CHAPTER 30

2842 Words
CHAPTER 30 “Bro, smoke?” Pagyaya ni Samuel kay Oliver dahil bigla silang na-stress ni Henry sa surprise quiz na one hundred items, may naisagot naman sila pero alam nilang marami silang mali dahil hindi sila nakapag-aral. “Hindi ako naninigarilyo.” Sagot ni Oliver habang naglalakad sila sa may hallway. Ayaw kasi ng nanay niya ang amoy ng sigarilyo kaya hindi kailanman sumubok si Oliver tiyaka isa pa, alam niyang ikapapahamak niya lang ang paninigarilyo kaya kahit na tikim ay hindi niya hinayayaan na lumapat ang sigarilyo sa kanyang labi. “Samahan mo na lang kami sa gilid ng university.” Anyaya ni Henry tiyaka niya inakbayan si Oliver para kaladkarin niya kasama nila kaya kaaad din umakbay si Samuel para walang kawala ang kanilang kaibigan. Walang magawa si Oliver kung hindi samahan ang kanyang mga kaibigan na pumunta sa gilid ng university para makapanigarilyo sila. Hindi naman palaging naninigarilyo ang kanyang mga kaibigan, siguro ay kapag stress or frustrated lang sila sa isang bagay tiyaka sila naninigarilyo kagaya na lang ngayon. “Buti hindi kayo sa likod ng university?” Tanong ni Oliver habang pare-pareho silang nakasandal sa pader habang nakatayo sila. Malayo ng ilang metro si Oliver sa dalawang kaibigan para hindi siya mag-amoy usok ng sigarilyo at hindi niya malanghap ang usok ng dalawa. Tinanong niya iyon dahil alam niyang halos lahat ng med student na naninigarilyo ay sa likuran ng university sila bumubuga ng usok kagaya noong isa niyang pinsan. Nakwento kasi ng pinsan niya iyon, hindi naman in-allowed ng university na mag smoke ang mga estudyante lalo na’t maraming mga laboratory na maging dahilan pa ng aksidente pero dahil malayo ang dulo ng university sa mga laboratory at maging sa hospital ng university ay walang masyadong naliligaw na professor doon kaya iyon ang napili na smoking area ng mga med student. “Mga med student naman ang mga naninigarilyo don.” Sagot ni Henry. Doon kasi malapit ang isang building ng mga med student. “Baka kapag nakita ko silang stress sa med school habang naninigarilyo ay hindi na ako tutuloy sa med school.” Umiling na sambit ni Samuel kaya napatango si Henry bilang pag sang-ayon. “Panigurado mga stress lang sa studies o sa buhay nila kaya sila naninigarilyo.” Dagdag ni Henry. “Baka sa buhay lang nila, hindi sa med school.” Sambit ni Oliver para hindi gaanong panghinaan ng loob sa pagpasok ng med school ang kanyang kaibigan. Kasi siya ay panigurado ng magtatrabaho na pagkatapos ng college dahil kailangan na niyang matulungan sa gastusin ang kanyang mga magulang at paniguradong third year college na ang kanyang kapatid na si Lianna non. Mas malaking gastos dahil gusto niya talagang maging doctor kaya kailangan niyang pag-ipunan ang pag-aaral ng kanyang kapatid. Pareho lang sila ng pangarap ni Lianna na maging doctor, kung may choice nga lang siya ay itutuloy niya sa med school pagkatapos niya sa pag-aaral ng nursing ang kaso nga lang ay alam naman niya na hindi sapat ang pera ng kanyang magulang para pag-aralin siya sa mahal na kurso tapos ay kolehiyo pa ang kanyang kapatid. Tama nga ang sinasabi nila na ang choice sa buhay ay para lang sa mga pribilehiyong tao o di kaya ay ang mga mayayaman. Katulad na lang ng dalawang niyang kaibigan na may choice sila na pumasok sa med school o di kaya ay mag-iba ang landas nila pagka-graduate ng nursing dahil may mga business sila at kumikita sila ng pera. In short, may pagbabagsakan sila sa oras na bumagsak sila sa med school. Mas gugustuhin niyang hindi na niya matupad ang kanyang pangarap basta ba matupad ng kanyang kapatid ang pangarap niyang maging doctor surgeon. Alam niyang hindi kakayanin ni Lianna na maabot ang pangarap nito kung hindi siya magtatrabaho para siya ang makapagbayad sa tuition nito. “Anyway, talaga bang nandoon si Avery noong Friday?” Hindi pa rin makapaniwala si Henry sa kinuwento sa kanya ni Samuel habang wala siyang malay. “Yeah.” Tipid na sagot ni Oliver dahil kanina pa siya tinatanong ni Henry kung totoo ba ang sinasabi ni Samuel o jino-joke time lang siya nito. “Damn!” Inis na mura ni Henry. “You did it on purpose, dude?” Pagtatanong ni Henry kay Samuel kaya sinamaan niya ng tingin ang kaibigan dahil hindi niya alam kung ano ang binibintang sa kanya ni Henry. “Did what?” Takang tanong ni Samuel dahil hindi lang quiz ang kanyang iniisip kung hindi maging ang nangyari noong Friday. Simula noong gabing iyon ay hindi na mawala sa isip nito ang pinsan ng kanyang kaibigan at hindi siya natutuwa sa kanyang sarili. “You made me drunk so you could entertain Avery alone.” Paratang ni Henry. Napailing si Samuel dahil sa bintang sa kanya ng kaibigan niya. “Your imagination is running wild.” Sambit ni Samuel habang umiiling-iling pa. Hindi na nga niya nakausap si Avery nang maayos non dahil sa makulit na pinsan ni Oliver. “She’s with Oliver and stop blaming me.” Gusto niya sanang idagdag na halos si Marina ang nakasama niya buong gabi ang kaso nga lang ay ayaw niyang asarin pa siya ni Henry. “Dude, what the fck?” Tanong ni Henry kay Oliver. “She's just confessed.” Dagdag pa nito na halos hindi pa nakaka-move on sa ginawang eksena ni Avery. “What? Don’t tell me you broke up with your girl so you could court her?” “I didn’t.” Hindi mapigilan sa boses ni Oliver ang inis dahil bakit ba halos lahat ng nakapaligid sa kanya ay pinipilit siya kay Avery? Hindi ba nila maintindihan na may girlfriend na ito? “I don’t like her.” Umawang ang labi ni Henry sa gulat dahil sa sinabi ni Oliver. “What? Avery is beautiful an-” Hindi natapos ni Henry ang papuri niya kay Avery nang bigla siyang siniko ni Samuel para patahimikin ito dahil masama na ang tingin sa kanya ni Oliver. “There’s nothing wrong with not liking her even if everyone likes her.” Mariin na sabi ni Oliver dahil bakit required na magustuhan ang isang tao dahil lang halos gusto siya ng lahat ng tao? “Dude, are you sure you don’t like her? I can see it in your eye- aww.” Mahinang daing ni Henry dahil sa pagkakataon na ito ay malakas na ang pagsiko sa kanya ni Samuel tiyaka niya ito sinamaan ng tingin dahil ramdam niyang hindi nagugustuhan ni Oliver kung ano man ang lumalabas sa bibig ni Henry. “I don’t like her.” Punong-puno ng kumbensyon na sagot ni Oliver sa kanya. Bakit ba pinipilit ng halos lahat ng taong nakapaligid sa kanya na gusto niya si Avery kahit na hindi naman niya ito gusto? Bakit ba alam pa nila sa kanya na nakakaramdam sa sarili niya na hindi niya gusto si Avery? Hindi niya gusto ang dalaga. Iyan ang palagi niyang tinatatak sa utak niya kahit na minsan ay pinagtataksilan siya ng sa may bandang dibdib niya. At hindi niya pwedeng gustuhin si Avery dahil nag-usap na sila ng kanyang pinsan tungkol doon. Tiyaka isa pa, may girlfriend siya. Malabong magkagusto ang isang lalaki sa iba kapag may kasintahan na ito maliban na lang kung… Pinilig niya ang kanyang ulo sa kanyang naiisip dahil bakit naniniwala na siya sa mga sinasabi ng mga taong nakapaligid sa kanya? Ang mabuti na lang ay iniba ni Samuel ang usapan kaya nakahinga siya ng maluwag. Naka-isang sigarilyo lang ang kanyang mga kaibigan tiyaka na ulit sila bumalik ng campus. Nagpabango na rin sila pati na rin si Oliver para hindi sila mag-amoy usok ng sigarilyo. Ngumuya na rin ng gum ang dalawa niyang kaibigan para hindi masyadong maamoy ang sigarilyo sa kanila. “You b***h!” Sinubukan sampalin ni Alice si Marina ang kaso nga lang ay kaagad iyon na naharang ni Marina. Kakatapos lang ng lecture nila ngayong araw at magkikita na sana sila ng kanyang pinsan sa lobby ang kaso nga lang ay pagkalabas na pagkalabas niya sa kanilang classroom ay kaagad na sumalubong sa kanya ang galit na galit na si Alice. Mariin ang pagkakahawak ni Marina sa kamay ni Alice pagkatapos ay mabilis at malakas niyang sinampal ang pisngi ni Alice dahilan ng pag-awang ng labi ni Alice tiyaka niya hinawakan ang pisngi na sinampal ni Marina gamit ang isa niyang kamay dahil hindi niya inaasahan na sasampalin siya ni Marina. “You slut.” Ngisi ni Marina dahil nakita niyang natigilan sa gulat si Alice. Hindi alam ni Elisa kung paano aawatin ang kanyang kaibigan at si Alice dahil alam niyang parehong mainit ang dugo nila sa isa’t-isa at baka kapag nagkasakitan sila ay siya ang masaktan. “You!” Inis na sambit ni Alice handa na sana siyang sabunutan si Marina at umawat si Elisa nang may isang kamay ang humila kay Alice para ilayo siya kay Marina ganun din naman ang isang lalaki na humawak kay Marina at halos mapatalon si Elisa nang maramdaman niya ang pagkahawak ni Oliver sa kanyang magkabilang balikat para ilayo siya sa dalawa. “Ano ba?!” Inis na tanong ni Marina kay Samuel habang pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak nito. Halos mapahilot sa sentido niya si Samuel dahil bakit niya pa naisipan na samahan ang kaibigan niyang si Oliver para sunduin ang kanyang girlfriend pati na rin ang matigas na ulo nitong pinsan. “Who are you?!” Inis na tanong naman ni Alice kay Henry dahil siya ang may hawak sa dalaga. Halos mapapikit si Henry dahil mas mabuti pang umuwi na lang siya keysa nagpatiyanod sa dalawa niyang kaibigan kung ganitong eksena lang naman ang dadatnan nila. Ang ibang estudyante naman ay nakatingin lang sa kanila. “Pwede bang umalis na lang kayo sa campus kung mag-aaway kayo?” Pikon na tanong ni Henry kay Alice kahit na hindi niya kilala iyon. “Are you okay?” Pagtatanong ni Oliver kay Elisa dahil baka aksidente siyang nasaktan ng dalawa. Bigla na lang kasi nilang napansin na halos nakaikot na ang mga estudyante at parang may pinapanood silang eksena kaya kaagad siyang nagmadali ng mapansin niya kaagad ang kanyang pinsan na siyang gumagawa ng eksena at kaagad niyang dinaluhan para hindi na lumaki pa ang away at baka madamay pa si Elisa. “Let me go! I don’t even know you! I have a boyfriend!” Sigaw ni Alice kay Henry. Kumunot ang noo ni Henry dahil sa biglaang sinabi ng dalaga kaya kaagad niyang inalis ang kanyang kamay sa pagkakahawak tiyaka niya pa ito tinaas hudyat na sumusuko siya. “Chill, I don’t even like you.” Sambit ni Henry dahil baka makuha ni Alice ang maling paniniwala dahil lang tumulong siya para awatin ang dalawa. “Let’s go.” Hindi man lang binigyan ng tiyansa ni Samuel si Marina na makapagsalita tiyaka niya ito kinaladkad palabas ng building. Dahil hindi inaasahan ni Marina ang gagawin ni Samuel ay wala siyang nagawa kung hindi sumunod sa lalaki. Nagtatakang napatingin si Henry at maging si Elisa kina Samuel at Marina na ngayon ay kakaalis lang sa eksena. Parehong kumunot ang noo nilang dalawa dahil hindi nila alam kung kailan ba naging malapit si Marina kay Samuel at ganun din ang lalaki sa babae. Tiyaka sa pagkakaalam ni Elisa, mainit ang dugo ng kanyang kaibigan sa mga kaibigan ni Oliver kaya paanong… naputol ang kanyang tanong sa isipan ng lumapit si Henry na gulat din sa nangyari sa kanyang kasintahan. “Dude, what was that?” Same. Iyon ang isang salita na nag-pop sa utak ni Elisa dahil litong-lito rin siya katulad ni Henry pero napailing lang sa tabi niya ang kanyang kasintahan tiyaka marahan na tinapik ang balikat ni Henry. “Una na kami.” Paalam ni Oliver sa kanyang kaibigan dahil baka mabanggit pa niya kung ano ang nangyari noong Biyernes. Mukhang hindi alam ni Elisa iyon at baka maging dahilan pa iyon ng pag-aaway nila kahit na wala namang ginawang masama si Oliver noon. Nasupresa si Henry sa nangyari kaya wala na siyang nagawa o nasabi man lang kung hindi panoorin sa paglalakad palayo ang dalawang magkasintahan. Nagkibit-balikat na lang siya at nagpasya na bukas na lang niya tatanungin ang kanyang mga kaibigan dahil mukhang pareho silang may tinatago sa kanya. Hindi mapigilan ni Henry na mainis sa sarili niya dahil sa pagiging low tolerance niya sa alcohol, kung hindi lang sana siya bagsak noong gabing iyon ay hindi sana siya nabibigla sa mga nangyayari at hindi sana siya nagulat sa biglaang ‘closeness’ nina Samuel at Marina. “Close na sina Samuel at Marina?” Pagtatanong ni Elisa dahil wala namang sinabi ang kanyang kaibigan tungkol doon. Ang huling natatanaan niyang sinabi ni Marina tungkol kay Samuel ay dapat siyang iwanan o iwasan ni Oliver dahil hindi siya magandang impluwensya sa binata. Tapos ngayon ay sumunod siya sa hila ni Samuel? Para kay Elisa ay hindi nagma-make sense ang nangyayari ngayon sa mga sinasabi sa kanya ni Marina. Hindi niya tuloy mapigilan na isipin na mayroong nangyari noong Biyernes. Pero bakit naman magsisinungaling si Marina sa kanya diba? Never pang nagsinungaling ang kanyang kaibigan sa kanya. “I don’t know. Nagkibit-balikat si Oliver dahil sa pagkakaalam din niya ay mainit ang dugo ng kanyang pinsan at ang kanyang kaibigan sa isa’t-isa. “Better ask Marina tomorrow.” Pinaka safe na sagot ni Oliver. Kinapa ni Oliver ang susi ng sasakyan habang naglalakad sila sa parking lot ang kaso nga lang ay kumunot ang kanyang noo nang wala siyang makapa kaya napahinto siya para kalkalin din ito sa kanyang bag. “May problema ba?” Pagtatanong ni Elisa kaya napahinto na rin siya, mukhang hindi mahanap ni Oliver kung ano man ang hinahanap niya. Nagpakawala ng malutong na mura si Oliver nang hindi niya ito mahanap sa kanyang bag kaya hindi maiwasan na mag-alala din ni Elisa. “Why? What’s wrong?” Malambing na tanong ni Elisa kay Oliver dahil baka may magawa siya. “I think I dropped the car’s key.” Sagot ni Oliver habang pilit niyang kinakapa ang kanyang bulsa umaasa na nandoon ang susi ng sasakyan pero wala talaga. “Wait for me here.” Sambit ni Oliver. “Or you can go with your driver.” Dagdag pa niya dahil baka matagalan siya. “No, I’ll come with you.” Wika ni Elisa tiyaka siya sumunod kay Oliver. Pinabayaan na lang niyang sumunod sa kanya si Elisa dahil wala na siyang oras para makipagtalo pa. Pumunta siya sa lost and found nang kanilang university. “Car key?” Pagtatanong noong babaeng nasa lost and found kaya agad na tumango si Oliver. “Wala eh.” Napasinghap si Oliver dahil sa sagot ng babae. Kung sa campus o inside the university ito nahulog malamang ay nasa lost and found center na iyon. Wala naman magnanasa sa kotse dahil halos lahat ng mga nag-aaral sa university ay mayayaman kaya kung wala sa lost and found ay isa lang ang ibig sabihin non; hindi niya nahulog ang susi sa loob ng paaralan kung hindi sa labas. Kaya mabilis siyang naglakad palabas ng university, mabilis din na nakasunod sa kanya si Elisa. Isa lang naman ang pinuntahan nila kanina noong lumabas sila ng university, sa gilid ng university kung saan nanigarilyo ang dalawa niyang kaibigan. “Why are we going there?” Pagtatanong ni Elisa dahil hindi nasabi sa kanya ni Oliver na lumabas pala sila sa unibersidad. “You go out?” Pagtatanong pa niya habang nakasunod kay Oliver. “Yeah, Henry and Samuel smoked.” Sagot ni Oliver. “Are you sure you’re not smoking with them?” Pagtatanong ni Elisa sa kasintahan habang nasa gilid na sila ng university. “Oh my gosh!” Hindi maiwasan ni Elisa na magulat at mapatakip sa kanyang bibig ng makita ang kawawang kuting sa kamay ni Avery na ngayon ay nababalot din ng dugo ang kamay ng dalaga dahil sa pusa. “Avery?” Pagtawag ni Oliver bilang paninigurado na ang dalaga iyon dahil sa uri ng pananamit niya. Alam niyang hindi siya pwedeng magkamali dahil alam ng dibdib niya ang buhok, katawan, at kamay ng dalaga. Alam niyang siya iyon dahil sa kakaibang nararamdaman niya pero gusto niya lang makasigurado dahil ano namang gagawin ni Avery dito? At may hawak pa siyang kuting na duguan. Biglang kumunot ang noo ni Oliver dahil para bang nakita na niya kung saan ang ganitong pangyayari. Hindi inaasahan ni Elisa ang paghagulgol ni Avery, tumingin sa kanila ang dalaga habang lumuluha ang kanyang mata at hawak-hawak ang pusa sa kanyang kama. Samantala, ang isa naman niyang kamay ay mabilis niyang kinuha ang pocket knife tiyaka niya iyon binulsa. “The cat just died.” Umiiyak na sambit ni Avery habang nakatingin sa dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD