CHAPTER 31

2892 Words
CHAPTER 31 “Ano bang problema mo?” Inis na tanong ni Marina kay Samuel tiyaka niya padabog na inalis ang kanyang kamay sa pagkakahawak ng binata. “Sakay.” Utos ni Samuel habang nakahawak sa pinto ng kanyang kotse. Hindi niya alam kung bakit niya ito ginagawa pero ang tanging gusto niya lang ay maiuwi si Marina sa kanila nang hindi gumagawa ng kahit anong eksena. “Anong drugs ang nahithit mo?” Inis na tanong ni Marina sa kanya dahil hindi niya maintindihan kung bakit na umaaktong ganito ang lalaki. “I will drive you home.” Kalmadong wika ni Samuel dahil kung sasalubungin niya ang init ng ulo ni Marina ay baka mag-away lang sila. “Ha? At sinong nagsabi? Who gave you permission?” Sarkastikong tanong ni Marina sa kanya. Sa pagkakaalam niya ay hindi nila gusto ang isa't-isa pero bakit bigla na lang naging ganito ang set-up nila? “Come on, I'll drive you home.” Sambit ni Samuel tiyaka niya iginagaya ang loob ng kanyang kotse para makauwi na silang pareho. Ngumiti ng sarkastiko si Marina sa kanya bago niya sinabing “No thanks, gonna wait for my cousin.” Sambit niya dahil nawiwirduhan siya sa inaakto ni Samuel sa kanya. “Oliver might know that I'll drive you home so get inside.” Kumunot ang noo ni Marina dahil sa pang-uutos ni Samuel sa kanya. “You know what? That's so lame.” Sambit niya tiyaka siya umayos ng tayo. “I was not born yesterday to think that you're not hitting on me.” Umawang ang labi ni Samuel sa sinabi ng dalaga. “And please,” Halos mapapikit si Marina na tila ba nakikiusap sa lalaki. “Do not ever manipulate or order women what they should do. We're not kids.” Inis na sambit niya dahil sa pang-uutos sa kanya ni Samuel. “I'll pity your 'future' girlfriend,” Naglagay pa ng quotation si Marina gamit ang kanyang kamay nang binanggit niya ang salitang future. “Because you're not just a playboy but also a manipulative one.” Paliwanag niya tiyaka niya iniwan na tulala si Samuel. Keysa hintayin niya pa ang kanyang pinsan at mahabol siya ni Samuel sa oras na natauhan siya ay kaagad na siyang lumabas sa parking lot ng university tiyaka niya ito pinara. Habang natulala si Samuel dahil sa sinabi ni Marina. Hindi niya rin maintindihan ang sarili niya kung bakit niya hinila at pinilit si Marina na maihatid ito sa kanilang bahay. Siguro ay narealize niya na baka hindi naman ganun ka-harsh talaga si Marina. Nasaktan siya dahil niloko siya ng ex-boyfriend niya, iyon ang sinabi ni Oliver noong kinuha niya ang kanyang sasakyan dahil na-curious siya kung bakit naghiwalay sila. At naiinis siya na sa ganoong lalaki pumatol si Marina. Sa t'wing naaalala niya ang nakita niya noong Biyernes ay hindi niya maiwasan murahin ang lalaking iyon dahil sa panloloko niya kay Marina at may lakas ng loob pa siyang lumapit sa dalaga! Ang kapal ng pagmumukha niya! Tiyaka, kung hindi niya nakita iyon ay itutuloy niya ba ang binabalak niya kay Marina? She almost got raped! At iyon siguro ang dahilan kung bakit gusto niyang maihatid ngayon ang dalaga. Para mapanatag ang kanyang loob na hindi siya susundan o balikan man lang ng lalaking iyon. Pero mukhang ayaw ni Marina ang nasasakal siya kaya bigla siyang iniwan ngayon sa parking lot habang hawak-hawak ang pinto ng kanyang kotse. Napapikit siya ng mariin tiyaka niya pabagsak na sinara iyon at pumasok sa loob. Pinakalma niya muna ang sarili niya bago siya nagdesisyon na paandarin ito. Inis na nakaupo sa taxi si Marina tiyaka niya minessage ang kanyang pinsan na mukhang walang balak na ihatid siya, mukhang tama nga ang sinabi ni Samuel na gets na ni Oliver ang simpleng tanguan nila kanina. Minessage niya rin si Elisa dahil baka hindi mag check ang kanyang pinsan ng cellphone. Tamad kasi si Oliver magreply o di kaya naman ay magbukas ng mga social media account niya dahil nasasayangan siya sa oras na ginugugol niya sa teknolohiya. Naisip tuloy ni Marina kung tinalikuran din nga ama niya ang kanyang mga lolo at lola ay magiging katulad din kaya siya ni Oliver na masyadong responsable? Nakaramdam siya ng kilabot habang in-imagine niya ang buhay niya bilang isang simpleng estudyante at anak katulad ng kanyang pinsan. Sa tingin niya ay hindi niya kayang mamuhay sa pamumuhay na meron si Oliver. Samantala ay luminga-linga si Lindsey dahil hindi niya makita si Avery sa may gate ng university, ang alam niya ay dito maghihintay ang kanyang kaibigan pero hindi niya makita. Nakita nga niya ang librong kailangan niyang basahin para magets lalo ang lesson nila ang kaso nga lang ay hindi naman niya mahanap si Avery. Kinuha niya ang kanyang cellphone para subukan na i-message si Avery ang kaso nga lang ay wala siyang natanggap na mensahe. Ayaw pa naman ni Avery na i-call siya dahil baka nasa ‘interesting part’ siya ng kanyang buhay pagkatapos ay magriring ang kanyang cellphone. Alam niyang patay siya kay Avery kapag nangyari man iyon. Hindi niya maiwasan na mag-alala sa kanyang kaibigan. Nag-aalala siya dahil baka mapahamak siya o di kaya naman ay makapahamak siya. Either way, sana walang mangyari sa kanyang kaibigan dahil kahit na madalas na siya ang makakapahamak ay may tiyansa pa rin ito na masaktan siya lalo na kapag nagkapisikalan na sila. Pumikit ng mariin si Avery dahi sa inis na may nakakita sa kanya. Wala naman siyang pakialam kung may makakita man sa kanya o wala ang kaso nga lang ay ayaw niyang makita siyang ganon ni Oliver o ang mga taong nakapaligid sa binata dahil mahihirapan siyang isakatuparan ang kanyang plano kapag nagkataon. Pagkamulat ng kanyang mata ay ang pamumuo ng mga luha na handa ng pumatak habang nakatingin sa tutang nasa kamay niya na imbis na ma-enjoy niya ang dugong dumadaloy sa kanyang kamay ay kailangan niya pang mag-acting. Hindi siya hirap mag-acting dahil noong bata pa lang siya ay in-enroll na siya ng kanyang lolo sa mga acting workshop dahil gusto niya noon maging artista dahil gusto niya ang atensyon ng mga tao. Gusto niya rin iyong iba-iba ang role niya sa mundo pero nang mag senior high school siya at sumikat siya dahil sa kanyang mga sinulat na story ay inayawan na niya ang pagiging artista dahil mahihirapan na siya sa pagpatay ng hayop kung halos lahat ng media ay nakabantay sa kanya. Kaya kagaya noong talagang kagustuhan niya noong bata pa siya na makakita ng maraming dugo, makarinig ng mga impit na sigaw o ungol mula sa mga taong malapit ng mamatay at at ang pakiramdam kung paano bubuksan ang katawan ng isang tao para makita ang mga organs nito. Humagulgol pa ito para magmukhang kapani-paniwala ang kanyang acting. Mabuti na lang at mahaba ang kanyang buhok kaya hindi masyadong kita ang mukha niya at paniguradong hindi nila nakita ang pocket knife na nasa tabi lang ng box kaya kaagad na pasimple niya itong dinampot tiyaka nilagay sa kanyang bulsa. Unti-unti siyang humarap sa dalawa habang hawak-hawak niya ang pusa sa kanyang kamay at dumadaloy ang dugo nito. Gusto man niyang sulitin ang pagkakataon na makakita siya ng dugo ng ganito pero alam niyang ipagpaliban niya muna. Halos manlabo na ang kanyang mata dahil sa luha na patuloy na pagtulo sa kanyang pisngi. “The cat just died.” Pag-iyak nito na para bang nagsusumbong ang dalawa. Umawang ang labi ni Elisa tiyaka bahagyang napangiwi dahil sa pusa. Alam niyang kailangan niyang tatagan ang kanyang sikmura dahil sa pagdating ng panahon ay hindi lamang ganun ang makikita niya. Alam niya na kapag nagduty na sila sa nursing ay mas marami pa siyang makikita na mas malala pa sa kalagayan ng pusa. At hindi lamang hayop ang makikita niya dahil mga taong sugatan at duguan ang kanyang makikita kung sakali. Palakasan ng sikmura, palakasan ng loob, at patibayan ng kaluluwa ang nursing. May mamatay mismo sa harapan mo at makikita mo ang mga kamag-anak nilang walang sawang umiiyak dahil sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay. Alam niya na kahit hindi niya pa nararanasan iyon, iniisip niya pa lang ang mga mahal niya sa buhay na mang-aagaw buhay ay sa tingin niya hindi niya iyon kakayanin. Kagaya na lang ngayon na nasa harapan niya si Avery, alam niya na hindi maganda kung ano man ang sinimulan ni Avery at alam niyang hindi maganda kung ano man ang mga iniisip niya sa dalaga noon. Pero ngayon ay mukha siyang mahina dahil nawala ang mahal nito sa buhay. Siguro ay kahit na mukhang walang puso si Avery ay may puso pa rin ito lalo na sa mga hayop. Para bang kailangan niya ring tibayan ang loob niya ngayon na nakikita niyang umiiyak si Avery dahil alam niyang marami pa siyang makikitang tao na umiiyak dahil sa pagluluksa. Lalapit na sana si Elisa kay Avery para patahanin ito ang kaso nga lang ay naunahan siya ni Oliver. Hindi alam ni Oliver kung bakit sa pag-iyak ng dalaga ay para siyang nanlalambot at gusto niya kaagad itong punasan. Kaya naman naupo siya sa tapat ni Avery na nakaupo habang hawak-hawak ang kawawang pusa tiyaka niya inayos ang buhok ni Avery na tumatakip ngayon sa kanyang mukha. “Ssshh.” Pag-alo ni Oliver tiyaka niya nilagay ang mga takas na buhok ni Avery sa likuran ng tenga nito. Halos mapairap si Avery dahil na-cringe siya sa sitwasyon niya ngayon pero tinuloy niya lang ang kanyang pag-iyak para lalong kapani-paniwala. Samantala, napaiwas ng tingin si Elisa dahil hindi niya alam kung bakit siya nakakaramdam ng kirot habang pinagmamasdan niya si Oliver na ganon makatingin kay Avery at kung gaano karahan ang kanyang kamay sa pag-aayos ng buhok ni Avery. Siguro ay sa ilang taon nilang magkasama—sa ilang buwan nilang magkasama ay hindi iya kailanman nakitaan ng ganon kalambot na ekspresyon si Oliver. Pero siguro ay kailangan niyang masanay na ganon sa ibang tao si Oliver. Lalo na at nurse ito. Sinisiksik niya na lang sa kanyang ulo na ganito rin panigurado si Oliver sa kanyang magiging pasyente. Ganito ang pag-aalaga na gagawin niya sa kanyang mga pasyente. Ganito ang karahan niya hahaplusin ang kanyang mga pasyente. Tama, hindi niya dapat minamasama iyon dahil alam niya na darating ang araw na baka may patahanin pa si Oliver dahil puno ng iyakan ang nangyayari sa hospital at hindi siya dapat magreklamo. O magselos. At makaramdam ng ganitong klaseng kirot. “Elisa, may gloves ka at wipes?” Pagtatanong ni Oliver tiyaka siya bumaling kay Elisa. Patrang natauhn si Elisa dahil sa wakas ay binalingan na siya ni Oliver kaya hindi niya maiwasan na mataranta tiyaka siya naghanap sa kanyang bag dahil alam niyang meron siyang ganoon. Kinuha niya ang gloves niya para kapag kailangan nila sa laboratory ay palagi siyang handa. Binigay na niya ito kay Oliver kaya binuksan ni Oliver iyon at sinuot niya sa kanyang kamay. Nagpapanic din na binigay ni Elisa ang kanyang wet wipes. Hinawakan ni Oliver ang kawawang pusa gamit ang kamay niyang mayroong gloves para hindi malagyan ng dugo ang kamay nito lalo na’t puting-puti pa ang suot niyang uniform tiyaka niya marahan na binitawan ito sa maliit na kahon. Binuksan niya rin ang wipes na binigay ni Elisa tiyaka niya marahan na pinunasan ang kamay ni Avery na mayroong dugo dahil sa pusa. Umiwas ng tingin si Elisa dahil hindi niya kayang tingnan ang ganong eksena. Imbis na tignan niya si Oliver kung gaano siya karahan sa pagpunas ng kamay ni Avery at kung paano siya nag-aalala sa dalaga ay mas pinili na lang niyang hanapin ang susi ng kotse kagaya ng pinunta talaga nila dito. “What happened?” Malambing ang pagtatanong ni Oliver habang nililinisan niya ang kamay ni Avery habang wala pa rin tigil sa pagtulo ang kanyang mga luha. “I-i don’t know.” Pag-iinarte ni Avery. Mayroon na siyang eksena sa kanyang isipan na habang pinupunasan siya ni Oliver ay bumuo na siya ng scenario sa kanyang isipan. “I-i saw a man here.” Pagkukwento niya sa ginawa niyang kwento sa kanyang utak. “He’s torturing the cat.” Sambit pa niya na kunwari ay nahihirapan siyang ikuwento kahit na kaya niyang ikuwento iyon nang hindi siya nasisinok dahil sa pag-iyak kuno niya. “I approached him so he wouldn’t kill the cat but I’m too late.” Iyak niya na para bang sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkamatay ng pusa. “The ca-cat died.” Nahihirapan pa na sabi nito. Pumikit ng mariin si Oliver tiyaka tumango nang makuha niya kung anong nangyari. “And the devil ran away.” Dagdag niya para hindi na magtanong si Oliver tungkol sa gawa-gawa niyang lalaki. “I-it’s it’s my fa-fault why the cat got killed.” Kunwaring pagbibintang ni Avery sa kanyang sarili. Alam niyang kasalanan naman talaga niya pero umakto siya na mayroong konsensya kahit na hindi niya man naramdaman ang salitang iyon para lang hindi siya magmukhang ka-suspet-suspetya kay Oliver. Kailangan niyang galingan ang acting niya dahil alam niyang may kakaibang nararamdaman si Oliver sa kanya. Lalo na ngayong handa niyang iwan ang kasintahan niya para lang makadalo siya kaagad sa kanya dahil pinakitaan niya lang ito ng luha. “Sshh..” Muling pagpapatahan ni Oliver. Malambing ang boses na ginamit ni Oliver lalo na’t ayaw niyang sisihin ni Avery ang sarili niya dahil wala siyang kasalanan—iyon ang pagkakaalam ni Oliver dahil naniniwala siya sa acting ng dalaga. “It’s not your fault, okay?” Marahan na wika pa nito para lang mawala ang konsensya ni Avery kahit na wala naman talaga siya non. Habang busy na pinupunasan ni Oliver ang kanyang kamay ay napatingin siya kay Elisa na ngayon ay mukhang may hinahanap o iniiwasan lang makita ni Elisa kung gaano ka-sweet ang boyfriend nito sa kanya. Hindi niya maiwasan na mapangisi pero nang naramdaman niyang magtataas ng tingin si Oliver sa kanya ay kaagad niyang inalis ang ngisi niya tiyaka pa siya suminghot-singhot. “Next time, even if I know that you’re a strong and brave woman, do not ever approach a crazy man.” Panermon ni Oliver na mukhang tapos na siya sa paglilinis ng kamay ni Avery dahil wala na siyang nakikitang dugo roon. Hindi niya maiwasan na madismaya nang makita niyang malinis na ulit ang kanyang kamay. “Hindi natin alam kung anong kaya niyang gawin sayo lalo na’t may dala pa siyang patalim. At lalo na sa lugar na walang masyadong tao o di kaya ay mga bahay.” Dagdag pa ni Oliver dahil hindi niya maiwasan na mag-aalala. Paano na lang kung hindi tumakbo ang lalaki sa halip ay sinalubong niya si Avery habang hawak-hawak niya ang kanyang patalim na ginamit sa pagsaksak sa pusa? Edi hindi lang pusa ang makikita niyang duguan at nahimatay ngayon kung hindi maging si Avery? Nakaramdam ng saya si Avery sa kanyang kaloob-looban dahil ganun lang kadaling mapaniwala si Oliver. Kung ganito kadali ay hindi siya mahihirapan na gawin ang plano niya kung bakit niya ito nilalapitan at ginugulo sa buhay. Samantala, narinig ni Elisa iyon kaya hindi niya maiwasan na makaramdam ng pait sa kanyang sistema. Pero pinilit na lang niyang intindihin si Oliver dahil alam naman niya na kapag siya ang dinatnan ni Oliver sa ganoong posisyon ay ganon din siya magre-react at nagsasabi siya ng mga salitang magpapakalma sa sistema niya. Nakahinga siya ng maluwag nang nakakita siya ng isang pamilyar na susi mula sa buhanginan mabuti na lang at hindi iyon nawala. Siguro ay dahil wala naman masyadong tao. Tumayo na si Oliver tiyaka niya inalis ang gloves para ilagay na rin sa tabi ng pusa. Kinuha niya rin ang takip ng karton para takpan ang pusa. Pagkatapos ay inalok na niya ang kamay niya kay Avery para makatayo na siya. Yumuko nasi Elisa para kuhanin ang susi. Hindi niya maiwasan na tumingin kina Avery, kumunot ang noo nito nang may mapansin siya sa kanyang bulsa pero bigla rin iyong nawala noong tumayo na si Avery, siguro ay nagma malik-mata lang siya. “I saw the key.” Tanging sambit ni Elisa nang makalapit siya sa dalawa. Napatingin ito sa kamay nilang magkahawak. Alam niyang tinulungan ni Oliver na makatayo ang dalaga pero bakit hindi pa nila binibitawan ang kamay ng isa’t-isa. Namilog ang mata ni Oliver sa gulat dahil hinahanap nga niya pala ang susi. Biglang nawala iyon sa kanyang isipan nang sandaling makita niya ang pag-iyak ni Avery. Para bang tumigil ang mga nasa paligid niya habang dinadaluhan niya si Avery at doon lang nag sink-in sa kanya na kasama nga pala niya ang kanyang kasintahan. Nang matauhan si Oliver ay kaagad siyang bumitaw sa pagkakahawak ng kamay nila ni Avery. Naramdaman iyon ni Avery kaya pasimple siyang ngumiti dahil ramdam niya ang biglaang pagiging kabado ni Oliver. Naintindihan naman niya iyon dahil nakita niya kung paano hindi pinansin ni Oliver ang kanyang kasintahan dahil lang sa ‘petty acting’ nito. “Thank you,” Ngiti niya kay Elisa kahit na kay Oliver niya sinabi iyon. “Your boyfriend is sweet and such a caring man.” Ngiti ni Avery.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD