CHAPTER 5
“Una na po kami.” Pagpapaalam ni Oliver sa kanyang tito pagkatapos niyang ibigay ang susi ng kotse nila. Dumeretso na kasi si Marina sa kanyang kwarto para makapag shower at makapagbihis na rin.
“Oh? Ayaw niyo bang pahatid ko na muna kayo sa driver namin?” Pag-offer ni Mario—ang tatay ni Marina at ang tito nina Oliver at Lianna.
“Hindi na po tito, paglabas lang naman po ng subdivision sa kabilang kanto lang naman po ang bahay namin.” Nakangiting sagot ni Lianna.
Kahit na tinalikuran ng kanilang ina ang kanyang pamilya ay hindi naman pinaramdam ng mga kapatid nito ang pagmamahal nila sa kanilang pamangkin. Madalas nga kapag may okasyon ay binibigyan nila ng gadgets na magagamit sa eskwelahan o di kaya ay pera ang magkapatid na Oliver at Lianna.
“Ayaw mo ba talagang mag transfer sa La Medicina? Para hindi ka na mahirapan sa college.” Pagtatanong pa ni Mario kay Lianna dahil in-offer-an niya rin ito noon ang kaso ay hindi tinanggap ni Lian—ang kanyang kapatid at ina nina Oliver.
“Hindi na muna po tito, baka mahirapan din sina nanay sa mga gagastusin.” Bata pa lang sila ay namulat na silang dalawa ni Oliver kung gaano ka importante ang pera at kung paanong magkakuba ang magulang nila para lang matustusan ang pangangailangan nila.
“Hay nako! Mana nga kayo sa nanay niyong matigas ang ulo. Na kahit nahihirapan na simula noon ay hindi pa rin lumapit sa amin para mapatunayan niyang kaya pa rin niyang mamuhay sa ganon.” Sanay na sila kapag biglang magraranta ang Tito Mario nila dahil naintindihan din naman nila ang side niya dahil mahirap na pakawalan ang nag-iisang babae sa pamilya.
“Tandaan niyo, mga pamangkin na hindi masama ang humingi ng tulong. Hindi ko kayo in-obligahan na bayaran ang tulong na binigay ko.” Pagpapaalala niya sa kanyang mga pamangkin.
Sabay na lang tumango ang dalawang magkapatid para hindi na humaba pa ang usapan at nagpaalam na rin sila. Habang naglalakad sila pauwi ay napapansin pa rin ni Oliver kung gaano kasaya ang kapatid niya base rin sa paglalakad niya habang tinitignan ang libro niya at madalas niyang yakap-yakapin at singhot-singhutin.
“Grabe naman epekto sayo ng librong iyan.” Pang-aasar niya sa kapatid niya kaya napanguso si Lianna.
“Kuya! Ang ganda nga kasi.” Sambit ni Lianna pagkatapos ay pinakita ang libro. Kumunot ang noo ni Oliver dahil medyo magulo ang design ng book cover, magkakahalong linya pero maganda pa rin ang kinalabasan.
“Saan ba tungkol iyan?” Kinikilig na yinakap ni Lianna ang kanyang libro kaya napailing na lang ang kuya niya.
“Ang mga kwento niya ay puro love story! At ang gaganda! Number one kaya ang libro niya palagi sa book store! Pati na rin ang mga magazine kung saan siya nagmomodel! Ganon siya kalakas!” Pagmamalaki ni Lianna.
At sa hindi ulit malaman na dahilan ay napangiti si Oliver, hindi niya alam kung dahil ba sa achievements na nakuha ni Avery o dahil kung gaano kasayang magkwento ang kanyang kapatid.
“Anong pinaka paborito mong libro niya?” Pagtatanong ni Oliver sa kapatid dahil ngayon lang ulit sila nabigyan ng pagkakataon para magkwentuhan ng ganito.
Noong bakasyon kasi ay pareho silang namasukan para makatulong sa magulang nila at para na rin makapag-ipon sila ng pera nila sa pag-aaral. Lalo na si Oliver dahil nasa medical field siya, inaasahan na niyang marami siyang gagastusin kaya nagtipid siya sa buong bakasyon.
Namasukan siya bilang kargador sa palengke kasama ang kanyang ama at nakipaglabada naman sa mga kapit-bahay nila si Lianna dahil hindi pa pwedeng magtrabaho si Lianna sa kanyang edad. Mabuti na lang at naawa ang kapit-bahay nilang may kaya kaya siya ang kinuha nilang labandera.
“Heto!” Sabay pakita ng libro na hawak niya. “Ang lungkot lang dahil sa kamay mismo ng babae namatay ang pinakamamahal niya.” Pagkwento ni Lianna sa ending ng story.
“Spoiler ka naman, babasahin ko sana mamaya.” Pagbibiro ni Oliver sa kapatid pero kahit na biro iyon ay alam niyang bigla siyang na-curious kung paano at bakit naging sikat si Avery.
“Kuya? Hindi mo ba siya classmate?” Pagtatanong ni Lianna, natanaw na nila ang kanilang bahay kaya hudyat lamang iyon na malapit na sila.
Hindi katulad sa subdivision ay maraming mga bata ang naglalaro ng iba't-ibang larong kalye, naglilipana ang mga naka motor, naka bike at naka tricycle. Madalang lang din ang mga kotse dahil masikip ang daan, kung meron man ay panigurado mga naliligaw iyon.
“Hindi.” Pagsagot ni Oliver. Pero nakita niya kanina kung saan classroom ang dalaga dahil ang itim niyang suot ang titingkayad sa buong classroom at kung tadhana ang usapan, magkatabi ang room nila.
“Sayang naman! Para sana kaibiganin mo siya!” Halos mabulunan si Oliver sa sinabi ng kanyang kapatid.
Kung iisipin ang una nilang pagkikita kanina at kung paano niya nakita ang galit sa mga mata ni Avery ay malabong maging magkaibigan sila.
“Kung hindi mo lang girlfriend si ate Elisa edi sana pwede mo siyang ligawan.” Sambit ni Lianna tiyaka naunang pumasok sa kanilang bahay.
Sandali siyang natigilan dahil sa sinabi ng kapatid. May kung anong pakiramdam siyang naramdaman sa sarili niya. Ang pakiramdam na iyon ay panghihinayang.
Pero teka, bakit naman siya manghihinayang na girlfriend niya si Elisa? E maganda naman ang katangian ng dalaga.
Sa kabilang banda ay halos baligtarin na ni Avery ang computer sa harapan niya na may tatak na kagat ng mansanas dahil hindi niya makita ang kanina niya pa sinesearch.
May tumutugmang mga profile pero walang picture ang display photo at naka lock ang account, mukhang private na tao. Hindi niya tuloy malaman kung si Oliver ba talaga iyon o isang impostor.
Naiinis talaga siya sa lalaki kaya gusto niyang makita ang social media nito para makaisip ng paraan para makaganti. Pero wala siyang makalap na impormasyon sa lalaki dahil masyado itong private.
Alam niyang madali lang na tanungin ang lolo niya tungkol don pero para sa kanya kapag ginawa niya iyon ay wala ng thrill at kapag wala ng thrill ay hindi na siya interesado.
Ang thrill lang ang bumubuhay sa kanya.
Pinagmasdan niya ang mga letratong nakasabit sa pader o di kaya ay dingding. Iyon ang mga picture ng mga hayop na pinatay niya. Sa ilang taon niyang ginagawa iyon ay halos mapuno ang kanyang kwarto ng ganong picture.
At kapag nakikita niya ang lahat ng ito ay hindi niya maiwasan na matuwa dahil para itong achievements sa kanya. Ito ang thrill na sinasabi niya. Ito ang thrill na gusto niya palaging naramdaman.
Bigla siyang nanlumo ng dalawang araw na pala siyang nadagdag sa collection niya na mga picture na pinapatay niya kaya kailangan niyang maghanap ng mga hayop sa kalye. Ang kaso nga lang ay gabi na at hindi siya pinapayagan na lumabas ng kanyang lolo.
Ayaw ng kanyang lolo hindi dahil natatakot siyang mapahamak ang kanyang apo kung hindi dahil natatakot siyang makapahamak ang kanyang apo. At alam niya na kahit ang apo niya ang mali, ay kakampihan niya pa rin ito at gagamitin niya ang kayamanan at koneksyon niya para lang hindi magkasala ang apo niya sa mata ng batas.
Pero mukhang hindi kakayanin ng konsensiya niya iyon kaya mas minabuti pa na niyang magkaroon ng curfew si Avery. Para na rin sa ikakatahimik ng kanyang pag-iisip.
“Lindsey, anong maiisip mo kapag bigla na lang akong pumatay ng tao?” Kahit na may pagka-chinita si Lindsey ay hindi niya maiwasan na manlaki sa pamimilog ang kanyang mata dahil sa tanong ni Avery.
Bumaba kasi ito dahil na-stress siya sa kwarto niya. Gustong-gusto na niyang dagdagan ang mga photo collection niya ang kaso nga lang ay wala siyang mahanap na tao.
“H-ha? Fo-for stories?” Lalong kinabahan si Lindsey dahil natatakot siya bigla sa gagawin ni Avery.
Kahit na tahimik lang si Avery na mukhang malalim ang problema ay hindi dapat siya pakampante dahil magugulat na lang siya bigla sa bilis ng pagkilos ni Avery ay duguan na siya.
“What? No! Of course not!” May halong disgust pa ang sagot ni Avery da kaibigan. “Naisip ko lang kung paano tao na patayin ko since human are the highest form of an animal.” Ngumisi si Avery pagkatapos niyang sabihin iyon ngunit kinalubutan naman kaagad si Lindsey sa sinabi ng kanyang kaibigan.
“Wha-what do you mean?” Napangisi lalo si Avery nang mapansin ang panginginig ng labi ni Lindsey dahil sa takot.
“Don't worry, I won't kill you. I don't think you're worth for the frame.” Natatawang sabi niya pagkatapos ay inirapan si Lindsey.
“Fr-frame?” Utal na tanong ni Lindsey sa kanya.
Ngumiti si Avery dahil sa ganda ng ideya na pumasok sa isipan niya kanina. Alam niyang lalong magpapaganda ng kwarto niya iyon.
“I will capture the dead body and put it on a big frame.” Kwento ni Avery na may halong excitement ang kanyang boses. “And of course, I will put it on the wall.” Pag-describe niya pa.
Alam niyang babagay iyon sa kanyang kwarto na napupuno ng mga litrato ng iba't-ibang patay na hayop. Syempre, sa pinaka-gitna ang frame ng patay na katawan ng tao.
Hindi makapag hintay si Avery na mangyari iyon, nabubuhay ang kanyang katawan at handa siyang makipag p*****n para lamang makita iyon.
Iyon naman ang kaibahan ni Lindsey dahil natatakot siya hindi lamang para sa kanya kung hindi para na rin sa mga magulang niya. May maliit na bahay kasi sa gilid ng mansyon nina Avery kung saan sila nakatira. Malapit lang sila kay Avery kaya hindi malayo na isa sa kanila ang magkakasatuparan sa gusto ni Avery.
Nang gabing iyon ay nakatulog ng may ngiti sa labi si Avery habang iniisip kung sinong perfect na tao ang babagay sa frame na bibilhin niya. Naisip niya ang mga kasambahay nila o kaya ay si Lindsey mismo pero alam niyang walang thrill kapag ganon kaya hindi niya sinama sa listahan ang mga kasa-kasama niya palagi sa bahay.
Para sa kanya, madali lang patayin ang mga kasama niya sa bahay dahil kasama niya nga ito palagi. Kaya niyang patayin habang nagluluto, naglalaba o di kaya ay naglilinis habang wala silang kamalay-malay sa plano niya.
Ngunit hindi ganon ang gusto niya. Ang gusto niya ay iyong mahihirapan siya at magkaroon pa siya ng dahilan kung bakit perfect ang taong iyon para malagay sa frame.
Alam niyang isang krimen ang gagawin niya pero alam din niyang may sapat na pera at koneksyon ang kanyang lolo para roon.
“Palagi dapat naka-lock ang bahay, nay.” Hindi maiwasan na maging paranoid ni Lindsey pagkatapos niyang tignan ang lock ng kanilang bahay. Pang limang beses na niya itong chineck kaya naman nagtatakang tumingin sa kanya ang kanyang mga magulang.
“Ano bang kinakatakutan mo? E may guard naman ang mga Nieva sa gate kaya walang makakapasok na magnanakaw.” Panermon ng kanyang ina habang naglalagay ng pagkain sa lamesa para makapag-hapunan na sila.
“Basta. Kailangan palaging naka-lock ang pintuan. Wala namang may spare key dito diba?” Tanong ni Lindsey habang nasa tabi pa rin ng pintuan nila. Nag-iisip kung maglalagay pa ba siya ng isa pang lock para mas siguradong safe sila ng mga magulang niya.
Dahil maliit lang naman ang bahay na tinitirhan nila ay kita ng mag-asawa ang anak nila sa may pintuan kahit na nasa kusina na ito.
“Bakit ka ba nagkakaganyan bata ka? Halika na nga at kumain na tayo.” Anyaya ni Lindo sa kanyang anak.
Suminghap si Lindsey tiyaka lumapit sa mga magulang niya. Wala na sa oras ang pagkain nila ng hapunan dahil maraming tinatrabaho sa mansyon ang kanyang ina habang ang kanyang ama naman ay tumutulong sa mga hardinero.
Kung minsan ay sinasabay siya ni Avery kasama ang kanyang lolo sa hapunan pero konti lang ang kinakain niya para makakain pa rin siya kasama ang mga magulang niya.
“Basta nga tay! Basta kapag may narinig kayong kakaiba ay maging alerto lahat tayo.” Sambit niya tiyaka umupo sa tapat ng kanyang ina na ngayon ay werdong nakatingin sa kanya.
“Alam mo, minsan, hindi maganda ang pinapanood niyo ni Avery at nagiging paranoid ka na.” Tinuro pa siya ng kanyang ina.
Kung minsan kasi ay nakikita niya ang kanyang anak at si Avery na nanonood sa theatre room ng mga p*****n na palabas kaya siguro ganito na lang ka-paranoid ang anak niya.
Hanggang sa mahiga siya sa kanyang kama sa loob ng kanyang maliit na kwarto ay halos hindi pa rin siya makatulog. Lalo na kapag nakakarinig siya ng mga kaluskos na galing labas at mga tunog na galing lamang sa mga insekto. Iba ang pakiramdam niya lalo na't alam niyang totohanin ni Avery ang sinabi niya.
Hindi na nga siya naka pagbasa ng libro dahil alam niyang wala rin papasok sa utak niya dahil sa pag-aalala sa kanyang sarili maging na rin sa kanyang mga magulang.
Halos mahulog pa siya sa kama ng biglang tumunog ang kanyang cellphone dahil nakalimutan niya itong i-silent. Kinuha niya ito at lalo siyang halos manginig sa kaba nang makita niya kung sino ang nag message sa kanya.
Avery sent you a message.
Hindi niya alam kung dapat niya bang buksan iyon dahil baka hindi siya makatulog lalo sa kaba kapag may sinabi pang impormasyon si Avery sa kanyang gagawin na pagpatay.
Avery sent you a message.
Tumunog ulit ito. Nakadalawang beses nag text si Avery kaya kahit na ayaw niya at magpanggap siyang tulog kinabukasan ay kinakabahan pa rin siya dahil malakas ang kutob palagi ni Avery na nagpapalusot lang siya.
Pikit mata niyang binuksan ang mensahe ni Avery sa kanya.
Avery: Don't worry, I won't harm you and your family. You can sleep in peace. You're just a piece of trash that is why you're not fit on my classy picture frame.
Avery: I know you're still awake, paranoid and nervous. I might have done something, so open my message.
Avery: *sent a photo*
Avery: good night! ^o^
Halos mabitawan niya ang kanyang cellphone dahil sa picture na in-edit ni Avery. Picture iyon ng kanyang magulang na nilagyan niya ng kutsilyo at dugo-dugo.
Samantalang halos sumakit ang tiyan ni Avery sa kakatawa dahil na-imagine niya ang kabadong mukha ni Lindsey. Panigurado ang mukha ngayon ni Lindsey at mukhang natatae na ewan kaya lalong tumawa si Avery sa kalokohan na ginawa niya para sa kanyang kaibigan.
Nang matapos ang kanyang tawa ay muli siyang napatingin sa bakanteng pader sa kanyang harapan. Na kahit napapalibutan ng picture ang kanyang kwarto ay para bang alam niya na maiisip niya ang naiisip niya ngayon kaya nagtira siya ng space doon at hindi na siya makapaghintay na may masabit na larawan doon.
At alam niya kung sino ang perfect na katawan ng tao ang babagay doon.