CHAPTER 28

2833 Words
CHAPTER 28 “That fcking bitch.” Inis na sambit ni Marina nang makababa na si Avery, gusto pa niya sanang babaan si Avery kaya lang ay hinila siya paupo ni Samuel pagkatapos ay pinaandar na ni Oliver ang kanyang sasakyan bago pa man makagawa pa ng eksena ang kanyang pinsan at pare-pareho silang mapaalis sa subdivision nina Avery. “Calm down, Marina.” Wika ni Oliver habang nagmamaneho siya tiyaka niya mabilis na sinulyapan ang kanyang pinsan. “What? You’re taking her side now?!” Hindi makapaniwala na tanong ni Marina sa kanyang pinsan. Napasinghap si Samuel dahil sa katigasan ni Marina tiyaka na lang siya napapikit dahil marami-rami rin silang nainom ni Henry kaya nga bagsak ang kaibigan niya ngayon. Ayaw na niya rin makisali sa sagutan ng dalawang magpinsan dahil hindi niya kinakaya ang kakulitan ni Marina. “I’m not taking her side.” Kalmado ang pagkakasabi ni Oliver. “I’m worried about you.” Iyon ang totoo dahil kapag gumawa pa ng eksena ang kanyang pinsan dahil baka ito lang ang mapahamak sa huli. “What?” Hindi makapaniwalang tanong pa ni Marina dahil sa sinabi ng kanyang pinsan ay nagmumukhang wala siyang kaya kay Avery na para bang nagmumukha siyang talunan kapag may nangyari man na ‘eksena’ na sinasabi ni Oliver. “You think I'm a loser?” Hindi niya mapigilan na sabihin ng malakas kung ano man ang tumatakbo sa isipan niya. Napailing si Samuel dahil sa sinabi ni Marina tiyaka niya nilagay ang kanyang kamay sa kanyang mata na napapikit, sinusubukan na matulog kahit saglit para maibsan kahit papaano ang kaunting pagkahilo niya. Hindi talaga maintindihan ni Samuel kung paano naging magkadugo sina Oliver tiyaka si Marina, kung edad lang ang basehan ay hindi magkakalayo ang edad nila pero sa pag-iisip ay tila napag-iiwanan si Marina. Typical rich spoiled brat kids. “Marina, that’s not what I meant.” Suminghap si Oliver dahil minsan ay iba talaga ang pagkakaintindi ng kanyang pinsan kahit na wala naman masama sa sinasabi niya ay madalas minamasa iyon ni Marina. “What do you mean, then?!” Hindi mapigilan ni Marina ang inis sa boses niya. Napahilot si Oliver sa kanyang noo dahil sa stress na nakukuha niya ngayon sa kanyang pinsan. Parang gumising ang pinsan niya ngayong araw—hindi lang pala ngayon kung hindi araw-araw na magbwisit sa mundo. “We’re inside their subdivision, Marina. We’re the outsider here.” Pagpapaliwanag ni Oliver dahil nagbabakasakali siya na sa sinabi niyang iyon ay malinawan na ang kanyang pinsan sa kanyang gustong iparating. “And so?!” Pero bahagya siyang napailing dahil mukhang hindi pa rin pala naintindihan ni Marina kung ano ang pinupunto niya. “Why? You’re afraid that you might get banned from going inside their subdivision? Nagbabalak ka pa bang pumunta sa bahay nila? Nagbabalak ka pa ba na ihatid siya?” Pagpaparatang ni Marina sa kanyang pinsan at lalong namuo ang inis sa kanyang sistema lalo na’t naalala niya ngayon ang kanyang kaibigan na walang kamuwang-muwang sa nangyayari ngayon. At hindi niya alam kung kaya niyang sabihin ang nangyari ngayong gabi kay Elisa dahil baka mag-isip siya ng kakaiba tungkol kay Avery at Oliver. Alam niyang dapat niyang sabihin pero hindi niya alam kung paano niya iyon sasabihin. Alam niya na kahit hindi sabihin ni Elisa ay nagseselos ang kanyang kaibigan kay Avery. Kasi nakikita rin ni Elisa kung anong nakikita niya kapag kausap ni Oliver si Avery, may kakaiba sa awra niya na hindi nila maipaliwanag o kaya nilang ipaliwanag ang kaso nga lang ay hindi nila matanggap na ganoon nga ang nararamdaman ni Oliver sa bruhang si Avery. Maingay na suminghap si Samuel habang nakapikit at nakatakip pa rin ang kanyang kamay sa mata nito kaya kaagad siyang sinamaan ng tingin ni Marina kahit na alam niyang hindi siya nakikita ni Samuel pero alam niyang mararamdaman niya ang titig nito. Hindi nga siya nagkamali dahil ramdam ni Samuel ang matatalim na tingin ng dalaga sa kanya kaya napailing na lang siya. Pagod na siyang makipag-away kay Marina, parang kapag nag-away sila ay siya na lang ang susuko hindi dahil mali siya kung hindi dahil pagod na siyang magpaliwanag at para bang nagsasayang na lang siya ng laway dahil kahit anong sabihin niya ay alam niya pa rin na ipipilit pa rin ni Marina nag baluktot niyang paniniwala. Kagaya na lang ng ginagawa ng kanyang kaibigan na si Oliver ngayon na pilit pinapaintindi sa kanyang pinsan ang punto niya. “That’s not what I meant,” Pagod na wika ni Oliver sa kanyang pinsan. “Ang gusto kong sabihin sa iyo na malaki ang mansyon nina Avery. Do you think she live alone?” Pagtatanong ni Oliver sa kanyang pinsan. Kumunot ang noo ni Marina dahil hindi niya pa rin maintindihan ang kanyang pinsan at lalo lang nitong pinapasakit ang kumikirot niyang ulo. “The hell I care if she’s living alone or not?” Marina also exaggerated her expression. Huminga ng malalim si Oliver para habaan pa ang pasensya niya sa kanyang pinsan. “Bro, diretsuhin mo na lang ang gusto mong sabihin sa kanya kasi hinahaluhan niya ng ibang meaning.” Pagod na sambit ni Samuel dahil kahit na gusto niyang umidlip ay hindi niya magawa dahil ang ingay ng dalagang katabi niya. Mabuti pa nga si Henry ay malalim na ang kanyang tulong, ang swerte nito dahil hindi siya naririndi sa boses ni Marina. “She’s too noisy.” Dagdag pa nito kaya sinamaan ulit siya ng tingin ni Marina. “Why do you care ba?” Inis na tanong ni Marina kay Samuel na akala mo ay boss kung makapag-tanong. “For your information, this is my car so if you don’t want to be with me.” Huminto si Samuel pagkatapos ay inalis ang kanyang kamay sa mga mata nito tiyaka siya nagmulat para salubungin ang tingin ng dalaga. “Feel free to jump outside.” Dagdag pa niya tiyaka niya tinuro ang bukasan ng pinto para mabuksan ito ni Marina. “You two, stop.” Pagbabawal ni Oliver dahil ayaw naman niya na sila ang mag-away at marindi na rin siya sa boses ng kanyang pinsan. “Hindi malabo na magkasama sa iisang bahay ang lolo niya at si Avery. Kung gumawa ka man ng eksena sa tapat mismo ng bahay nila ay baka hindi ka lang sa subdivision nila ma-banned kung hindi pati na rin sa university.” Pagpapaliwanag ni Oliver kaya natahimik si Marina tiyaka niya pa lang naalala na chairman nga pala ng university ang lolo ng bruhang Avery na iyon. Naging tahimik na muli ang kanilang biyahe habang papunta naman sa condo ni Samuel, sinabi kasi niya kanina na condo niya rin matutulog si Henry dahil paniguradong malalagot ito sa kanyang ina kapag umuwi siyang ganito. Habang ipapauwi naman niya ang kotse niya kay Oliver para may masakyan siya pauwi at kukunin na lang nila bukas ni Henry dahil nasa parking lot ng kanyang condo ang sasakyan ng kaibigan. “Hey, move your head!” Inis na sabi ni Marina nang tumama ang ulo ni Samuel sa balikat niya kaya marahan niya ring ginalaw ang kanyang balikat para magising ang lalaki pero nakahalukipkip lang ang dalawang kamay ni Samuel sa ilalim ng kanyang dibdib at nakatulog na kaya hindi na siya nagising doon. Suminghap si Marina at maghahanda na sana siya na sumigaw para suwayin si Samuel na ang bigat ng kanyang ulo na nakapatong sa kanyang balikat, ang kaso nga lang ay napatingin siya sa rear mirror kung saan nakatingin sa kanya si Oliver tiyaka marahan na umiling para pagbawalan siya sa kung ano man ang naisip niya. “What?” Halos ibulong na lang iyon ni Marina dahil hindi siya makapaniwala. “Just let him rest a bit, malapit na tayo.” Wika niya sa kanyang pinsan dahil sigurado siya na ganito rin ang gagawin ng dalawa niyang kaibigan kapag siya ang nasa pwesto ng mga ito. “Fine!” Inis na pag-agree ni Marina tiyaka niya inikutan ng mata si Oliver. Nakangising pumasok si Avery sa kanilang mansyon dahil alam niyang konting kalabit pa kay Oliver ay bibigay na ito sa kanya. Iniisip niya kung paano ang break-up scene ng dalawa? Maganda sana kung sa university mismo para makita niya dahil maghihinayang siya kung maghiwalay ang dalawa na hindi man lang niya nakikita sa dalawang mata niya. “Apo,” Tumayo ang kanyang lolo sa pagkakaupo nito sa sofa, ganon din ang ibang kasambahay at ang mga driver at iilan na bodyguard nila na mukhang hinihintay ang kanyang pagdating. Bakas ang pag-aalala sa mga mata ng kanyang lolo pero nginisian niya lang ito pero kahit na ganun ang ipakita ni Avery ay walang makikitang emosyon sa kanyang mga mata. “Lo,” Tanging sambit niya bilang pagbati sa matanda. Mukhang kasama niya ang iilan nilang kasama sa bahay para hintayin siya, nandoon pa si Lindsey na mukhang inaantok na pero hinintay pa rin ang pagdating niya. Hindi alam ng kanyang lolo kung paano niya tatanungin ang kanyang apo kung may nangyari bang kakaiba dahil alam niyang normal lang naman iyon sa kanyang apo. Tiningnan niya ang damit nito pati na rin ang kanyang sapatos. Lumapit din si Lindsey para tignan niya ang kanyang kaibigan. Tamad lang silang pinagmamasdan ni Avery tiyaka niya nilagay sa magkabilang side ang kamay niya na para bang handa siyang magpakapa sa dalawa dahil masyadong obvious ang pagtingin nila sa kanyang damit. Halos makahinga naman ng maluwag si Lindsey pati na rin si Alejandro dahil walang nakitaan na bakas ng dugo ang kanyang damit maging ang kanyang sapatos pero nakaisip naman si Avery nang sasabihin para asarin ang dalawang pagod na naghintay sa kanya. “Are you sure you didn’t see blood?” Sabay na nawala ang ngiti ni Lindsey maging ang lolo ni Avery dahil sa kanyang tinuran. “I’m wearing a black dress and a black boots plus it’s already night. How could you be sure that there’s no blood stain on my dress nor my boots?” Ngumisi pa siya lalo nang mapansin niyang bahagyang nag-panic ang dalawa. Kahit na ganito ang kalagayan ni Avery ay nagpapasalamat pa rin siya dahil hindi siya katulad ng normal na tao na kaagad mong makikitaan ng emosyon. Masyado silang obvious kapag gusto o hindi nila gusto ang isang bagay. O kaya naman ay kinakabahan o natatakot sila sa kanilang nakikita o naririnig. Kaya hindi niya rin maiwasan na mag-enjoy habang pinapanood niyang magpalit ng emosyon ang mga tao sa paligid niya dahil nakakatuwa nga naman ang mga itsura nila. Minsan dahil sa emosyon na nararamdaman nila ay pumapanget ito sa kanyang paningin kaya kahit na tignan siya ng ibang tao habang nawewerduhan kung bakit siya tumatawang mag-isa ay wala siyang pakialam dahil katawa-tawa naman talaga ang mga itsura nila. “Wha-what do you mean, apo?” Kagaya ngayon, bakas ang kaba sa kanyang lolo imbis na dapat ay maguluhan ang kanyang ipakitang emosyon dahil sa kanyang pagtatanong pero kabado siya. Ang gusto rin ni Avery sa kanyang sarili ay madali niyang ma-sense kung kabado ang isang tao o hindi. Kaya nag-enjoy siyang pagtripan ang mga taong kabado palagi dahil mukha silang ewan na bigla nalang natataranta kagaya ni Lindsey. “I’m just kidding.” Tiyaka siya tumawa pero dahil gabi na ay ang tawa na lang niya ang umalingawngaw sa buong mansyon dahil umawang ang labi nina Lindsey, hindi nila lubos akalain na nagbibiro lang si Avery dahil kabadong-kabado na sila kanina kung ano man ang ginawa niyang eksena. “Nothing much happened.” Sambit niya dahil iyon ang totoo. “So boring.” She shrugged her shoulders since she was really bored hearing just arguments and not involving physical fights to have a thrill. “Anyway, we can all sleep at peace now.” Ngiti niya tiyaka siya taas noong umakyat sa malaki nilang hagdan papunta sa kanyang kwarto. Pagkapasok niya ay kaagad na siyang nagshower tiyaka niya sinuot ang black na robe niya. Pagkatapos ay umupo siya habang nakatingin sa vanity mirror at bino-blower ang kanyang buhok. Wala lang siyang emosyon na nakatitig doon habang nag-iisip ng mga susunod niyang gagawin habang pinapatuyo niya ang kanyang buhok. Napatingin siya sa pader niya kung saan nakadikit doon ang mga koleksiyon niya, isang linggo na rin bago siya nakadagdag doon. Mukhang kailangan na niya yatang magdagdag dahil parang nawawalan ng buhay ang kanyang pader kapag wala siyang nakikitang bago. Nang matuyo ang kanyang buhok ay tumayo siya at nilapitan ang mga kinuhanan niya ng litrato tiyaka niya marahan na hinawakan ang iba. Kaagad na nagniningning ang kanyang mga mata habang nakatingin sa mga dugo na nasa picture. Pula. Kahit na gaano niya man kamahal ang kulay itim ay alam niyang kikinang lang ang kanyang mga mata sa kulay pula…kung ito ay dugo. Kaygandang pagmasdan ng dugo ng mga hayop na kinatay at kinuhanan niya ng litrato. Kada litratong nakikita niya ay nag-flash sa kanyang isipan kung paano niya ito kinatay, kung paano dumaloy ang dugo sa kanyang mga kamay, at kung paano impit na sumisigaw ang tutang pinapatay niya. “Pasensya na kayo ha?” Sambit niya habang tinitignan ang mga larawan. “Deserve niyo naman.” Sambit pa niya pagkatapos ay naglakad siya papunta sa gitna kung sana may isang space na walang nakasabit na picture kahit na halos mapuno na ang kanyang pader. Hinaplos niya ang magaspang na pader habang iniisip kung kailan kaya niya maisasakatuparan ang gusto niyang mangyari sa espasyo na iyon. Halos hindi na siya makapaghintay pero kailangan niya munang kuhanin ang loob ng lalaki at kinakailangan niyang planuhing mabuti dahil ayaw naman niyang mabuhay sa loob ng kulungan. Hindi bagay ang kanyang kagandahan kung nakakulong lang siya habang nabubuhay siya. Sayang ang ganda niya kung hindi niya ito ipinapakita sa buong mundo. Tiyaka, alam niyang malaking kontrebersya kapag nakulong man siya. Hindi lang dahil sikat siya na manunulat at isang public figure sa social media kung hindi dahil apo siya ng chairman ng La Medicina. Tiyaka, ayaw niya rin na magdiwang ang kanyang mga basher sa oras na makulong siya. Ang nasa isip niya ngayon ay mas mabuti pang mamatay na lang din siya kung makukulong lang siya. Pero dahil alam niyang hindi pa siya nagkakamali sa buong buhay niya ay hindi papalpak ang gusto niya kaya kailangan niya itong planuhin mabuti dahil hindi lang maliit na hayop ang papatayin niya kung hindi ang pinakamataas na uri ng hayop—isang tao. Kinuha niya sa isang lamesa ang pocket knife niya tiyaka niya ito pinaglaruan sa kanyang kamay habang nakatingin sa pader na may espasyo na tila ba hinihintay nito ang frame na isasabit ni Avery. Kailangan niyang pag-isipan mabuti kung paano niya papatayin si Oliver at ang unang hakbang lang don ay mapalapit sa lalaki at mapa-ibig niya ito sa kanya. Bahagya siyang natawa dahil sa pandidiri. Pag-ibig. Mga tangang tao lang ang naniniwala at nakakaramdam sa pagmamahal na iyon. Mga taong ayaw na minamanipula pero hindi nila alam na sa oras na magmahal sila ay namamanipula na sila ng pag-ibig. Mga tanga! Ngunit kailangan niyang gawin iyon dahil kailangan niyang makuha ng buo ang tiwala ni Oliver. Paano nga ba naman niya mapapasama kahit saan ang lalaki kung wala siyang tiwala rito. Hininto niyang paglaruan ang kanyang pocket knife pero nilabas niya ang patalim nito tiyaka niya ito tinitignan. Ito ang pocket knife na paborito niya sa lahat ng pocket knife niya at hindi niya pa ito nagagamit kaya naman kitang-kita ang kanyang repleksyon dito na para bang isa itong salamin. Napangisi siya dahil ngayon ay alam na niya kung saan niya gagamitin ang paborito niyang pocket knife. Hindi lang siya obsess sa pagkolekta ng mga picture ng mga hayop na pinatay niya, mapa-aso o pusa, daga o kahit ano pang nakita niya at napagtripan niyang patayin. Obsess din siya sa pagkolekta ng pocket knife dahil sa kanyang paniniwala na kung wala ang bagay na iyon ay wala siyang maididikit sa kanyang pader at para bang naging kakambal na niya ang pocket knife at palagi niyang dala-dala sa kanyang bulsa saan man siya magpunta. Maging sa university, hindi siya pinagbabawalan ng guard dahil sa posisyon ng kanyang lolo. Nakiusap lang sa kanya na huwag itong ipakita sa ibang mga estudyante. Madali lang naman siyang kausap pero madalas ay madali lang din naman niyang tapusin at huwag sumunod sa pakiusap na iyon. Hinagod niya ang kanyang pocket knife sa bakanteng pader, gumuhit siya ng mga letra na binubuo ng pangalan ni Oliver, alam niyang matatakpan naman iyon ng frame. “Oliver…” Bulong niya pagkataipos niyang iukit ang pangalan ng binata sa espasyo ng kanyang pader. “Even your name makes me crave for your liver.” Bulong ni Avery tiyaka ngumisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD