CHAPTER 29
“Marina, may hindi ka ba sinasabi sa akin?” Biglang napahinto sa pagkain si Marina nang marinig niya ang tanong ng kanyang kaibigan.
Seryoso naman si Elisa na nakatingin kay Marina habang hawak ang kanyang kutsara at hininto niya ito sa paglalaro. Kanina pa niya gustong tanungin si Marina tungkol sa nangyari noong Biyernes ng gabi pero maraming kinukuwento ang si Marina sa kanya kanina at hindi niya nasasabi ang tungkol noong Biyernes kaya siya na ang nagtanong ngayon dahil may narinig at balitaan siya.
“Ha? Ano naman iyon?” Takang tanong ni Marina kahit na may pakiramdam na siya kung ano ang tinutukoy ng kanyang kaibigan.
Ayaw niyang sabihin ang nangyari noong Biyernes dahil ayaw na niyang i-open pa si Avery at ang kanyang pinsan. Ngayon ay wala naman siyang naririnig tungkol sa mga estudyante pagkatapos noong eksena na ginawa ni Avery Biyernes ng umaga. Siguro nga ay umiwas na ang kanyang pinsan kagaya ng napag-usapan nila sa kotse noong inihahatid na siya pauwi.
Hindi na sumama si Marina sa loob ng condo nina Samuel, sa halip ay lumipat na lang ito sa front seat. Akay-akay ng pinsan niya kasama si Samuel si Henry na mukhang may tama pa rin samantalang si Samuel naman ay nahihilo na pero tinulungan na lang din niya si Oliver.
Hindi nagtagal si Oliver sa loob ng condo ni Samuel dahil binagsak niya lang sa sofa ang kaibigan nilang si Henry tiyaka na siya nagpaalam kay Samuel sa pamamagitan ng pagtapik nito sa kanyang balikat kaya tumango si Samuel tiyaka niya na lang sinabi na kukunin na lang niya bukas ang kanyang kotse kina Oliver kasama si Henry kagaya ng napag-usapan nila.
Tahimik na pumasok sa kotse si Oliver, hindi na siya nagulat na nasa front seat na ang kanyang pinsan. Tahimik lang din si Marina na para bang malalim ang kanyang iniisip. Kumikirot-kirot pa rin ang kanyang ulo dahil sa nainom niya, alam niyang hindi maganda ang nagiging takbo ng utak niya dahil mas kaunti ang kanyang pasensya pero para sa kanya ay nararapat na niyang sabihin sa kanyang pinsan kung ano man ang nasa isip niya na tama.
“Hiwalayan mo na si Elisa.” Nagulat si Oliver hindi lamang dahil binasag ni Marina ang katahimikan sa loob ng kotse kung hindi dahil sa sinabi nito. Hindi niya maiwasan na mapaawang ang kanyang labi tiyaka mabilis na tumingin sa kanyang pinsan para tingnan kung gising ba talaga ito o natutulog na.
“Pinagsasabi mo?” Nagtatakang tanong ni Oliver dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kanyang pinsan. Parang noong isang araw lang binabalaan niya ito na huwag sasaktan si Elisa pagkatapos ngayon ay sasabihin niya iyon?
“Mas mabuti pa na hiwalayan mo na siya ngayon.” Hindi maintindihan ni Oliver kung ano ang pinupunto niya. “Mas mabuti pang saktan mo na siya ng mas maaga keysa patatagalin mo dahil lalo lang siyang masasaktan.” Biglang natahimik si Oliver sa sinabi ng kanyang pinsan.
“Alam kong masaya sayo ang kaibigan ko pero…” Natigilan si Marina para kumuha ng lakas ng loob para ipagpatuloy ang sasabihin niya. “Kung sobra mo lang naman siyang masasaktan sa huli, mas mabuti pang ngayon pa lang ay hiwalayan mo na siya.”
“Alam naman nating pareho kung ano ang tunay mong nararamdaman kay Elisa.” Tumiim ang bagang ni Oliver dahil sa sinabi ng kanyang pinsan.
“Marina, you’re just drunk and hallucinating things.” Depensa ni Oliver dahil ayaw niya kung ano man ang lumalabas sa bibig ng kanyang pinsan. Mahinang natawa si Marina dahil sa sinabi ni Oliver.
“I know what I’m saying.” Sagot niya sa kanyang pinsan. “Alam kong napilitan ka lang kay tita dahil tuwang-tuwa siya kay Elisa. Kaya wala kang choice kung hindi pagbigyan na maging kayo ni Elisa kahit na parang kapatid lang ang turing mo sa kanya.” Kumunot lalo ang noo ni Oliver sa sinasabi ng kanyang pinsan.
Tama naman siya, hindi niya itatanggi iyon. Kaya rin hindi niya kayang saktan si Elisa dahil parang kapatid na ang tingin niya rito. Dahil kapag nakikita niyang nasasaktan si Elisa ay para na niyang nakikitang nasasaktan ang kanyang kapatid na si Lianna. At hindi niya maiwasan na masaktan kapag naiisip niya iyon.
“Ayoko lang na humantong pa sa panloloko kaya kayo maghiwalay.” Sambit ni Marina dahil iyona ng tumatakbo sa kanyang isipan ngayon.
Na dahil sa galit ay baka magawa ni Elisa ang nagawa niya ngayong gabi. Na baka magkatulad sila ng kapalaran ni Elisa pagdating sa pag-ibig pero alam ni Marina, kagaya ng sinabi ni Alice sa kanya, deserve niya sigurong maloko dahil sa kanyang kuya. Lahat nang mga iniyak ng babae dahil sa kanyang kapatid ay iyon din ang mga pag-iyak na nakalaan sa kanya.
Pero ang kanyang kaibigan? Hindi niya lubos maisip na ang inosente at mabait na si Elisa ay magbabago dahil lang sa pag-ibig. Hindi deserve ni Elisa ang maloko at masaktan ng isang lalaki dahil wala siyang ginagawang masama. Mabait din ang pamilya nito kahit na medyo mapagmataas at mataray ang kanyang ina dahil naintindihan naman niya ang ina ni Elisa na gusto niya na ‘best’ ang mangyari sa kanyang anak dahil nasaksihan niya kung gaano kabait si Elisa sa mga tao.
“What are you saying?” Hindi maiwasan ni Oliver na mainis sa sinabi ng kanyang pinsan. Alam niyang may punto ang sinasabi ni Marina pero alam din niya na kaya naman niyang panagutan kung ano man ang nararamdaman niya para kay Elisa.
“I know that you’re attracted to that bitch.” Hindi maiwasan ni Marina ang mainis dahil naisip na naman niya ulit ang bruhang si Avery na nagpapainit ng dugo niya araw-araw.
“Can you hear yourself?” Hindi makapaniwala na tanong ni Oliver sa kanyang pinsan na para ba itong nahihibang dahil sa sinabi niya.
“Huwag na tayong maglokohan. Ramdam ko at alam mo rin kung ano ang nararamdaman mo sa bruhang iyon.” Hindi maiwasan ni Oliver ang mapailing dahil tingin niya ay nahihibang na ang kanyang pinsan.
Kahit na may kaunti sa kanyang sistema na nagsasabing tama kung ano man ang hinala ni Marina ngayon.
“What made you think that I like her?” Umiiling na tanong ni Oliver dahil para sa kanya ay lasing na nga talaga ang kanyang pinsan para isipin at sabihin ang mga bagay na ganito.
“The way you look at her with so much adoration in your eyes.” Marina pointed it out. “That stare…” Tumigil si Marina tiyaka siya tumingin sa kanyang pinsan na ngayon ay seryoso na nakatingin sa daan na dinadaanan nila. “Hindi ko kailanman nakita ang titig na iyon sa t’wing tinitingnan mo si Elisa o maging ang ibang tao. Tanging sa kanya lang.” Paliwanag ni Marina.
Hindi nakapagsalita si Oliver dahil don, para siyang natigilan dahil hindi niya naman alam kung paano ang kanyang mga mata kapag tumitingin siya sa ibang tao. Pero kung napansin iyon ng kanyang pinsan ay hindi imposibleng tama nga ang sinasabi nito ngayon pero umiling siya dahil hindi niya matanggap at ayaw niyang papasukin sa kanyang sistema kung ano man ang sinasabi ni Marina ngayon.
“I won’t break up with her,” Sambit ni Oliver sa kanyang pinsan. Sa lahat ng sinabi ni Marina at sa lahat ng mga bagay na tumatakbo sa isipan ni Oliver, iyon ang naisipan niyang isagot sa kanyang pinsan. “I love her.” Dagdag pa nito para tumigil na si Marina sa kanyang kahibangan. Bahagyang natawa si Marina dahil sa dinagdag ng kanyang pinsan na alam niyang pati ang sarili ni Oliver ay pnapaniwala niya sa salitang iyon.
“Make sure you won’t hurt her.” Pagbabanta ni Marina dahil alam niyang hindi pa rin matanggap ni Oliver kung ano man ang nararamdaman niya ngayon at pilit niyang dine-deny hindi lang sa sarili niya kung hindi maging sa ibang tao kahit halata na ito sa kinikilos niya.
Halata na nagkaroon ng kakaiba sa mga mata ni Oliver at sa mga kilos niya simula noong nakilala nila si Avery. Kagaya na lang ang kakaibang pakiramdam kung bakit nag-iinit ang dugo niya sa babae simula noong unang araw ng pasukan. Pero alam niyang hindi inis ang nararamdaman ni Oliver sa dalaga.
“I won’t hurt her.” Sagot ni Oliver kahit hindi niya alam kung kaya ba niyang panindigan iyon. Pero iyon lang ang natatanging salita para tumigil na si Marina.
“Then, you’re willing to avoid Avery for her?” Hamon ni Marina sa kanyang pinsan. Humigpit ang hawak ni Oliver sa manibela dahil sa sinabi niya.
“Why would I avoid her?” Pagtatanong ni Oliver. “Kung hindi naman ako lumalapit sa kanya.” He said. “At kapag iniwasan ko siya ay hindi ba tama ang pinaparatang mo?” Pagtatanong ni Oliver kahit na ginawa na niya iyon.
Pero habang iniiwasan niya ang dalaga ay sumisimpli pa rin siya ng tingin kapag nakakasalubong o nakikita niya ito sa campus.
“Pero para sa ikatatahimik mo, sige. Iiwasan ko siya.” Buong loob na sambit ni Oliver dahil alam din niyang iyon ang kailangan niyang gawin para matupad ang sinabi niya kay Marina na hindi niya sasaktan o lolokohin si Elisa.
Hindi niya alam kung anong pwersa meron si Avery na pilit hinahatak palapit sa kanya ang sistema nito.
“Good.” Sambit ni Marina.
“And make you you won’t really hurt my best friend because if that happens?” Huminga muna siya ng malalim bago niya ipagpatuloy ang kanyang sasabihin. “I couldn’t even pay kuya’s karma for being a flirt and playboy that is why I am not sure if I could pay your karma the moment you hurt Elisa.” Tumiim ang bagang ni Oliver dahil parang alam na niya kung saan tutungo ang sasabihin ni Marina.
“But maybe Lianna can embrace the pain you’ve caused.” Halos lumitaw ang mga ugat sa kamay ni Oliver dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa manibela. “And I won’t ever forgive you for hurting Elisa and letting your sister pay for yourkarma. Even if you are my cousin. Even if we’re blood related.”
Dahil alam ni Marina kung gaano kasakit ang maloko at saluhin lahat ng ginawa ng kanyang kapatid.
“About what happened last Friday night?” Pagtatanong ni Elisa na parang pinapaalala niya kay Marina na hindi nasasabi ng kanyang kaibigan ang tungkol don.
Umawang ang labi ni Marina dahil hindi niya alam kung paano nalaman ni Elisa iyon, hindi naman siguro kay Henry dahil bagsak na bagsak siya noong gabing iyon. Sa ggong Samuel kaya? Pero hindi ba’t parang nilaglag na niya si Oliver kung sinabi niya iyon? And looking at their friendship, mukhang hindi nila ilalaglag ang isa’t-isa nang ganun lang kadali.
“What about it?” Takang tanong ni Marina. Suminghap si Elisa dahil kailangan na niya sigurong diretsuhin kung ano man ang gusto niyang sabihin.
“Alice called me that night.” At doon nasagot ni Marina ang kanyang tanong kung paano nagtaka si Elisa kung ano man ang nangyari noong Biyernes. “She’s asking me what did you do to Hanzo for him to break her up.” Pagkukwento ni Elisa.
Nagulat si Elisa noong gabing iyon dahil kakatapos niya lang mag shower tapos ay biglang nag ring ang kanyang cellphone, ang buong akala niya ay si Oliver iyon pero nawala ange excitement sa kanyang sistema nang makita ang pangalan ni Alice sa messenger. Friend kasi sila sa f*******: dahil magkaklase sila noong high school, sila nina Marina.
“What the fckng stunt that your best friend pulled off this time?” Hindi man lang bumati si alice pagkasagot na pagkasagot ni Elisa sa kanyang cellphone. Nagtaka lalo si Elisa dahil sa galit sa boses ni Alice tapos ay nagtaka pa siya dahil wala naman sinabi sa kanya si Marina.
“Ha?” Takang tanong ni Elisa. “Teka, what happened ba?” Nagtatakang tanong pa nito dahil hindi niya maintindihan kung saan nanggaling ang galit ni Alice.
“Hanzo broke up with me!” Sigaw ni Alice mula sa kabilang linya. “And I know that your bitchy friend had to do with this!” Pagpaparatang pa ni Alice.
“Huh? I don’t know? I’m ready to sleep?” Takang sagot ni Elisa dahil walang sinabi sa kanya si Marina.
“She didn't tell you?” Medyo kumalma na ang boses ni Alice kaya hindi na kailangan ni Elisa na ilayo pa ang speaker ng phone nito sa kanyang tenga. Naramdaman kasi ni Alice na mukhang wala talagang alam si Elisa sa nangyayari.
“She didn’t tell me anything.” Sagot ni Elisa tatanungin niya pa sana si Alice ang kaso nga lang ay kaagad niya itong binababa kaya nakakunot ang kanyang noo habang tumitingin sa kanyang cellphone. Tinignan niya rin ang message niya kung may sinabi ba si Marina pero ang huling mensahe ng kanyang kaibigan ay matutulog na siya.
“They broke up?” Kunwaring gulat na pagtatanong ni Marina dahil hindi pa siya handa na pag-usapan ang nangyari noong gabing iyon. Suminghap si Elisa dahil siguro napagbintangan lang ni Alice ang kanyang kaibigan.
“Nevermind.” Singhap ni Elisa. “Maybe she’s just blaming someone.” Tamad na dagdag pa niya.
Samantala ay nagpaalam si Lindsey kay Avery na may hihiramin lang siyang libro sa library dahil hindi niya iyon mahanap sa library sa mansion nina Avery. Tamad na tumango si Avery tiyaka siya lumabas ng university dahil wala pa ang sundo nila. Maaga rin kasing nag dismiss ang kanyang professor kaya naglakad-lakad siya sa university hanggang sa may nakita siyang tuta sa gilid ng university nila.
Tumingin siya sa paligid dahil walang halos bahay o kaya establisyemento sa parteng iyon dahil sa kabilang side halos lahat ng mga building dahil doon malapit ang ilang university na malapit sa kanilang university. Hindi niya mapigilan ang pag ngisi dahil para bang pinapaburan siya ng tadhana dahil parang kagabi lang ay malungkot ang isang parte ng sistema niya dahil wala siyang bagong nilalagay na picture.
Unti-unti siyang lumapit sa isang pusa na nagtatago sa mga kahon at mukhang nanghihina. Umupo sa tapat ng pusa si Avery tiyaka niya marahan na hinahaplos ang ulo ng pusa. Dahil sa panghihina ay halos walang imik ang pusa. Napapapikit-pikit pa ito na para bang inaantok.
“Nahihirapan ka na ba?” Tanong ni Avery habang nakanguso na kunwari ay naawa sa kuting na hinahaplos niya. Kung makikita siya ng ibang tao ay panigurado iisipin nila na concern sa kuting ang itsura ni Avery pero ang hindi nila alam ay may plano na si Avery na patayin ito.
“Meow.” Sagot ng kuting na para bang sumagot siya sa sinabi ni Avery. Mula sa pagkakanguso ay unti-unting sumilay ang ngisi sa labi ni Avery na maging ang pusa ay natakot doon kaya siniksik niya ang kanyang sarili sa maliit na kahon.
Gamit ang isang kamay ay kinuha niya sa kanyang bulsa ang pocket knife na karaniwan niyang ginagamit sa pagkatay ng tao. Hindi niya dala ang pinakamahal at pinakapaborito niya dahil sa tamang tao niya gagamitin iyon.
Napakabilis ni Avery na saksakin ang tiyan ng kawawang pusa na maging ang kuting ay hindi niya inaasahan na sasakin siya ni Avery kaya umimpit na sigaw ang kuting bago nito sinara ang kanyang mata. Napangisi si Avery nang dumaloy na ang dugo sa kanyang kamay. Unti-unti na rin dumaloy ang dugo sa buhanginan.
Binitawan niya ang pocket knife sa tabi at kukunin na sana niya ang kanyang cellphone para kuhanan ng litrato ang kawawang kuting nang makaramdam siya ng isang pamilyar na boses kaya naging alerto ang kanyang katawan.
“Are you sure you're not smoking with them?” Tanong ng pamilyar na boses.
Napakagat sa labi si Avery tiyaka niya pasimpleng sinilip kung sino pa ang kasama ni Elisa dahil base sa kanyang pakiramdam ay dalawa silang naglalakad palapit sa kanya. Nakita niya sa gilid ng kanyang mata na kasama niya si Oliver kaya napapikit ng mariin si Avery.
“Oh my gosh!” Sigaw ni Elisa habang nakatingin sa duguan na kuting habang nakatingin sa babaeng pamilyar sa kanya kahit na natatakpan nito ang kanyang buhok ay alam niyang si Avery iyon dahil sa uri ng kanyagn pananamit.
“Avery?” Dinig niyang pagtawag ni Oliver.