausap niya pa ito.
Kinuwento niya ang pag-uusap nila ni Avery tiyaka kung paano nag-offer na mag book ng grab at siya ang magbabayad para mahatid siya pauwi ng safe. Pero bakas ang kalitunahan kay Marina dahil hindi nagkakaroon ng sense ang kuwento ni Lianna sa talagang ugali ni Avery. Sa kuwento ni Lianna, mukhang mabait at anghel si Avery pero sa totoong buhay isa siyang bruhang demonyo na walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.
“Teka lang, teka lang.” Pagpapahinto ni Marina dahil hindi talaga nagtutugma ang sinasabi ni Lianna at mukhang nagkakamali lang siya sa pagkakakilala niya kay Avery.
“Marina,” Babala ni Oliver sa pinsan. Ayaw kasi ni Oliver na mawala ang saya ng kapatid niya. Bakas sa mga mata niya kung paano ito kuminang habang nagku-kuwento sa kanila dahil nakikita niya ito kapag sumusulyap siya sa rear mirror.
Para kay Oliver, masasama ang mga taong sisirain ang kaligayahan ng iba lalo na’t hindi naman nakakasakit ng ibang tao ang kaligayahan nila. Mahirap maging masaya sa panahon ngayon kaya ayaw niyang sirain ang ngiti sa labi ng isang tao o di kaya ay ang tuwa sa kanyang puso.
Suminghap na lang si Marina dahil kilala niya ang kanyang pinsan na si Oliver at gusto niyang tumahimik na lang ito keysa sabihin kay Lianna ang totoong kulay ni Avery.
“That’s good to hear.” Ngiti ni Oliver sa kapatid. “Saan mo siya nakilala at bakit mukhang fan na fan ka niya?” Pagtatanong ni Oliver. Hindi niya rin mabatid kung curious lang ba siya kung bakit kilala ng kapatid niya si Avery o di kaya naman ay curious siya sa pagkatao ni Avery sa labas ng paaralan o unibersidad.
“Kuya! Famous na writer kaya siya!” Parang pagtataksil kay Lianna na hindi kakilala ng kuya niya si Avery dahil sobrang famous nito sa social media. “Tiyaka nagmo-model din minsan kapag may tinanggap siyang offer. Pero ang mga stories niya? Ang gaganda! Walang tapon! Worth it basahin lahat!” Pagmamalaki ni Lianna na para bang siya ang nagturo kay Avery sa tono ng kanyang boses.
“Wow. Talented.” Maiksing komento ni Oliver kaya napaikot ang mata ni Marina habang naka krus ang dalawang kamay sa kanyang dibdib at diretso ang tingin sa dinadaanan dahil ayaw niyang marinig ang kwentuhan ng magkapatid tungkol sa isang bruha na mukhang peke pa ang pinapakita sa madla.
“Yes naman kuya! Pakita ko sayo ang picture namin tiyaka iyong mga libro niya.” Excited na sabi ni Avery. “Kaso lang isa pa lang libro ko sa kanya pero mababasa iyon online kaya pag-uwi sa bahay papakita ko sayo!” Dagdag pa nito.
“Sure,” Nakangiting sagot ni Oliver at sa hindi malamang dahilan he suddenly felt excitement to his system.