CHAPTER 27

2911 Words
CHAPTER 27 “You, b***h!” Gusto pa sanang sumugod ni Marina dahil napikon siya sa paraan ng pag-ngisi ni Avery na para bang iniinis lalo siya—well, totoo naman na iniinis lang siya ni Avery dahil pikon si Marina lalo na’t sa kanya. Pero bago pa makasugod si Marina ay kaagad na hinawakan ni Samuel ang kanyang braso para patagilin siya kaya naman binaling niya ulit ang inis niya at naalala niya ang inis niya kay Samuel kanina kaya kaagad niyang sinamaan ng tingin ang binata habang nag-enjoy naman si Avery na panoorin sila. Si Oliver naman ay napailing lang tiyaka muling inayos ang pagkakaupo ni Henry na ngayon ay nahiga ulit sa sofa. Madaling malasing si Henry, na kuwento na ni Samuel noong first day palang kay Oliver pero hindi niya alam kung bakit umiinom pa rin ito gayong palagi siyang natutumba. “Ano ba?!” Muling sigaw ni Marina habang pilit na kumakawala kay Samuel pero lalo lang hinigpitan ni Samuel ang kanyang pagkakahawak sa dalaga para hindi ito makagawa ng eksena kasama si Avery. Alam naman niya kung anong nangyari noong araw ng pasukan, narinig niya sa mga estudyante ang pag-aaway nila dahil naging talk of the campus ang eksena na iyon at ayaw niyang mangyari na gumawa pa sila ng eksena dito sa club dahil baka ma-ban sila at kahit na kasama nila si Avery ay baka maapektuhan pa pati ang pag-aaral nila sa La Medicina, medyo strict kasi ang rules, hindi pwedeng isama ang pangalan ng eskwelahan kapag gagawa sila ng eksena sa labas pero ang student ID nila ang dala-dala nila kaya hindi malabong madawit ang unibersidad. “Ano? Gagawa ka ng eksena?!” Inis na tanong ni Samuel, hindi na kinakaya ng pasensya niya ang kakulitan ni Marina, masyadong matigas ang ulo ng dalaga na maging siguro ang mahahaba ang pasensya ay mapipikon sa kanya. “Oh, eh ano naman sayo?” Inis na tanong ulit ni Marina habang pilit niyang tinatanggal ang kamay ng binata pero dahil nga wala ng pasensya si Samuel ay mahigpit na ang pagkakahawak nito kaya lalong hirap si Marina na tanggalin iyon. “Parang kanina lang takot kang gumawa ng eksena ah?” Sarkastikong tanong ni Samuel, napaawang ang labi ni Marina dahil hindi niya inaasahan na mapapansin iyon ng lalaki kaya halos wala siyang magawa kaninang hawak-hawak siya ni Hanzo. “Bakit ba ang pakialamero mo?” Inis na tanong ni Marina dahil ayaw niyang maalala ang nangyari kanina kung saan wala siyang magawa at halos manghina siya sa pagtulak kay Hanzo dahil nahihiya siyang gumawa ng eksena—dahil natatakot siya na baka husgahan siya lahat ng taong makakakita kahit wala silang alam na hindi niya rin naman ginugusto kung ano man ang ginagawa sa kanya ni Hanzo. “Sa tingin mo ba kung hindi kita pinakialaman, nasaan ka na ngayon?” Pagtatanong ni Samuel na nagpatahimik kay Marina kaya hindi na siya nag balak pa na tanggalin ang kamay ng binata sa kanya. “Malamang ay wala ka ngayon dito!” Dagdag na sermon pa ni Samuel dahil masyadong mataas ang pride ng dalaga. Kung gaano katigas ang ulo niya ay ganoon din katigas ang pride nito para hindi niya kayang ibaba ito. “Who knows where that fkcer will bring you.” Inis na sambit pa niya pero dahil sa sinabi ni Samuel ay naagaw niya ang atensyon ni Oliver habang si Avery ay nakangisi lang nanonood sa kanila habang nakahalukipkip ang dalawa niyang kamay sa ibabang dibdib niya. “What do you mean?” Kumunot ang noo ni Oliver dahil sa pagtataka. Hindi niya maiwasan na mag-alala dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan sa pinsan nito. Mariin niyang tiningnan si Marina dahil naghihintay siya na makapagpaliwanag ang pinsan pero nag-iwas siya ng tingin dahil alam niyang siya ang bubungangaan ni Oliver ngayon. “Samuel, what do you mean?” Seryosong pag-uulit ni Oliver dahil sa pag-iwas pa lang ng tingin ng kanyang pinsan ay alam niya na hindi niya ito sasabihin. “Ah,” Nag-alinlangan si Samuel kung dapat ba niyang sabihin ang nangyari kay Oliver kaya marahan siyang tumingin muna kay Marina para maghingi ng permiso pero pasimple siyang sinamaan ng tingin ni Marina tiyaka niya pasimpleng iniling ang kanyang ulo dahil alam niyang magagalit si Oliver sa oras na malaman niya kung bakit siya nasa club. Nagtiim ang bagang ni Oliver dahil mukhang maging si Samuel ay hindi niya iyon sasabihin kaya mariin niyang tiningnan ulit ang kanyang kaibigan dahil alam niyang kahit anong gawin niya ay hindi magsasabi si Marina. Matigas ang pinsan niya, halos walang makabali sa pride at paniniwala nito dahil lumaki siyang nakukuha lahat ng kanyang gusto. “Why are you here anyway?” Pagtatanong ni Oliver sa kanyang pinsan. Seryoso at madilim ang titig nito dahil panigurado ay hindi niya magugustuhan ang rason nito kaya hindi sinasabi ni Marina at alam niya rin na kaya siya nandito ay dahil sa sinasabi ng kanyang matalik na kaibigan. Kung ang ibang sulok at maging ang gitna ng bar ay nagsasaya’t nagsasayawan, kakaibang tensyon naman ang meron sa table nila dahil sa biglaang pag seryoso nila. Tanging si Avery lang ang may kayang ngumisi habang pinapanood sila at hindi niya maiwasan na mabored dahil ang boring nilang mag-away. Kung siya lang ang masusunod ay gusto niya na kanina pa nagkasakitan pisikal man o dahil sa salita ang tatlo. Bored na din siya dahil kita niya sa dalawa na walang gustong magsalita sa kanila para sagutin si Oliver na ngayon ay matiyagang naghihintay sa sagot ng dalawa. “Ba-bakit?!” Sinubukan na tapangan ni Marina ang kanyang boses na tila naghahamon sa kanyang pinsan dahil hindi lang naman siya ang nandito sa bar kung hindi pati siya. Kung ayaw ng ama niya na pumupunta siya sa ganitong mga lugar mas ayaw naman iyon ng ina ni Oliver. Tiyaka, ang entrance fee pa lang sa club ay alam niyang hindi kaya gastusan ni Oliver dahil maghihinayang siya sa kanyang pera. “I-ikaw? Bakit ka nandito? Tiyaka bakit mo kasama ang babaeng iyan?!” Pagbabalik na tanong ni Marina sa kanyang pinsan. Suminghap si Samuel na hindi pa rin bumibitaw sa pagkakahawak kay Marina. “I was the one asking you, Marina.” Parang nakikita ni Marina ang kanyang ama sa katayuan ni Oliver at kung sakali man na magising ang kanyang ama at nakita sa CCTV na tumakas siya ay baka isang linggo siyang mawalan ng gadgets o di kaya naman ay mabawasan ang allowance niya. “Why are you here?” Sinubukang tignan ni Oliver si Samuel para makakuha sana ng sagot ang kaso lang ay iniwasan siya ng tingin ng kaibigan. Ayaw makialam ni Samuel, alam niyang kaya naman niyang sabihin kung anong nangyari kanina at kung paano niya nakita si Marina ang kaso nga lang ay ayaw niyang pangunahan ang dalaga. Kahit na maldita si Marina ay nirerespeto niya pa rin ang privacy ng babae at sa tingin niya ay hindi rin ito kunportable na pag-usapan ang lalaking kasayaw niya kanina sa gitna ng dance floor. “Bakit hindi mo muna sagutin ang tanong ko para masagot ko ang tanong mo.” Hamon ni Marina kaya napasinghap si Oliver. Alam ni Marina na kung nagkita man ang kanyang pinsan at si Avery ay hindi iyon sasabihin ni Oliver at kahit halos mamatay na siya sa kakaisip na nagkita sila ni Avery ay pabor pa rin sa kanya iyon dahil ayaw niya rin namang sagutin ang tanong ng kanyang pinsan. Hinilamos ni Oliver ang kanyang kamay sa kanyang buhok dahil sa stress niya sa kanyang pinsan. Mabuti na lang at hindi nagmana ang kapatid niya kay Marina dahil kung hindi ay baka maaga siyang tubuan ng maputing buhok kung ganito palagi ang makakausap niya sa bahay araw-araw. “Okay, then.” Tunog pagsuko ni Oliver tiyaka niya kinuha ang cellphone niya sa kanyang bulsa. Ang akala ni Marina ay sumuko na ang kanyang pinsan kaya hindi niya maiwasan na mapangiti. “But I’ll call tito that you’re here.” Wika ni Oliver habang hinahanap ang contact information ng ama ni Marina para isumbong ang kanyang pinsan. “What do you think you’re doing?!” Pikon na tanong ni Marina habang sinubukan niyang lumapit kay Oliver pero dahil nakahawak pa rin sa kanya si Samuel ay nakahatak lang siya pabalik sa kanyang pwesto. “What? Maybe you’ll tell tito why you are in this place.” Inosenteng sabi ni Oliver para mapaamin ang kanyang pinsan. “Oliver!” Pagtawag ni Marina dahil para bang pinagtaksilan siya ng kanyang pinsan sa oras na ginawa niya iyon. Pero kaagad na nakaisip si Marina na ipam-blockmail din sa kanyang pinsan. “Fine!” Pagsuko niya. Tumigil sa pagpindot si Oliver tiyaka napatingin sa kanyang pinsan. “If you’ll tell it to dad, I will also tell aunt that you are here.” Ngumisi si Marina dahil mukhang na-checkmate niya si Oliver pero nawala ang ngisi ni Marina nang sumilay rin ang ngisi ni Oliver. “Deal.” Oliver cooly said kaya naguluhan si Marina kung bakit hindi man kinakabahan si Oliver sa banta niya. Sa pagkakaalam niya ay takot ang kanyang pinsan sa kanyang ina kaya bakit parang ang chill lang ni Oliver? “What?” Halos ibulong lang iyon ni Marina sa pagtataka, ang akala niya ay may alas siya laban kay Oliver pero bigla na lang nawala iyon na parang bula. “My parents already know that I am here.” Ngiti ni Oliver sa kanya. “Nagpaalam ako.” Totoo ang sinabi niya dahil nagpaalam siya sa kanyang kapatid at sa oras na itanong ng kanyang magulang ay alam niyang sasagutin sila ni Lianna. “Hindi naman ako kagaya mo na tumakas.” Pang-aasar pa nito sa kanyang pinsan kaya naningkit ang mga mata ni Marina dahil sa inis. “Now, why are you here?” Muling pagtatanong ni Oliver para bigyan tiyansa na sumagot si Marina pero hindi pa rin siya sinagot ni Marina. Napasinghap ang binata dahil alam niyang hindi ganon kadaling paamuhin si Marina. “Fine, I won’t tell tito that you re here.” Sambit ni Oliver kaya tinaas niya ang kanyang kamay na may hawak na cellphone tiyaka niya iyon nilagay ulit sa kanyang bulsa. “I will also tell them that you’re with me.” Hindi maiwasan na maakit ni Marina sa offer ni Oliver kaya huminga siya ng malalim dahil kailangan na niyang ibaba ang sarili niya para hindi siya mapagalitan sa kanyang ama. “Fine, I saw Hanzo’s friend IG story that they are here. That is why I came here.” Chill na sagot ni Marina na para bang hindi siya binastos kanina ni Hanzo. “Hanz- what?!” Hindi makapaniwala na tanong ni Oliver. Napahawak pa ito sa sentido niya dahil sa stress na nararamdaman niya sa kanyang pinsan. “That jerk ex of yours?” Paniniguradong tanong niya. Umirap si Marina tiyaka siya tumango sa tanong ni Oliver. “Marina!” Sigaw ni Oliver, hindi naman sila pinagtinginan ng ibang table dahil malakas ang music at may kanya-kanya silang ginagawa. “Are you stil into that asshole?!” Hindi mapigilan na mainis ni Oliver dahil nakita niya kung paan halos mabaliw ang kanyang pinsan sa kakaiyak tapos pumunta siya dito sa club para sa ggong iyon? Kumunot ang noo ni Samuel na tila nagulat dahil hindi niya alam na ex pala ng dalaga iyon, hindi niya alam kung bakit naramdaman din niya ang inis ni Oliver, siguro dahil hindi niya inaasahan na papatol sa ganoong klaseng lalaki si Marina. “What?” Hindi maiwasan na mapasingit ni Samuel habang hindi pa rin makapaniwala sa narinig niya tungkol kay Oliver. Hindi siya tinignan ni Marina pero dahil hawak nito ang kanyang kamay ay sapilitan niyang pinatingin ang dalaga. “That jerk that was harassing you earlier is your ex-boyfriend?” Hindi niya inakala na kung gaano kataas ang pride ng dalaga ay iyon naman ang ikinababa ang standard nito. Pinanlakihan siya ng mata ni Marina para patigilin na ito sa pagsasalita pero huli na ang lahat dahil lalong kumunot ang noo ni Oliver dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan at para bang napagduntong na niya kung ano ang pinagtatalunan nilang dalawa kanina bago siya sumingit sa usapan ng dalawa. “What the fck? That bastard harasses you?” Namuo ang galit sa sistema ni Oliver dahil sa narinig nito. Napapikit naman ng mariin si Marina dahil sa frustration niya. “Where the fck is he?” Inis na tanong ni Oliver tiyaka niya sinubukan na umalis sa table nila para hanapin ang ggong lalaking iyon. Pero iyon na ang oras ni Avery para sumingit dahil halos mapahikab na siya dahil nakakaantok mag-away ang tatlong nakapaligid sa kanya. Para sa kanya ay nag-uusap lang sila habang may murang kasama at hindi sila nag-aaway dahil ang gusto niyang makita ay ang magkapisikalan sila. Hinawakan niya ang kamay ni Oliver para hindi makaalis sa pwesto nila at hanapin si Hanzo, ginawa niya rin ito para pakalmahin ang lalaki. Hindi maiwasan na umawang ang labi ni Oliver dahil sa kakaibang epekto ng paghawak sa kanya ni Avery. Hindi iyon nakatakas sa tingin ni Marina ang itsura ni Oliver “Let just all go home, I’m tired.” Sambit ni Avery habang hindi niya inaalis ang pagkakahawak sa kamay ng lalaki. Masyado pang na-estatwa si Oliver para makagalaw at sa kauna-unahang pagkakataon ay um-agree si Marina sa sinabi ni Avery. “Mabuti pa nga.” Pagsegunda ni Samuel dahil pagod na rin siya at isa pa, hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya ngayon kaya binitawan na niya ang kamay ni Marina tiyaka siya lumapit sa isa niyang kaibigan na walang malay. Dahil sa pagtanggal ni Samuel sa kamay ni Marina ay kaagad na nagmartsa si Marina palapit kina Avery tiyaka siya dumaan sa gitna ng mga ito para mawala ang pagkakahawak ng kamay nila kaya bahagyang natawa roon si Avery pero gumitna lang sa kanila si Marina. “Why don’t you help your friend?” Sambit nito kay Oliver na ngayon pa lang natauhan kaya hindi maiwasan na kumunot ang noo ni Marina sa pinapakita ng kanyang pinsan. Masyado siyang halata na apektado siya kay Avery kaya naman hindi mawala ang ngisi sa mukha ni Avery na kinaisan ni Marina. “You already know that he has a girlfriend, right?” Inis na bulong ni Marina kay Avery dahil abala na ang dalawang lalaki na buhatin si Henry. Inirapan siya ni Avery na mukhang walang balak sagutin ang sinabi niya kaya lalong nainis si Marina. “What? Are you really that cheap?” Inis na dagdag pa niya kaya tinignan siya ni Avery gamit ang malalamig niyang mata. Marahan niyang inatras ang isa niyang kamay dahil baka kung anong gawin sa kanya ni Avery. “Why don’t you remind your cousin every fcking second so he won’t forget about him having a girlfriend? It looks like he forgot your best friend whenever he’s looking at me.” Avery smirks and feels satisfied when she sees Marina’s face. “Aba’t-” Hindi natapos ang kanyang sasabihin ng maramdaman niya ulit ang kamay ni Samuel sa kanyang pulso kaya inis niyang tinignan ang binata habang ang nasa gitna nina Samuel at Oliver ang kanilang kaibigan na si Henry dahil sa bigat. “Let’s go.” Anyaya ni Samuel dahil mukhang mag-aaway pa ang dalaga. Padabog na inalis ni Marina ang kanyang kamay tiyaka siya naunang maglakad sa exit habang si Avery naman ay dumikit kay Oliver at sabay-sabay silang naglakad palabas ng club. Binigay ni Samuel ang susi ng kanyang kotse kay Oliver pagkatapos na pagkatapos nilang ayusin ang pagkakaupo ni Henry sa likuran. Mabilis ang pagkilos ni Avery tiyaka niya binuksan ang front seat tiyaka siya naupo roon at sinarado. Inis naman si Marina dahil naunahan siya ng babae kaya padabog siyang umupo sa tabi ni Samuel at pabagsak na sinara ang pintuan. “Hey! It’s my car! You should be careful!” Paalala ni Samuel dahil maalaga siya sa kanyang sasakyan pero binagsak lang ng kanyang katabi ang pintuan. “You look like a couple.” Komento ni Avery sa dalawa para lalong asarin si Marina habang nakabaling ang ulo ni Avery sa likod para maipakita niya ang ngisi niya kay Marina. “Shut up!” Inis na sabi ni Marina sa kanya tiyaka niya sinandal ang kanyang ulo sa may bintana tiyaka ito pumikit dahil naramdaman niya ang pagsakit ng kanyang ulo hindi lamang dahil sa nainom niya kung hindi sumakit ang kanyang ulo dahil sa nangyari ngayong araw. Mabuti na lang at tumahimik si Avery sa biyahe dahil hindi niya maipagkakaila na inaantok siya dahil na rin siguro sa nainom niya kanina. Una siyang hinatid ni Oliver dahil iyon ang gusto niya at para makatulog na rin ang kanyang lolo dahil alam niya na hinihintay siya ng kanyang lolo para masiguradong hindi siya nakagawa ng gulo. “Bye my boyfriend for tonight.” Kumunot ang noo ni Marina dahil sa sinabi ni Avery sa kanyang pinsan pagkatapos ay tumingin naman si Avery kay Marina na may ngisi sa labi. “Bye, Marina.” Panunuyang paalam niya bago niya sinara ang pinto ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD