CHAPTER 12
“Himala wala ang bruha sa kanyang upuan.” Sambit ni Marina tiyaka siya umirap pagkatapos niyang tumingin sa lamesa ni Avery. Napatingin din tuloy doon si Elisa.
“Baka sa office ng lolo niya.” Sagot ni Elisa tiyaka nagkibit-balikat dahil wala naman siyang ideya. Nagkibit-balikat na lang din si Marina.
“Anyway, bakit hindi ko nakikitang kumakain sa campus ang magaling kong pinsan?” Pagtatanong ni Marina habang kumakain sila sa canteen.
Hindi niya maiwasan na magtaka dahil ilang araw na niyang hindi nakikita si Oliver sa canteen. Hindi katulad ng ibang mag jowa, hindi palaging magkasama sina Elisa at Oliver. Ang pagkakaalam na dahilan noong una ni Marina ay dahil sa kanya. Ayaw niya kasi ang mag PDA sa harapan niya lalo na't kakagaling niya pa lang sa heartbreak kaya pinagsabihan niya ang dalawa at baka hindi niya matantiya kapag sweet sila sa harapan niya.
“Sa labas daw sila kumakain nina Samuel.” Pagsagot ni Elisa. In-update naman siya ni Oliver pero kung minsan ay nakakalimutan din ng binata dahil sa sobrang busy niya sa studies niya.
Naintindihan ni Elisa iyon dahil para naman sa future at pangarap ng kasintahan niya kaya hindi siya naging masyadong demanding na girlfriend. Ayos na siya kung ano mang meron sila ngayon at wala na siyang hihilingin pa.
“Napag-usapan na rin natin iyan.” Tinuro pa ni Marina ang kanyang kaibigan gamit ang kanyang tinodor na hawak-hawak. “Matanong ko nga, anong klaseng love language meron kayong dalawa? Hindi ba kayo sweet sa harapan ko dahil pinagbawalan ko kayo noon o ano?” Biglang natahimik si Elisa dahil sa tanong ng kaibigan.
“Alam ko na pinagbawalan ko kayo noon pero ayos lang naman na maglandian kayo sa harapan ko. Lalo na't ngayon pati mga estudyante naguguluhan kung sigle ba ang pinsan ko o hindi.” Sunod-sunod na sabi ni Marina. Alam ni Elisa iyon dahil marami na siyang naririnig na estudyante na inakalang single si Oliver kung hindi lang sisingit si Marina at sabihin na girlfriend siya ni Oliver.
“Kapag naglalakad lang ata tayo sa parking lot ko kayo nakikita.” Pagsabi ni Marina sa napapansin niya sa dalawang taong malapit sa kanya. “Ngayon nga na sa iisang university kayo nag-aaral pero parang bakit mukhang nasa magkaibang campus pa rin kayo?” Hindi niya mapigilan na magreklamo.
“Nako! Kung ako sa iyo, grab mo na iyang pinsan ko at ipagmalaki sa campus! Ipakita mo sa lahat na ikaw ang girlfriend Binibigyan na kitang basbas para maging PDA.” Natawa si Elisa sa kaibigan pero hindi niya maiwasan na malungkot.
“Bakit? May problema ba?” Hindi maiwasan na mag-alala ni Marina nang mapansin niya ang biglaang pag lungkot ng mga mata ng kanyang kaibigan.
“Wala naman.” Ngumiti ng pilit si Elisa para hindi na gawin pang big deal ni Marina iyon.
Naintindihan naman niya si Oliver, alam niya na focus siya sa pag-aaral dahil siya ang breadwinner ng pamilya tiyaka kaya naman niya rin respetuhin ang personal space ng binata. Siguro ganito talaga ang pakiramdam na maging girlfriend ng isang breadwinner kaya kailangan na lang niyang tanggapin.
At least, kahit nagkukulang man sa kanya ang binata ay hindi naman ito nagkukulang sa kanyang pamilya. Tiyaka isa pa, ang mahalaga ay hindi ito nagloloko.
“Ayaw niya.” Hindi iyon tanong. Alam kaagad ni Marina kung bakit lumungkot bigla ang kaibigan niya. “Kahit na gusto mo, ay ayaw niya.” Hindi mapigilan mainis ni Marina sa kanyang pinsan pero ito ang kauna-unahan na relasyon ni Oliver kaya wala siyang maipagkukumparahan, baka nga ganito lang siya maging kasintahan.
“Ayos lang iyon. Baka hindi ganon ang love language niya.” Dinaan na lang sa tawa ni Elisa ang pait na nararamdaman niya.
Alam niyang pwede siyang mag-demand dahil girlfriend siya pero ayaw niyang ma-pressure si Oliver. Kung gusto naman din ng lalaki, gagawa siya ng paraan pero mukhang ayaw ni Oliver nang ganoon.
“Naintindihan ko naman na ganito siya maging boyfriend tiyaka diba breadwinner siya? Susuportahan ko naman palagi siya sa pangarap niya. I won't let him choose between me and his dreams.” Ngiti ni Elisa pero napangiwi si Marina.
Kung dati ay gustong-gusto niya na maging official na sina Elisa at Oliver, ngayon ay hindi niya maiwasan magsisi na kung bakit pinaubaya niya ang kanyang kaibigan sa pinsan niyang boring.
“At kung papipiliin mo man siya, dapat piliin niya ang pangarap niya dahil kasali ka dapat doon.” Hindi agad nakapag salita si Elisa dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan, hindi siya sigurado kung ganoon ang isasagot sa kanya ni Oliver.
“Ah basta! Respetuhin na lang natin ang gusto niya na ganito. Chill lang. Para lang kaming friend.” Sambit ni Elisa pero natigilan siya dahil parang nagkamali siya sa paggamit ng 'parang' dahil mukhang friend lang talaga ang tingin sa kanya ni Oliver. Pero ngumiti agad siya para hindi na mapansin pa ni Marina iyon.
“Suportahan na lang din natin siya sa mga desisyon niya sa buhay. Ang mahalaga ay kami pa rin kahit ano man ang isipin ng ibang tao.” Ngumiti si Elisa dahil mukhang hindi lang niya sinasabi kay Marina iyon kung hindi sinasabi niya rin iyon sa kanyang sarili.
“Dito siya kumportable at ito ang gusto niya.” Kung papakinggan ni Elisa ang kanyang sarili ay tunog understanding na girlfriend siya. Pero si Marina ang nakarinig at alam niyang tunog pathetic na ang kanyang kaibigan dahil sa pagmamahal.
“Gusto niya…” Ulit ni Marina tiyaka niya pa ito pinagdiinan. “Pero paano naman ang gusto mo? Gusto mo ba nang ganito? Gusto mo ba na halos hindi man lang kayo magkasama sa campus? Gusto mo ba na kahit lunch ay hindi kayo magkasabay? Pareho lang naman tayo ng break time.” Unti-unting nawala ang ngiti ni Elisa dahil sa sinabi ng kaibigan.
“Bakit hindi mo sabihin sa kanya na gusto mong sabay kayong kumain t'wing lunch? Ni minsan hindi pa kayo nagsabay kumain!” Panenermon ni Marina dahil masyadong maluwag bilang isang girlfriend ang kanyang kaibigan.
Naalala niya ang sarili niya noon na hindi siya ganoong ka-istrikto sa ex boyfriend niya dahil iniisip niya na baka masakal ito kung sakali man o di kaya ay ma-pressure. Pinagbigyan niya palagi kahit na nawawalan bigla ng time tapos pag gising na lang niya isang umaga may iba na palang kasama ang ex boyfriend niya!
Ayaw niyang maulit ang nangyari sa kanya sa kaibigan niya. Kahit na pinsan pa niya si Oliver ay hindi siya magdadalawang isip na tadyakan ang nasa gitna ng tuhod niya sa oras na lokohin niya si Elisa.
“Naintindihan ko na pareho kayong bago sa relasyon pero hindi naman dapat na ikaw ang nag-adjust para sa kanya. Kailangan niya rin mag-adjust para sayo. Hindi na siya single, pareho na kayong hindi single. Pero kung titingnan mo ang lifestyle miyo ay mukha kayong single.” Diretsong sambit ni Marina para ipa-realize sa kaibigan niya na may mali.
“Marina, pumayag na siyang maging boyfriend ko. Tama na siguro iyon, masyado na ngang demanding noong inalok ko siya. Magdedemand pa ba ako ngayon?” Pagtatanong ni Elisa dahil hindi niya kaya na magkaroon pa sila ng misunderstanding ni Oliver at si Elisa pa ulit ang may kasalanan bandang huli.
“Hindi ka nag demand!” Inis na pagpapaalala ni Marina.
Naging magkaibigan silang dalawa dahil mabait si Elisa. Swak sila dahil baligtad ang ugali nila. Pero hindi niya nagugustuhan ngayon ang pagiging mabait ng kaibigan dahil nagmumukha na siyang tanga.
“Hindi porket sinasabi mo sa kanya ang obligasyon niya ay nagde-demand ka na! Tiyaka mahirap na iyon? Hindi naman mahirap iyon ah? Sinong mga kasama niya ngayon? Mga kaibigan niya? E pwede naman natin silang kasama ah!” Hindi na mapigilan ni Marina ang mainis dahil parang ginawa lang display ng kanyang pinsan para sa tita niya na mama ni Oliver si Elisa.
“Baka ganito lang talaga siyang maging boyfriend, Marina.” Pag-uulit at pag papaintindi ni Elisa dahil ayaw na niyang marami pang sabihin si Marina tungkol kay Oliver o di kaya ay sa relasyon nila.
Ayaw na niyang makarinig ng kung ano man na salita ni Marina dahil natatauhan siya—dahil parang unti-unti siyang nagigising sa katotohanan na baka napilitan lang talaga si Oliver na gawin siyang girlfriend.
Ayaw niya… ayaw niyang masampal ng katotohanan na iyon lang ang tanging dahilan kung bakit sila magkasintahan ngayon ni Oliver. Ayaw niyang tanggapin ang katotohanan na iyon dahil masakit sa kanya kaya mas pipiliin na lang niyang maging bulag sa pagmamahal na tinatawag niya.
“Botong-boto ako sa iyo para sa pinsan ko kasi gusto ko na maging in-laws tayo. Tiyaka isa pa, tingin ko deserve niyo ang isa’t-isa. Kasi tignan mo siya, halos nasa kanya na ang mabubuting bagay sa mundo tapos sobrang bait mo rin.” Suminghap si Marina bago niya ipagpatuloy kung ano ang sasabihin niya. “Pero ngayon, tingin ko hindi ka niya deserve. Masyado kang understanding at masyado kang mabait.”
Umiling si Elisa sa sinabi ng kaibigan.
“Deserve namin ang isa’t-isa, walang pero-pero.” Ngumiti si Elisa sa kanya. “Tiyaka, hindi naman kailangan na magkasama kami sa loob ng bente kwatro oras no!” Tumawa siya para maibsan kahit papaano ang pangamba at ang sakit sa kanyang loob. “Hindi naman sa akin umiikot ang mundo niya, ganon din ako.” Pagpapaliwanag niya sa kaibigan niya pati na rin sa kanyang sarili.
“Tsk. Tsk.” Umiling na sambit ni Marina. “Hindi naman kailangan twenty four hours kayong magkasama. O, ilang oras kayong magkasama sa isang araw? Wala man lang kalahating oras. Palagi ka ba niyang minemessage? Hindi kasi ang dami niyang ginagawa at busy siya.”
“Ikaw na ang nagsabi na busy siya kaya naintindihan ko naman. Kailangan niyang tulungan si tita sa gawaing bahay at kailangan niya rin naman mag-aral. Naintindihan ko naman kung bakit hindi niya ako minemessage.” Nagtitimpi na lang si Marina para hindi niya mabatukan ang kanyang kaibigan sa harapan niya ngayon dahil pilit na pinagtatanggol ang pinsan niyang may pagka-bobo.
“Alam mo, gagawa at gagawa iyan ng paraan para magkaroon ng oras sayo. Sige nga, kailan mo siya nakasama ng matagal?” Hamon ni Marina sa kaibigan dahil kahit minsan ay hindi niya nakitang magkasama sa campus ang dalawa. Ngumuso si Elisa habang iniisip niya kung kailan nga ba sila huling nagsama ng matagal.
“Last week.” Mahinang bulong niya noong maalala na nang mag-away sila ay iyon ang matagal na pagsasama nila.
“Oo kasi nag-away kayo at hinatid ka namin sa inyo. Ilang oras lang iyon? Isang oras? Ayos ka na sa isang oras?” Hindi mapigilan ni Marina na prangkahin ang kaibigan niya baka sakaling malinawagan siya sa kung ano man ang gusto niyang ipahiwatig.
“Ayos lang naman iyon, diba nga noong bakasyon halos maghapon naman kaming magkasama?” Pilit na pinasigla ni Elisa ang boses niya para ipakita sa kaibigan niya na hindi siya naapektuhan sa mga sinasabi nito.
“Maghapon kayong magkasama kasi alam mo ba kung bakit? Kasi pumupunta ka sa amin tiyaka mo ako yayain na pumunta sa kanila.” Nakangiwi na sagot sa kanya ni Marina. “Ikaw ang gumawa ng effort para magkasama kayo, ikaw ang gumagawa ng paraan para magkaroon kayo ng oras sa isa’t-isa, at ikaw palagi ang nag-adjust kung ano ang gusto niya, paano naman ikaw?” Muling pagtatanong ni Marina na ikinatahimik ni Elisa.
“Elisa, alam mo na botong-boto nga ako sa inyong dalawa diba? Masaya ako na masaya ka pero kapag ganitong nagmumukha kang tanga? Aba! Kahit pinsan ko pa siya ay hindi ako makakapayag.” Elisa chuckled. Parang guminhawa kahit papaano ang nararamdaman niya dahil may isang tao naman na magmamahal sa kanya at hindi na niya kailangan magmakaawa.
“Hindi ko naman sinasabi sayo na makipaghiwalay ka sa pinsan ko dahil hindi mo naman iyon at gagawin at alam ko na hindi ka magiging masaya kapag nangyari iyon.” Huminga ng malalim si Marina. “Pero sana naman matuto ka naman na magsalita sa kanya para alam niya kung ano ang nararamdaman mo. Para alam niya kung anong gusto mo, baka nga paborito mo lang na kulay ay hindi niya pa alam.”
“Kapag bakasyon na lang ulit.” Hindi mapigilan na umikot ang mga mata ni Marina dahil sa sinabi ng kaibigan. “Hindi maganda na mag-overthink tungkol sa relasyon kapag may klase. Nakaka-distract.” She chuckled.
“Mas lalo kang madi-distract kapag maraming mga katanungan diyan sa isip mo na hindi masagot-sagot.” Tinuro-turo pa siya ni Marina gamit ang hawak niyang tinidor.
“Hindi tayo pwedeng ma distract sa relationship lalo na at nasa medicine field tayo!” Sinubukan na pasiglahin ni Elisa ang hangin na namamagitan sa kanila ni Marina dahil mukhang nababadtrip talaga ang kaibigan niya sa kanyang pinsan.
“I-message mo nga ngayon kung nasaan siya.” Hamon bigla ni Marina. Nakangiti si Elisa habang iniikutan niya ng mata ang kanyang kaibigan.
“Hindi ba’t sinabi ko na na kumain sila sa labas kasama sina Samuel?” Pagpapaalala ni Elisa dahil mukhang nakalimutan ng kaibigan niya ang sinabi niya kanina.
“Isa pa iyan! Naku, iyong dating pa lang ni Samuel na iyon? Mukhang babaero na kaya ramdam ko na hindi siya magiging mabuting impluwensya riyan sa pinsan ko!” Natawa na lang si Elisa dahil sa reklamo ng kaibigan. “Pero i-message mo siya kung saang exactly sila kumakain para mapuntahan natin! O diba? Ikaw na naman ang gagawa ng effort.” Sambit ni Marina habang na pailing-iling.
Para hindi na dumada pa ang kaibigan niya ay kinuha na niya ang kanyang cellphone tiyaka minessage ang kanyang kasintahan. Binitawan niya rin iyon dahil hindi pa siya tapos kumain at hindi pa naman nagrereply si Oliver.
“Kung ako sayo, dapat paiwas mo na kay Oliver iyang Samuel na iyan. Nako!” Umiiling na sambit ni Marina. Noong una niya kasing nakita sa campus na magkakasama sila ay alam na niya kaagad ang awrahan ng isang babaero dahil minsan na siyang naloko sa mga ganoong pormahan.
“Mabait naman si Samuel. He’s funny nga eh.” Komento ni Elisa dahil nakasalubong nga nila iyon noong isang araw.
“Alam mo, sinearch ko na iyang mga f*******: ng dalawang kaibigan niya. Si Henry masyadong private ang kanyang profile but Samuel is active on social media. And his IG stories highlights? Puro nightclub!” Napailing si Elisa habang nakangiti dahil sa sinabi ni Marina.
“Hindi naman magagawang mag nightclub ni Oliver, takot lang non kay tita.” Natatawang sabi ni Elisa dahil pakiramdam niya ay kakilala niya ang lalaking kasintahan niya dahil don. Alam niya na hindi magagawa ni Oliver iyon dahil wala siyang oras para roon.
“Hindi mo sure! What if naimpluwensiyahan nga?” Pagtatanong ni Marina. “Kaya huwag kang masyadong magtiwala sa mga kaibigan ng boyfriend mo.” Pagpapayo ni Marina. “Base sa experience.” Dagdag pa niya.
Alam ni Elisa kung anong tinutukoy niya dahil ang kaibigan noong ex niyang manloloko ay pinagtakpan ang kanilang kaibigan sa ginagawa niyang pang gagago kaya naintindihan ni Elisa kung saan nanggagaling ang mga salita ni Marina. Mahirap nga naman magtiwala sa panahon ngayon.
Nagpatuloy sila sa pagkain hanggang sa naubos na ang pagkain nila ay wala siyang na-receive ne reply mula kay Oliver.
“Walang reply no?” Ngiwi ni Marina habang naglalakad sila at aksidenteng napadungaw sa cellphone ng kaibigan. “Diyan lang naman sa mga malalapit na kainan panigurado sila kakain, tara!” Anyaya niya tiyaka hinawakan ang kamay ni Elisa para bumilis sa paglalakad ang kanyang kaibigan.
“Kapag talaga may kasamang babae iyang mga iyan, ipapahiya ko sila. Tignan nila!” Inis na sabi ni Marina habang naglalakad sila palabas ng university.
Buti na lang at halos glass wall ang mga kainan kaya nakikita nila ang mga kumakain sa loob, hindi sila ganon nahirapan para hanapin kung saan kumakain sina Oliver. Tumitingin din si Elisa sa kanyang cellphone minu-minuto dahil umaasa siya na imemessage siya ng kasintahan kahit sabihin man nito na papasok na ulit sila sa university pero wala.
Habang naglalakad sila ay bumubulong si Marina kung gaano siya kainis dahil naghahanap pa sila sa ilalim ng tirik na araw. At kung anong dahilan ni Oliver para hindi man ito magreply sa mga message ni Elisa. Binubulong niya rin kung anong gagawin niya sa oras na may kasama silang kahina-hinala dahil nga wala siyang tiwala sa mga kaibigan nitong lalaki.
“Aba, malay ba natin kung bakit sila biglang nagdesisyon na kumain sa labas? Maybe they were seeing someone outside the university, perhaps, the students at the different universities near ours.” Bulong-bulong pa nito.
Naglakad pa sila paikot hanggang sa napagod si Marina tiyaka huminto muna para magpahinga.
“Wait lang. Two minutes.” Sambit niya tiyaka niya pa pinaypayan ang sarili niya dahil alam niyang namawis siya sa kakalakad. Kailangan niya pa tuloy mag-retouch pagkabalik sa university dahil sa ginawa nila.
Habang si Elisa naman ay umaasa pa rin na i-message siya ni Oliver habang nagtitingin sa paligid dahil baka makita niya si Oliver na naglalakad at tapos nang kumain pero sa halip na iyon ang makita niya ay dumako ang kanyang tingin sa isang restaurant at doon niya nakita ang kanina pa nila hinahanap.
Kumunot ang noo niya dahil hindi lang ang dalawang kaibigan nito ang kasama niya. Nagtatawanan pa sila hanggang sa makilala niya ang dalawang babae na kasama nila at ang nag-iisang babae na katabi ni Oliver. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya nang makita niya ang eksena na iyon dahil mukha silang masasayang magkakaibigan na magkakasama lang pero hindi niya alam kung saan galing ang karayom na tumutusok sa puso niya.
Kaya ba hindi siya nakapag reply ay busy siya? Kaya ba palagi silang sa labas kumakain? At kaya ba wala rin si Avery sa pwesto niya sa canteen kanina dahil sa labas sila kumakain? Hindi niya maiwasan na makaramdam ng selos dahil sa isang linggo ng pasok nila ay hindi niya man lang naranasan na magkasabay kumain ang binata pero ang babaeng kinaiinisan nilang dalawa ng kaibigan niya ay kasaba niya ito ngayon.
“Ano? Hindi pa ba nagrereply si Oliver?” Pagtatanong ni Marina. Bakas ang inis sa boses niya dahil sa tirik ng araw tapos hindi pa nagrereply ang pa-chiks niyang pinsan.
“Ha?” Biglang natauhan si Elisa tiyaka tumingin sa cellphone niya hindi niya alam kung anong gagawin niya pero nirefresh niya lang ang mga messages nila.
Kapag nakita sila panigurado ni Marina ay gagawa ng eksena ang kaibigan niya at hindi niya rin alam kung paano siya magrereact sa oras na lumapit sila sa lamesa ng binata. Hindi na siya umaasa na mareply-an pa siya ni Oliver dahil mukhang busy na makipag tawanan ang binata. Kahit na nakatalikod ito sa kanya ay alam niyang masaya siya dahil halos nagtatawanan ang mga nasa lamesa.
Halos magpasalamat si Elisa nang magchat ang President nila sa classroom na early ang lesson nila ngayon at kailangan na nilang bumalik sa classroom.
“Marina, let’s go! We need to hurry.” Sambit niya tiyaka niya hinila ang kanyang kaibigan hindi niya alam kung dahil ba ayaw niyang makita si Oliver o dahil kailangan na talaga nilang bumalik sa classroom kung hindi ay magiging absent sila.
“Ha? Bakit? Nagreply na ba?” Nagtataka na tanong ni Marina habang tumatakbo rin dahil wala siyang choice kung hindi tumakbo sa pagkakahawak ng kanyang kaibigan na mabilis na tumatakbo.
“Early lecture daw ngayon.” Sambit ni Elisa tiyaka sinubukan ipakita ang screen ng cellphone niya kung saan nakalagay ito sa group chat nila kahit alam niyang hindi makikita ni Marina iyon ng maayos dahil sa pagtakbo nila.
Pero kahit na tumatakbo sila ay para bang naiwan niya ang puso nila kung saan sila huminto kanina. Parang tumigil ito sa pagtakbo ng oras na makita niyang masayang nakikipagtawanan ang kasintahan niya sa babaeng minsan niyang pinagselosan.
At isang katanungan lang ang tumatakbo sa isipan ni Elisa “Does her boyfriend cheating on her?”